• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:28 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Marami ng pagbabago dahil tumatanda na sila: LANI, nag-agree sa post ni REGINE na tapos na ang panahon sa music industry

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HININGAN namin ng reaksyon si Lani Misalucha tungkol sa post ni Regine Velasquez sa kanyang Tiktok account noong November kung saan sinabi ni Asia’s Songbird na alam niyang hindi na niya panahon at tapos na ang kanyang panahon sa music industry.
“Look, every one of us, tumatanda tayo. Di ba,” umpisang sinabi ng Asia’s Nightingale.
“Especially sa aming mga babae, na iba yung katawan namin compared sa katawan ng lalaki.
“Maraming mga nag-iiba sa katawan namin, sa hormones, especially kapag nandito ka na sa ‘middle age’, you know.
“Marami ng pagbabago, sa katawan namin, sa boses, kasi muscle din naman ito e, di ba?
“So yung sinasabi ni kumareng Reg na hindi na ito yung prime namin totoo din naman iyon!
“Ako rin, ganun naman din talaga, di ba? Lahat iyan… marami ng sakit, di ba? May mga sakit na sa balakang, sa tuhod.
“Lalo na ako, especially na nagkaroon na ako ng disability, nakikita niyo naman lagi akong inalalayan ni Christian kasi wala na nga akong balance.”
Si Christian Bautista ay tulad ni Lani na judge sa ‘The Clash 2025.’
Ang disability naman ni Lani ay ang pagkakaroon niya ng bacterial meningitis noong 2022 na naging dahilan upang magkadiperensiya ang kanyang pandinig.
“So mas lalo na sa akin because nga yung disability ko na partially deaf, it’s, it’s… mas mabigat para sa akin.
“So maaaring nasabi ni Reg iyon dahil nga iyon na yung mga nararamdaman niya. Hindi na kami bata e, hindi na kami bata.
Sa Tiktok ni Regine pa rin, sinabi nito na hindi na siya nakikipagkumpitensiya sa mga mas nakakabatang singers.
“And iyong sinasabi mo na makipagsabayan, hindi na rin naman namin kailangang makipagsabayan, you know,’ reaksyon ni Lani.
“Nadaanan na namin ang magagandang mga experiences sa buhay, at nabigyan kami ng magandang mga pagkakataon na nadadaanan naming lahat iyon.
“Nabigyan na kami ng magagandang, ano ang tawag mo dito? Na-meet namin ang maraming mga tao sa pamamagitan ng aming pagkanta.
“That’s enough, with that, that’s already enough for us and sa stage na ito, ako, ako ‘no, sa stage na ito sa totoo lang ine-enjoy ko na rin lang.
“Pero ako’y nagpasalamat sa Panginoong Diyos na kahit anong… no matter how I try to step away, wala e, dumarating pa rin ang mga oportunidad.
“Dumarating pa rin ang mga pagkakataon na gusto pa rin akong pakantahin.
“So iyon na lang ang malaki kong pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil may ginagawa pa rin ako ngayon.
“Kasi gusto ko naman din talaga na… ayokong sabihing pahinga pero parang kumbaga talagang mag-slow down.
“Pero hindi, e.”
Samantala, nagbabalik ang The Clash na umere ang pilot episode nitong Hunyo 8 kung saan mga hurado sina Lani, Christian at Ai Ai delas Alas at hosts naman sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Napapanood dito tuwing Linggo, 7:15 pm, ang mga baguhan o first time contestants ng The Clash na sina Adelle Yu, Carlos Florez, Divine Camposano, Jan Echavarria, Jayce San Rafael, Juary Sabith, Liafer Deloso, Leigh Atienza, Marian Pimenta, Mitzi Josh, Scarlet Yape at Venus Pelobello.
At ang twist, makalalaban nila ang mga Clashbackers; labingdalawang datihang contenders na nagmula sa mga nakaraang season ng naturang singing competition.
Ito ay sina Vilmark, Renz Robosa, Jennifer Maravilla, Arabelle dela Cruz, Nef Medina, Lyra, Bea, Liana Castillo, Zyrene Ciervo, Allain Maristela Gatdula, Tombi Romulo at Jong Madaliday.
(ROMMEL GONZALES)

Ni-reveal ang baby bump sa IG Reel…  VALEEN, buntis na sa first child nila ng asawang si RIEL

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUNTIS na sa kanyang first child ang aktres na si Valeen Montenegro.

Sa Instagram Reel ng actress-comedienne ay ni-reveal nito ang kanyang baby bump at sobrang happy ang kanyang husband na si Riel Manuel.

Caption ni Valeen: “Been keeping a little secret.”

Sa comments section, nakatanggap ang  couple ng congratulatory and heartfelt messaged mula sa celebrity friends tulad nila Megan Young, Carla Avibellana, Shaira Diaz, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Dasuri Choi, Chariz Solomon at marami pang iba.

“Isang BALITANG INANG goods news on her birthday,” Dasuri captioned sa kanyang post.

Kinasal sina Valeen and Riel noong January 2024.

***

BALIK sa kumpetisyon ang mga hindi pinalad na contestants sa unang sabak nila sa ‘The Clash.’

This season, tutungtong sa Clash Arena ang ilang dating kalahok mula sa past seasons at makikipag-compete sila sa mga fresh contestants ng The Clash 2025.

Kabilang sa mga nagbabalik ay ang mga nakapag-release na ng kanilang singles with GMA Music na sina Vilmark Viray, Jeniffer Maravilla, Jong Madaliday at Liana Castillo.

Nagbalik din sina Allain Gatdula, Arabelle Dela Cruz,  Bea Sacramento, Lyra Micolob, Nef Medina, Renz Robosa, Tombi Romulo at Zyrene Ciervo.

***

NA-MEET personally ni Pambansang Kamao Manny Pacquaio ang American actress na si Sydney Sweeney.

Nag-meet ang dalawa sa induction ni Manny sa prestigious International Boxing Hall of Fame in New York noong nakaraang June 9.

Sa isang photo, makikita si Sydney making a fist and looking at Manny.

Sumikat si Sydney sa role na Cassie sa HBO TV series na Euphoria. Lumabas din siya sa season one ng The White Lotus.

Nagbida si Sweeney sa 2023 hit rom-com na “Anyone But You” with Glen Powell.

Samantalang si Manny na lone eight-division champion in history, joined the ranks of fellow Filipinos Pancho Villa, Gabriel “Flash” Elorde, and promoter Lope Sarreal at the International Boxing Hall of Fame.

The 46-year-old boxing champ ay muling lalaban at si WBC world welterweight champion Mario Barrios ang makakaharao niya sa boxing ring sa MGM Grand Arena in Las Vegas on July 16.

(RUEL J. MENDOZA)

Alas Pilipinas makakaharap ang Vietnam sa finals ng Nations Cup

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa finals ang women’s national volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas sa Nations Cup.

Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei 25-17, 25-21, 18-25, 15-25, 15-12 sa laro ng ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng anim na dekada na makapasok sa finals ang women’s volleyball team ng bansa.

Makakaharap nila sa finals ang host country na Vietnam kung saan tiyak na ang kanilang silver medal sakaling hindi sila magtagumpay ngayon Sabado, Hunyo, 14.

Ang sinumang manalo ay siyang kuwalipikado na maglalaro sa 2026 Asian Championship.

Nonito Donaire panalo laban kay Andres Campos via technical unanimous decision

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PANALO via technical decision si The Filipino Flash Nonito Donaire Jr., laban kay Andres Campos sa katatapos na laban na ginanap sa Argentina.

Nakuha ni Donaire ang WBA interim Bantamweight title.

Nabatid na itinigil ang laban sa round 9 dahil sa Cut na tinamo ni Donaire mula sa Headbutt.

Dahil dito binase ng mga judges ang scorecard kung saan panalo si Donaire.

Sa kasalukuyan hawak ni Antonio Vargas ang WBA Bantamweight belt.

Sa darating na June 30 makakalaban ni Donaire si Daigo Higa.

Pinas, hangad na mapalawak ang agri trade sa Egypt

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng Pilipinas na mapalawak ang agricultural trade sa Egypt, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

‘They already granted us access for durian. We are hopeful they will do the same for our mangoes and bananas,” ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang kalatas.

Bilang kapalit, inilatag ng DA ang plano nito na payagan ang pagpasok ng ubas at patatas, maging ang bawang at onion-sourcing mula Egypt, kasama ang ‘information sharing at technical assistance.’

“The pest risk assessment (PRA) for both Egyptian grapes and ware potatoes, however, is still being finalized,” ang sinabi pa rin ng DA.

Ang nasabing plano ay nabuo matapos na makapulong ni Tiu Laurel si Egyptian Ambassador Nader Nabil Zaki noong nakaraang Hunyo 5.

Buwan ng Mayo, nakakuha ang ‘fresh durian’ ng Pilipinas ng official clearance para sa pag-export sa Egypt matapos ang mahigit sa dalawang taon ng technical review at bilateral efforts kasama ang DA-Bureau of Plant Industry (BPI) simula noong 2023.

Sa ngayon, ang agri trade ng bansa kasama ang Egypt ay nananatiling “modest,” nagkakahalaga ng USD7.5 million kada taon, year, kung saan ang ‘desiccated coconut at carrageenan’ ang pangunahing exports sa Egypt; habang umaangkat ng ‘broths, soups, at dried kidney beans.’

Maliban sa agricultural trade expansion na target sa Egypt, tinatrabaho na ng Pilipinas na paghusayin ang ugnayan sa kalakalan sa ibang bansa.

Kabilang sa pagsisikap na ito ang kahalintulad na pakikipag-usap sa New Zealand para sa durian export, at maging ang ‘first commercial shipment’ ng ‘fresh mangoes’ sa Italy. (Daris Jose)

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NI CONG. BRIAN RAYMUND S. YAMSUAN

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MALAWAK at malalim ang naipong karanasan ni Congressman Brian Yamsuan sa serbisyo publiko — mula sa paglilingkod sa Malacañang bilang Assistant Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa House of Representatives bilang Deputy Secretary General sa ilalim ng Speakership ni Sen. Kuya Alan Peter Cayetano, hanggang sa paggawa ng mga batas sa Kongreso bilang Representative ng Bicol-Saro Party-list. Ngayon, nanunumpa siya bilang bagong Representante ng 2nd District ng Parañaque City, bitbit ang kanyang husay at malasakit sa mga kapwa Parañaqueño.

Makabuluhan ang naging talumpati ni Sen. Kuya Alan matapos pangasiwaan ang oath-taking ng kanyang butihing kaibigan at kasangga sa pagseserbisyo ngayong Biyernes, June 6. Kasama ni Cong.  Brian sa kanyang oath-taking sina Bea Yamsuan, Cathy Yamsuan at Dylan Yamsuan. (Text & Photos by Boy Morales Sr.)

Abusadong Department Heads at Bureau Chiefs, sisibakin 

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GUGULONG ang ulo ng mga Department Heads at Bureau Chiefs na umabuso sa tungkulin.

Habang ang mga naglilingkod ng tama at maayos sa Manila City Hall na mga kasalukuyang pinuno ng mga kagawaran at kawanihan ay mananatili sa kanilang tungkulin.

Ito ang babala ni incoming Mayor Isko Moreno Domagoso na may kalalagyan ang mga namumuno sa mga tanggapan na garapal ang gawain at hindi maayos ang pamamalakad bukod pa sa nagpapahirap sa mga mamamayang Manileno.

Nilinaw din ng incoming mayor na hindi mawawalan ng trabaho ang mga career service official na nakapasa sa panuntunan.

Ayon kay Domagoso, maaaring malipat lamang sa ibang tanggapan kung saan angkop ang kanilang kaalaman dahil mayroon silang security of tenure sa ilalim ng Civil Service Law.

Ang babala ni Domagoso ay sa harap ng mga natuklasang sikreto, ilang linggo bago pa man opisyal na maupo sa puwesto bilang bagong alkalde ng Maynila.

Sa sandaling maupo na sa Manila City Hall si Domagoso, tiyak na may makikita nang malaking pagbabago sa kanyang panunungkulan sa loob ng 100 araw. (Gene Adsuara)

NPC, nagsagawa ng blood letting activity 

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA  ng Blood Donations ang National Press Club (NPC) katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) bilang  bahagi ng pagdiriwang ng “World Blood Day”.

May tema itong “Dugo Alay sa Buhay” “Bloodletting Activity” na nilalayon ng blood donation drive sa pagtiyak na may sapat na suplay ng dugo para sa ospital at pasyente lalo na sa mga medical emergencies.

Hindi lamang sa pagsagip ng buhay ang layunin ng nasabing aktibidad kundi upang magkaroon ng kamalayan ang publiko sa kahalagahan ng pag-donate ng dugo at hikayatin ang regular na pagbibigay at mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng suplay ng dugo.

Kabilang sa mga nakiisa sa blood donation activity ang mga kawani mula sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), Marines, Metro Manila Development Authority (MMDA) kasama na rin ang mga nasa hanay ng media.

Noong nakaraang Enero ay nakapangolekta na rin ang NPC ng 263 blood bags mula sa 270 donors na nakiisa sa aktibidad.

Ayon naman kay NPC President Boying Abasola, umaasa sila na mas marami o malalagpasan ngayon ang bilang ng nakolektang dugo noong Enero kung saan halos 200 mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nakiisa sa aktibidad, Biyernes, Hunyo 13. (Gene Adsuara)

PBBM walang alam sa anumang kasunduan sa pagitan nina VP Sara at Sen. Imee Marcos re ex-PRRD arrest

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Malakanyang na walang anumang partisipasyon at hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung meron mang kasunduan sa pagitan nina VP Sara at Sen. Imee Marcos hinggil sa pagkakakulong kay ex-PRRD sa international criminal court (ICC).

Pahayag ito ni Palace Press Officer USec Claire Castro kasunod ng pahayag ni VP Sara na dahil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr umano ang nagpadala sa the Hague kay dating Pangulong Duterte, dapat si Senador Marcos ang magpauwi rito sa Pilipinas sa dating pangulo.

Binigyang diin ni Castro na walang alam si Pangulong Marcos sa kasunduan sa pagitan ng isang nanggagamit at isang handang magpagamit.

Ang tanging hangad aniya ng Pangulo ay magpatuloy lamang at tumutok sa pagta trabaho.

Giit pa ni Castro, walang ibang gusto ang Pangulo kundi ang aksyon at hindi mabakasyon.

Nang tanungin naman si Castro kung may pinasasaringan ba itong tao na nakabakasyon ngayon ay tumanggi itong sagutin at sinabing bahala na ang publiko na mag-obserba, at pag-aralan kung meron nga bang mga indibidwal na panay ang bakasyon sa ngayon. (Daris Jose)

Israel-Iran crisis tumitindi… Paglikas sa OFWs sa Middle East ikinakasa

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa heightened alert status ang kanilang mga tanggapan sa Middle East dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa Saturday News Forum sa Quezon City, na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DMW Secretary Hands Leo Cacdac ang nag-utos nito.

“Naka-heightened alert po ngayon ang DMW. Lahat ng front offices, lalo na ang ating Migrant Offices sa Israel, Jordan, Lebanon at iba pang bansa sa Gitnang Silangan, ay nakaalerto dahil sa kaguluhan sa rehiyon,” sinabi pa ni Olalia.

Handa na rin aniya ang DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sakaling lumala pa ang sitwasyon at mag-escalate ang kaguluhan at lumawak ang regional conflict.

“Hindi lang aniya Israel at Iran ang binaban-tayan natin kundi lahat ng bansa sa Gitnang Sila­ngan,” dagdag pa ni Olalia.

Ayon sa DMW, tinatayang 20,000 Pilipino ang kasalukuyang nasa Israel—13,000 dito ay dokumentado, habang mahigit 6,000 ang walang kaukulang papeles kung saan karaniwan nilang trabaho ay  caregiver, hotel staff, o sa sektor ng agrikultura, serbisyo, at paggawa.

Lahat ng labor attaché at kanilang staff ay naka-duty na ngayon 24/7 at bawal na rin ang lahat ng leave at naka-standby ang mga hotline anumang oras.

Maaaring tumawag sa kanilang 24/7 hotline ang mga OFW at kanilang pamilya sa 1348 sa loob ng Pilipinas at +63 2 1348 mula sa labas ng bansa. (Daris Jose)