• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

2 suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK na nang pulisya ang dalawang suspek na sangkot umano sa pagpatay sa 34-anyos na bebot habang patuloy pa rin na tinutugis ang isa pa nilang kasabwat sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jun-jun”, ng Tampoy St., Brgy. Marulas at alyas “Charlie”, driver umano ng motorsiklo habang pinaghahanap pa ang itinuturong gunman na si alyas “Jeff”.

Dakong alas-5:55 ng Huwebes ng hapon nang pagbabarilin ng isa sa dalawang sakay ng isang motorsiklo si alyas ‘Jennelyn’, ng Brgy. Marulas sa kanto ng F. Bautista St., at McArthur Highway, Brgy. Marulas na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, huling nakita ang biktima sa kuha ng CCTV ng  kalapit na establishemento sa lugar na kasama nito si alyas Jun-Jun subalit, nang puntahan ito ng mga pulis sa kanyang bahay hindi siya natagpuan.

Gayunman, nakatanggap ng tip ang mga pulis mula sa mga kaanak ni ‘Jun-jun’ na gusto umano nito sumuko kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Col. Arnedo na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Sa isinagawang interogasyon, inginuso ni Jun-jun sa mga pulis ang kanya umanong mga kasabwat na sina ‘Jeff’ at ‘Charlie’, na kapwa nagtatago sa Northville, Barangay Canumay West.

Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Valenzuela police at District Special Operations Unit na nagresulta sa pagkakadakip kay Charlie.

Onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng pulisya sa biktima matapos ibulgar ng kanyang dating kinakasama ang hindi umano pag-remit ng biktima sa isang alyas “Buchoy” ng drogang nagkakahalaga ng P25,000 noong Mayo 3.

Ayon kay Col. Arnedo, kasong murder ang isasamapa nila laban sa mga naarestong suspek habang patuloy ang follow-up operation para madakip ang isa pang suspek. (Richard Mesa)

Bebot, itinumba ng riding-in-tandem sa Valenzuela

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na bebot nang ratratin ng naka-angkas sa isang motorsiklo habang naglalakad sa gilid sa Valenzuela City.

Onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng pulisya sa nangyaring pamamaslang kay alyas “Jenny” residente ng Market Site, Guansing Street, Marulas, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan

Sa pahayag ni alyas “Anthony” 42, dating kinakasama ng biktima, kay Valenzuela Assistant Chief of Police P/Maj. Jose Romero Hizon, ginastos at hindi umano nai-remit ng biktima sa isang alyas “Buchoy” ang drogang nagkakahalaga ng P25,000 noong Mayo 3.

Lumabas din sa pagsisiyasat na kakatagpuin sana ng biktima ang isang alyas “Jun-Jun” residente ng Tampoy St, Marulas, sa F. Bautista St. Dulo nang paslangin ng mga suspek sa kanto ng F. Bautista St. at Mc Arthur Highway, Marulas.

Kaagad na tinungo ng pulisya ang bahay ni alyas Jun-Jun subalit hindi na siya natagpuan.

Sa ulat ni Maj. Hizon, bukod kay Jun-Jun ay kabilang din sa mga persons-of-interest sa naturang pamamaslang si alyas Butchoy at ang kasalukuyang live-in partner ng biktima na hindi nabanggit ang pangalan matapos matuklasang nakababatang kapatid siya ni alyas Butchoy. (Richard Mesa)

3 Pinoy na nagtatrabaho sa Crypto Scam, pinauwi

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Filipino na pinabalik mula sa Cambodia na pinilit magtrabaho sa isang scam hub.

Ang mga Filipino na hindi binanggit ang pangalan alinsunod sa anti-trafficking laws ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NIA) sakay ng Philippine Airlines mula Phnom Penh, Cambodia nitong June 6.

Ayon sa mga biktima, umalis sila ng bansa matapos na nagpanggap na mga turista pero illegal silang ne-recruit upang magtrabaho sa ibang bansa at pinangakuan ng buwanang sueldo na USD 1,000, free lodging, four days off kada buwan.

Pero ibinunyag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pagdating nila sa Cambodia ay iba ang kanilang naging trabaho at walang maayos na tirahan.

 “Two of them were grateful to have been housed outside the company premises, as this gave them the opportunity to contact the embassy and seek help,” ayon kay Viado .

Dagdag pa ni Viado na mas malala ang sinapit ang ikatlong biktima kung saan mayroon itong buwanang quota at kung hindi nito na matutugunan ay may multa itong USD 1,000 hanggang 2,000.

“It is also deeply concerning that the victims were required to pay the same substantial amount before they were even allowed to resign,” ayon pa kay Viado.

Ayon pa sa isang Pinoy, piniit din niyang manloko sa kapwa nitong Pinoy sa online.

“It is deeply concerning that these syndicates are now targeting Filipinos as their victims in both ways—by forcing them to be scammers and tricking their fellow Pinoys,” ayon kay Viado.

 Hinikayat din ni Viado ang mga Filipino na isumbong ang mga kahina-hinalang online investment schemes at i-report sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). (Gene Adsuara)

500 Pulis ide-deploy sa mga paaralan sa Quezon City

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LIMANGDAAN (500) tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang ide-deploy sa mga malalaking paaralan sa Quezon City sa pagbabalik eskuwela ng mga estudyante bukas ­(Hunyo 16 ).

Ayon kay Police LTCol. Vicente Bumalay Jr., acting District Office Director ng QC Police District, maglalagay sila ng Police Desk Assistance sa malalaking paaralan sa simula ng pasukan partikular sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, Payatas High School,Pinyahan Elementary School na may malalaking bilang ng mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan ng pasukan.

Samantalang mayroon din silang itatalagang foot patrol at mobile patrol units para umalalay sa pasukan.

“Naglagay  kami ng police assistance desk sa malalaking shools at the same time may tao kami  para sa enhanced police presence, yung mga mobile patrol at motorcycle patrol at beat patrol natin ay handa na para sa pasukan” dagdag ni Bumalay Jr.

Una rito, iniulat ng City Schools ng ­Quezon City na handa na sila sa pasukan sa lunes, ma­ging ang mga silid aralan, mga guro para sa inaasahang higit 500,000 mag-aaral na dadagsa ngayong pasukan sa lungsod.

Nakapamahagi na rin ang QC LGU ng mga learning kits sa lahat ng mga paaralan sa QC para sa mga mag aaral sa lungsod mula district 1 hanggang District 6. Ang QC LGU ay nananati­ling suportado sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa Quezon City gayundin ng mga kaila­ngang gamit ng mga guro at dagdag na pasilidad para sa mahusay na kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Sanay sa drama at pagganap ng kontrabida: MARTIN, aminadong mas nahihirapan sa action at sa comedy

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MIYEMBRO ng Philippine National Police o PNP ang papel ni Martin del Rosario sa upcoming film na “Beyond The Call Of Duty”. Hindi naman unang beses na gumanap bilang man in uniform. “Marami-rami na. Actually, yung “Anino Sa Likod Ng Buwan” (na stageplay) sundalo naman ako dun, parang nakarami na akong man in uniform,” umpisang pahayag ng Sparkle male artist. “Siguro yung mag-portray ka ng isang taong with honor, man with honor kasi ang character dito ni Ricky Mapa. “So actually, ako naman gusto ko talagang mag-portray ng mga roles na hinahangaan, yung kapita-pitagan, nagkakataon lang napupunta lang talaga ako sa mga kontrabida roles nitong mga previous projects ko. “Pero excited akong maging mabait, maging honorable ulit. Feeling ko mas ano ko naman talaga iyan, mas gusto ko, mas gusto kong gawin,” ang nakangiting wika pa ni Martin. Versatile actor si Martin, kahit saan siya ilinya, comedy, kontrabida, action o sexy, kaya niyang gampanan. At sa tanong kung saan siya mas hirap… “Mas mahirap? Mas nahihirapan ako sa action at sa comedy, sa totoo lang,” bulalas ni Martin. “Yung drama kasi parang ilang years naman na akong dramatic actor. “Tapos kung dun sa mga sexy scenes naman, hindi naman siya talaga pinaplano e, more on kailangan ninyo lang i-assure ng ka-partner mo yung respect sa isa’t isa. “Kumbaga, ‘Ito okay lang ba gawin ko ito sa iyo? Itong action na ito, hindi ka ba ma-offend?’ “Once na yung ka-partner mo very open, alam niyo yung gagawin sa isa’t isa, may respeto, wala naman masyadong problema yung mga sexy scenes. “Ang ano ko is sa action, ano kasi ako e, gusto ko inaaral bawat step. Hindi kasi ako natural dancer, so yung mga steps, like yung… kunwari dito sa Lolong, yung mga sapakan, iyan, nagpapa-call ako ng mas maaga sa production para lang mas maaral ko ng maayos yung mga action numbers. “Comedy naman, feeling ko kasi ang isang comedian, pinanganak na yan na skill e, may natural talent ang pagiging mabilis, pagiging witty, yung mga ganyan.” Samantala, ang “Beyond The Call Of Duty” ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa. Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Martin ay sina Jeffrey Santos, Teejay Marquez, Martin Escudero, Paolo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Mark Neumann, Lance Lucido, Devon Seron, Alex Medina, Migs Almendras, Rob Sy, Lovely Rivero, Sharmaine Suarez, Tyke Sanchez, Simon Ibarra, at Christian Singson. Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer rin ng pelikula. Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director, screenplay by Eldrin Veloso at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer. Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc. Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng “Beyond The Call of Duty” sa mga sinehan soon. (ROMMEL GONZALES)

Sa mang-iintriga na may gay benefactor: ANDREW, dugo at pawis ang puhunan sa negosyo nilang gasolinahan

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong business venture ang indie/character actor na si Andrew Gan, at ito ay ang isang gasolinahan, ang EcoEnergy gasoline station. Kuwento ni Andrew, “Ang story talaga yun, before sila mag-gasoline station, nagsu-supply sila ng mga wholesale na gas, diesel sa mga stations. “Ang nag-start talaga nun siya,” pagtukoy ni Andrew sa childhood friend niyang nagngangalang David Dai, “kasi nag-work siya sa isang company before, gasoline company, as a sales agent, doon nag-start yun. “ “Then from there, parang…actually, niyaya rin niya ako dito before…way, way before pa, but nung time na yun hindi pa ako ready, kumbaga wala pa akong pera nun,” at tumawa ang binatang aktor. Nakakatuwang kuwento, noong mga bata pa sila ay binu-bully ni Andrew ang apat niyang kaibigang business partners. Bumait naman raw si Andrew noong nagbinata na sila, tumatawang sinabi pa ng apat na kaibigan ng aktor. Pare-pareho silang nag-aaral noon sa isang Chinese school sa Caloocan, ang Philippine Cultural High School. Ang iba pang mga partners ni Andrew sa EcoEnergy ay sina Chan Yik Yeung, Alvin Lam at Alex Ortiz. Nais rin daw ni Andrew na makatulong sa mga tricycle at jeepney drivers sa pamamagitan ng mas murang presyo ng de- kalidad na gasolina. Bilang artista naman, ang Naked Truth ang bagong proyekto ni Andrew, isang medical series sa ilalim ng Deetzy at tinatapos niya ang Dango. Naging guest rin siya sa Incognito, at isa ring Viva contract star si Andrew. Naging isyu sa showbiz ang tungkol sa ilang artista na sumosyo sa gasoline station at iba pang negosyo na nasangkot sa kontrobersiya tulad nina Ken Chan at Dominic Roque. At si Andrew, guwapo at hunk, paano kung maintriga siya na bigay ng isang benefactor ang mga gasoline station branches niya? Aniya, “Parang for me, it is what it is. Kung ano ang iisipin nila, e di… kasi kahit magsabi ka ng ganito, magsabi ka ng ganyan, may masasabi pa rin sila, hindi sila maniniwala sa iyo. “And may mga tao rin kasi na ayaw nilang umaangat ka so… ang ipaglalaban ko naman dito is yung foundation naming magkakaibigan. “Kaya dun pa lang, e… dugo at pawis ang puhunan ko dito,” ang nakangiting bulalas pa ni Andrew. May tatlong branches na ang EcoEnergy gasoline station; sa Fernando Poe Avenue (malapit sa Fisher  Mall sa Quezon City), sa North Caloocan kung saan kapawa kasosyo si Andrew, at sa Pulilan, Bulacan. (ROMMEL GONZALES)

Isinulat talaga ni Direk Nijel para sa kanya: ‘Hot Maria Clara’ ni SANYA, nag-number one na sa music charts

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARAMING nakikilala si Direk Nijel de Mesa bilang isang kilalang award-winning na direktor sa larangan ng pelikula.
Ngunit kamakailan lamang, nagulat ang marami nang mapansin na ang kanyang kantang “Hot Maria Clara” ay naging isa sa pinaka-viral na kanta sa internet, radyo, at telebisyon.
Pagkalipas ng tatlong taon mula nang ito ay inilabas, biglang nagsimulang umakyat sa ‘number one’ ng mga music charts ng Spotify ang “Hot Maria Clara,” kasabay ng mga sikat na kanta gaya ng “Dunka” ng SB19, “Don’t Say You Love Me” ni Jin ng BTS, at “Multo” ng Cup of Joe.
Ang kantang ito ay isinulat niya para kay Sanya Lopez at GMA Music.
“Lubos ang aking pasasalamat kina Ms. Annette Gozon-Valdes at Ms. Tracy Garcia ng Sparkle sa pagkakataong ibinigay nila para mabuo ang kolaborasyon na ito.
“Hindi rin mawawala ang pasasalamat ko kina boss Rene, Sir Kedy, at Ma’am Michelle ng GMA Music at syempre kay Paulo Agudelo na music producer namin,” pahayag ni Direk Nijel.
Bukod sa “Hot Maria Clara,” nakilala rin si Direk Nijel sa paggawa ng mga kanta tulad ng “Missed You” ni Sam Concepcion, “Itigil Mo Na” ni Bianca Umali, at “Sadly Falling” ni Hannah Precillas.
Ngunit nang tanungin kung bakit pinili niya ang paksa ng “Hot Maria Clara” para kay Sanya, ani niya, “Si Sanya kasi ay sumasalamin sa makabagong Pilipina, na kahit sexy ay hindi nangangahulugang malaswa.
“Yung tipo nang babae na may lakas ng loob. Yung tipong may gravitas habang nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan.”
Talagang umiinit muli ang karera ni Direk Nijel sa industriya ng musika. Matagal na rin siyang nagsilbi bilang Board Member ng FILSCAP at naging punong organisador ng mga Independent Musicians sa Pilipinas bago pumasok sa mundo ng pelikula.
Kasalukuyan, patok na patok ang kanyang nationalistic single na “Mahalin Natin Ang Pilipinas,” na madalas niyang awitin sa mga live events, kung saan palagi siyang nabibigyan ng standing ovation.
Sa tanong kung alin ang mas mahalaga sa kanya—musika o pelikula—sagot niya: “Pareho silang mahalaga, ngunit ang Diyos ang nagsasabi kung saan ako nararapat. Salamat sa Diyos sa tagumpay na ito.
“Salamat din sa mahal kong pamilya, mga bumubuo ng NDMstudios, kay Ms. Jan, at sa aking ina na walang sawang sumusuporta.”
(ROHN ROMULO)

Academy Award nominee Ralph Fiennes is the eccentric Dr. Ian Kelson in “28 Years Later”

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

WHEN asked to describe his character in the virus-ravaged world of 28 Years Later, Ralph Fiennes (Conclave, The Menu, The Grand Budapest Hotel) would say that Dr. Ian Kelson is, “above all, a survivor.”

His constant reminder of memento mori – remember death, is a mantra that keeps him going. “He’s accepted the fact of death – that it’s so present,” Fiennes says. “Rather than run away from it, pretend death doesn’t exist, or live in fear of it, Kelson is honoring death and the dead. In a way, he’s a rather clergy-like figure and a humanist.”

 

Watch the newest trailer: https://youtu.be/8lo8rDf5ZGo

 

Dr. Kelson, and the other survivors are living in the world of 28 Years Later, where the rage virus from 28 Days Later has lain waste to the UK. A group of survivors has made a haven off an island, protected by a single defended causeway that floods during much of the day, leaving the land inaccessible by the infected.

 

 

Fiennes worked closely with production and costume designers Carson McColl and Gareth Pugh to get that striking impression that the survivors had when they encountered Dr. Kelson for the first time. “We had wonderful conversations about Kelson and his world and clothes,” Fiennes recounts. “One of Kelson’s defining traits is that he covers himself in iodine, which is a prophylactic against the rage virus. So, Kelson is covered in reddish-orange iodine, and then we made the decision to have his head shaven, which we thought was a strong look.”

 

Makeup supervisor Flora Moody finished off Dr. Kelson’s shocking look. “Flora considered what do people look like if they no longer have access to shampoo and makeup,” Fiennes continues. “We all wanted the iodine-shielded figure to look arresting and startling,” Fiennes continues.

 

Watch the horror unfold as 28 Years Later arrives in Philippine cinemas on June 18. 28 Years Later is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #28YearsLater and tag @columbiapicph

(ROHN ROMULO)

First time na mapapanood worldwide: ‘8TH EDDYS’ ng SPEEd, eere sa Jeepney TV, Kapamilya Channel at iWantTFC

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa buong mundo ang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice, mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Ito’y sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng The EDDYS at SPEEd sa iWantTFC ng ABS-CBN.
Nakatakda ang awards night sa darating na July 20, 2025 at itatanghal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. Habang sabay-sabay na ipalalabas ang kabuuan ng ika-8 edisyon ng The EDDYS sa iWantTFC, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ng ABS-CBN sa July 27.
Ang partnership ay pormal na ginanap sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City, na dinaluhan nina Kane Errol Choa, ABS-CBN vice president for corporate communications, at Ralph Menorca,  Head of ABS-CBN Programming and On-Air Operations.
“Ang collaboration na ito ay isang milestone para sa EDDYS,” sabi ni Salve Asis, presidente ng SPEEd.
“Sa global presence ng ABS-CBN, tiwala kami na mas maraming tao, lalo na ang Filipino community sa buong mundo, ang makakasaksi kung paano namin kinikilala at binibigyang importansya at pakilala ang mga haligi at icon ng Philippine cinema, gayundin ang mga taong nagpapanatili sa industriyang ito na umunlad,” dagdag na pahayag pa ni Asis.
Ang collaboration na ito ay parang pag-uwi na rin ng The EDDYS, dahil ang ABS-CBN ang kauna-unahang media partner sa inaugural edition ng film awards show noong 2017.        Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS, mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.        May 14 acting at technical awards na  ipamimigay sa 8th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.  Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry.                        Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Producer of the Year.Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Abangan ang iba pang mga detalye sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas sa pamumuno ng presidente nitong si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
Para sa karagdagang detalye, maaring i-follow ang official Facebook page ng The Eddys (The Entertainment Editors Choice).
(ROHN ROMULO)

Malaki na ang naging improvement nila:  KELVIN at ANGEL, nagkaroon na ng ‘star quality’ dahil sa Encantadia

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MARAMI ang agree na malaki ang naging improvement nila Kelvin Miranda at Angel Guardian bilang mga artista.
Noon ay simple lang silang tingnan bilang mga baguhan sa Kapuso network. Ngayon ay nagkaroon na sila ng “star quality” dahil sa pagkakasama nila sa biggest telefantasya franchise ng GMA na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Sa naganap na grand mediacon, kitang-kita na malakas na ang presence nila Kelvin at Angel katulad ng mga kapwa bida nila na sina Bianca Umali at Faith da Silva.
Nagbabad daw sa gym si Kelvin para makuha niya ang pisikal na kaanyuhan ni Adamus, ang tagapangalaga ng brilyante ng tubig.
“Nakaka-overwhelmed din kasi ang daming nangyari, samo’t saring knowledge and emotions ‘yung naramdaman mo habang ginagawa mo itong ‘Sang’gre,’ and at the same time natututo ka habang tumatagal. Hindi lang siya naba-base kung sino ka, kung ano ‘yung klase ng pagkatao mo. Lahat ay may karapatan para maging tagapangalaga so base sa iyong dedikasyon, laman ng puso at paniniwala,'” sey ni Kelvin.
Si Angel naman ay inaral ang lahat ng emosyon na nakakabit sa kanyang character nw si Deia, ang guardian ng brilyante ng hangin.
“Masasabi kong matapang ako, pero hindi ko masasabing kasing tapang ako ni Deia and I aspire na maging gano’n katapang one day. Each character sa amin, meron at merong makaka-relate and I can’t wait for the people to see and know each character including Deia,” sey ng Sparkle actress.
***
NAGSALITA na si OPM diva Katrina Velarde sa pag-backout nito sa pag-perform sa two-day concert ng 98 Degrees last May sa Mall of Asia Arena in Pasay City.
In a two-minute video she uploaded on Facebook last June 6, kinuwento ni Katrina ang dahilan ng pag-backout niya.
Ayon sa singer, she needed an immediate medical procedure to remove her silicone implant from her nose.
“So after ko mag-post sa hindi ako makaka-attend sa 98 degrees and I had to cancel some commitments na dapat kakantahan ko. It’s because I need my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover.
“So nagkaroon ako ng complications, for years after malagay ‘yung silicone implant sa ilong ko. Alam n’yo din na I’m very open sa mga ginagawa ko. Sa pagiging robot ko or pagiging android ko, ‘di ba? At first I had Gore-Tex ni-reject din siya ng katawan ko right ahead and then I had it removed also.
“Tapos itong pangalawa, ito na ‘yung ngayon at nagkaroon na naman ako ng complications. So, it does really look like very rare na hindi tinatanggap ng katawan ko ang mga implants or foreign objects.”
Tinanggal ang implants niya sa tulong ni Dr. Eric C. Yapjuangco, more popularly known as Doc Yappy.
“I did a very good recovery naman, pero nung nakaraan sobrang maga ako, hindi talaga kakayanin sa 98 degrees, kasi talagang puffy talaga.
“Kalma lang kayo d’yan, mga mami, okay naman na ako… Ilang days na lang mag-sing na ako ulit… And the vamfyr will feyt to all of us… Salamat sa inyo. Have a good night,” sey ni Katrina.
***
THIS year, Kim Ji Soo is set to embark on a new project with GMA Network.
In his recent Instagram post, the Kapuso star teased an exciting project in which he will be joined by Sassa Gurl, Bey Pascua, and Richard Juan.
He shared a set of photos of himself that were captured during their shoot.
Along with his solo snaps is his caption, “Where the air is fresher and the mind is clearer. Be Cool in Bicol. GMA 7 @gmanetwork, June 21 and 28 at 10:15 to 10:45 a.m. Thanks.”
The said post currently has 172,000 heart reactions on Instagram.
In the comments section, he received congratulatory messages and positive comments from his followers and fans.
Since becoming an official Kapuso in 2024, Kim Ji Soo appeared on GMA shows such as Abot-Kamay Na Pangarap, Black Rider, and many more. He also visited Bahay Ni Kuya for Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
(RUEL J. MENDOZA)