• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 8:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

IKALAWANG GAWAD BAYANING PILIPINO 2025

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN bilang Compassionate Leader & Community Empowerment Awardee si Kapitana Tintin Abas-Ding araw ng Sabado, June 14, 2025 na ginanap sa Great Easter Hotel, Quezon City.

Tuloy-tuloy ang Mas PinaTinDing Serbisyong Hindi BiTin sa Mas Masigla, Mas Maunlad, at Mas Maipagmamalaking Bagong Alabang!

Muli, congratulations Kapitana Tintin Abas-Ding!

Tunay na maipagmamalaki!
#BagongAlabang

#MasPinaTinDingSerbisyongHindiBiTIN

#MuntinlupaNakakaproud
(Text & Photos by Boy Morales Sr.)

Malakanyang, binatikos sina Bato, Baste para sa ‘iresponsable ‘ na pagbabahagi ng AI video

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS ng Malakanyang sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para sa pagbabahagi ng AI (artificial intelligence)-generated video sa social media, tinawag ang kanilang aksyon bilang ‘iresponsable’ at nakasisira sa tiwala ng publiko.

Ang video, inilalarawan ang dalawang lalaking estudyante na nagpapaliwanag ng kanilang pagtutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, ay ipinahayag na artipisyal.

Sa kabila ng may label ito at may hashtag na #AI, maraming mga manonood ang naniwala na ito’y tunay kabilang na si Del Rosa, na nag-repost nito na kaagad namang nakatikim naman ng kristisismo mula sa mga netizens.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang ginawang pagbabahagi ng fake content ng mga public official ay nagpapahina sa pagsisikap ng gobyerno na labanan ang disinformation.

“Ang pagsha-share ng mga katulad niyan — muli disinformation, fake news — hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan,” ang sinabi ni Castro.

“Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismong sa matataas na opisyal nanggagaling ang mga disinformation at fake news,” dagdag na pahayag ni Castro.

Sinabi pa ni Castro na mabilis na kinorek ng publiko ang nasabing video at binigyang diin ang nagpapatuloy na pagsisikap ng administrasyon na labanan ang fake news.

“Mabuti po at ito ay na-correct at napansin ng ating mga kababayan. Ang sabi nga po natin, kahit ang PCO, ang pamahalaan, gumagawa ng paraan para mapahinto ang fake news. Pero mas kakayanin po natin ito kapag po tayo ay tulung-tulong,” ang winika pa ni Castro.

Hinikayat naman ni Castro ang mga sangkot na opisyal na tanggapin ang kanilang pagkakamali at panagutan ang kanilang nagawang mali.

“Ngayon na ginawa nila, dapat lamang nilang i-acknowledge na ang pinasa nilang video ay hindi totoo at hindi tunay,” aniya pa rin.

At nang tanungin si Castro kung kinokonsidera ng Malakanyang na iresponsable ang ginawang ito ni Bato at Baste, ang sagot ni Castro ay: “Opo. Responsibilidad nila ‘to. Dahil ang bawat salita na binibitawan nila sa taumbayan, lider sila, yaan ay totoo sa pandinig at pananaw ng bawat isa. So dapat maging responsable sa anumang shine-share nila sa taumbayan.” (Daris Jose)

PBBM sa DepEd: Iprayoridad ang ‘reliable water, power supplies’ sa mga eskuwelahan

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, ang Department of Education (DepEd) na iprayoridad ang probisyon ng mga pangunahing pangangailan partikular na ang kuryente, tubig at internet sa mga pampublikong eskuwelahan para maging maayos ang learning conditions kasabay ng opisyal na pagbubukas ng school year 2025-2026.

“‘Yung kuryente, or making sure na may kuryente lahat, may tubig lahat. ‘Yun ang mga basic services na makikita natin para naman maging maayos ang pag-aaral ng mga ating kabataan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag matapos inspeksyunin ang isang eskuwelahan sa Malate, Maynila para sa muling pagbubukas ng klase.

Binigyang diin ng Pangulo ang isang all-agency approach sa ‘educational support.’

“Nabanggit ko sa ating mga guro na lahat ng departamento ng pamahalaan ay naka-converge dito, sama-samang nagtutulungan,” ang winika ng Pangulo.

Nagpalabas din ang Pangulo ng ‘specific instructions’ sa ilang departamento, gaya ng para sa trade at transportation departments na gawing mas mababa ang gastos ng mga magulang at estudyante; para naman sa health department ay tiyakin ang availability ng health facilities sa oras na ang isang bata ay nagkasakit o nasugatan; at para naman sa social welfare department na trabahuhin at tutukan ang cyberbullying at bullying incidents para protektahan ang mental health ng mga bata.

Sa kanyang naging pagbisita sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES), pinangunahan ni Pangulong Marcos ang isang interactive learning session kasama ang Grade 1 students, gumamit ng flashcards para i-promote ang ‘reading at active participation.’

Samantala, ipinaalam naman kay Pangulong Marcos ang kasalukuyang security measures ng mga eskuwelahan kabilang na ang paggamit ng CCTV monitoring. (Daris Jose)

Street gangs, bawal sa Valenzuela  

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGKATUWANG ang pulisya at lokal na pamahalaan para sugpuin ang mga street gangs na kumakalap ng mga estudyante sa ilang pampublikong paaralan upang mapabilang sa kanilang grupo sa Valenzuela City.

Sa ginanap na pulong-balitaan sa Dalandanan National High School sa unang araw ng pagbubukas ng klase nitong Lunes ng umaga, isa-isang inilatag ng kapulisan at lokal na pamahalaan ang kanilang mga hakbang, hindi lamang upang wakasan ang paglobo ng bilang ng mga lumalahok sa street gangs, kundi upang ipabatid din sa mga estudyante, guro at kanilang magulang ang masamang dulot ng paglahok sa naturang grupo.

Sinabi ni Mayor Wes Gatchalian na halos isang taon nilang binalangkas ang mga hakbang, katuwang ang Sangguniang Panlungsod, upang tulungan ang kapulisan na matigil ng tuluyan ang pamamayagpag ng street gangs sa kanilang lungsod.

Nauna ng binanggit ni Valenzuela Police Public Information Office (PIO) head P/Maj. Randy Llanderal ang mga street gangs na nangangalap ng mga myembro sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod, partikular sa Dalandanan National High School, kabilang na rito ang True Brown Style (TBS), Temple Street Gang (TST), Original Trouble Maker (OTM) at Little Brown Style (LBS).

Ayon kay Llanderal, ang mga nagnanais lumahok sa grupo ay isinasailalim sa matinding hazing at nilalagyan ng kani-kanilang tatak tulad ng pagpaso ng sigarilyo sa daliri bilang simbulo ng pagiging miyembro ng gang.

Bantay-sarado na aniya ang kapulisan sa aktibidad ng mga street gangs upang hindi na makapasok sa mga pampublikong paaralan habang minomonitor na rin nila ang mga estudyanteng kanilang nakalap na sumanib sa grupo.

Sa panig naman ng lokal na pamahalaan, sinabi ni Mayor WES na ipinasa na nila ang Ordinance  No. 1262 na inakda ni Konsehal Ghogo Deato Lee na nagbabawal sa pagbuo ng street gangs, pagsasagawa ng aktibidad, at pangangalap ng menor-de-edad na miyembro upang gumawa ng karahasan na makakagulo sa kaayusan at katahimikan ng lungsod.

Nilagdaan na rin aniya niya ang Resolution No. 3467 na nagdedeklara bilang persona non grata ang mga nabanggit na gang at iba pang kahalintulad na grupo na nangangahulugang hindi na sila papayagang tumapak pa o masilayan pa sa Lungsod ng Valenzuela. (Richard Mesa)

Malakanyang, pinuri ang mga mangingisda sa pagsuko ng P20-M floating shabu

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ng Malakanyang ang katapangan at ‘civic-mindedness’ ng mga mangingisda ng Ilocos Norte matapos na marecover at isuko ang P20.4 milyong halaga ng shabu na natagpuang palutang-lutang sa baybayin ng lalawigan noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang mga shabu na nakasilid sa tatlong plastic bags na may Chinese character markings ay tumitimbang ng tatlong kilo.

Nakita ito ng mga mangingisda sa baybaying dagat sa Barangays Pangil, Currimao; 33-A, La Paz, Laoag City at Masintoc, Paoay.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, hanggang Hunyo 13, 2025, kabuuang 1,243.12 kilograms ng floating shabu ang natagpuan sa karagatan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Ang illegal drugs, ayon sa PDEA ay nagkakahalaga ng higit ₱8.4 bilyon.

Pinuri naman ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mga mangingisda para sa mabilis na aksyon at integridad ng mga ito.

“Mga ordinaryong mamamayan, katuwang ng pamahalaan, pamarisan sana ng nakakarami ang inyong katapangan at kabayanihan. Saludo po kami sa inyo,” ang sinabi ni Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Nasa 27 milyon ang estudyante ngayong school year 2025-2026 sa public schools…  Buong gobyerno, kumilos sa pagbubukas ng klase- PBBM

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes sa mga public school teachers na ang buong gobyerno ay kumilos para suportahan ang ligtas at maayos na pagbubukas ng klase para sa School Year (SY) 2025–2026.

Sa katunayan, tinugunan at tinutugunan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang mahahalagang education-related concerns.

Sa pagsasalita via teleconference sa mga guro sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos inspeksyunin ang Epifanio Delos Santos Elementary School sa Malate, Maynila, binigyang diin ng Pangulo ang whole-of-nation approach ng gobyerno para sa pagpapabuti ng mga kondisyon sa pag-aaral.

“Ipapaalala ko sa inyo na ang buong pamahalaan, lalo na basta sa edukasyon, lahat ng ating departamento hanggang DOH (Department of Health), DSWD (Department of Social Welfare and Development), DTI (Department of Trade and Industry), DOTr (Department of Transportation)… ay nakabantay ngayon sa inyo dahil ito na ang pinakaimportante naming ginagawa,” ang sinabi ng Pangulo.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang pagha-hire ng mga bagong tauhan para suportahan ang mga guro na tutukan lamang ang pagtuturo sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-alis sa kanilang administrative work.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Pangulo ang mga guro na i-report ang gaps o mga usapin direkta sa Department of Education (DepEd) o sa kanilang local superintendents, nangangako ng agarang atensyon.

“Kung ano pa ang inyong nakikita na puwedeng pagandahin pa, sabihan niyo kami… para malaman namin,” aniya pa rin.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga guro para sa pagtiyak ng maayos na simula sa academic year.

Sa ulat, sinabi naman ni Dennis Legaspi, Media Relations chief ng Office of the Secretary ng DepEd, ang projected enrollment ng DepEd ngayong school year ay nasa 27 milyon.

Matatandaang una nang pinadali at ginawang cost-effective ng DepEd ang pagpapa-enroll sa basic education school. (Daris Jose)

Ads June 18, 2025

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

18 – page 4-merged

Ads June 17, 2025

Posted on: June 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

‘Di pa rin makapaniwalang nakapasok na ang Nathan Studios sa Cannes: SYLVIA, napabilib sa kabaitan ng Hollywood actor na si JAMES FRANCO

Posted on: June 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
THIRD time nang nakapunta ng Cannes, France ang Nathan Studios Chief Operation Officer na si Sylvia Sanchez para dumalo ng Cannes Film Festival.
Pero ngayong 2025 lang siya napasama sa red carpet para sa pelikulang ‘Renoir.’
Sa unang taon ni Sylvia ay nag-observe lang siya kung paano ang galawan sa Cannes dahil nga pinasok na niya ang pagpo-produce, ang ikalawa ay dala niya ang pelikulang ‘Topakk’ na unang pelikulang prinodyus ng Nathan Studios na naibenta niya roon at ipinalabas at sa ibang bansa bago naging entry sa 2024 Metro Manila Film Festival, same year ay dala rin niya ang TV series ‘Cattleya Killer’ na collab ng ABS-CBN at nu’ng nakaraang taon, 2024 ay ang short film na ‘Silid’ ang dala niya na ipinalabas sa opening ng Cannes Film Festival for directors film.
Sa nakaraang tatlong taong pabalik-balik ni Ibyang sa Cannes ay bumibili siya ng mga pelikula bilang distributor at ang mga naipalabas na ay ang Monster, Picnic at iba pa hanggang sa umasam siya na sana someday ay makalakad din siya sa red carpet.
Unang nagkakilala sina Sylvia at co-producer niyang si Alemberg Lim ng Daluyong Studios, Inc sa Cannes.
“Unang pagkakilala palang niya (Ibyang) sa akin sabi niya, ‘hanapan mo ako ng pelikulang pupunta (mapapasali) sa Cannes,” balik-tanaw ni Alem.
Sabi naman ni Sylvia, “ang Cannes Film Festival ang pinakamalaking festival sa buong mundo at siyempre lahat ng artista, Hollywood at iba pa na doon din nangangarap na makapunta, magka-award, mag red carpet.  Ako red-carpet lang okay na ako.
“Kaya nu’ng i-offer sa akin itong Renoir, why not baka makapag-red carpet ako, di ba? At the same time nakilala ka ro’n as filmmaker at hindi artista at natupad ngayon kaya hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem sa grupo, so, ‘yun ang umpisa namin sa red carpet, sana next year magkaro’n ulit.”
Unang nagkakilala sina Ibyang at Alem dahil sa pagiging suplado nito na na-challenge ang aktres.
“Si Alem kasi tahimik, so, may connotation na suplado siya.  Hindi na bago sa akin ang suplado kasi  may number one na suplado sa tabi ko, asawa ko.  Gusto ko ‘yung mga suplado at mas nire-reach ko kasi meron dahilan kung bakit ganu’n,” kuwento ni Ibyang.
Dagdag pa, “sabi ko in case gusto niya ng producer puwede ako.”
Sa parte naman ni Alemberg ay nagulat siya sa kasi ang sab inga sa kanya kaagad ng aktres na hanapan siya ng pelikula na puwedeng ipasok sa Cannes.  Sa loob niya ay, “anong ginagawa ng artistang ito dito?”
Inakala ng Daluyong Studios producer na one of those lang si Ibyang na mag-aalok tapos waley na dahil marami na siyang experiences na hindi naman natuloy.
Sa madaling salita nagkatuluyan ang Nathan Studios at Daluyong Studios na mag-collab sa pelikulang Renoir, isang Japanese movie na drama ang genre tungkol sa batang babae na coming of age.
Nag-shoot din dito sa Pilipinas kasama ang mga kilalang artista at natuwa naman daw sina Alemberg at Ibyang dahil kasama sila sa credits ng Renoir.
Ito ay sinulat at idinirek ni Chie Hayakawa at ang cast ay sina Yui Suzuki, Lily Franky, Hikari Ishida at Ayumu Nakajima.
Nagkaoon ng world premiere sa main competition sa katatapos na 78th Cannes Film Festival noong May 17 ang Renoir at ipalalabas ito sa Japan sa June 20, 2025.
Pagkatapos naman sa Japan ay ipalalabas din sa France sa Agosto at sa Pilipinas ng Nobyembre para sa QCinema International Film Festival.
Bukod sa red-carpet ang nagpatalon ng puso ni Ibyang ay nang personal niyang makita ang mga premsyadong Hollywood stars.
“Kasi di ba being an actor din masaya sa pakiramdam na makita mo lahat ‘yung mga Hollywood actors at nag fangirling talaga ako, sobrang lapit ko kay Cate Blanchett na hindi ko na nakunan ng picture kasi natulala na ako, sumunod si Halle Berry,” masayang kuwento ni Sylvia.
Ang hindi niya makakalimutan ay si James Franco na nakilala sa Spider-Man trilogy, Rise of the Planet of the Apes, Eat Pray Love at iba pa.
Dumaan daw sa likod ng aktres ang Hollywood Actor at tinawag niya ang pangalan at lumingon sabay ngiti hanggang sa pumasok na ito sa isang silid.
“Bumilib ako kay James Franco kasi sanay naman akong makakita na ng Hollywood stars pero tumatanggi silang magpa-picture.  Hanggang sa pumasok na si James tapos hindi ko in-expect na babalik siya tapos nagsabi siya (muwestra magpa-picture), kaya nagulat ako kaya panay ang thank you ko tapos nata-thumbs up siya,” masayang kuwento ng aktres.
Isa pang ikinagugulat ni Ibyang ay sa ilang taon palang ng Nathan ay ang bilis ng level up nito at nakapasok na sila sa Cannes.
(REGGEE BONOAN)

Suportado ang pagbabalik-serye ni Jessy:  LUIS, ‘di ipagkakait kay PEANUT kung gusto ring mag-artista

Posted on: June 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DUMALO ang hubby ni Jessy Mendiola-Manzano na si Luis Manzano bilang suporta sa nakaraang special screening at mediacon ng upcoming TV series na ‘Sins of the Father’ na ginanap sa Gateway Cinema 11, Gateway Mall 2.
Mapapanood na ang serye simula sa June 23 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, iWant at TFC at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment handog ng JRB Creative Production mula sa direksyon nina FM Reyes at Bjoy Balagtas.
Ang saya-saya ni Luis dahil finally ay balik-telebisyon na ang kanyang wifey pagkalipas ng anim na taon.
Sa ambush interview kay Luis ng ilang miyembro ng print media, “Bago ito gawin ni How-How (term of endearment niya kay Jessy) sobrang happy siya sa mg eksena na very different sa nakasanayan natin kaya excited ako sa mapapanood natin.”
Dagdag pa, “bago pa ang kampanya (sa nakaraang eleksyon) ay nasimulan na niya (Jessy) ito (Sins of the Father) kaya kung napapansin ninyo, minsan wala siya (motorcade) sa umaga kasi galing siyang taping at pinagpapahinga ko siya at sa gabi ko siya isinasama.”
Limang beses na ipinakita si Jessy sa ‘Sins of the Father’ ay curious ang lahat kung ano talaga ang karakter ng aktres dahil sa pagkaka-intindi namin ay ‘stalker’ siya ni Gerald Anderson.
At may pagka-Marites pa dahil gusto nitong malaman ang private conversation ng aktor sa amang si John Arcilla.
Pero ang nakatataka ay asawa pala ni Jessy si RK Bagatsing na isang pulis at galit na galit kay Gerald dahil naka-engkuwentro niya ito ng hulihin niya sa paga-akalang pinatay nito ang kanyang amang si John.
Going back to Luis ay masaya rin niyang ibinalita na may product endorsement ang kanyang mg-inang Jessy at Peanut na abangan daw kung ano ito.
Natanong din ang si Luis kung sakaling may offer na project para sa kanya at sa mag-ina niya kasama ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
“Well, dati napag-usapan way back siguro mga 2-3 years ago na hindi nag-materialize at okay kung i-alok ulit.
“Nami-miss ko ang Home Sweety Home kasama si Vhong (Navarro), si Toni (Gonzaga-Soriano), si Cathy (Alex Gonzaga-Morada), si kuya Bayani (Agbayani).  Nami-miss ko nang umarte lalo nap ag sitcom,” say ni Luis.
Hindi rin daw ipagkakait ni Luis kay Peanut kung sakaling i-offer sa kanya ang pelikulang ‘Trudis Liit’ na ginampanan ng mommy Vilma niya noong 1963 na ginawan ng remake ng GMA 7 bilang TV series noong 2010 na pinagbidahan ni Jillian Ward.
Ayon kay Luis, “hindi ko ipagkakait sa kanya (Peanut) ‘yun kung saka-sakaling gusto niyang pasukin ang pag-arte kagaya ng ginawa sa akin ng pamilya ko na school first.
“Pero ayoko rin namang may question siya na ‘ano kaya ang feeling ng artista?  Performer siya (Peanut) hindi ko alam kung namana niya ag boses ko (biro ng proud dad) pero lahat ng naririnig.
“At napapanood niya ginagaya niya at ginagamit niyang mic ‘yung mga make-up brush ni How-How at gusto niya pinapanood siya at pagkatapos niyang kumanta, sasabin niya, ‘everybody clap.'”
(REGGEE BONOAN)