• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

Kasama ang mag-asawang Rosemarie at Eddie: LAURICE, PERLA, PEN at ODETTE, pararangalan sa ‘8th EDDYS’ ng SPEEd

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARARANGALAN bilang Movie Icons sa 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.
Iginagawad taun-taon ang EDDYS Icons sa mga haligi ng industriya bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon at mahalagang kontribusyon.
Ang ika-8 edisyon ng The EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.
Ipagkakaloob din sa 8th EDDYS ang 14 acting at technical awards na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi sa 8th EDDYS ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Pararangalan din sa 8th EDDYS ang Producer of the Year na naging masigasig sa paggawa ng mga de kalidad na pelikula na nag-iwan ng marka at aral sa mga manonood.
Muli ring bibigyang-pugay at parangal ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.
Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.
Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Para sa karagdagang detalye, maaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).
(ROHN ROMULO)

Nai-post na ilang araw bago ang guesting ni Dingdong: Cryptic post ni MARIAN, malabong patama kay KARYLLE tulad ng pinalalabas

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUNG noong bago-bago pa na naghiwalay sina Dingdong Dantes at Karylle, pwede pa yung mga galit, pambibintang ng diumano’y mga fan ni Karylle.

Understandable ‘yon.

Pero naman, sampung taon ng kasal sina Dingdong at Marian Rivera, not to mention, ilang taon din na in a relationship ang DongYan bago nagpakasal, same issue pa rin?!

Nag-guest lang si Dingdong sa ‘It’s Showtime’ at sa pagkakataong ito ay hindi na absent si Karylle. Pero ni wala halos interaction sina Dong at Karylle. Si Dong na kasama si Madam Charo Santos at nagpo-promote ng “Only We Know” na movie nila.

Nandiyan ang mga narrative na pasalamat na lang daw si Marian at si Karylle raw ay tahimik, ‘di na nagsalita nang inagaw ni Marian si Dingdong at kung ano-ano pa.

Happily and very blessed ang married ng DongYan at si Marian, nasa phase yata siya ng buhay niya ngayon na she’s even more prayerful. Kung alam niyo lang.

So stop. Kasi, baka kung papatol si Marian, pwedeng mag-boomerang ‘yang agaw-agaw na isyu na ‘yan. Sure kami.

Nakakatawa rin yung cryptic post daw ni Marian ay patama nito kay Karylle. Eh, paano mangyayari ‘yon gayong ilang araw na ito nai-post ni Marian bago nag-guest si Dingdong.

Gusto naming isipin na hindi talaga mga legit fans ni Karylle ang mga maingay sa socmed, instead, mga trolls lang. Kasi kung legit fans ito ni K, aba, pwede niyang sabihan lalo na at ang tagal na rin niyang kasal sa asawang si Yael Yuzon, pero ‘di ba nakakabastos na ex pa rin niya ang tila bukod-tanging pinag-uusapan about her?

‘Wag naman, ‘di ba?”

Sa isang banda, mapapanood si Marian bilang isang hurado naman ngayon kunsaan, maituturing na forte niya, ang pagsasayaw sa ‘Stars on the Floor’ ng GMA-7.

***

NILINAW ni Andrea Torres na wala raw katotohanan na siya ay nagpahinga, nag-lielow muna at talagang personal choice niya na huwag munang tumanggap ng trabaho.

Ang huli rin kasi na ginawa niya ay ang “Love Before Sunrise” pa. Sabi namin kay Andrea na kahit kami, gano’n ang naging impression.

“Wit! Hinde! Gusto nating mag-work!,” natatawang sagot niya talaga.

“Hindi po, walang gano’n. Saka wala tayo sa level para tumanggi sa work.

“Waiting lang talaga sa tamang project. At saka kahit naman wala pang series, nakakapag-guest tayo. May short guesting din ako sa Sang’gre at mga regional shows.”

Ibang Andrea na naman ang ipapakita niya sa “Akusada” kunsaan, siya ang akusada.

Isa nga ito sa naging top choice agad among the new three GMA Afternoon Prime. Kabilang na ang “My Father’s Wife” at ang “Cruz vs. Cruz.

Sa June 30 na magsisimula ang “Cruz vs. Cruz” habang sa Lunes, June 23 naman na ang “My Father’s Wife.”

(ROSE GARCIA)

Kontrobersiyal na Russian Youtuber, inilipat sa BJMP

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na inilipat na Bureau of Jail Management aand Penelogy (BJMP) ang kontrobersiyal na Russian YouTuber na si Vitaly Zdorovetskiy.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na mananatli siya sa BJMP na nahaharap sa lokal na kasao sa Pilipinas hanggat walang inilalabas na reslusyon sa kanyang mga kaso bago ito ililipat sa BI para sa kanyang deportasyon.

Sinabi rin ng BI na naunang humiling si Zdorevetskiy ng temporry release subalit hindi it pinayagan ng ahensiya.

Ayon sa BI, ito ay hindi lang basta usapin ng administrative procedure kundi pagprotekta sa intergridad ng batas imigrasyon.

Giit pa ng BI, walang espesyal na trato sa mga dayuhang lumalabag sa batas.

Nakilala si Zdorovetskiy –isang Russian content creator sa paggawa ng mapanirang prank videos at problematikong asal habang nasa Pilipinas. (Gene Adsuara)

Gabriela, nagsagawa ng protesta para kondenahin ang patuloy na red-tagging at political persecution sa mga women activists

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng protesta ang Gabriela Women’s Party, kasama ang national alliance GABRIELA at regional leaders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ito ay upang kondenahin patuloy na red-tagging at political persecution sa mga women activists at progressive leaders lalo na nitong nakalipas na election period.

ibinunyag sa protesta ang sistematikong pag-atake na kinaharap ng Gabriela Women’s Party’s chapters at miyembro nito sa buong bansa.

“Hindi lang ito simpleng paninira—isa itong sistematikong atake para takutin, patahimikin, at pigilan ang mamamayan sa paglahok sa demokratikong proseso. Sa halip na protektahan ang kababaihan, ang gobyerno mismo ang nangunguna sa pananakot. Sa panahon ng halalan, lalong tumindi ang red-tagging laban sa amin—mga poster namin sinira, mga lider namin binantaan. Ginamit ang NTF-ELCAC bilang makinarya ng panunupil,” ani Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Ilang kaso ng harassment, surveillance, at online smear campaigns ang iniulat ng grupo na naranasan sa nakalipas na kampanya hanggang eleksyon.

Ang mga naturang insidente, ayon sa grupo ay ginawa umano ng puwersa ng estado.

“Hindi lang Gabriela ang pinatatahimik nila. Kapag tinatarget nila ang mga aktibista at progresibong lider, tinatarget din nila ang mga ordinaryong mamamayan—mga nanay, magsasaka, manggagawa, kabataan—na lumalaban para sa karapatan,” pahayag naman ni National Vice Chairperson Sarah Elago.

Muling iginiit ng Gabriela Women’s Party ang panawagan nitong pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), dahil sa umano’y pagiging “dangerous and unaccountable entity” nito.

“The NTF-ELCAC is a threat to democracy. It criminalizes dissent and puts lives at risk. It must be abolished,” pahayag pa ni Brosas.

Nanawagan pa ang Gabriela sa publiko na manatiling mapagbantay at magpahayag laban sa lahat ng uri ng political repression.

“Political persecution must be condemned, especially when it endangers the rights of every Filipino. Karapatan ng sektor ng kababaihan na magkaroon tunay na kinatawan, at marapat lang na protektahan ito,” pagtatapos ni Elago. (Vina de Guzman)

Kelot, kulong sa pagbenta ng baril sa pulis sa Navotas  

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang 30-anyos na kelot na umano’y sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril nang makipag-transaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer sa Navotas City.

Ikinasa ang entrapment operation ng mga tauhan ng Navotas Police City Station nang mag-alok ng mamahaling uri ng armas ang suspek na si alyas “Jon-Jon sa pulis na nagkunwaring naghahanap ng mabibiling pistola.

Dakong alas-11 ng tanghali nang makipagtagpo ang suspek sa isang operatiba ng Station Intelligence Section na inaakala niyang buyer sa Barangay Daanghari sa Navotas City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nakumpiska sa suspek ang isang itim na P365 Sig Sauer .9mm pistol na may optic sight, flashlight at magazine, pati na ang markadong salapi na ginamit sa buy-bust operation.

Pinapurihan naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang Navotas police sa mabilis at epektibong aksiyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na inaalam pa kung sangkot sa sindikatong nagbebenta ng matataas na uri ng armas. (Richard Mesa)

P442K droga, nasabat sa 2 bagets sa Caloocan buy bust

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang mga suspek na si alyas “Bebe,” 20, at alyas “Jeanna,” 21.

Ayon kay Capt. Pobadora, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa surviellance operation.

Nang positibo ang report, ikinasa ng mga tauhan nila ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Brgy., 185, Tala Malaria.

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 65 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P442,000.00 at buy bust money.

Pinuri naman ni Gen. Ligan ang pagsisikap ng DDEU sa paglaban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

E-Governance Act, magpapabilis sa proseso sa pamahalaan; Tiangco  

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Navotas City Congressman Toby Tiangco na makakatulong ang E-Governance Act upang mapabilis ang proseso sa pamahalaan at makapagbalangkas ng istraktura para sa digital na pamamahala.

“Ayaw ng ating Pangulo na mapag-iwanan tayo sa aspetong ito, kaya binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpasa ng batas na ito,” ani Tiangco, chairman ng Information and Communication Technology (ICT) ng Kamara.

Kabilang aniya ang naturang batas sa mga nais bigyang prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magiging susi upang mapagbuti ang pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Binigyang diin ng kongresista na ang pagpapasa ng naturang batas ang magpapabilis sa paglilipat ng gobyerno sa pagiging digital at makakapagsulong sa episyenteng pagtugon ng pamahalaan.

Ang naturang batas ay magtatatag din ng Integrated Government Network (IGN), isang sistema na magkokonekta sa websites ng gobyerno at komprehensibong pamamaraan para sa digital information.

Bukod pa rito, ang E-Governance Act ay magtataguyod din ng transparency at accountability at makakatulong sa pagsugpo ng katiwalian.

Pangungunahan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang implementasyon ng naturang batas na gagabay sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa pagpapatibay ng isang teknikal na impormasyon at pamantayan na magtitiyak sa tuloy-tuloy na digital integration.

“President Marcos’ marching orders are clear—we must build a Bagong Pilipinas that is globally competitive and empowers Filipinos. Streamlining digital transformation in government is a crucial step toward that goal,” paliwanag ng kongresista. (Richard Mesa)

Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) Statement on the Viral Video Involving the Mauling of a PWD Passenger in an EDSA Bus Carousel

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IN A viral video now circulating online—already reported to the Land Transportation Office (LTO) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)—a disturbing incident was captured showing a person with disability (PWD), reportedly an individual with autism, being physically assaulted by several bus passengers. Initial investigation reveals that the PWD allegedly bit the shoulder of another passenger during the ride. However, as the video shows, the response was not one of restraint or assistance, but rather, a collective mauling of the PWD, who was seen helpless, crying, and at one point, possibly subjected to a taser or another electrical device.
The Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) strongly condemns this inhumane and contemptible act. We call for the immediate investigation and accountability of all individuals involved—particularly the bus driver, conductor, operator, and the passengers who took part in the assault. All of them may be held civilly and/or criminally liable, as explained below:

1. Criminal Liability of the Offending Passengers
Passengers who physically attacked the PWD may be held criminally liable for physical injuries under the Revised Penal Code. The specific charges will depend on the degree of injury sustained by the victim. While the aggressors may attempt to invoke self-defense or defense of a third party, such justifications are untenable in this case.
Under the law, one of the essential elements of self-defense is that the means employed must be reasonably necessary to prevent or repel an actual or imminent aggression. Furthermore, force may only be used to stop ongoing aggression. Here, assuming the PWD did bite a fellow passenger, the aggression had already ceased. The video clearly shows the PWD sitting down, crying, and visibly confused—yet the attack occurred after this point. Therefore, there was no longer any aggression to repel, and the repeated assault—including the use of a taser and overwhelming force by multiple individuals—was clearly excessive. Such conduct could even rise to the level of frustrated murder, particularly given the abuse of superior strength and the vulnerability of the victim.

2. Civil and Possible Criminal Liability of the Driver and Conductor

As personnel of a common carrier, the bus driver and conductor are legally obligated to ensure the safety of passengers with the utmost diligence of a very cautious person, as required under Article 1755 of the Civil Code. Additionally, Article 1763 provides that common carriers are responsible for injuries inflicted by other passengers if such acts could have been prevented through the exercise of due diligence.
In this case, the initial incident—the alleged biting—occurred at Main Avenue Station, yet the driver and conductor allowed the PWD to remain onboard without intervention or referral to authorities. The mauling occurred much later, near Buendia Station, suggesting that the bus personnel failed to act on the initial incident, thereby exposing the PWD to further danger. Furthermore, the video shows no effort on the part of the conductor to physically restrain or even verbally intervene in the mauling, indicating a disturbing lack of training and preparedness to handle such situations. This amounts to gross negligence, particularly egregious in light of the PWD’s condition and the prolonged exposure to harm.
Given their legal duties and the nature of their operations, the bus company and its employees are expected to act prudently and responsibly, especially in handling vulnerable passengers and volatile situations onboard.
The LCSP urges the LTO, LTFRB, and the Philippine National Police (PNP) to conduct a full and impartial investigation into the incident. Should the findings confirm the facts as initially reported, all responsible parties—both passengers and bus personnel—must be held accountable. This includes not only civil and criminal liability, but also administrative sanctions where applicable.

Protecting the rights and welfare of commuters, especially the vulnerable, is a matter of public duty. We demand justice for the victim and institutional reforms to prevent such incidents from happening again.

Atty. Albert N. Sadili
Spokesperson – LCSP

NHA, namahagi ng libreng bigas bilang bahagi ng kanilang ika-50 anibersaryo

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang National Housing Authority (NHA) sa pamamahagi ng libreng bigas sa mga benepisyaryo ng pabahay bilang bahagi ng nalalapit nitong pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa susunod na buwan.

Isang inisyatiba ni General Manager Joeben A. Tai, ang pamamahagi ng bigas ay ginanap kamakailan lang sa Northville 1, Bignay, Valenzuela City. Humigit-kumulang 1,200 pamilyang benepisyaryo ang nakinabang sa libreng limang-kilong bigas na pinangasiwaan ng NHA NCR-North Sector Office katuwang ang MANAVA District Office.

Malugod na tinanggap ng mga residente ang tulong, at tinawag itong isang malaking ginhawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Malaking ginhawa po ang bigas na ito para sa aming pamilya. Sa hirap ng panahon ngayon, kahit maliit na bagay, malaking tulong na po sa aming mga mahihirap,” pagbabahagi ng isa sa mga benepisyaryo.

Matatandaang binigyang-diin ni GM Tai ang kahalagahan ng inisyatibang ito, sabay sabing: “Ang NHA ay hindi lang para magpatayo ng mga bahay. Narito rin kami para tumulong sa pag-unlad ng bawat pamilyang Pilipino. Sa selebrasyon ng aming ika-50 anibersaryo, sinisiguro naming mararamdaman ninyo ang pagkalinga ng NHA.”

Katuwang ang National Food Authority (NFA), ang programa sa pamamahagi ng bigas ay bahagi ng serye ng mga inisyatibang nakatuon sa komunidad na ipinatutupad ng NHA mula Abril hanggang Hulyo 2025 bilang parte ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito. Ang bawat isa ay idinisenyo upang magbigay-ginhawa sa mga benepisyaryo at bigyang-diin ang epekto ng mga programa sa pabahay ng ahensya sa buhay ng tao.

Sa ibinigay na 25 taon pa dito, muling pinagtitibay ng NHA ang pangako nitong iangat ang buhay ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng inclusive at community-centered services na naaayon sa bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng isang “Bagong Pilipinas.” (PAUL JOHN REYES)

27 milyong estudyante, nagbalik-eskwela na  

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“ALL systems go’ sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa Lunes, Hunyo 16.”

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, handang-handa na sila para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong School Year 2025-2026.

“All systems go po ang lahat sa pagbubukas ng ating klase bukas, June 16,” aniya pa.

Samantala, ayon naman kay Dennis Legaspi, Media Relations chief ng Office of the Secretary ng DepEd, ang projected enrollment ng DepEd ngayong school year ay nasa 27 milyon.

Sa pagbubukas ng klase, binisita ni Angara, kasama si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Epifanio delos Santos Elementary School, sa Singalong St., sa Maynila, ganap na alas-9:00 ng umaga ngayong araw upang personal na makita ang sitwasyon ng pagbubukas ng klase.

Una nang pinadali at ginawang cost-effective ng DepEd ang pagpapa-enroll sa basic education school.

Nabatid na pinasimple na lamang ng DepEd ang mga rekisitos na kakailanganin ng mga mag-aaral sa pag-e-enroll, na nagpapahintulot sa mga magulang na minsanan na lamang magsumite ng birth certificate ng kanilang mga anak, sa buong K-12 education, alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pang. Marcos.

“We’ve heard from parents that enrollment can be challenging due to the paper requirements and mis­sing records,” ani Angara. “This new policy means less expense and less hassle for our parents and families. They no need to secure the same documents every year, which eases their financial burden and makes our enrollment process more efficient.”