Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang nang hingan ng komento sa naging hamon ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa administrasyong Marcos na “come and get me.”
Sinabi ni Castro na hinihintay lamang Department of Justice (DOJ) ang formal notice sa asylum bid ni Roque.
“Ayon naman po sa DOJ ay naghihintay lamang po ng formal notice na patungkol po dito sa kaniyang asylum. Kung ang sinasabi po niya, ‘Come and get me,’ ayon naman po sa ating pamahalaan ‘Wait and see,'” ayon kay Castro.
Sinabi pa ni Castro kay Roque na hindi dapat nito minamaliit ang intelligence gathering at kakayahan ng intelligence officers ng bansa.
“Huwag niya pong ipagsawalang-bahala ang intelligence, ang assets po ng DOJ.At hindi naman po namin iti-telegraph ang mga punches ng gobyerno katulad ng kanyang ginagawa,” ang sinabi nito.
Nito lamang Huwebes, Hunyo 19 nang bitawan ni Roque ang katagang “come and get me” bilang tugon pa rin kay Castro na nakahanda raw ang gobyerno upang tuluyan siyang maaresto.
Matatandaang si Roque ay ikinokonsiderang nagtatago sa batas matapos maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga. (Daris Jose)




Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target lamang ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay ang mga indibidwal na ang kita ay mababa pa sa minimum wage na nasa krisis dulot ng epekto ng inflation.
BINIGYANG linaw ng Kamara na hindi ito naghain o nagpasimuno ng paghahain ng anumang uri ng pormal na reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte, sa kasong plunder, technical malversation at corruption.
BINIGYANG linaw ng Kamara na hindi ito naghain o nagpasimuno nang paghahain ng anumang uri ng pormal na reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte, sa kasong plunder, technical malversation at corruption.
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 18-anyos na binata matapos damputin ng pulisya makaraang isumbong ni ‘Marites’ na may dalang baril sa Caloocan City.