• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

3,000 benepisyaryo nakiisa sa NHA PEOPLE’S CARAVAN          

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHATID ng pag-asa at iba’t ibang serbisyo ang National Housing Authority (NHA) sa Negros Occidental sa pamamagitan ng People’s Caravan: “Serbisyong Dala ay Pag-asa” na ginanap sa Pahanocoy Sites and Services Project, Brgy. Pahanocoy Gymnasium, NHA Phase 2, Bacolod City.

Humigit-kumulang 3,000 Negrense ang lumahok sa nasabing kaganapan. Ang caravan na isang priority project ni NHA General Manager Joeben A. Tai, ay naglalayong mailapit ang mga mahahalagang programa at serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa mga benepisyaryo ng mga resettlement site ng ahensya.

Isa sa mga highlight ng kaganapan ang pagbibigay ng Transfer Certificates of Title (TCTs) sa tatlong benepisyaryo mula sa Pahanocoy Sites and Services Project, kasama ang 40 lot titles para sa mga awardee ng AFP/PNP Housing Project.

Kabilang sa mga ahensyang nagbigay ng kanilang mga serbisyo at produkto ay ang Philippine Statistics Authority (PSA)-PhilSys, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), PAG-IBIG Fund, PhilHealth, Social Security System (SSS), Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP) para sa basic member/profile registration at clearance services.

Nag-alok din ang caravan ng medical at dental mission na may libreng eye check-up, gupit, tuli, at pamamahagi ng gamot / bitamina at salamin mula sa Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Sugralandia Lions Club.

Nagbenta ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng KADIWA stores at sa tulong ng Bureau of Plant Industry (BPI), ng sariwa at murang produktong agrikultural na may kasamang pamamahagi ng libreng buto at punla.

Nagkaroon din ng isang job fair na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Public Employment Service Office (PESO) para sa lokal na trabaho at Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga trabaho sa ibang bansa. Samantala, nagbigay ng information drive ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) tungkol sa scholarship at skills training, ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa business counseling at business permit registration, at ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) orientation.

Kasama rin sa iba pang serbisyo ay ang libreng Wi-Fi coverage at pagpapakilala ng eGov Superapp at PNPKI Digital Certificate ng Department of Information and Communications Technology (DICT), donasyon ng mga pre-loved na damit at laruan mula sa Philippine Air Force (PAF), at media coverage na inihandog ng Philippine Information Agency (PIA) Region 6.

Mula nang nagsimula ito noong Setyembre 2023, ang NHA People’s Caravan ay nasa ika-29 na leg na nito, na isang malaking indikasyon sa pagbibigay-diin ng ahensya ng pangako nito na bumuo ng sustainable communities para sa Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

DOH inilunsad ‘Alas Kwatro Kontra Mosquito’

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT bumaba na ang kaso ng dengue nitong mga nakaraang buwan ay ipinaalala ng Department of Health (DOH) na kailangang magtuluy-tuloy ang epektibong dengue prevention measure na “Alas Kwatro Kontra Mosquito” mula sa mga komunidad papunta sa mga eskwelahan lalo na ngayong tag-ulan.

Inumpisahan ng DOH ang kampanyang Alas Kwatro Kontra Mosquito sa Antipolo National High School bilang hudyat sa pagsasagawa ng Taob, Taktak, Tuyo, at Takip sa mga paaralan sa Pilipinas para walang pamahayan ang lamok na Aedes lalo na ngayong tag-ulan.

“Kailangang magtuluy-tuloy ang nasimulan natin sa dengue prevention.Kailangang gawin ang Taob, Taktak, Tuyo, Takip mula sa mga bahay hanggang sa mga barangay at pati sa mga eskwelahan dahil ang lamok ay lumilipat ng tirahan. Madalas nakikita natin ang pagtaas sa kaso ng dengue kapag maulan. We have to prevent this by intensifying vector control,” pahayag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.

Mula Enero hanggang Hunyo 2025, umabot sa 123,291 ang mga Pilipinong nagkaroon ng dengue na pinakamaraming pasyente ay nasa edad 5 hanggang 9 na umabot sa bilang na 27,358.

Sa kabila ng mga kasong naitala, nananatiling mababa ang case fata­lity rate ng dengue na nasa 0.4%. Ibig sabihin 4 sa 1000 pasyente ang nasasawi sa nasabing sakit.

Ads June 24, 2025

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

24 – 4-merged

Ayala Malls Cinemas invites families to an out-of-this world cosmic adventure with Disney-Pixar’s “Elio”, now showing in cinemas

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AN out-of-this-world family movie experience awaits kids and kids-at-heart in Ayala Malls Cinemas with Disney-Pixar’s “Elio” – in 4DX and A-Giant! The highly anticipated new movie from the makers of “Inside Out 2,” “Elio” is now showing in cinemas and features the voices of Academy Award winner Zoe Saldaña (“Emilia Pérez,” “Guardians of the Galaxy”), Brad Garrett (“Finding Nemo”), Jameela Jamil (“The Good Place”) and Yonas Kibreab as Elio.
Watching “Elio” in 4DX is truly an out-of-this world experience, as moviegoers will be able to feel the gravity shift, the wind rush past while characters zoom into space, and the lights flash as if they’re right inside a spaceship. With motion seats and other immersive effects, audiences will feel like they’re right there with Elio – meeting aliens, discovering new planets, and helping Elio find out who he really is. “Elio” is available in 4DX at Bonifacio High Street and U.P Town Center.
For centuries, people have called out to the universe looking for answers – and in Disney and Pixar’s all-new feature film “Elio,” the universe calls back! The cosmic misadventure introduces Elio, a young space fanatic with an active imagination and a huge alien obsession. So, when he’s beamed up to the Communiverse, an interplanetary organization with representatives from galaxies far and wide, Elio’s all in for the epic undertaking. Mistakenly identified as Earth’s leader, Elio must form new bonds with eccentric alien lifeforms, navigate a crisis of intergalactic proportions, and somehow discover who and where he is truly meant to be.
“In the Communiverse, everything is moving around – things are pulsing. There’s always movement in every frame,” says director of photography Jordan Rempel. “Sometimes it’s literal movement – discs are orbiting, star fields shift and rotate – they’re never static.”
Another premium cinematic experience families can enjoy only at Ayala Malls Cinemas is catching “Elio” at the A-Giant cinema. With a screen that is four times as large as regular cinema screens, all the colorful and surreal images and scenes in “Elio” become so much larger than life.
Kids also get to create fun memories with their parents or guardians (and friends too!) with the special “Elio”-themed doodle walls available in cinema lobbies.
Ayala Malls Cinemas is home to family fun and unforgettable movie experiences. Besides watching “Elio” in 4DX and A-Giant cinemas, movie watchers can also catch the film in Ayala Malls’ other Specialty Cinemas, which include ATMOS and A-Luxe Cinemas. With plush seating and generous legroom, cutting-edge laser projections for sharper images, and top-notch Dolby Sound and Dolby Atmos technologies to enhance audio depth, Ayala Malls Cinemas is the choice destination for movie lovers. And for those looking for something to munch on while watching the latest films, The Movie Snackbar is loaded with movie-watching snack staples, such as popcorn, sandwiches and ice-cold beverages.
Don’t miss “Elio,” now showing in cinemas. Book your tickets now by visiting www.sureseats.com or any of the participating cinemas. Visit the Ayala Malls Cinemas FB and IG pages for updates!
(ROHN ROMULO)

Lumabas ang photos nila ng Tattoo guy:  KYLIE, hindi naman itinanggi na nakikipag-date siya

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI itinanggi ni Kylie Padilla na nakikipag-date siya.
Although, hindi na niya nilinaw yung salita niyang “we dated” kung hanggang ngayon ba.
Naglabasan ang mga photos na kasama niya si Tattoo guy. Natatawang sagot naman niya, “Ah, si Tattoo Guy, we dated, yeah, we dated.”
Dahil ‘we dated,’ tapos na?
“Secret,” natawa niyang sagot.
Masaya ba ang puso niya ngayon?
“Happy naman ako, very grateful lalo na sa trabaho, buhay ang mga anak ko.”
Sa dalawang anak pa lang daw niya na sina Alas at Axl, talagang nakukuha na ang oras niya sa pagpapalaki sa mga ito.
Nitong Lunes, June 23 ay nag-pilot na sa GMA Afternoon Prime ang bago niyang teleserye, ang “My Father’s Wife” na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado.
Kasama rin ni Kylie sina Gabby Concepcion, Kazel Kinouchi at Jak Roberto.
Proud si Kylie sa bagong serye.
Aniya, “Ang ganda ng story, e. Ako, personally, noong prinisent sa akin, gusto ko siya. Kasi, walang character na gray. Walang mabait lang, walang kontrabida talaga. Yung character ko may dahilan kung bakit nagalit sa character niya (Kazel) at may dahilan din kung bakit nagalit yung character niya sa akin.”
***
HALOS lahat naman ng housemates na naiwan pa sa Bahay ni Kuya ay nagisa ng husto ng mga housemates na na-evict na.
Pero tingin namin, si AZ Martinez ang pinaka sa kanila lahat. Talagang diniretso ito ng mga evictees. Mababasa tuloy sa mga comment na nandiyang mean girl daw or plastic at kung ano-ano pa.
Unang bato pa lang sa kanya ni Kira Balinger ay diretsahan siyang tinanong kung sa palagay raw ba ni AZ, naging good example siya sa loob ng bahay ni Kuya?
“Yes,” ang mabilis na sagot ni AZ.
“I think, I have been so open inside the house to the point that I feel like I even over share.”
Pero diniretso si AZ ni Ashley Ortega na paano raw nitong nasabi na nagpapaka-totoo siya kahit kay Ashley mismo? Tinawag pa ni Ashley si AZ na two-faced o doble-kara. Sinegundahan din ni Shuvee Etrata ang sinabi ni Ashley at sinabi nito kay AZ na feeling niya, hindi ito nagpapaka-totoo. Nang magkausap daw sila sa garden, sinabihan daw siya nito na kakampi niya. Pero noong nomination, binoto siya. Kaya tinawag pa ito ni Shuvee na fake.
Sinagot naman ni AZ ang lahat ng binato sa kanya, pero siyempre, mas nagkaroon ng tila negative impression sa kanya ang mga netizens.
(ROSE GARCIA)

Nang malamang na-damage ang bike frame: ALDEN, sobrang bad trip kaya napa-shout out sa airline 

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS ng sama ng loob si Asia’s Multimedia Star Alden Richards matapos na malamang na-damage ang bike frame sa loob ng eroplanong sinakyan pauwi ng Pilipinas.
At dahil sa sobrang pagka-bad trip at napa-shoutout ang award-winning actor sa kanyang Instagram at Facebook sa isang airline company para iparating ang nangyari sa kanyang bike.
Kahapon, June 23, ipinost nga ni Alden ang larawan ng bike frame na makikitang may crack na.
“This is very upsetting,” caption ng Kapuso actor sa kanyang post.
“Shoutout to [Cathay Pacific] for fracturing my bike frame and unloading my bikebox and bike rack on my home to the Philippines,” say ni Alden.
Dagdag pa niya, “Please do something about this.”
Marami naman ang nag-comment sa post ni Alden at nakaka-relate daw sikla sa naturang pangyayari.
Samantala, nakarating ito na sa Cathay Pacific at ayon sa kanilang representative, under investigation na ang nangyari sa bike frame ng aktor.
Abangan na lang natin ang statement na kanilang ilalabas.
***
SPEEd nag-donate sa isa sa pinakamatandang simbahan, naghatid ng pasalubong sa mga bata sa Kalayaan
HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para makapaghatid ng donasyon at saya ang SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors), samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, sa pinaka-matandang simbahan sa Laguna at humigit-kumulang na 150 kabataan sa ginanap na ‘SPEED Cares Outreach Program’ nu’ng Linggo, Hunyo 22, sa Longos, Laguna.
Ang Saint John the Baptist Parish Church, na kilala bilang Longos Church, ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa bayan ng Kalayaan sa Laguna. Sa kalukuyan ay 355 years old na ito na tuluy-tuloy ang isinasagawang restoration at pagpapaganda.
At isa sa mga hindi pangkaraniwang katangian ng simbahan ay ang Botafumeiro, isang swinging thurible na nakasabit sa malalaking metal na arko na may nakasulat na mga bersikulo mula sa awit ni Zacarias.
Mainit ang pagtanggap sa SPEEd ng parish priest ng St. John The Baptist na si Rev. Fr. Christian Abao at ng grupong CWL, gayundin sa kanilang pag-alalay para maging maayos at organisado ang naturang outreach program.
Kitang-kita sa mga mata ng mga bata, kasabay ng napakatamis na ngiti at taos-pusong pasasalamat, ang kanilang walang kapantay na saya at kasabikan habang tinatanggap ang mga damit, laruan, biscuits at prutas na dala-dala ng mga officers at miyembro ng SPEEd.
Maliit na bagay para sa mga taong nakaaangat sa buhay, ngunit para sa mga batang ito na kasama pa ang kanilang mga magulang na matiyagang pumila para sa mga pasalubong ng SPEEd, malaking tuwa ang hatid nito sa kanilang puso na nag-iwan din ng marka sa kanilang isip sa kahalagahan ng pagbibigay, pagbabahagi ng ating mga biyaya at pakikipagkapwa-tao.
Habang ang cash donation ng grupo para sa simbahan ay magagamit sa mga kinakailangan nilang ipagawa upang mas tumibay pa ang pundasyon ng simbahan.
Sa tulong at suporta ng ilang grupo at personalidad tulad nina Biñan, Laguna Cong. Len Alonte, Bebot Santos ng Colorete Clothing, Moises Fernandez & friends, Geraldine Jennings, LVD Management, Inc. at Federation of Filipino Chinese Chambers Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), matagumpay na nairaos ang SPEEd Cares sa St. John The Baptist sa Kalayaan, Longos, Laguna.
Ang SPEEd ay kasalukuyang pinamumunuan ni Ms. Salve Asis at ngayon ay nasa ika-10 taong na.
Samantala, ihahatid ng SPEED ang ika-8 edisyon ng Entertainment Editors’ Choice Awards o The EDDYS, na gaganapin sa July 20, Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.
Magkakaroon ito ng delayed telecast ito simultaneously sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWantTFC.
(ROHN ROMULO)

Nagbalik-tanaw sa kanyang mahabang tribute: MONIQUE, labis na nalungkot sa pagpanaw ng actor-singer na si COCOY

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA pagpanaw ng theater and film actor-singer na si Victor “Cocoy” Laurel noong June 14, isa sa labis na nalungkot ay ang theater and film actress-singer na si Monique Wilson.
Sa official Facebook page ni Monique nitong June 18, nag-post ito ng mahabang tribute para kay Cocoy na noong baby pa lang daw siya ay kinarga na siya nito.
Kinuwento rin ng 55-year old actress-singer na naging extra siya sa isang pelikula ni Cocoy at sa bahay ng mga Laurel siya na-discover para maging miyembro ng Repertory Philippines.
“I first met you when I was a baby. When you held me in your arms.
“As a toddler I was an extra in your film Ophelia at Paris where my mom said I refused to walk in the mud for the scene.
“I grew up in the Laurel home on Shaw Blvd. It was there, later on when I was 9, when Tito Freddie (Santos) placed me on top of the grand piano and asked me to sing, and you played for me.
“Encouraging me all the way. Tita Bibot (Amador) and Tita Baby (Barredo) were there and that started my life in the theatre with Repertory Philippines.”
Sa 1973 film na “Ophelia At Paris” ay nakatambal ni Cocoy si Vilma Santos. Produced ito ni Cocoy under Victor Laurel Productions at ang direktor ay ang ina niyang si Celia Diaz-Laurel.
Nagkasama rin sina Monique at Cocoy sa original London cast ng “Miss Saigon” in 1989 with Lea Salonga, Isay Alvarez, Pinky Amador, Junix Inocian, Jon Jon Briones, Jenine Desiderio and Robert Sena.
Monique played Mimi at understudy ni Lea as Kim sa Miss Saigon. Hanggang sa maging fulltime Kim na siya when Lea went on Broadway for Miss Saigon in 1991.
Pagpapatuloy ni Monique: “From that age, up until I was 19 when we both flew to London as part of the original West End cast of “Miss Saigon”, we spent many many hours, years, moments (birthdays, Christmas Eves, campaigns, Sunday dinners) at that same grand piano in your home, singing together. Even when there was no occasion, as soon you saw me, you ran to the piano so we could sing together.”
Nag-reminisce din si Monique sa iba pang theater musicals na pinagsamahan nila ni Cocoy through the years.
“Before London there was Rep.  I remember us in “A Chorus Line” together when I was 14.  Then what a thrill it was when I was 15 to play the mistress in Evita (and you as Che Guevara) and get to sing “Another Suitcase In Another Hall” with you onstage. Then our years in London together – another memory I’ve held close is your first ever performance as the Engineer, and how lucky I was to be playing Kim that night. And after the West End, all the concerts we did together. You were my special guest in my first concert when I was 22. And you were my special guest again at my 25th anniversary concert when I was 35.
“I recollect the specific ages now because I realize that for the first 35 years of my life, you were there. Not just onstage, but also in our beloved Matabungkay – our family homes so close to each other, we spent Easter and Christmas and summer breaks
together, always singing. And then from the age of 15 up, our shared life in the theatre, in concerts and shows, where we sang together all the time.”
Matagal din daw na hindi nakasama ni Monique si Cocoy. Huli pa raw silang nagsama sa stage ay noong 2017 pa sa 50th anniversary ng Repertory Philippines.
“Over the years we didn’t get to see each other that much. But again I was grateful to be able to share the stage one last time with you at Rep’s 50th anniversary show eight years ago. What an amazing shared history we have. And I have cherished and treasured every moment of it.
“Fly high my beloved Cocoy. Sing and soar with the angels. Because you have always been one of them. The kindest, purest heart and most glorious human being and artist that I have ever known. Thank you for your voice, your art, and your heart.”
***
HINDI man sila ang tinanghal na Big 4, pero ang mga evicted Kapuso housemates na sina Vince Maristela, Josh Ford, and Michael Sager, malaki ang nabago sa buhay nila dahil sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.”
The male Kapuso housemates shared that they were pleasantly surprised by the warm reception they received from the public sa paglabas nila sa Pinoy Big Brother house.
Vince Maristela, who was evicted last month alongside Kapamilya actress Xyriel Manabat, namangha sa rami ng taong sumalubong sa kanya sa outside world.
“Ako po talaga, sobrang na-overwhelm ako ‘yung sumalubong sa akin sa outside world. Hala, ganito na pala ‘yung mga taong nagmamahal sa akin. Dati, nakikilala ako as my role sa mga teleserye, ngayon kilala na nila ako as Vince Maristela.”
Josh Ford, who was evicted alongside Kapamilya actor Ralph De Leon in May said na mas nagkaroon siya ng confidence after the eviction.
“Ako po ‘yung pinaka hindi kilala sa aming lahat, self-esteem ko sobrang baba po. Parang kinukumpara ko po ‘yung sarili ko sa kanilang lahat, ‘yung parang walang masyadong sumusuporta sa akin, wala akong masyadong fans. Grabe, as in. Yung emotion ko talaga sa paglabas, I was so struck sa pagmamahal na ibinigay nila sa akin.”
Meanwhile, Michael Sager, who was evicted in April alongside Kapamilya actor Emilio Daez, said that the warm reception ay ang tanging kailangan niya sa panahon na iyon.
“Nung narinig ko ‘yung names na china-chat nila, Team MiLi, ‘yung may malaking board, tapos ‘We love you Michael!’ Those were the words I needed the most at that time.”
(RUEL J. MENDOZA)

Blogapalooza Celebrates 10 Years of Elevating Influence with Launch of Community Song “Dito sa Bloga”

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MANILA, PHILIPPINES – June 23, 2025 – Blogapalooza, the Philippines’ premier influencer marketing company, is proud to announce a significant milestone: its 10th Year Anniversary. To commemorate a decade of fostering connections and empowering creators nationwide, the company is thrilled to launch its official community song, “Dito sa Bloga.”
Since its inception, Blogapalooza has been dedicated to cultivating a vibrant and supportive ecosystem for content creators. “Dito sa Bloga” beautifully encapsulates the spirit of the BlogaFam – Blogapalooza’s extensive network of influencers spanning Luzon, Visayas, and Mindanao. This song serves as a heartfelt tribute to the enduring relationships and shared
passion that define the community.
A special BlogaFam Version of the song is also being released, featuring the collaborative voices of the dedicated BlogaTeam (Blogapalooza employees), the cherished BlogaFam (influencer community), and talented BX Talents (managed influencers). This unique rendition is a true reflection of the inclusive and collaborative spirit that has been the hallmark of Blogapalooza’s success.”Dito sa Bloga” stands as a powerful testament to Blogapalooza’s legacy of nurturing a community of over 50,000 content creators across the Philippines. The song resonates with the idea that even when physically apart, the shared connection and passion among creators remain strong. It’s a unifying melody, celebrating every individual who has contributed to Blogapalooza’s remarkable journey over the past decade. Join us in celebrating this momentous occasion! “Dito sa Bloga” is now available for streaming on Spotify and YouTube.Blogapalooza extends its sincere gratitude to the talented individuals, all part of the BlogaFam, who brought “Dito sa Bloga” to life:Music Production:
● Produced by: KIER
● Mixed and Mastered by: Jet Francisco
● Arranged by: Vonne Vallon
● Recorded at: Wild Grass Studio
Composers:
● Aj Pajaron
● Kier
● Kirby Bas
● Aly Descalzo
● Pia Paolo
Singers:
● Kirby Bas
● Aly Descalzo
● Angela Gwyneth N. Francisco
● Christa Marifel Mestio
● Christensen Val Diaz
● Whelbelyne Eudela Alvarez (AA)
● Jazper Tiongson
● Rozel Ann C. Basilio
● Vincent Gapuz
● Shone Ejusa
● Oliver Agustin
● Kier
● Frank Lloyd Mamaril
● JM Dela Cena

Alex Eala wagi laban kay Baptiste sa Eastbourne Open

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAHIYA ni Pinay tennis star Alex Eala world No. 56 Hailey Baptiste ng US sa WTA 250 Eastbourne Open sa Great Britain.

Nakuha ni Eala sa score na 6(1)-7, 7-6(4), 6-1 na ito ang huling tune-up game ng Pinay tennis star bago ang Wimbledon.

Una ng tinalo ni Eala si Zeynep Sonmez, 6-1, 6-3 ng Turkey nitong Sabado.

Ang nasabing panalo ay maituturing na malaking tulong para kay Eala para sa unang pagsabak niya sa Wimbledon.

Oklahoma City Thunder, tinanghal bilang 2025 NBA Champion; Shai Gilgeous-Alexander, kinoronahan bilang Finals MVP

Posted on: June 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINORONAHAN bilang 2025 NBA Champion ang Oklahoma City Thunder.

Nagawa ng Thunder na patumbahin ang Pacers sa Game 7, 103-91, sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na kumamada ng 29 points, 12 assists, at limang rebounds sa loob ng 40 mins na paglalaro.

Sinamantala ng koponan ang injury ni Pacers guard Tyrese Haliburton upang duminahin ang laban, lalo na sa 3rd quarter kung saan gumawa ang 2025 NBA Champion ng 34-20 run.

Sa unang quarter kasi ng laban ay nagtamo si Haliburton ng hindi pa matukoy na injury at kinailangan na siyang dalhin ng mga medical staff sa locker room.

Pinilit pa ring makipagsabayan ng kaniyang mga kapwa Pacers player at nagawa nilang iposte ang 1-point lead sa pagtatapos ng 1st half, 47-48.

Gayunpaman, tuluyan itong binura ng Thunder matapos ang maagang lead sa 3rd quarter kung saan sa unang limang minuto ay nagawa ng koponan na iposte ang 18-8 run.

Hindi na nagpabaya ang Thunder at pinanatili ang magandang lead sa pagtatapos ng game 7.

Samantala, sa pitong minutong inilagi ni Tyrese haliburton sa hardcourt, nagawa niyang mag-ambag ng siyam na puntos, kasama ang all-around presence sa pagsisimula ng laro.

Labis namang nag-level up ang reserve guard ng Indiana na si Bennedcit Mathurin at nagawa niyang magpasok ng 18 points at umagaw ng 12 rebounds sa pananatili sa hardcourt.

Kung babalikan sa kasaysayan, apat na beses nang lumaban ang OKC sa NBA Finals ngunit iisa lamang ang matagumpay nitong naipanalo – 1979 Finals. Ang naturang koponan ay tinatawag pa noong Seattle Supersonics.

Dahil sa panalo ng kasalukuyang Thunder roster, dalawang kampeonato na ang bitbit ng koponan.

Tinanghal din bilang Finals MVP si Gilgeous-Alexander mataops ang impresibong performance sa buong playoffs hanggang tuluyang maibulsa ang championship trophy.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ng bagong NBA Champion ang mga kapwa player, pamilya, at lahat ng sumuporta sa kanya.

Sa kasalukuyan, wala pang announcement kung kailan isasagawa ang victory parade sa Oklahoma City kasunod ng matagumpay na kampaniya ng koponan ngayong season.