• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2025

50% discount sa train, welcome gift sa mga estudyante; Tiangco

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Navotas City representative Toby Tiangco na ang 50% discount para sa mga estudyante sa lahat ng biyahe ng train ay isang welcome gift sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng school year.

“Magandang pabaon po ito para sa ating mga mag-aaral ngayong pasukan. Isa din itong malinaw na mensahe mula kay President Bongbong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para tulungan ang mga mag-aaral para maibsan ang kanilang mga pangangailangan,” saad ni Tiangco.

Aniya, malaking tulong din ito sa mga pamilya dahil mababawasan ang kanilang intindihin at mailalaan sa ibang bagay ang matitipid nila sa pamasahe.

“Your government is here and we are doing everything in our power to minimize the financial burden of Filipino students so they can put all their focus on studying,” sabi pa niya.

Samantala, pinaalalahanan din ng solon ang lahat ng public utility vehicle (PUV) operators at mga drivers, kabilang ang transport network vehicle service (TNVS) providers na mahigpit na igalang ang 20 percent student fare discount.

“The 20 percent student discount on public transportation is not optional and must be granted to all students. Karapatan po yan na hindi dapat ipinagkakait sa ating mga magaaral,” ani mambabatas.

Hinimok din ni Tiangco ang mga estudyante na i-report ang mga lumabag sa LTFRB hotline o sa pamamagitan ng LTFRB Citizen’s Complaint Center.

“We call on our students and parents to report drivers who refuse to grant student discounts. Makipag-ugnayan lamang po tayo sa LTFRB at para mapanagot ang mga violators,” dagdag niya.

Ang mga lalabag sa R.A 11314 o ang Student Fare Discount Act ay maaaring pagmultahin ng hanggang P5,000 para sa unang paglabag at kapag maulit ay maaaring suspindehin o bawiin ang kanilang prangkisa o permit, depende sa dami ng paglabag. (Richard Mesa)

LTO, paiigtingin ang operasyon laban sa mga hindi rehistradong sasakyan at mga lisensyang paso

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan kaugnay ng nakatakdang pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga sasakyang delikado at hindi ligtas gamitin sa kalsada.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isasagawa ang kampanya kasabay ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga hindi rehistradong sasakyan at mga lisensyang paso, matapos makapagtala ang ahensya ng malaking pagtaas sa ganitong uri ng mga paglabag.

“Ito ay dapat magsilbing paalala sa mga motorista na tuparin ang kanilang tungkulin na panatilihing updated ang rehistro ng kanilang mga sasakyan dahil kung hindi, daraan ito sa mas mahigpit na proseso bago muling ma-renew,” sabi ni Asec. Mendoza.

Dagdag pa niya, mahalaga ang isinasagawang roadworthiness inspection sa mga accredited Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) upang matukoy kung ligtas pa bang gamitin ang isang sasakyan.

Batay sa memorandum, ang mga sasakyang may expired na rehistro ay agad na i-impound hanggang sa maiparehistro muli ang mga ito, kasunod ng matagumpay na pagsusuri sa roadworthiness. Ang Joint Administrative Order 2014-01 at ang Republic Act 4136 ang nagsisilbing batayan ng mahigpit na parusa, kabilang na ang multang ₱10,000.

Gayundin, maaaring i-impound ang mga delikado at hindi ligtas na sasakyan alinsunod sa parehong batas, hanggang sa makumpleto lahat ng kinakailangang rekisito upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa kalsada.

“Para sa layunin ng pagpapatupad, kabilang sa mga itinuturing na delikadong sasakyan ang mga may sirang windshield, nakalaylay o nakausling bahagi, kalbong gulong, labis na usok, at malalaking pinsalang nakikita sa katawan ng sasakyan,” ayon sa memo.

Iginiit ni Asec. Mendoza ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga depektibong sasakyan, lalo na’t ilang seryosong aksidente sa nakaraan ay bunsod ng sirang bahagi o aksesorya.

Kabilang sa mga layunin ng administrasyong Marcos sa ilalim ng Philippine Road Safety Action Plan ang bawasan ng hindi bababa sa 35% ang mga insidente ng aksidente sa daan hanggang taong 2028.

“Road safety is a matter of life and death. Sa panig ng LTO, aktibo kaming nagsasagawa ng mga hakbangin upang maiwasan ang mga insidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” ani Asec. Mendoza.

“Kasama sa mga hakbanging ito ang kampanya laban sa mga ganitong uri ng sasakyan. Kaya nananawagan kami sa mga pasaway na motorista na gawin ang tama dahil kaligtasan ninyo at ng inyong mga mahal sa buhay ang nakataya rito,” pagtatapos niya. (PAUL JOHN REYES)

LCSP Statement on the NAIA Airport Taxi Overcharging and Alleged Police Extortion 

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) commends the swift and decisive action of the Department of Transportation (DOTr), under the leadership of Secretary Vince Dizon, in addressing the long-standing issue of alleged corruption involving personnel from the Airport Police Department of the Manila International Airport Authority (MIAA).

This is in connection with the recent case involving a viral taxi driver who reportedly overcharged a passenger PHP 1,260 for a trip from NAIA Terminal 2 to Terminal 3. On June 19, 2025, the said driver appeared before the Land Transportation Office (LTO) to answer for his possible violations. During the hearing, he disclosed the existence of a pervasive “system” at the airport taxi lane, where drivers are allegedly required to remit 40% of their fare to certain members of the Airport Police Department. Failure to comply reportedly results in the issuance of traffic violation tickets.

These disturbing revelations suggest that taxi drivers are being forced to overcharge passengers to offset the illicit demands of corrupt airport personnel. Secretary Dizon has since pledged to thoroughly investigate the matter and extend protection to the driver in question.

This courageous disclosure may finally pave the way to ending the persistent problem of airport taxi overcharging. The LCSP believes that the DOTr’s quick intervention and commitment to protect whistleblowers will result in three significant outcomes:

1. It will help clear the names of honest taxi drivers who were left with no option but to overcharge due to coercion by corrupt airport personnel;

2. It opens the door to a full investigation and the eventual accountability of the airport police officers involved—offering a real solution to a problem that has plagued commuters for decades;

3. Most importantly, it will directly benefit the commuting public, ensuring that airport taxis can once again be trusted to charge fair and lawful rates.

We express our full support for the ongoing investigation and urge authorities to bring the full weight of the law upon those found responsible. Commuters deserve no less than a safe, fair, and transparent transportation system.

Atty. Albert N. Sadili

Spokesperson – Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP)

Contact: 0966-085-9816(Viber and mobile)

Taas presyo ng de-lata, bilihin nakaamba

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABISO na ang grupo ng mga may-ari ng supermarket na ipapasa nila sa consumers ang magiging ­dagdag na g­astos sa paggawa ng mga produkto na kinabibila­ngan ng mga de-lata at iba pa bunsod ng malakihang pagtataas ng ­presyo ng petrolyo ngayong linggo.

“Ipapasa sa amin ng distributor kung sino man ang nag-deliver sa amin, supplier namin. And then we’ll have to pass on to consumers,” pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.

Paliwanag ni Cua, maaring itaas ang mga manufactured item ­tulad ng mga de-lata, processed foods, at iba pa dahil magpapalaki ng distribution cost.

Ang mga supermarket owners naman ang magtatalaga kung magkano pa ang ipapatong sa mga kasalukuyang presyo ng mga produkto.

Nakatakdang ipatupad ang big-time price hike sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, na epekto ng tensyon sa Middle East sa pandaigdigang merkado.

Nakipagpulong ang Department of Energy (DOE) sa mga oil companies hinggil sa magiging solusyon na matulungan ang publiko sa mataas na presyo ng langis.

Nakumbinsi ng DOE ang 12 kumpanya ng ­langis na dumalo sa pulong, na utay-utayin ang pagpapatupad ng mataas na ­presyo at magsusumite sila ng actual price adjustment para sa tranches ng pag-stagger ng taas-presyo.

Bukod pa rito, handa umano ang mga kum­panya ng langis na i-expand ang kanilang mga promotion at discounts para sa public utility vehicles o mga dyip para mapigilan ang impact o pagtaas ng singil ng pamasahe sa publiko.

HON. ROSS RIZAL ng Calamba, Laguna tumanggap ng The Noble Award for Excellence in Public Service and Community Empowerment

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang pasasalamat ni Calamba Laguna, Mayor Ross Rizal sa Apex Alliance Council Awards and Ministry para sa pagkilalang sa kanya bilang — The Noble Award for Excellence in Public Service and Community Empowerment.

Pahayag ng butihing MayorBilang Punong Lungsod ng Calamba, “hindi ko po tinatahak ang landas ng paglilingkod para sa parangal, kundi para sa tunay na pagbabago sa buhay ng bawat Calambeño. Ngunit ang gantimpalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang pag-ibayuhin ang aking paninilbihan — tapat, makatao, at may malasakit.”

Muli, ang aming pagbati sa inyo, Mayor Ross Rizal mula sa pahayagang People’s Balita.

(Text & Photos by Boy Morales Sr.)

Ads June 25, 2025

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

25 – 4-merged

“28 Years Later” scores highest Rotten Tomatoes score out of the franchise, receives praise from critics

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

28 Years Later breaks the franchise records as it holds the highest opening weekend box office numbers out of the franchise, at $60 million worldwide. The film helmed by original director and writer duo Danny Boyle and Alex Garland also scored an 89% critic score in Rotten Tomatoes, beating its predecessors.

28 Years later is on its way to crash through more records as it’s on its way to becoming the most successful film from the 28 Days Later franchise.

 

Watch the newest trailer: https://youtu.be/8lo8rDf5ZGo

 

28 Years Later explores the world almost three decades after the rage virus broke quarantine and ravaged humanity. Survivors living amongst the infected find a haven in Holy Island, a landmass protected by water and only accessible through a causeway that floods for most of the day. The film centers around the family of Jamie (Aaron-Taylor Johnson), his wife Isla (Jodie Comer), and their son Spike (Alfie Williams) as they explore the world beyond their safe haven.

 

Critics praise 28 Years Later and its unconventional take of the horror genre, with Hollywood Insider writing, “Although this film is extremely gruesome and bloody, there are still quite a few moments where we sit with the characters at their most vulnerable, and they play out in such beautiful ways, some that are rarely seen in big, studio movies anymore.”

 

Collider emphasises one new terrifying development with how the infected have transformed, writing, “While it technically isn’t considered canon anymore, Weeks Later provides some necessary context for this development, which we saw 28 Years Later take to another level as it showed how the infected had evolved, with one creation sticking out as perhaps the most frightening portrayal of a zombie/undead creature seen in a very long time.”

 

IGN puts the spotlight on the performances of the main actors, writing, ” Newcomer Alfie Williams ably shoulders the harrowing plot, flanked on either side by similarly strong performances from Aaron Taylor-Johnson and Jodie Comer.”

 

Watch the horror unfold as 28 Years Later is now in Philippine cinemas. 28 Years Later is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #28YearsLater and tag @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Dahil sa kasalan din sila hahantong ni Rayver: JULIE ANNE, pinagpi-pray na maging handa bilang asawa at ina

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DAHIL malamang sa kasalan naman hahantong ang relasyon nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz, matanong ang singer-host kung handa na ba siya maging asawa at ina.
“Ako iyan ang pinagpe-pray ko palagi kay Lord kasi siyempre ako gusto ko din na kapag nangyari iyon gusto ko ay handa talaga ako,” pahayag ni Julie Anne.
Pagpapatuloy pa niya, “But since iyan napag-uusapan naman talaga din namin, and dun din naman kasi papunta iyon, and nasa point na rin kasi ako ng life ko na gusto ko na lang mag-enjoy.
“I wanna enjoy life, I want to focus on my happiness din naman.”
Hindi ba siya natatakot magbuntis dahil baka tumaba o malosyang?
“I think it’s part of ano naman e, being a wife and a mother so ano naman iyon e, parang… lagi ko ngang sinasabi, kasi marami rin akong nakikita or nawi-witness na, ‘O ganitong klase yung life nila after nilang ikasal or like pagka mommies na sila’.
“And ako personally nai-inspire ako, mas nai-inspire ako.
“Si mommy kasi especially nung dalaga siya parang ganito rin kasi yung katawan niya.
“So it’s really, you know, about really taking good care of your body, about your health talaga.”
Samantala, host na si Julie Anne ng ‘The Clash’, at bilang siya rin noong bata ay galing sa isang singing contest, ang Popstar Kids noong 2005, ano ang nararamdaman niya ngayong nakikita niya ang mga Clashers o mga contestants ng The Clash?
“Ako naaano ako, naaalala ko nung bata ako, nagtatakbo ako kasama ng mga kasamahan ko sa Popstar Kids,” at natawa si Julie Anne.
“Naalala ko yung childhood ko kasi nung bata ako, iyon, naging Popstar Kids, alam naman ng lahat na dumaan din talaga ako dun.
“Tapos kahit na sabihing competition iyon, siyempre ine-enjoy na din namin yung youth namin, tapos nagagawa namin yung mga gusto naming gawin like bata kami pero kumakanta kami, sumasayaw kami nagpe-perform kami.”
Ganoon rin daw ang nakikita niya sa mga Clashers ngayon.
“Nakaka-inspire, nakaka-inspire, especially seeing the clashers.
“Witness kami na magkakaibigan itong mga ito, lahat ng dumaan sa The Clash, talagang magkakaibigan na rin sila, parang naging isang pamilya na rin kasi kami.
“Parang, ‘Okay competition ito, pagdating ko sa Clash Arena okay gagawin ko yung best ko pero okay tayo friends naman tayo.'”
Umere ang pilot episode ng The Clash nitong Hunyo 8 kung saan hosts sina Julie Anne at Rayver at mga hurado naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.
Napapanood dito tuwing Linggo, 7:15 pm.
***

HAHARAPIN ng kinatawan ng Pilipinas na si Charyzah Barbara Esparrago ang labingdalawang kandidata mula sa iba’t-ibang bansa sa mundo.

Kabugin kaya ni Charyzah sa ganda, pagrampa na naka-gown at swimsuit, at talino sina Joseline Pando ng Ecuador; Ruth Yirgalem Weldesilasie ng Ethiopia; Shelito Kim Gallego ng Hawaii, USA; Tiffany Fernandes ng India; Gulsiia Aidarovna ng Russia; Olwethi Tembe ng South Africa; Ju Won Bak – South Korea; Maria Leslyn Numilla ng Spain; Joy Mwangi ng USA; Charmyn KC Sierra ng Vietnam; Shanoli Yolada Fernando Wewalage ng Sri Lanka at Favour Felix-Briggs ng Nigeria at koronahan bilang Miss Supermodel Worldwide sa Huwebes, June 26 sa grand ballroom ng Okada Manila?

Sa pamumuno ni Sandeep Kumar na may-ari at Presidente ng Rubaru Group India na siyang founder at International Pageant Director ang Miss Supermodel Worldwide.

Katuwang niya si JJ Maghirang III na siyang International Creative Director ng MSW.

Samantala ang Velvet Media, Inc. ang Philippine Franchise Owner ng MSW.

Binubuo ito nina Jhovs Medico (Managing Partner); Mae Maghirang (National and Finance Director); at Michelle Perez (Operations Director).

ANG Miss Supermodel Worldwide Core Team naman ay binubuo, bukod kina Mr. Kumar at Mr. Maghirang III, nina Reygie Rodriguez (Lead Hair & Make-up Artist); at John Henry Cabezas (Photography and Videography Lead).

Ilan sa mga sponsors at partners ay ang Department of Tourism, SMDC, Okada Manila, at Manila Prince Hotel. Official partners naman ang Philippine Wacoal, S5.Com, SKINdough, at Globaltronics.

‘Di man sila ang nakapasok sa Big 4: VINCE, JOSH at MICHAEL, malaki ang nabago sa buhay dahil sa ‘PBB’

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI man sila ang tinanghal na Big 4, pero ang mga evicted Kapuso housemates na sina Vince Maristela, Josh Ford, and Michael Sager, malaki ang nabago sa buhay nila dahil sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
The male Kapuso housemates shared that they were pleasantly surprised by the warm reception they received from the public sa paglabas nila sa Pinoy Big Brother house.
Vince Maristela, who was evicted last month alongside Kapamilya actress Xyriel Manabat, namangha sa rami ng taong sumalubong sa kanya sa outside world.
“Ako po talaga, sobrang na-overwhelm ako ‘yung sumalubong sa akin sa outside world. Hala, ganito na pala ‘yung mga taong nagmamahal sa akin. Dati, nakikilala ako as my role sa mga teleserye, ngayon kilala na nila ako as Vince Maristela.”
Josh Ford, who was evicted alongside Kapamilya actor Ralph De Leon in May said na mas nagkaroon siya ng confidence after the eviction.
“Ako po ‘yung pinaka hindi kilala sa aming lahat, self-esteem ko sobrang baba po. Parang kinukumpara ko po ‘yung sarili ko sa kanilang lahat, ‘yung parang walang masyadong sumusuporta sa akin, wala akong masyadong fans. Grabe, as in. ‘Yung emotion ko talaga sa paglabas, I was so struck sa pagmamahal na ibinigay nila sa akin.”
Meanwhile, Michael Sager, who was evicted in April alongside Kapamilya actor Emilio Daez, said that the warm reception ay ang tanging kailangan niya sa panahon na iyon.
“Nung narinig ko ‘yung names na tsina-chat nila, Team MiLi, ‘yung may malaking board, tapos ‘We love you Michael!’ Those were the words I needed the most at that time.”
(RUEL J. MENDOZA)

Kabilang din sa magiging highlight ang Movie Icons: OGIE, CRISPINA at RS, pararangalan sa ‘8th EDDYS’ ng SPEEd

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAHALAGANG bahagi sa taunang Entertainment Editors’ Choice (The EDDYS), na ngayon ay nasa ika-walong taon na, ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang pagkilala sa natatanging miyembro ng entertainment media.
Ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa showbiz columnist, TV-online host at content creator na si Ogie Diaz habang ang Manny Pichel Award ay igagawad sa dating entertainment editor na si Crispina Belen.
Maaalalang si Joe Quirino o JQ ay isang entertainment columnist na sumikat bilang host sa telebisyon noong 1970s at 1980s. Habang si Manny Pichel ay isang mahusay na entertainment broadsheet editor/writer.
Para naman sa Isah V. Red Award na ipinagkakaloob ng The EDDYS taun-taon sa mga personalidad na walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan, ipagkakaloob ito sa actor-entrepreneur-producer na si RS Francisco.
Kabilang din sa magiging highlight ng ika-8 edisyon ng The EDDYS ang pagkilala at pagbibigay-parangal sa anim na Movie Icons – sila ay ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.
Ang 8th EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.
Ipagkakalooh din ng 14 acting at technical lawards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
Pararangalan din sa 8th EDDYS ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year.
Muli ring bibigyang-pugay ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.
Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.
Ang SPEEd ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).
(ROHN ROMULO)