• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:32 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 30th, 2025

NHA, nagsagawa ng site inspection sa mga proyektong pabahay nito

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang National Housing Authority (NHA) ng site inspection sa mga proyektong pabahay nito tulad ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) sa Washington Homes 5 & 6 at Villa Jose, gayundin para sa mga empleyado ng pamahalaan at uniformed personnel mula sa Masskara Village, Vista Alegre at Ciudad Felisa sa Negros Occidental.

Layunin ng inspeksyon na pabilisin ang kasalukuyang konstruksyon ng mga pabahay at masiguro ang mabilisang pag-“take-out through HDMF (Pag-ibig Fund)” ng mga housing units para sa mga karapat-dapat na benepisyaryo ng ahensya.

Sa gabay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ang inspeksyon ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, kasama ang mga opisyal ng NHA at ni Escalante City Mayor Melecio J. Yap Jr.

Matatandaan na sa kanyang nakaraang inspeksyon sa Region 6, idiniin ni GM Tai, “Mahigpit nating binabantayan ang progreso at agarang isinasagawa ang mga hakbang upang tuluyang mailipat ang mga bahay sa mga benepisyaryo. Matagal nang naghihintay ang mga pamilyang nawalan ng tirahan, utang natin sa kanila na tuparin ang ating pangako.”

Ang pangakong ito ay sumasalamin sa pamumuno ni GM Tai na patuloy na pagsubaybay at pagpapabuti ng implementasyon ng mga proyekto ng NHA, lalo na bilang tugon sa mga project delays at quality concerns.

Ang YPHP, na inilunsad noong 2014, ay naglalayong magbigay ng permanente at disaster-resilient na mga tahanan sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Bagyong Yolanda noong 2013. Sa Negros Occidental pa lamang ay mahigit 27,000 unit na ang inilaan para sa pitong component cities at dalawang munisipalidad nito.

Patuloy na pinapabilis ng NHA ang konstruksyon, paglutas ng mga issue sa site, at ang pakikipagtulungan ng ahensya sa mga lokal na katuwang nito upang matiyak na ang lahat ng natitirang unit ng YPHP ay maisalin sa loob ng takdang panahon ng administrasyong ito.

Nanatiling matatag ang NHA sa misyon nitong hindi lamang magtayo ng mga bahay, kundi ibalik ang pag-asa at dignidad sa mga pamilyang Pilipinong sinalanta ng kalamidad, sa pagtupad ng mandato nito alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa isang Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

Quezon City LGU pinabongga 2025 Pride Festival

Posted on: June 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIGIT pang pinalawak at pinaganda ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinakamala­king Pride festival sa Pilipinas at Southeast Asia katuwang ang Pride PH at University of the Philippines Diliman.

Ayon kay Belmonte, pagpapakita ito ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan bilang bastion of free expression, inclusivity, at environmental stewardship. Itinataguyod din ang sustainability ngayong taon sa LoveLaban 3 Pride Festival.

“We cannot end inequality without addressing the climate crisis. Through our Pride celebrations, we aim to empower LGBTQIA+ communities to become changemakers and to be at the forefront of our shared fight for equality, inclusivity, and climate justice,” pahayag ni Belmonte.

Para mas maging sustainable pa ang Pride celebration, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng anim na key climate actions na naka-focus sa waste reduction, low-carbon mobility, at water conservation.

Una  rito ang single-use plastics ay ipinagbabawal ang mga plastic bags at water bottles sa mga event at hinikayat ang mga negosyante na gumamit ng reu­sable at biodegradable pac­kaging para makasunod sa sustainability goals ng lungsod. Na­ging matagumpay ang nasabing inisyatibo sa katatapos na Pride Run.

Pormal nang binuksan kahapon ang Pride Expo sa UP diliman sa pangunguna ni Mayor Belmonte.