• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 28th, 2025

PH, napiling maging host ng 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang gaganapin sa Pilipinas ang 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships mula Nobyembre 20 hanggang 24 ngayong taon. Ito ay matapos italaga ng FIG Executive Committee ang bansa bilang host ng paligsahan.

Ayon kay FIG President Morinari Watanabe, malaking bagay na ang parehong junior at senior world championships ngayong taon ay gaganapin sa mga bansang ngayon pa lamang magiging host ng isang world championship.

Ipinahayag naman ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion ang labis na pasasalamat ng bansa: “It is the very first time that the FIG has given us this honor,” aniya. Nangako siyang pagsusumikapan ng GAP na maging matagumpay ang event.

Pinasigla rin ng double gold medal win ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics ang interes ng mga Pilipino sa artistic gymnastics, dahilan upang mas maging makabuluhan ang pagho-host ng Pilipinas sa international tournament.

Alex Eala pasok na sa semis ng Eastbourne Open

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK  na sa semifinal round ng Eastbourne Open sa United Kingdom si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Dayana Yastremska ng Ukraine sa score na 6-1, 6-2.

Mula sa simula ay dominado ng ranked 77 na si Eala ang laro laban sa 25-anyos na ranked 42 tennis star.

Susunod na makakaharap ni Eala si Varvara Gracheva ng France.

Nakaharap na ni Eala si Gracheva noong second round ng Nottingham Open at nagwagi dito ang Pinay tennis star.

Ginang, kasawat kulong sa paggamit ng pangalan ng abogado sa pagnotaryo

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng isang ginang at kanyang kasabwat sa pagno-notaryo ng mga dokumento, gamit ang pangalan ng isang abogado ng walang pahintulot nang matiklo sa entrapment operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang ikasa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad ang entrapment operation sa West Grace Park, Brgy. 71, na nagresulta sa pagkakaaresto  sa mga suspek na sina alyas “Montemayor” 54, at alyas “Cañete.”, 35.

Batay sa reklamo ng 81-anyos na bihasang abogadong biktima na may Notary Public sa Quezon City, ginagamit umano ng mga suspek ang kanyang pangalan, dry seal, at lagda ng wala siyang pahintulot para mag-notaryo ng mga dokumento sa Caloocan City kapalit ng perang ibabayad ng kanilang mga kliyente.

Nang magsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng DSOU-NPD, napatunayang totoo ang bintang ng abogado na dahilan ng pagkakadakip sa mga suspek at nakuha sa kanila ang P500 marked money na bayad sa pagnotaryo ng pulis na nagpanggap na kliyente.

Ani NPD-PIO chief P/Capt. Marcelina Pino, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority), Article 315 (Estafa through Other Deceit), at Article 172 (Falsification by Private Individuals). (Richard Mesa)

Teves haharap sa korte sa gaganaping arraignment at pre-trial

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG haharap sa korte si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr sa gaganaping arraignment at pre-trial matapos ipag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 12.

Gaganapin ang arraignment at pre-trial sa Hunyo 30,2025 sa ganap na alas- 8:30 ng umaga.

Batay sa kautusang inilabas ni Presiding Judge Renato Enciso, kinilala ang pag-aresto kay Teves noong Mayo 29 ng mga tauhan ng NBI Cybercrime Division at Special Task Force .

Inutusan din ng korte ang NBI na iharap ang akusado sa petsa ng pagdinig .

Pinahaharap din ng korte ang testigong si Luciana Pialago Bato mula sa Siaton, Negros Oriental sa pagdinig sa parehong petsa.

Nahaharap sa kasong murder si Teves kasama ang ilan pang akusado na naganap noong 2019 kung saan kabilang din dito ang nangyaring pananambang sa dating ahente ng NBI.

Nakatakda namang maghain ng motion to defer all scheduled proceedings ang kampo ng mambabatas dahil patuloy pang nagpapagaling matapos siyang operahan.

Si Teves ay pansamantalang nakakulong sa BJMP Bicutan, Taguig City. (Gene Adsuara)

P166 milyon na droga, nadiskubre   

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAREKOBER ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ang 166.6 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu na nadiskubre ng mga Pilipinong mangingisda sa baybayin ng  Barangay Kaychanarianan, Basco, Batanes, noong Hunyo 25, 2025.

Ayon sa mangingisda, nadiskubre niya ang mga kontrabando na may timbang na humigit-kumulang 24.5 kilos noong Hunyo 19 sa nasabing baybayin.

“Initially thinking that the packs contained tea, he brought them home for safekeeping. After several days, he opened the content and noted that the substance resembled ‘shabu,’ prompting him to report the matter to authorities,” sinabi ni Coast Guard Station (CGS) Batanes.

Ayon pa sa PCG, boluntaryong isinuko ang isa sa nakabukas nang sako na naglalaman ng 24 vacuum-sealed plastic packs at isang nakabukas na pakete ng   labeled ‘Daguanying’ na may lamang white crystalline substances.

Sa kasalukuyan, ang narekober na mga kontrabando ay nasa kustodiya ng PDEA Batanes Provincial Office at isusumite sa PDEA laboratory para sa tamang   examination at disposisyon. (Gene Adsuara)

Alegasyon ni VP Sara na ‘binayaran’ na pumirma sa impeachment laban sa kanya, kinondena ng mga mambabatas  

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng mga mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na ‘binayaran’ ang mga mambabatas na pumirma sa impeachment laban sa kanya.

Mariing ibinasura ni House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto Dionisio Jr. ang alegasyon na nagsabing ang mga salitang ganito ay para iwasan ang tunay na isyu.

“The issue is there’s an impeachment complaint filed by a Filipino citizen, dinala sa Kongreso. We have to act upon it as a constitutional mandate by Congress. That’s exactly what the House did. May batayan ba? May pamantayan? Yes. So that’s why it was elevated to the Senate. Now they’re there to act as impeachment court,” ani Dionisio.

Aniya dapat sumunod na lamang sa proseso dahil ito ang mabisang paraan para patunayan kung nagkasala o hindi ang isang personalidad at maipakita sa taumbayan na walang itinatago.

“Ipakita natin na patas ang gobyerno, na patas ang institusyon, at patas ang proseso as mandated by our Constitution. Doing so, the issues na nahaharap sa kahit sinong leader sa ating bansa—they will either be judged accordingly in history as tama ba o mali,” pahayag nito.

Tinuligsa rin ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ang pahayag ni Duterte.

Ayon sa mambabatas, ang Articles of Impeachment ay pinagbotohan ng mayorya ng mga mambabatas at ipinasa ng Kamara.

“Compared to the devious acknowledgment receipts, the verified impeachment complaint has the blessing—it carries with it the blessing—of the Constitution. Sabi nga ni Cong. Ernix, the process wherein we ensure that our Constitution is alive and well,” ani Adiong.

(Vina de Guzman)

Panukalang legislated wage hike ihahain agad ni Cavite Rep. Jolo Revilla sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Cavite Rep. Jolo Revilla na agad niyang ihahain ang panukalang legislated wage hike sa pagbubukas ng ika-20 kongreso makaraang mabigo ang 19th Congress na maipasa ang panukala bago ito mag-adjourn.

“Our workers have waited long enough. They’ve sacrificed, endured, and carried our economy through crises. It’s time government meets them halfway—with action, not just empty praise. Let’s re-file the bill and get it done,” anang mambabatas.

Isa si Revilla sa mga original authors ng House Bill No. 7871 nitong 19th Congress para sa ₱150 across-the-board increase in daily wages para sa lahat ng private sector workers sa buong bansa. Isinama ito sa panukalang ₱200 wage hike na siyang inaprubahan ng Kamara nitong March 2025 ngunit hindi naipasa ang bago ang sine die adjournment.

Sinabi ni Remulla na nanatiling mababa ang minimum wage. Sa ilang rehiyon sa bansa, sa kabila ng wage board adjustments ay hindi sapat ang sahod ng mga manggagawa para suportahan ang kanilang pamilya.

Nagbabala ang mambabatas na ang inflation, dagdag pa ang global conflicts at domestic supply issues, ang patuloy na nagpapababa sa halaga ng sahod kung maraming pamilyang pinoy ang nahihirapan.

“Wage reform is not a handout. It’s an investment in our workforce. If we want real inclusive growth, we need to put more money in the hands of those who keep the economy moving—our workers,” pahayag pa nito.

Nanawagan naman si Revilla sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magkaisa at gawing prayoridad ang pagpasa ng panukala upang hindi na maulit ito.

(Vina de Guzman)

Navotas solon, nagbabala vs AI generated scams

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang publiko sa tumataas na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga scam at hinimok ang lahat na manatiling alerto.

“Nakakalungkot dahil habang umaangat ang ating teknolohiya, nagiging high tech na rin ang mga scammers,” ani Tiangco, chairman ng Information and Communication Technology (ICT) ng Kamara.

Binanggit niya ang dumaraming ulat ng AI na ginagamit upang lumikha ng mga pekeng transaction slip, na ipinapadala ng mga scammer para linlangin ang mga individual at may-ari ng negosyo.

“Paalala po sa ating mga kababayan, pati na rin sa mga negosyo, huwag basta-basta maniwala sa ipinapakitang resibo ng transaksyon. Mag-double check, mag-validate, dahil kayang-kaya na ngayong gumawa ng pekeng slip gamit ang AI,” pahayag niya.

Ipinag-alala din niya ang pagtaas ng romance at investment scams na ginawang mas nakakumbinsi sa pamamagitan ng AI-generated videos at images.

“May mga scam ngayon kung saan may ka-video call ka pa. Akala mo totoo ang kausap mo, pero AI-generated na pala ang mukha at boses.” sabi ng kongresista.

“Nakakatakot dahil napakadali nang manlinlang ngayon. Ginagamit pa ang mukha ng mga kilalang tao para manlinlang ng iba. Kaya tandaan natin, kung sobrang ganda ng offer, malamang scam na ‘yan,” dagdag niya.

Binigyaang-diin ni Tiangco ang pangangailangang protektahan ang publiko at bigyang babala sa mga nasa likod ng naturang mapanlinlang gawain.

“Itigil na po ang ganitong mga gawain dahil sa oras na mahuli kayo ng kinauukulan, maaari kayong sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act, pati na ang Anti-Financial Scamming Act na magdudulot ng 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong,” babala ng mambabatas. (Richard Mesa)

Higit P.3M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Malabon

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang bagong identified drug pusher na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang matiklo sa buy bust operation sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jesril”, 36, construction worker ng Brgy. Tañong.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Nang tanggapain umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-11:20 ng gabi sa M. Aquino St., Brgy. Nuigan.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 54 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P367,200 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

QC LGU, muling kinilala ng COA dahil sa husay sa financial management

Posted on: June 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakatanggap si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng “Unmodified Opinion” mula sa Commission on Audit (COA). Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lungsod nakamit ng Quezon City Government ang limang magkasunod na “Unmodified Opinion”, muling pinatunayan na ‘fully compliant’ at maayos ang auditing standards ng lokal na pamahalaan.

Ito ang pinakamataas na markang ibinibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno kabilang ang local government unit (LGU).

Sabi ni Belmonte, ang pagkilalang ito mula sa COA ay hindi lamang tungkol sa mga numero ito ay tungkol sa tiwala. Pinatutunayan nito na pinamamahalaan natin ang pondo ng publiko nang may integridad at laging isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang karangalan na ito ay magsisilbi naming inspirasyon upang patuloy na maisulong ang mahusay na pamamahala sa pamamagitan ng wasto at masinop na paggamit ng pondo ng bayan.

Si Belmonte, na ang pamumuno ay nakasentro sa transparency at good governance, ay nakuha ang kanyang huling termino matapos ang isang landslide victory sa midterm elections noong Mayo.

Sabi pa ni Belmonte, pinatatag din nito ang misyon ng lungsod na maghatid ng transparent, nakasentro sa tao na ang mga serbisyo ay nagpapabuti sa buhay at nag-aambag sa pambansang pag-unlad.

Ayon pa sa alkalde, malaking bagay na napakikinabangan na ng QCitizens ang good governance initiatives ng lungsod, na layong gawing digital ang mga proseso ng City Hall at alisin ang anumang uri ng korapsyon at red tape. (PAUL JOHN REYES)