Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
BAGO nakilalang Asia’s Nightingale ay dumaan din si Lani Misalucha sa pagiging baguhang singer.
SINABI ng Malakanyang na mananatili sa kanyang posisyon bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO) ang veteran journalist na si Jay Ruiz.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang matapos na may kumalat sa social media na balitang mapapalitan sa kanyang puwesto si Ruiz.
”Wala pa pong nakakarating sa akin. Secretary Jay remains to be the acting secretary of PCO. So, kung may mga ugong-ugong, wala pong nakakarating sa amin,” ang sinabi ni Castro.
Matatandaang, kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na muling itinalaga ni Pangulong Marcos Jr si Jay Ruiz bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO).
Ibinaba ng Pangulo ang reappointment paper ni Ruiz matapos syang mabypass ng Commission on Appointment, kasunod ng sine die adjournment.
Nauna nang sinabi ni Ruiz na inatasan sya ng Pangulo na ipagpatuloy lang ang kanyang trabaho sa PCO.
Si Jay Ruiz ang pang apat na PCO Chief sa ilalim ng Marcos administration. (Daris Jose)
INIHAYAG ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr., na nasa 283 mambabatas ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagpapatuloy ng kanyang liderato.
Gayundin ang pahayag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na nagsabing “overwhelming” ang suporta kay speaker.
Habang mayorya ang napahayag ng kanilang suporta sa pagpapatuloy ni Speaker Romualdez sa papasok na bagong kongreso, continued leadership, inihayag ng mga ito ang kanilang pagboto sa thep speakership ay personal at voluntary decision.
Ang paglilinaw ng mga kongresista ay ginawa matapos makaharap si Speaker ng mga neophytes at nagbabalik na mambabatas sa isinagawang fellowship dinner.
Nilinaw naman ng mga ito na walang ginawang apela o panawagan si Speaker Romualdez sa kanila na humingi ng suporta sa ginanap na fellowship dinner.
“It was merely getting to know each other kumbaga. So welcoming the incoming members of the 20th Congress, as well as to inspire them. Hindi lang ‘yong mga miyembro na incoming, but also those who were present last night na reelected members ng House,” ani Adiong.
Nagbigay lamang si Romualdez ng guidance sa mga bagong miyembro kung papaano sila mas magiging epektibong lider sa kanilang distrito.
(Vina de Guzman)
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbibigay parangal sa mga kalahok na nagwagi sa 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition kung saan tampok sa exhibit ang mga larawang nagpapakita ng realidad ng maagang pagbubuntis, bilang bahagi ng ika-18th Cityhood Anniversary ng Navotas.
First Place: “Trese” by Joseph Ancero, Second Place: “Isinampay ko Muna ang Pangarap” by Jerimie Manalastas, Third Place: “Maagang Pagharap sa Realidad” by Raymharc Samonte, Fourth Place: “Bitbit na Bukas” by Rey Michael Velasco at Fifth Place: “Dampi ng Pag-asa” by Rhyme Santos. (Richard Mesa)
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang inagurasyon ng Valor Access to Lifetime Optimized Health Care Program (Valor) Clinic sa Lipa, Batangas.
Ang nasabing pasilidad ay matatagpuan sa Fernando Air Base.
Kasama ng Pangulo na bumisita sa naturang lugar si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Ang Valor Clinic ay isang proyekto na pinasimulan ng Veterans Memorial Medical Center para palawigin ang serbisyo nito sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang na ang nasa labas ng National Capital Region (NCR).
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, mas maraming mga beterano at dependents ang magagawang makapag-avail ng medical services na ‘deserve’ ng mga ito.
Mapaluluwag din nito ang bilang ng mga pasyente na nakikta sa kanilang pangunahing ospital.
Sa kabilang dako, ang medical facility ay magbibigay ng out-patient based services na pangangasiwaan ng mga tauhan at staff ng VMMC.
Mag-aalok ito ng ‘basic consultation, diagnostic examinations, at maging pharmacy services.
Tampok naman sa pasilidad ang ‘patient waiting area, outpatient consultation rooms, pharmacy unit, blood extraction area, staff pantry at support area, at dedicated teleconsultation facility.’ (Daris Jose)
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) na patuloy na protektahan ang ‘territorial integrity at sovereign rights’ ng Pilipinas, bilang ang bansa ay nahaharap sa external threats.
Sa pagsasalita niya sa PAF Air Education and Training Command (AETC) sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, muling pinagtibay ng Pangulo ang patuloy na suporta ng kanyang administrasyon sa ‘modernization efforts’ nito para magbigay sa mga tropa ng ‘best equipment, training, at facilities.’
“Aniya, walang katumbas ang papel ng Philippine Air Force sa mga hamon ng seguridad na kinakaharap ng ating bansa,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press sa Malakanyang, tinukoy ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa naging pagbisita nito sa kampo.
“Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng suporta ng Puwersang Panghimpapawid sa buhay, lakas at pag-asa ng ating Philippine Navy at Philippine Army sa gitna ng laban,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin ng Pangulo na sa tulong ng AETC, ang mga sundalo ay naging ‘very well trained at well equipped’ habang ganap na tinutupad ang kanilang mandato sa pagprotekta sa bansa.
Tinatayang may 15,000 estudyante ang sinasanay ng AETC mula 2019 hanggang 2025.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang PAF personnel na maging “faithful in [their] service, love their homeland, serve the people, and cherish the trust and respect of the Filipino people.”
“Nagbitaw din ng mensahe at hamon ang Pangulo sa ating kasundaluhan. Binigyan ng direktiba ng Pangulo ang AETC na tiyakin ang pagtugon nito sa mga kursong kinakailangan ng ating Air Force na naaayon sa layunin ng AFP,” ayon kay Castro.
“Nais din ng Pangulo na panatilihing mataas ang kalidad ng programa at siguruhin na natatapos ng bawat estudyante ang kanilang pagsasanay. Ang Philippine Air Force naman, palawigin pa ang pakikipag-ugnayan sa AETC upang masiguro ang mga kagamitan at iba pang pangangailangan ay matugunan,” ang pahayag ni Castro.
Samantala, matapos maihayag ang kanyang talumpati, nakatanggap naman si Pangulong Marcos ng “balispada” (balisong na espada) bilang ‘token of appreciation’ mula sa mga tropa. (Daris Jose)
ITINAKDA ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang 2026 national budget sa P6.793 trillion.
Ito’y sinasabing 22% ng gross domestic product ng Pilipinas at 7.4% mas mataas kaysa sa P6.326 trillion budget ngayong taon.
Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na natanggap nito ang budget proposal ng ahensiya na umaabot sa P10.101 trillion, subalit kailangang suriing mabuti ang mga programa at proyekto dahil sa limitadong fiscal space.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na prayoridad ng panukalang 2026 national budget ang pamumuhunan sa de-kalidad na edukasyon, healthcare, at workforce upskilling.
Ipagpapatuloy din nito ang pamumuhunan sa Build Better More Infrastructure Program, at sa digital transformation.
Kabilang naman sa panukalang spending plan ay ang mahahalagang hakbang na magpapahusay sa ‘climate at disaster resilience, pagpapalakas sa social protection systems, at mas mag-mas magdevolve ng basic services sa local government units.
“By nurturing future-ready generations through coordinated policy implementation and strategic investments, the government is committed to reducing poverty to single-digit levels, creating quality jobs, safeguarding macroeconomic stability…even amidst global uncertainties,” ang sinabi ni Pangandaman. (Daris Jose)