BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 18th cityhood anniversary ng Navotas, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ang 7th Navoteño Film Festival (NFF) at 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition.
Sa NFF, itinampok ang papel ng mga senior citizens sa paghubog ng Navotas.
Sa temang “Senior: Lakas ng Nakaraan, Gabay ng Kinabukasan,” itinampok ng festival kung paano patuloy na ginagabayan at naiimpluwensyahan ng mga matatanda ang susunod na mga henerasyon.
Kasabay ng pagpapalabas ng pelikula, tinalakay ng 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang isyu ng teenage pregnancy sa pamamagitan ng “No Cap: Ang Realidad sa Maagang Pagbubuntis.”
Ang parehong kaganapan ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga Navoteño na magpahayag ng makabuluhang kwento na nagpapakita ng mga karanasan sa totoong buhay at mga hamon sa lipunan.
Ang mga pelikula sa taong ito ay nagsaliksik ng mga kuwento ng alaala, sakripisyo, at sinalaysay sa lens ng mga batang Navoteño filmmakers. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa paggamit ng kanilang craft para palakasin ang mga makapangyarihan salaysay.
“Congratulations sa lahat ng production teams — sa bawat cast at crew, major man o minor ang papel — saludo kami sa inyo! Proud kami sa mga kabataang Navoteño na nagpapamalas ng galing sa sining ng pelikula,” ani Mayor Tiangco.
“Likas na malikhain ang mga taga-Navotas. Nakakatuwang makita na pinapaunlad ninyo ang inyong craft, at pinapasaya ang ating mga kababayan. Proud kami sa mga kabataang Navoteño na nagpapamalas ng galing sa sining ng pelikula,” dagdag niya.
Sa labing-anim na maikling pelikula na ipinalabas sa publiko noong June 21, nanalo ang “Sintang Tula: Ang mga Patnubay ni Aling Sita” ng First Best Picture, kasama ang Best Original Song and Best Actress. Sinundan ng “Left Cross” ang Second Best Picture at na-swept ang ilang technical categories, kabilang ang Best Actor, Best Editing, Best Production Design, Best Cinematography, at Best Trailer habang nakuha ng “Good Sunday” ang Third Best Picture.
Kinilala rin ang “Sumayaw, Sumunod” bilang Best Director, Best Poster Design, at Best Supporting Actor. Ang “Sora” ay nanalo ng Best Costume Design, habang ang “My Grandma Can Fly” ay nakakuha ng Best Sound Design.
“Si Lolo at ang Tiktok ng Buhay” ay nakatanggap ng Best Screenplay. Nakamit ng “Laot” ang Best Ensemble performance and Best Supporting Actress, habang ang “In My Father’s Shadow” ang nag-uwi ng Best Child Performer.
Samantala, tampok sa photo competition ang 15 finalists, na ipinakita sa Navotas City Hall lobby mula June 9 hanggang 20, 2025 kung saan pinarangalan ang top five sa NFF Awards Night. (Richard Mesa)