• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 9:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 25th, 2025

Mga opisyales ni Yorme Isko ipinakilala na

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKILALA na ng publiko ang partial list ng Manila City Hall Department Heads sa ilalim ng administrasyon ni incoming Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Una sa listahan si dating Presidential Communication Office Secretary Cesar Chavez sa magiging opisyal ng bagong liderato ni Domagoso kakatawan bilang Chief of Staff (COS).

Si Chavez ay dati na ring COS ni Domagoso noong siya ay nanungkulan bilang alkalde ng lungsod noong 2019.

Magiging Secretary to the Mayor naman ang dating konsehal na si Manuel ‘Letlet’ Zarcal.

Si Atty. Wardee Quintos naman ang itatalaga sa Office of the City Administrator.

Magsisilbi naman bilang bagong Manila Public Information Office (Manila PIO) si E-Jhay Talagtag.

Sa Public Employment Service Office o PESO naman ilalagay si Hiroshi Umeda at Dale Evangelista sa Manila Sports Council.

Magbabalik naman sa Manila Department of Social Welfare si Jay dela Fuente na dati na ring hinawakan ang nasabing departamento sa panahon ng yumaong dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Papalitan naman ni Cristal Bagatsing bilang head ng Department of Tourism Culture and Arts of Manila si Charlie Dungo o kilala bilang si ‘Mama Cha’.

Inaasahan na sa susunod na mga araw ay ilalatag na ang buong listahan ng mga department heads sa administrasyong Domagoso. (Gene Adsuara)

LTO, isinailalim sa alarm status ang SUV na 307 beses illegal na dumaan sa Edsa busway

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM ng Land Transportation Office (LTO) sa alarm status ang isang sports utility vehicle (SUV) na higit 300 ulit na ilegal na dumaan sa EDSA Busway mula pa noong 2022.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nakapaglabas na ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng Mitsubishi Montero Sport, na residente ng Lungsod Quezon.

“Ang paglalabas ng SCO ay agarang tugon namin sa kahilingan ni MMDA Chairman Don Artes na imbestigahan ang paulit-ulit na paglabag ng naturang sasakyan sa eksklusibong bus lane sa EDSA,” ani Asec. Mendoza.

“Tukoy na namin ang rehistradong may-ari, at bahagi ng aming imbestigasyon ang pagtukoy kung sino ang aktwal na nagmamaneho ng sasakyan sa 307 pagkakataong ito’y ilegal na pumasok sa EDSA Busway,” dagdag pa niya.

Sa kanyang sulat sa LTO, binanggit ni Chairman Artes na sa 307 paglabag, 14 na pagkakataon ay nakunan ng CCTV ang naturang sasakyan mula nang muling ipatupad ang No-Contact Apprehension Policy noong nakaraang buwan.

Sa isinagawang beripikasyon, lumabas na huling nirehistro ang naturang Mitsubishi Montero noong Agosto 2022.

Batay sa Show Cause Order na pirmado ni LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) Chief Renante Melitante, inaatasan ang rehistradong may-ari na personal na dumulog sa LTO kasama ang driver, at magsumite ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng kaukulang parusa sa iba’t ibang paglabag, kabilang ang paulit-ulit na hindi pagsunod sa traffic signs at obstruction of traffic.

Nahaharap din ang driver sa paglabag sa Section 27(a) ng R.A. 4136 bilang isang “Improper Person to Operate a Motor Vehicle.”

Sa kabilang banda, nahaharap ang rehistradong may-ari sa paglabag sa Compulsory Registration of Motor Vehicles (Section 5 ng RA 4136).

“Samantala, ipinaaalam na ang Mitsubishi Montero ay pansamantalang isinailalim sa alarm status, na nangangahulugang hindi muna maaaring isagawa ang anumang transaksyon kaugnay nito habang isinasagawa ang imbestigasyon,” ayon sa SCO.

“Ang hindi pagdalo at hindi pagsusumite ng kinakailangang paliwanag ay ituturing ng Tanggapan na pagtalikod sa karapatang marinig, at ang kaso ay dedesisyunan base sa mga ebidensyang hawak,” dagdag pa nito.

Tiniyak ni Asec. Mendoza sa MMDA ang mabilis at regular na pagbibigay ng update kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon. (PAUL JOHN REYES)

Mental health issue itawag sa Unified 911 – DILG

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lamang emergency case o krimen ang maaaring itawag sa Unified 911 kundi maging mental health concerns.

Ito naman ang sinabi ni Interior and Local Government Jonvic Remulla, kung saan magtatalaga ng isang desk sa 911 Command Center na tututok sa mental health intervention at ide-deploy dito ang counselors na sinanay sa National Center for Mental Health (NCMH) para magbigay ng psychosocial support.

“Mayroon kaming counselors na kung may nararamdaman ang ating kabataan, o alam n’yong may nararamdaman kayo, puwedeng tawagan at mayroong puwedeng rumesponde,” ani Remulla.

Sa pagtaya ni Remulla sa sandaling ma­ilunsad ang Unified 911, 2 porsiyento ng 50,000 tawag kada araw ay tungkol sa mental health.

Target ng DILG na maipatupad ang Unified 911 sa buwan ng Agosto o Setyembre.

Nakatakda ring bumili ang DILG ng communication equipment, police vehicles, at fire trucks para sa mas mabilis na pagresponde.

“Kapag operate namin, magiging dispatch center yung mga LGUs,” dagdag pa ng Kalihim.

“Squid tactics” ni VP Sara tinuligsa ng mga mambabatas 

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINULIGSA nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at ACT Teachers Party-list Rep.-elect Antonio Tinio si Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong paggamit ng “squid tactics” para maiwasan ang pananagutan sa kasong impeachment kasunod na rin sa paghahain nito ng Answer Ad Cautelam para ipabasura ang pagdinig.
Kinondena rin ni Castro ang pinakabagong pagmamaniobrang legal ng VP na isang pagtatangka umano para matakasan ang pagbusisi sa mga seryosong alegasyon laban kay Duterte.
“Hanggang ngayon, asal pusit pa rin si VP Sara Duterte. Instead of directly addressing the serious charges against her, she continues to hide behind technicalities and procedural arguments. This is a clear pattern of evasion and refusal to be held accountable for her actions,” pahayag ni Castro.
Karapatan aniya ng sambayanang Pilipino na malaman ang katotohanan at hindi mga legal gymnastics.
Dapat harapin ni VP Duterte ang impeachment court ng may katapangan at transparency, at hindi mga mga pamamaraan upang maiwasan ang pananagutan.
Naniniwlaa naman si Tinio na ang naging tugon nin Duterte ay nagpapakita ng kawalan nito ng kahandaan para harapin ang mga isyung nakapaloob sa rekalmo.
“Ang ginagawa ni VP Duterte ay typical ng mga pulitikong takot managot sa kanilang mga kasalanan. She’s using every legal trick in the book to avoid facing the music. This Answer Ad Cautelam is just another smokescreen to deflect from the real issues,” sabi ni Tinio.
Ayon pa sa mambabatas, hindi makakatakas sa pananagutan ang bise presidente sa pamamagitan ng teknikalidad.
“The impeachment process exists precisely to hold high officials accountable for their conduct in office, and no amount of legal maneuvering can change that fundamental principle,” patuloy niyo.
Iginiit naman ni Castro na ang argumento ni Duterte na one-year ban rule ay isang desperado umanong pagtatangka para takasan ang kahihinatnan ng kanyang kontrobersiyal na mga aksyon at pahayag.
“VP Duterte’s claim that the impeachment violates the one-year bar rule is legally baseless and procedurally flawed. The House has already certified that the proceedings fully comply with Constitutional requirements. Her lawyers are simply grasping at straws. Nakakahiya na ang Vice President ng bansa ay gumagamit ng mga dahilan na walang basehan para lang makaiwas sa pagharap sa katotohanan. Hindi marathon ang impeachment na pwedeng takbuhan ng takbuhan. The people expect better from their elected officials,” dagdag ni Castro.
Sinabi naman ni Tinio na sa patuloy na paggamit ng squid tactics, ay ipinapakita ni VP Duterte ang kanya umanong hindi pagrespeto sa impeachment process maging sa sambayanang Pilipino na nanghihingi ng transparency at accountability mula sa kanilang mga pinuno.
(Vina de Guzman)

Digong Duterte, tinitingnan ang Australia para sa interim release —VP Sara

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINITINGNAN ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang Australia bilang isa sa mga bansa para sa kanyang posibleng interim release.
Kinumpirma ito ni Vice President Sara Duterte nito lamang weekend habang siya ay nasa kanyang personal trip sa Australia.
“Australia is in the list of countries that are considered by the lawyers, but I am not here for the interim release. Not for this visit,” ang sinabi ni VP Sara.
Sa ulat, wala namang ideya si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, sa bagay na ito.
Nagpunta si VP Sara sa Australia dahil nais niyang dalhin sa international community at kausapin ang Filipino community doon “about the International Criminal Court and the case of former President Duterte [and discuss] what is happening in our country right now in terms of the performance of the administration of President Marcos.”.
Sinabi pa nito na tinangka niyang kausapin si Australian Foreign Minister Penny Wong, subalit hindi naman available ang huli na makapulong siya, araw ng Lunes.
“So, I will not be visiting Australian government officials for this visit. But I do hope that I can meet them in my next visit in the future,” ayon kay VP Sara.
Sa ulat, si Digong Duterte ay nahaharap sa kasong “crime against humanity” dahil sa brutal na anti-narcotics campaign ng kanyang administrasyon habang presidente at sa extrajudicial killings sa Davao City noong mayor pa siya ng lungsod.
Matatandaang noong buwan ng Marso nang makulong ang dating pangulo sa ICC Detention Center sa Scheveningen, The Hague Netherlands dahil sa crime against humanity.
Samantala, opisyal nang naghain ng interim release ang kampo ni dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) at malagay sa hindi na binanggit na bansa.
Ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman, mayroong isang hindi na binanggit na bansa ang nagpahayag na tanggapin ang dating pangulo.
Nakasaad sa inihain na petisyon ni Kaufman, na hindi naman maselan ang kalagayan ni Duterte para mag-flight at natitiyak ang pagdalo nito sa mga mga pagdinig sa korte.
Naniniwala ito na hindi papahiyain ni Digong Duterte ang bansa na nais kumupkop sa kaniya.
Ang hindi na binanggit na bansa ay state party sa Rome Statue na ang tratado ay itinaguyod sa International Criminal Court (ICC).
Giit din ng abogado ng dating pangulo na hindi naman kumontra dito ang prosecution.
Umaasa sila na maaprubahan ng ICC Pre-Trial Chamber ang kanilang hirit na interim release. ( Daris Jose)

lpinag-utos ang kagyat na pagsira nito… PBBM, ininspeksyon ang ₱8.87B halaga ng nabawing FLOATING SHABU          

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA sa sa isang makabuluhang hakbang para sa agarang pagsira sa ‘massive stockpile’ ng nabawing lumulutang na methamphetamine hydrochloride, o shabu, na natuklasan ng mga lokal na mangingisda sa baybayin ng Luzon ay agad na nagsagawa ng ocular inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa na-recover ng illegal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Gymnasium, National Headquarters sa Quezon City, ngayong araw ng Martes, Hunyo 24, 2025.
          “No less than the President ordered PDEA to destroy the floating meth as quickly as possible. After the President’s inspection, the contraband will be destroyed in less than 24 hours in a location to be made public later”, ang sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez.
          Para sa wawasaking illegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition ay ang 1,304.604 kilograms ng pakete ng shabu, na may tinatayang street price na ₱8,871,307,200.00, na natuklasan na inaanod sa katubigan ng lalawigan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.
         At dahil walang taong nahuli at walang criminal case ang maisasampa, ang illegal na droga ay sisirain sa pamamagitan ng written order na ipinalabas ng PDEA Director General.
Ang wastong inventory ng illegal na droga sa harap ng kinakailangang testigo, ang pagsasagawa ng forensic laboratory examination, at pagpapalabas ng prescribed reports ay isasagawa.
         Maliban sa natuklasang shabu, nakatakda ring sunugin ang 226.043 kilograms ng assorted dangerous drugs na nagkakahalaga ng ₱609 million na nasamsam mula sa iba’t ibang anti-drug operations at ipinag-utos ang pagsira sa bisa ng court orders.
      Sa kabilang dako, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga law enforcement agencies ng bansa na paigtingin ang seguridad at proteksyon ng coastlines at iba pang maritime routes para maiwasan ang mga pagtatangka sa hinaharap ng drug smuggling.
        Para naman sa PDEA, nananatiling matatag ang ahensiya na protektahan ang mga mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pangunahan ang laban kontra sa ilegal na droga, magtatag ng
partnerships sa mga komunidad, maritime stakeholders, at iba pang law enforcement agencies para bantayan ang pambansang baybayin laban sa posibleng pagpasok ng ilegal na droga.
          Samantala, isang malaking karangalan naman para sa PDEA ang presensiya ni Pangulong Marcos. Ang pagdating Pangulo ay maituturing na ‘powerful statement’ na nagapakita ng matibay na commitment at determinasyon para tuldukan ang salot na ilegal na droga. (Daris Jose)

MMA fighter na si Jon Jones nagpasya na magretiro na

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASYA ang tinaguriang greatest mixed martial arts fighter na si Jon Jones ang kaniyang pagreretiro.

Mismong si UFC chief executive Dana White ang nag-anunsiyo ng pagreretiro ni Jones.

Ayon sa 37-anyos na si Jones na naging mahirap para sa kaniya ang nasabing desisyon.

Dagdag pa nito na masaya ito dahil sa may malaki itong kontribusyon sa nasabing sports at marami rin itong naimpluwensiyahan para pumasok sa nasabing sports.

Pinasalamatan din nito ang mga fans na humanga sa kaniya at maging ang mga nakasama niya sa nasabing larangan.

Mayroon itong 28 panalo at isang talo sa record ni Jones at naging pinakabatang champion sa kasaysayan ng UFC sa edad na 23 ng talunin si Mauricio Rua noong 2009 sa light heavyweight division.

OKC naghahanda na para sa kanilang victory parade

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Oklahoma City para sa gagawin nilang victory parade matapos na tanghaling kampeon ang Oklahoma City Thunder bilang 2025 NBA Champions.

Sinabi ni Oklahoma City Mayor David Holt, na isasagawa ang parada sa Hunyo 25 at magsisimula ito sa Midtown hanggang Paycom Center at Scissortail Park.

Inaasahan din ng alkalde ang kalahating milyong mga fans ng Thunder ang lalahok sa parada.

Inimbitahan din ng alkalde ang mga fans ng Thunder mula sa iba’t-ibang bahagi ng US.

Tiniyak din nito na maglalagay sila ng mga maraming kapulisan para magbantay sa seguridad ng mga dadalo sa parada.

Bago ang parada ay magtitipon muna ang koponan sa Paycom Center para isang programa.

Magugunitang tinalo ng Thunder ang Indian Pacers sa Game 7 nila ng NBA Finals sa score na 103-91.

Gobyerno, committed na bigyan ng ligtas, makataong trabaho ang mga OFWs  KASALUKUYANG nakikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas at Japan para protektahan ang karapatan ng overseas Filipino workers (OFWs), lalo na ang katiyakan na ‘ligtas at makatao ang trabaho’ ng mga OFWs.

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagsasalita sa harap ng Filipino community sa Osaka, Japan, sinabi ni Pangulong Marcos na gagawin lahat ng kanyang administrasyon ang makakaya nito para tiyakin ang “smooth” employment at deployment processes para sa mga OFWs.

“Masigasig din ang ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansang tumatanggap ng ating manggagawa para makabuo ng bilateral labor agreement upang matiyak natin na ligtas at maka-tao ang trabaho at nabibigyan ng pagkakataong umunlad ang ating kababayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ani Pangulong Marcos, may mas magandang oportunidad ang naghihintay sa mga OFWs na naghahangad na bumalik na ng Pilipinas at manatili para sa kabutihan.

Aniya pa, ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga programa, proyekto at serbisyo na naglalayong protektahan at i-promote ang kapakanan ng mga OFWs.

“I recognize the weight of your sacrifice and the strength that it takes to provide for your families from afar. And that is why we will never tire of honoring you and finding ways to improve your lives. You are at the heart of our government’s efforts and you deserve not only our gratitude, but you deserve our full support,” aniya pa rin.

Gayundin, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng Filipino-Japanese youth sa pagpapanatili ng “dynamic and enduring ties” ng Pilipinas sa Japan.

Kumpiyansang sinabi ng Punong Ehekutibo na ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang pagtataguyod ng “mutually stable, secure and prosperous relationship.”

“Through you, we continue to write new pages in the history of the relations between our two countries. Through you, the spirit of friendship with our Japanese friends continues to thrive,” ang winika ni Pangulong Marcos.

“This is why I hope you will join me and the Philippine nation in helping our community here in Japan to grow even more in love with the Philippines, to learn and embrace fully your Filipino identity, to support our nation’s aspirations for unity, for peace, and for prosperity,” litanya nito.

Si Pangulong Marcos ay nagkaroon ng four-day working visit sa Osaka, Japan kasunod ng imbitasyon ni Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru na dumalo siya sa World Expo 2025 at bisitahin ang Philippine Pavilion.

Nagkaroon din ang Pangulo ng serye ng pakikipagpulong sa mga Japanese tourism at business leaders doon. (Daris Jose)

Navotas solon, nagbabala vs AI generated scams  

Posted on: June 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang publiko sa tumataas na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga scam at hinimok ang  lahat na manatiling alerto.

“Nakakalungkot dahil habang umaangat ang ating teknolohiya, nagiging high tech na rin ang mga scammers,” ani Tiangco, chairman ng Information and Communication Technology (ICT) ng Kamara.

Binanggit niya ang dumaraming ulat ng AI na ginagamit upang lumikha ng mga pekeng transaction slip, na ipinapadala ng mga scammer para linlangin ang mga individual at may-ari ng negosyo.

“Paalala po sa ating mga kababayan, pati na rin sa mga negosyo, huwag basta-basta maniwala sa ipinapakitang resibo ng transaksyon. Mag-double check, mag-validate, dahil kayang-kaya na ngayong gumawa ng pekeng slip gamit ang AI,” pahayag niya.

Ipinag-alala din niya ang pagtaas ng romance at investment scams na ginawang mas nakakumbinsi sa pamamagitan ng AI-generated videos at images.

“May mga scam ngayon kung saan may ka-video call ka pa. Akala mo totoo ang kausap mo, pero AI-generated na pala ang mukha at boses,” sabi ng kongresista.

“Nakakatakot dahil napakadali nang manlinlang ngayon. Ginagamit pa ang mukha ng mga kilalang tao para manlinlang ng iba. Kaya tandaan natin, kung sobrang ganda ng offer, malamang scam na ‘yan,” dagdag niya.

Binigyaang-diin ni Tiangco ang pangangailangang protektahan ang publiko at bigyang babala sa mga nasa likod ng naturang mapanlinlang gawain.

“Itigil na po ang ganitong mga gawain dahil sa oras na mahuli kayo ng kinauukulan, maaari kayong sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act, pati na ang Anti-Financial Scamming Act na magdudulot ng 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong,” babala ng mambabatas. (Richard Mesa)