• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 23rd, 2025

CHAIRMAN NG BOARD SPECIAL INQUIRY NG BI, TINANGGAL

Posted on: June 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INALIS na sa pwesto si Atty. Gilbert Repizo, ang chairman ng Board Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa dami ng mga reklamo sa pamumuno nito.

Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Repizo sa isyu ng umano’y pamimilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3-bilyong e-gates project sa mga paliparan.

Sa kabila ng kautusan, sinabi ni Repizo sa kanyang social media post na magpapatuloy siya sa pagre-report sa BSI.

Sumulat din ito kay Justice Secretary Crispin Remulla kung saan ininvoke naman nito ang kaparehong civil service resolution na 1800692 o yung 2017 omnibus rules of appointment.

Sa liham ni Repizo kay Remulla sinabi nya na hindi niya pwedeng sundin ang kautusan dahil iaakyat nya ang usapin sa Civil Service Commission.

Binigyan din umano nya ng kopya ng nasabing liham si Viado.

Samantala, kinumpirma ni BI Spokesperson Dana Sandoval na natanggap na nila ang Department Order 435 mula DOJ at agad itong ipinatupad.

Nakasaad sa nasabing Department Order na papalitan ni Atty Ruben Casibang si Repizo bilang head ng BSI.

Nakasaad pa umano rito na ipinalilipat sa DOJ si Repizo. (Gene Adsuara)

First Family, hindi first time na sumakay ng MRT-3- PBBM

Posted on: June 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madalas silang sama-samang pamilya na sumasakay ng MRT-3 at ang huli niyang pagsakay noong June 1 ay “not the first time.”

”First of all, hindi ‘to first time na sumakay ako ng MRT, madalas namin gamitin ‘yung MRT dahil sa traffic. Mas mabilis eh. Kami… pamilya ko, mga kaibigan ko. Hindi practical ma-traffic, magdadalawang oras ka hanggang Cubao,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pinakabagong BBM Podcast.

Ibinahagi rin nito na madalas niyang nakakausap ang mga mananakay, kung saan sinasabi niya sa mga ito ukol sa karaniwang ‘crowded situation’ sa loob ng tren, idagdag pa rito na personal niyang naranasanan ang hamon ng pagko-commute gamit ang MRT-3.

”Naramdaman ko ‘yan, minsan sumakay kami ng MRT, talagang pag nakapasok ka na, basta’t ‘yung kamay mo nandito, hindi mo na magagalaw ‘yun. Nakadikit ka na dito. Kinakausap ko mga pasahero, ‘Sir, ganyan talaga ‘yan araw-araw,”’ dagdag na pahayag ng Pangulo.

Matatandaang, pinangunahan ni Pangulong Marcos at ng First Family, ang paglulunsad ng Pamilya Pass 1+3 Promo sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2.

Sa ilalim ng programa, maaaring makasakay ang hanggang apat na magkakapamilyang pasahero gamit lamang ang isang bayad na tiket tuwing araw ng Linggo.

Layunin nitong mapagaan ang gastusin sa pampublikong transportasyon at hikayatin ang mga pamilyang Pilipino na magkasama tuwing araw ng pahinga.

Sa kabilang dako, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula ngayong araw, Hunyo 20, ay makikinabang na ang mga estudyante sa mas mataas na 50% na diskwento sa pasahe sa mga linya ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, sapat nang magpakita ng valid school ID o proof of enrollment sa ticket booth upang makakuha ng diskwento.

Sakop ng benepisyo hindi lamang ang mga nasa basic education at college level kundi pati na rin ang mga kumukuha ng master’s degree at law school.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang diskwento sa mga single-journey tickets, ngunit tiniyak ni Dizon na malaking ginhawa ito sa libu-libong estudyanteng araw-araw sumasakay sa tren.

“Malaking tulong ito sa mga estudyante at kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng mataas na gastusin sa araw-araw,” dagdag pa ng kalihim. (Daris Jose)

EDSA rehab, hindi dapat umabot ng dalawang taon

Posted on: June 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI dapat umabot ng dalawang taon ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isa sa ‘busiest thoroughfares’ sa Metro Manila.

Ito’y matapos sabihin ni Pangulong Marcos na masaya siya sa naging desisyon na isuspinde ang planong ‘full rehabilitation’ ng EDSA para pagaanin ang sitwasyon ng publiko lalo na ng mga mananakay.

“Hindi ko matanggal-tanggal sa pag-iisip ko. ‘Yung nasa kotse ka, nasa EDSA, makikita mo alas 12 na ng gabi. Ang haba pa ng pila, nag-aantay ng bus. Tapos ‘yun, pag-uwi nun, gigising na alas 4 ‘yun. Mag-aantay na naman ng bus para makapasok na alas 7, alas 8,” ang sinabi ng Pangulo sa pinakabagong episode ng kanyang podcast na in-ere, araw ng Biyernes.

“Hindi puwedeng ganyan na napakahirap na, dadagdagan pa natin ng kahirapan. Siguro naman may bagong sistema diyan na hindi natin kailangang isara o kung gagawin ay hindi dalawang taon,” ang pahayag ng Chief Executive.

Winika pa ni Pagulong Marcos na ang bagong sistema ay dapat na ikonsidera para mapaikli ang timeline para sa pagkukumpuni ng EDSA.

Aniya, ang paghihirap ng mga motorista at mga mananakay ay hindi dapat patagalin.

“Hanap tayo ng bagong teknolohiya . There are new technologies,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing “Mukhang kakayanin ng hindi dalawang taon kasitwo yearsng pagdurusa. Hindi mo pwedeng gawin sa tao ‘yun.”

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pansamantalang pagpapaliban ng nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA sa loob ng isang buwan, upang bigyang-daan ang mas epektibong paghahanda sa mga hakbang para maibsan ang inaasahang matinding trapiko.

Inanunsyo ito ng Pangulo sa gitna ng mga pangamba ng publiko sa posibleng dagdag na oras sa byahe bunsod ng dalawang taong rehabilitasyon na orihinal na nakatakdang simulan ngayong Hunyo.

Ang EDSA ay may habang 23.8 km at isa sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, na dinaraanan ng daang libong motorista at pasahero araw-araw.

Bago pa man umpisahan ang proyekto, nakararanas na ng matinding trapiko ang lugar, lalo na sa rush hour.

Kasama sa mga isasaalang-alang ng pamahalaan sa loob ng isang buwang suspensyon ay ang pagsusuri sa cost-benefit ng proyekto, gayundin ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabilis ang rehabilitasyon kung ito man ay muling itutuloy.

Ayon pa sa Pangulo, pag-aaralan muna ng DOTr at ng DPWH ang mga alternatibong solusyon upang mabawasan ang abala sa mga commuter bago tuluyang simulan ang nasabing proyekto.

Layon ng hakbang na ito na tiyaking hindi malalagay sa alanganin ang araw-araw na byahe ng mga manggagawa, estudyante, at iba pang umaasa sa pampublikong transportasyon. (Daris Jose)

Pag bomba ng US sa nuclear sites ng Iran, matagumpay na naikasa – Trump  

Posted on: June 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni United States President Donald Trump na matagumpay nilang naikasa ang kanilang pagatake sa mga nuclear sites sa Iran partikular na mismong malaking nuclear program ng naturang bansa sa Fordow.

Sa kaniyang naging social media post, kinumpirma ni Trump na maliban sa kanilang pagbomba sa mga nuclear sites sa Fordow, Netanz at Esfahan, ay pabalik na rin sa Estados Unidos ang kanilang mga sasakyang pamhimpapawid na ginamit sa pagbomba sa mga naturang sites.

Ayon sa mga ulat, anim na bunker buster bombs ang ginamit para mabomba ang Fordow habang 30 Tomahawk missiles naman ang ginamit sa dalawa pang mga nuclear sites na pinasabog ng US.

Matapos ang ikinasang operasyon, kinumpirma mismo ng White House na nagkaroon muna ng paguusap sa pagitan ni Trump at ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para sa full coordination nito.

Samantala, sa bahagi pa ng pahayag ni Trump, hinihimok niya ang Iran na pumayag nang tapusin ang tumitinding sigalot sa pagitan ng kanilang bansa at maging ng Israel.

Inaasahan naman ngayon ng gobyerno ng US na titigil na ang tensyon sa pagitan ng dalawang mga bansa at magbibigay daan na ito sa kapayapaan.

(Daris Jose)

 

PBBM tiniyak patuloy na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West PH Sea  

Posted on: June 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa ilalim ng kaniyang administrasyon patuloy nitong ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) na siyang naging polisiya.

Sa nalalabing tatlong taon ng Pangulo sa kaniyang pwesto nais niyang mag-iwan ng marka sa mga Pilipino na hindi nito pinabayaan na angkinin ng ibang bansa ang ating teritoryo.

Sinabi ng Punong Ehekutibo hindi tayo sumuko.

” We did not yield. We continue to protect the sovereignty of the Republic. We continue to defend the territory of the Republic. And we continue to protect and defend the people of the Republic,” pahayag ng Pangulo sa ikalawang podcast interview nito.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi naman aniya nakikipag- away ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea subalit kailangang ipaglaban ang karapatan nito sa gitna ng panghaharang at iba pang harassment na ginagawa ng China sa mga Pilipinong mangingisda.

Muli ring pinanindiganan ni Pangulong Marcos na ni isang pulgada ng katubigang pag- aari ng Pilipinas ay hindi nito isusuko.

” Hindi naman tayo nakikipag-away. Pero huwag niyong binabangga yung mga mangingisda, hindi ba? Huwag niyo kaming hinaharang doon sa teritoryo namin. Iyon ipaglalaban talaga namin yan. Because kung ibigay mo yan, bibigay ng – like they say: You give them an inch, they will take a mile. So you cannot allow it even the one inch,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nais ng Pangulong Marcos na maalala ng mga Pilipino ang naging paninindigan ng kanyang Administrayon na ipinaglaban ang soberenya ng bansa lalo na ang isyu sa West Philippine Sea.  (Daris Jose)