• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:46 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 21st, 2025

Patuloy na tinututukan ang kaso ni Rita Daniela: Atty. MAGGIE, hangad na magkaayos ang GMA at mga JALOSJOS

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MABABASA sa social media ang estafa case na isinampa ng GMA Network laban sa bigwigs at executives ng Tape Incorporated.
Nag-ugat ito sa diumanoy hindi pagre-remit ng mga Jalosjos sa kanilang commercial ads sa GMA sa noontime show produced na “Tahanang Pinakamasaya” na aabot daw sa P37,941,352.56.
Nagkaroon ng mediation last May 29 kung saan present ang lady lawyer ng GMA at ang celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na matagal ng legal counsel ng mga Jalosjos brothers na sina Romeo Jalosjos Jr. at Seth Frederick “Bullet” Jalosjos.
Sabi ay hindi raw tinanggap ng GMA ang offer ng Tape Inc. at gusto nila ay bayaran sila agad.
Sa ngayon ay nira-raffle na ang kaso at kung sinong judge ang hahawak nito. Well, in my own opinion, sana ay tumingin naman ang pamunuan ng GMA sa ilang dekadang pinagsamahan nila ng mga Jalosjos partikular na si Mr. Romeo Jalosjos Sr na kilalang producer ng “Eat Bulaga” na mula 1995 hanggang 2023 ay nasa GMA 7 na.
Ayon naman kay Atty. Maggie ay positibo siya na sa huli ay magkakasundo rin ang client niya na Jalosjos at GMA. Saka nagbigay ng reaction ang abogada hinggil sa isinampang kaso ng GMA Network.
“TAPE is still believes that whatever amount is collectible from them by GMA is merely a civil liability, and not a criminal liability for estafa. Foremost, even assuming that the amounts were used by TAPE Inc. for it’s operation instead of remitting it to GMA, this is a mere violation of the assignment agreement being executed between TAPE Inc and GMA Inc.
“Therefore GMA can file a civil case for breach of contract. Secondly, thesw amounts are corporate liability of TAPE Inc and not of it’s individual stockholders. Under the law corporation has separate and distinct personality with it’s stockholders. Thus respondents members of BOD and officers of TAPE were surprised that a criminal case for estafa was filed againts them,” paglilinaw pa ni Atty. Maggie.
“At any rate, we follow the new procedure under the DOJ, circular that the matter will undergo mediation(na nangyari nga last May 29) to settle the differences of the parties. TAPE as a corp today submitted an offer to GMA Inc to be able to settle the amount stated in the complaint which are collectibles of GMA. “This offer will be submitted to GMA and if this is acceptable to GMA, a compromise agreement will be submitted by the parties on the next and last hearing.
If there is no compromise agreement submitted, the case will already be docketed for preliminary investigation.” Pagtatapos pa ni Atty. Maggie, na abala sa pagha-handle ng case ng mga celebrity including Rita Daniela na ongoing ang hearing ng Kapuso actress sa lascivious acts charge nito laban kay Archie Alemania.
Na sa kabila ng not guilty plea ni Archie sa kasong kinahaharap ay patuloy itong ipaglalaban ng actress sa court dahil totoo raw ang kanyang akusasyon.
Ilan pa sa mga artistang kliyente ni Atty. Maggie ay sina Alden Richards, Wendell Ramos, etc.
Also Jules Ledesma at controversial writers and director Jojo Nones and Richard “Dode” Cruz.
Hindi rin makalilimutan na siya ang nagtanggol noon kay Vhong Navarro vs Deniece Cornejo para makalaya ang komedyanteng host sa kulungan.
 Isa ring product endorser si Atty. Maggie at kabilang sa kanyang endorsements ay ang ISkin at Toledo Medical Derma.
(PETER S. LEDESMA)

Pacers, babalik agad sa mahigpit na training matapos ang impresibong

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD ng impresibong panalo ng Indiana Pacers laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 6 ng 2025 NBA Finals, siniguro ni NBA star Tyrese Haliburton ang muling paghahanda ng koponan para sa Game 7, ang huling laban sa best-of-7 series.

Sa panayam kay Haliburton matapos ang laro, sinabi niyang mas mahigpit ang gagawing pag-eensayo para sa huling laban.

Gugugulin aniya ng koponan ang nalalabing dalawang araw para pagbutihin pa ang team performance mula sa opensa hanggang sa gagamiting depensa laban sa Thunder.

Aminado ang Olympic champion na mas magiging mahirap ang Game 7 dahil maliban sa ito ay isang winner-take-all game, gaganapin pa ito sa Oklahoma City kung saan inaasahang magiging aggresibo ang fans.

Nang matanong ang bagitong star kung ano ang magiging taktika sa susunod na laban, tinukoy nito ang magandang ball movement, akmang depensa, at maayos na rebounding.

Malaki aniya ang tiwala ng bawat isa sa kapwa player para gawin ang kani-kanilang papel sa huling laban, kayat malaking bagay na makapagpahinga muna ang mga ito at makagawa ng akmang practice bago ang nakatakdang laban sa Lunes, Hunyo-20.

Tinukoy naman ni Haliburton bilang isang team effort ang impresibong panalo sa Game 6.

Aniya, nagawa nilang protektahan ang kanilang homecourt lalo at ayaw din nilang magkampeon ang Thunder sa Indiana.

Tumugon lamang aniya ang Pacers sa naturang hamon, bagay na nagbunga ng impresibong panalo at tinambakan ang kalaban, 108-91.

Maalalang bago ang Game 6 ay kwestyunable ang status ni Haliburton dahil sa kaniyang minor injury sa kanang binti.

Gayunpaman, tuluyan din siyang binigyan ng clearance upang maglaro at kinalaunan ay gumawa ng impresibong 14 points at limang assists sa loob ng 23 mins na paglalaro sa hardcourt.

Alex Eala natapos na ang kampanya sa Nottingham Open

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 Nottingham Open.

Ito ay matapos na mabigo siya sa kay Magda Linette ng Poland sa score na 6-4,6-3.

Sa unang set ay hawak ni Eala ang kalamangan 3-0 hanggang biglang umarangkada ang Polish tennis player.

Nagawa pang humabol ang Pinay tennis star subalit nangibabaw ang galing ni Linette para makapasok sa ikalawang round.

Ika-3 taong Pagdiriwang ng Parañaque City Center for Children with Special Needs  

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG kahapon, Hunyo 20, 2025 ang 3rd Anniversary ng Parañaque City Center for Children with Special Needs!

Isang makabuluhang pagtitipon na isinagawa sa Parqal, Aseana City, Parañaque upang bigyang-pugay ang dedikasyon, pagmamahal, at tagumpay ng ating mga batang may espesyal na pangangailangan, pati na rin ang kanilang mga magulang, guro, at tagasuporta.

Kasamang nagdiwang sa pagtitipon sina Councilor Shannin Mae Olivarez, District 1, Councilor Tin Esplana, District 2, Councilor Marvin Santos, District 1, Capt Mario Jimenez, Barangay Don Bosco

Isang araw ng pagpapahalaga, kasiyahan, at pagkakaisa para sa isang mas inklusibo at mas maunlad na Parañaque!

(Text & Photos By Boy Morales Sr.)

PBBM, nais na itaas ang load limits sa San Juanico Bridge

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang load limits sa San Juanico Bridge sa Disyembre ngayong taon.

“Ang schedule namin dapat by December, before the end of the year, ang pwede ng gamitin na sasakyan hanggang 12 tons,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang episode ng BBM Podcast.

“That’s a test, sabi ko pag hindi niyo natapos ‘yan, tatanggapin ko ‘yung resignation ninyo,” ang babala ng Pangulo.

Sa kabilang dako, humingi naman ng paumanhin ang Pangulo sa mga residente ng Samar at Leyte na apektado ng rehabilitasyon, sabay sabing hangad ng gobyerno ang kanilang kaligtasan.

“Well sorry na nangyari ito, alam ko ‘yung nararanasan ninyo, nararanasan ng ating mga transport operators, nararanasan ng ating mga negosyante,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Kaya asahan ninyo minamadali namin na maayos kaagad ito,” aniya pa rin.

Buwan ng Mayo, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na maaaring tumaas ang kasalukuyang load limits ng San Juanico Bridge simula sa susunod na taon sa gitna ng rehabilitasyon nito.

Ang pagtaas ng load limits ay maaaring ipatupad sa last quarter ng taong kasalukuyan.

Ani Bonoan, ang ‘full capacity’ ng umiiral na San Juanico Bridge ay maaaring isagawa ”as soon as the new bridge is actually constructed.”

Sinabi pa ng departamento, ang kamakailan lamang na assessment ang nagpataas ng alalahanin ukol sa structural integrity ng San Juanico Bridge.

Pansamantala namang ipinagbabawal ang mga sasakyan na tumitimbang ng mas higit sa tatlong tonelada mula sa pagbagtas sa 2.16-kilometer bridge.

Samantala, ang San Juanico Bridge ang itinuturing na pinakamahabang tulay sa Pan-Philippine Highway na nag-uugnay sa Luzon at Mindanao ay itinayo noong 1969 at binuksan sa publiko noong 1973.

(Daris Jose)

PBBM, suportado ang NCAP: Nakababawas ito ng korapsyon

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AGREE si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ang katuwiran ng Chief Executive ay makatutulong itong mabawasan ang korapsyon sangkot ang mga law enforcer at motorista.

“In principle, agree ako diyan sa no contact. Agree ako diyan, magandang layunin niyan. Ang layunin niyan is ‘yung traffic ano, masundan ‘yung rules of the road na ‘di tayo kung anu-ano ‘yung ginagawa natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang episode ng BBM Podcast, araw ng Biyernes.

“Bawas ‘yan sa korapsyon,” giit ng Pangulo.

Sa kabilang dako, taliwas sa pananaw ng mga kritiko ng polisiya, tinuran ni Pangulong Marcos na titiyakin ng NCAP na hindi na makakasanayan ang pangingikil.

“Para sa akin it will be the opposite… Ito it will be based solely kung ano ‘yung nasa picture. Magbabayad siya ng multa, hindi binibigay sa kahit kaninong tao, it’s straight to the system,” aniya pa rin.

Ang NCAP ay isang patakaran na gumagamit ng closed-circuit television (CCTV), digital camera, at iba pang kagamitan o teknolohiya upang kuhanan ng video o larawan ang mga sasakyang lumalabag sa batas-trapiko, sa halip na hulihin ng mga traffic enforcer sa kalsada. (Daris Jose)

Israel-Iran crisis, walang epekto sa OFW remittances – Malakanyang

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG epekto sa remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas ang nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Iran.

Tinukoy ang naging pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na ang epekto ng labanan sa overseas remittances ay “limited for now.”

Ani Castro, ang perang naipadala na ng mga OFWs sa kanilang mahal sa buhay mula sa Israel at Iran ay nagkakahalaga ng USD106.4 million noong 2024, .03% lamang ng kabuuang remittances.

“However, an escalation that could include the rest of the Middle East will have a substantial effect on overall remittances,” ayon kay Castro.

Sinasabing makikita sa data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot na sa USD2.66 billion ang OFW remittances nito lamang April 2025, tumaas ng 4% mula sa USD2.56 billion noong April 2024.

Tanggap naman ni Castro na ang tensiyon sa Middle East ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng ‘crude oil prices at household consumption.’

Winika pa ni Castro na ang labanan ay maaaring makaapekto sa inaasam na paglago ng ekonomiya.

“Kadalasan po kapag tumataas ang presyo ng krudo, tumataas din po ang bilihin sa merkado,” ang sinabi ni Castro.

‘Big’ transport projects, makukumpleto ngayong 2025-PBBM

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang commitment ng kanyang administrasyon na tapusin ang mahahalagang transport projects sa loob ng taon.

Sa katunayan, target ni Pangulong Marcos na kumpletuhin ang malaking infrastructure projects, gaya ng Metro Manila Subway Project at i-upgrade ang Metro Rail Transit (MRT) system.

“Of course, we have the very big projects also. We have the subway projects. We will be able to open it na umabot na mapunta sa Valenzuela. We have the extension of the MRT. But these are long-term projects. But they will come,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pinakabagong episode ng kanyang podcast.

“We will start to see the completion of some of the phases by late this year, next year,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa rin niya na nakatuon ang kanyang pansin na gawing ‘ligtas, affordable, reliable at accessible’ sa lahat ang public transport.

Sa kabilang dako, simula Hunyo 20, ang mga estudyante na sumasakay ng MRT-3 at Light Rail Transit Lines 1 at 2 ay maaari nang maka-avail nang mas malaking discount kasunod ng kautusan ni Pangulong Marcos.

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang itaas ang fare discounts para sa mga estudyante sa 50% mula sa nakalipas na 20% ay isang malaking tulong.

“Mas malaki kasi those are the sectors of the society na hirap sa cash. Estudyante, walang pera ang estudyante usually,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing “Ngayon, those are the things that we can do immediately.” (Daris Jose)

PAGCOR, DICT lubos ang pagsusumikap para malansag ang illegal gaming websites

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUBOS ang pagsusumikap ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na tuluyang malansag ang lahat ng illegal gaming websites sa bansa.

Sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro labis na nag-aalala ang gobyerno sa maliwanag na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagiging adik sa online games.

Sa ngayon, ang naalis pa lamang ng DICT ay 7,000 unauthorized online gaming sites na tinukoy ng PAGCOR.

“Ang problema po ngayon ng gobyerno ay marami pong illegal na gaming websites,” aniya pa rin.

“Kapag po naipasara, mag-iiba na ng website. Pero hindi po titigil ang PAGCOR at ang DICT sa pagtanggal ng mga ganitong klaseng website. Kaya lamang po ay magiging paulit-ulit dahil paulit-ulit silang nagbabago ng kanilang website,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Tiniyak ni Castro na hindi kailanman kukunsintihin ng gobyerno ang paglaganap ng ‘unlicensed Internet gaming platforms,’

Hinikayat ang publiko na huwag i-promote ang illegal websites.

At nang tanungin kung may plano ang gobyerno na magpatupad ng ‘total ban’ sa online games, gaya ng Scatter, sinabi ni Castro na hindi ito magagawa dahil lisensiyado at accredited ito ng PAGCOR.

Gayunman, tiniyak ni Castro na ang Scatter at iba pang PAGCOR-licensed online games ay “controlled and monitored.”

Pinayuhan din nito ang publiko na i-report sa PAGCOR ang pangalan ng mga nakararanas ng problema dahil sa online game addiction para i-deny ang kanilang access sa anumang online game platforms.

“Namo-monitor po ito at kung ang pamilya man ay nagkakaproblema sa kanilang kamag-anak dahil nagugumon sa sugal, maaari po sila agad pumunta sa PAGCOR para po ma-ban ang tao na ito sa paglalaro,” ang sinabi ni Castro. (Daris Jose)

Surveillance camera, narekober . . .   Inabandonang maleta, P204 milyon shabu ang laman

Posted on: June 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUMULAGA sa mga awtoridad ang mahigit P204 milyon halaga ng hinihinalang shabu na laman ng isang inabandonang kulay green na malaking maleta na iniwan sa isang bakanteng lote sa Naic, Cavite Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat, bandang alas-2:10 kahapon ng madaling araw nang ipagbigay alam ni Jeferson Pausal y Paigao, 26, Security Guard ng Visayas Saz Agency sa nagpapatrulyang mga operatiba na sina Pat Ronald Ian Benter  at Pat Honald De Jesus ng Naic Police Station ang natagpuan na isang inabandonang kulay green na malaking  maleta sa kahabaan ng Frienship Road Brgy Sabang, Naic, Cavite.

Nang buksan ang  maleta, bumulaga sa mga awtoridad  ang humigit kumulang 30 kilograms na hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P204,000,000.00.

Sa pag-iinspeksiyon  at paghahanap ng iba pang ebidensiya ng mga awtoridad, natagpuan nila ang isang surveillance camera na nakakabit sa isang kongretong poste malapit sa lugar.

Hinala ng pulisya na may isang tao na pipik-ap sa maleta at  ikinabit ang surveillance camera para matiyak nila ang tamang tao na kukuha ito.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV at forensic digital examination sa narekober na surveillance camera. (Gene Adsuara)