• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2025

Lakers, nabili sa halagang $10-B

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINENTA na ang kilalang NBA team na Los Angeles Lakers sa halagang $10 billion —ang pinaka mahal na presyo para sa isang sports team sa kasaysayan ng Estados Unidos, ayon sa ulat ng ESPN.

Nabatid na ang Buss family, ang nagmay-ari ng Lakers sa loob ng 47 taon, ay nagbenta ng kanilang kontrol sa koponan kay billionaire Mark Walter, isang kasalukuyang minority owner ng team at CEO ng TWG Global.

Gayunpaman, mananatili paring team governor si Jeanie Buss matapos mabenta ang NBA team.

Samantala, si Walter din ang may-ari ng Los Angeles Dodgers, Los Angeles Sparks, at iba pang sports properties.

Ayon kay NBA legend Magic Johnson, magandang balita ito para sa Lakers dahil si Walter ay may reputasyon at may history ng pagkapanalo at pamumuno.

Matatandaang nagdala ng 11 NBA championships ang Buss family sa Lakers mula noong 1979, kabilang ang mga panahong pinamunuan ito nina Magic Johnson at Kobe Bryant.

Tuwang-tuwa sa apo na si Sabino na litaw na ang kaguwapuhan… ARJO at MAINE, imposible pang makagawa ng pelikula sa Nathan Studios

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AYON mismo kay Sylvia Sanchez, hindi totoong o hindi muna gagawa ng pelikula sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
“Alam ko, wala,” umpisang sinabi ni Sylvia.
Ayon kasi sa tsika, sa ilalim ng Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family gagawa ng pelikula sina Arjo at Maine.
Pero iyon nga, hindi ito true dahil ayaw pa umano nina Arjo at Maine na gumawa ng pelikula.
Lahad pa niya, “Ang pinitch sa akin ni Sigrid, [director Sigrid Andrea Bernardo], hindi I’m/Perfect.
“Ang in-offer sa akin ni Sigrid, isang movie ko at ni Angel Aquino na pagsasamahan namin.
“Kaso nga, iyon yung Silhig na may short film sa Cannes na pinalabas, kami ni Angel, about lesbianism.
“Ang pangalawang in-offer sa akin yung Arjo-Maine. “Sabi ko, ‘Naku, huwag mo nang i-pitch sa akin, ayaw pa nung dalawang magsama.’
“Kahit i-pitch mo sa akin, kung ayaw ng dalawa, wala. So, pinakita lang din niya sa akin.”
Busy pa kasi si Arjo bilang Congressman ng 1st district ng Quezon City at si Maine naman ay bilang Dabarkads/host ng Eat Bulaga!
Tungkol pa rin sa anak, super-proud lola si Sylvia kay Sabino, ang unang apo niya sa anak nila ni Art Atayde na si Ria Atayde at mister ni Ria na si Zanjoe Marudo.
Nagkataon pa naman na unang apo ever ito nina Sylvia at Art kaya naman super happy sila dahil kay Sabino.
Pero lumulugar si Sylvia na kilalang ma-post sa social media; nagpapaalam muna si Sylvia kina Ria at Zanjoe kung ano ang mga litrato ni Sabino na puwede at hindi puwedeng i-post sa socmed.
Sabi pa ni Sylvia, “Yung pag-post ng picture, like bawal mag-post ng picture, e di hindi ko pinu-post.
“Tapos, pag gusto ko mag post, ipinapaalam ko sa kanila na, ‘Ri, pa-approve mo nga ito. Puwede ba ito i-post?’
“‘Ay, Mommy, nakita yung side ng ganito.’ Si Zanjoe, ‘Ay, oo Mom.’
“E, di irerespeto ko yun.
“Naiintindihan ko yun, kasi madami ang nagsasabing bakit ang arte na hindi ipapakita. Kasi po, namba-bash kayo.
“Pati bata, inosente, pinagba-bash niyo.
“Ang dami nang bastos ngayon. Sorry, diretsahan.
“Na pati bata, binabastos, bina-bash. Kawawa naman yung mga batang walang alam.
“Pero siyempre, ikaw din na magulang ka, maaano ka talaga, mapapaaway ka.
“So, sabi nga nila, kesa mapaaway, huwag na lang. “Amin yun, e. Irespeto natin yun.
“Pero isa lang po ang sasabihin ko sa inyo. “Napakaguwapo ng apo ko. Naman! Naman! Naman,” say pa ng very happy and proud lola.
“Pinaghalong Ria, pinaghalong Zanjoe!”
Pero itong si Sylvia, oo nga at lola na, pero ang itsura, winner!
Malaki kasi ang ipinayat ni Sylvia, plus positibo ang pananaw niya sa buhay kaya mas mukha pa siyang bata at fresh ngayon kaysa noon.
Samantala, posibleng isali ng Nathan Studios nina Sylvia at Ria ang I’m Perfect sa MMFF sa December, na nagsu-shoot na, sa direksiyon ni Sigrid.
Bukod sa producer ay artista dito si Sylvia kasama sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez.
Samantala, dahil na-enjoy nang husto ni Sylvia ang kanyang Cannes Film Festival experience, ganado siyang makagawa muli ng pelikula na para sa Cannes next year.
Co-producer ni Sylvia si Alemberg Ang sa Japanese film na Renoirna lumaban sa main competition ng Cannes.
“Hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem, sa grupo.
“Sana, hoping na susunod. Next year, meron na naman kami for next year,” masayang wika ni Sylvia.
Ipapalabas ang ‘Renoir’ sa mga sinehan sa Japan sa June 20 at dito naman sa Pilipinas ay kasali ito sa QCinema Film Festival 2025 sa November.
(ROMMEL L. GONZALES)

Patuloy na sinusubaybayan sa iba’t-ibang bansa: COCO, ipinasilip ang matitinding eksena na paparating sa ‘Batang Quaipo’

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LIVE na ipinasilip ni Coco Martin sa ‘TV Patrol’ ang set ng Batang Quiapo’ kung saan pinaghahandaan ang isang engkwentro ng mga karakter nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, at McCoy De Leon.

Tuloy-tuloy nang inilalabas ni Coco ang kanyang mga bala matapos niyang ipinasilip ang mga maaksyong tagpo sa Batang Quiapo kung saan may mamamaalam na karakter sa mga susunod na episode.

Bagama’t maingat si Coco sa mga detalyeng ibinahagi, nangako itong sunod-sunod na ang mga dapat abangan na rebelasyon lalo na at nagsimula na ang pangangampanya ni Tanggol (Coco) bilang Mayor ng Maynila.

“Wala nang hingaan. Pinaghandaan namin ‘to at lahat ng eksena pinaghihirapan at pinag-iisipan. Ilang araw na namin shinu-shoot. Dire-diretso na lahat ng revelation at maraming character na dahan-dahan nang nawawala,” sabi ni Coco.

Sa isang pang pasilip na matinding bakbakan, makikita kung paano patutumbahin ni Tanggol ng mag-isa ang isang grupo ng mga armadong lalaki.

Samantala, gabi-gabi pa rin ang pagtutok ng mga Pilipino sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ matapos itong magtala ng pinagsama-samang 11 milyong views sa Kapamilya Online Live para sa episodes nito noong Hunyo 12 at Hunyo 13.

Naglabas na ang serye ng bagong theme song at bagong poster upang opisyal na ilunsad ang pagpasok ni Tanggol sa mundo ng politika bilang ang Tagapag-Tanggol ng Pagbabago para makapaghatid ng tamang pagbabago sa taumbayan.

Patuloy na sinusubaybayan ang FPJ’s Batang Quiapo sa buong bansa at kasalukuyang umeere 41 na bansa sa Africa na kilala sa pamagat na Gangs of Manila at nakatakda naman tumungo mismo ni Coco sa Africa sa Hunyo 28 para sa unang meet-and-greet ng ABS-CBN doon para sa Kapamilya Live in Kenya kasama si Julia Montes.

Abangan ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

***

NAKAKA-INTRIGA naman ang mga karakter ang bibigyang-buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa pagbibidahan nilang romance-suspense seryeng “The Alib'” ng ABS-CBN na malapit nang mapanood.

Inanunsyo ito ng ABS-CBN noong Hunyo 18 sa mala-police report na mga larawan na may mga danak ng dugo tampok din ang new look nina Kim at Paulo.

Makikita si Kim na may maikling buhok, makapal na lipstick, at nakasuot ng sexy na damit, habang “bad boy look” naman ang awra ni Paulo.

Kasama sa mga bumubuo ng “The Alibi” ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksyon ng Dreamscape Entertainment – ang parehong grupo sa likod ng patok na serye ng KimPau na “Linlang.”

Ang “The Alibi” ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim. Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na “My Love Will Make You Disappear.”

Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa The Alibi sa @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

(REGGEE BONOAN)

Nanghikayat sa lahat na subukan ang paboritong coffee blend: Sorpresang pagbisita ni ATASHA, ikinatuwa at naging hit sa mga customer

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGDALA ang Jollibee ng coffee joy sa  mga tagahanga sa buong bansa sa pamamagitan ng kapana-panabik na Jollibee Coffee Blends Pop-up.  Nagsimula ang inisyatiba sa isang sorpresang kaganapan sa Jollibee E. Rodriguez, kung saan ang mga customer ay binigyan ng libreng Iced Mocha at isang espesyal na pagdating ng brand ambassador Atasha Muhlach.
Nakatakdang maabot ng nationwide pop-up booth ang mga sentrong distrito ng negosyo, paaralan, terminal ng transportasyon, at malalaking kaganapan, kung saan magse-set up ang Jollibee ng mga interactive na aktibidad, na nag-aalok sa mga customer ng pagkakataong subukan ang masarap na masaganang choco-coffee blend ng Jollibee Iced Mocha nang libre.
 Nagtatampok ang bawat booth ng nakakatuwang laro ng roulette kung saan ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na premyo sa pamamagitan lamang ng pag-post ng larawan mula sa kaganapan sa kanilang social media gamit ang hashtag #JollibeeCoffeeBlends.
 Ang sorpresang pagbisita sa store ay naging hit sa mga customer, na tuwang-tuwa na makilala si Atasha nang personal nang sumama siya sa Jollibee sa pamimigay ng libreng Iced Mocha.
Nasiyahan ang mga bisita sa mga mabilisang selfie at nakakatuwang pakikipag-ugnayan dahil hinikayat ni Atasha ang lahat na subukan ang kanyang paboritong Jollibee Coffee Blend.
“Moments like these are what Jollibee is all about – bringing joy to our customers in fun and unexpected ways,” sabi ni Pamela Cruz, Marketing Director of Jollibee Philippines.
 “We’re excited for more people to discover how our Iced Mocha has that choco-coffee blend that many people will love.”
Samantala, manatiling nakatutok— ang Jollibee Coffee Blends Pop-up ay maaaring susunod na bumisita sa iyong lungsod.
Para sa lahat ng pinakabagong update, i-like ang Jollibee sa Facebook, mag-subscribe sa Jollibee Philippines sa YouTube, at sundan ang @jollibee sa X, Instagram, at TikTok.
 ***
Next Generation Toyota Tamaraw,  grand prize sa ‘TNT Anibersaya Raffle promo
BILANG bahagi ng 25th anniversary celebration ng TNT, inilunsad ng value mobile brand ang Anibersaya Raffle promo upang mapasalamatan ang milyun-milyong subscriber o KaTropa nito sa buong bansa.
Bukas sa lahat ng TNT subscriber nagsimula noong June 17 hanggang July 31, handog ng TNT Anibersaya Raffle promo ang mga exciting na weekly prizes tulad ng iPhones at iba pang smartphones, one-year supply ng data, cash prizes, at marami pang iba. Tampok naman sa grand raffle ang brand new Next Generation Toyota Tamaraw!
Text ANIBERSAYA to 5858 para sumali
Para sumali sa raffle, i-text lamang ang  ‘ANIBERSAYA’ sa 5858.
Ang mga TNT subscriber ay makakakuha ng 1 raffle entry sa kada subscription sa selected promos na merong 1-day validity; 2 raffle entries kada subscription sa selected promos na merong 2- or 3-day validity; at 5 raffle entries naman sa selected promos na merong 7-day validity.
Maaring makaipon ng entries sa iba’t-ibang paraan ng pag-register sa selected promos – sa mga sari-sari store, e-wallet, online store, at iba pang accredited retailers nationwide.
Bawat linggo, iaanunsyo ng TNT ang exciting weekly prizes nito tulad ng latest gadgets at smartphone bundles.
Pagdating naman ng Aug. 6 grand draw, 25 subscribers ang magwawagi ng one-year supply of data, habang isang maswerteng subscriber naman ang mag-uuwi ng brand new Next Generation Toyota Tamaraw!
MAX Saya para sa lahat ng TNT KaTropa
Ang TNT Anibersaya Raffle promo ay isa lamang sa maraming paraan ng TNT para makapagbigay ng maximum o ‘MAX’ saya  sa mga KaTropa.
Sa year-long anniversary celebration ng TNT, patuloy itong maghahatid ng ‘MAX’ saya sa pamamagitan ng MAX Malakas na 5G network, MAX Sulit at abot-kayang mga promo, at MAX Exciting na experiences at surprises para sa mga KaTropa!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TNT Anibersaya Raffle promo, visit https://tntph.com/Pages/Anibersaya2025.
(ROHN ROMULO)

Celebrate Pride Month with the First-Ever RainbowQC Film Festival

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
QCinema launches RainbowQC as a full Pride Film Festival happening June 25–27 at Gateway Cineplex.
Celebrate queer stories through powerful local and international films.

QCinema’s RainbowQC Steps into the Spotlight with a Standalone Pride Film Fest This June

For Pride Month this year, QCinema is going all in. What was once just a special section within the festival is now taking center stage. Meet the RainbowQC Pride Film Festival—a newly launched, fully fledged celebration of queer cinema that puts authentic LGBTQIA+ stories front and center.

Happening from June 25 to 27, 2025, at Gateway Cineplex 18 in Gateway Mall 2, Cubao, the festival is part of Quezon City’s official Pride Month celebration. With a handpicked lineup of powerful films from the Philippines and across the globe, RainbowQC invites moviegoers to experience the richness, complexity, and emotional depth of queer lives onscreen.

Leading the RainbowQC program is a must-watch Southeast Asian premiere: The Wedding Banquet, directed by Andrew Ahn. This modern take on Ang Lee’s beloved classic reimagines the story through a contemporary lens, delving into themes of identity, family, and the evolving nature of relationships in today’s world. It’s bold, touching, and bound to spark conversation.

Local storytelling also takes a powerful spotlight with Some Nights I Feel Like Walking, marking its Philippine premiere. Directed by Petersen Vargas and starring a breakout ensemble including Jomari AngelesMiguel Odron, and Gold Azeron, the film traces the journey of young hustlers who reunite to honor a friend’s final wish. It’s a deeply emotional portrait of chosen families, queer brotherhood, and the search for meaning amidst grief.

Both films are priced at ₱300 per ticket.

Global Queer Cinema at Your Fingertips

The festival also includes stunning international titles, made accessible to local audiences thanks to its cultural partners. These films include:

Cocoon (Kokon) by Leonie Krippendorff – a tender coming-of-age story set in Berlin that captures the nuances of first love and identity.

 

Consequences by Darko Štante – a gripping Slovenian drama exploring masculinity, power, and desire within a youth detention center.

These screenings are available for just ₱150 each, with support from Goethe-Institut and the Embassy of Slovenia.

Each screening is priced affordably to make the festival accessible to a wider audience. Whether you’re there to catch a Southeast Asian premiere or explore thought-provoking shorts, RainbowQC is designed to welcome everyone—from longtime cinephiles to first-time festival goers.

(ROHN ROMULO)

Ads June 20, 2025

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

20 – page 4(1)-merged