• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2025

Lalaki na akusado sa pagmamalupit, panggagahasa sa menor-de-edad, isinelda sa Valenzuela

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 41-anyos na lalaki na akusado sa ilang ulit na pagmamalupit sa menor-de-edad na babaeng biktima bago ginawan umano ng kahalayan hanggang tuluyang gahasain sa Valenzuela City.

Sa ulat, inilunsad ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang manhunt operation laban sa puganteng nagpapakilala sa mga alyas na “Rambo” at “Daddy” nang maglabas ng warrant of arrest ang hukuman matapos ang ginawa niyang pagtatago sa batas.

Dakong alas-7:10 ng gabi nang tuluyang masukol nina P/Capt. Ferdinand Orbeta, hepe ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang akusado sa Barangay Malinta, Valenzuela City matapos ang ilang linggong pagtugis sa kanya.

Gumamit ng alternatibong recording device tulad ng cellular phone ang pulisya nang isilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Family Court Branch 16 para sa mga kasong isang bilang na Statutory Rape, dalawang bilang na  Sexual Assault, isang bilang ng Acts of Lasciviousness, at apat na bilang na paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ayon kay NPD Public Information Office (NPD) Chief P/Capt. Marcelina Pino, walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong statutory rape laban sa akusado habang may kabuuang piyansang P400,000 sa dalawang bilang na kasong Sexual Assault, P180,000 sa Acts of Lasciviousness at tig-P80,000 kada bilang sa R.A. 7610 para sa pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)

Higit P.5M droga, nasabat sa high value drug suspect sa Valenzuela

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.5 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa kanyang ulat kay Northern  Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Capt. Regie Pobadora na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas “Eseng”, 33, construction worker ng Brgy. Bignay.

Nang magawang makipagtransaksiyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, ikinasa ni Capt. Pobadora ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 7, sa koordinasyon sa PDEA laban sa suspek.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-3:35 ng madaling araw sa Northville II, Blk 1, Brgy., Bignay.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P544,000 at buy bust money.

Ayon kay Capt. Pobadora, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa nilang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

“This is a victory not just for me and the voters of Manila’s sixth district—but for the Constitution, and the Rule of Law.”- Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang naging pahayag ni Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. matapos magpalabas ng desisyon ang Commission on Elections’ (Comelec) na i-annul ang proklamasyon ni Luis “Joey” Chua Uy ant ideklara si Abante bilang duly elected Representative ng ika-6 na distrito ng Maynila.

Giit ni Abante, malinaw na isinasaad sa konstitusyon na tanging natural-born Filipino citizens ang kuwalipikadong magsilbi sa Kongreso. Kinumpirma ng naging desisyon ng Comelec ang nasabing requirement at prinotektahan nito ang integridad ng demokratikong institusyon.

Sabi pa ni Abante, “This case sets an important precedent. It reminds us that those seeking public office must be held to the highest standards of eligibility and truthfulness. Our people deserve leaders whose allegiance to the country is beyond question, and whose qualifications are beyond doubt.”

Sa naging desisyon, sinabi ng Comelec na nagkaroon ng material misrepresentation si Uy sa kanyang certificate of candidacy (COC) sa pamamagitan ng pagdedeklara nitong natural-born Filipino citizen.

Inihayag ng komisyon na si Uy ay “at most a naturalized citizen” kung kaya hindi ito maaaring kumandidato sa kongreso sa ilalim ng Section 6, Article VI ng 1987 Constitution, kung saan nakasaad na “No person shall be a Member of the House of Representatives unless he is a natural-born citizen of the Philippines.”

Dahil dito, pinawalang bisa ang proklamasyon ni Uy at idineklara si Abante na tanging kuwalipikadong kandidato na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto ang siyang nahalal na miyembro ng Kamara.

“A natural-born citizen acquires citizenship by birth, without the need for any act or proceeding. Mr. Uy’s case clearly required legal processes under naturalization laws, disqualifying him from ever being considered natural-born,” nakasaad sa ruling.

Iginiit ni Abante na ang isyu ay hindi tungkol sa personalidad kundi sa rule of law. (Vina de Guzman)

Tiwaling kawani ng Manila City Hall, namumuro

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAMUMURO na ang mga tiwaling kawani ng Manila City Hall sa ilalim ng pamumuno ni Manila Incoming Mayor Francsico “Isko Moreno” Domagoso.

‘No ifs, no buts, we’ll fine them and we’ll file charges if there is a complaint’.

Ito ang babala ni Domagoso sa muling pagpapatupad ng ‘ One-Strike Policy’ laban sa mga Kotong.

Diin ng incoming mayor, hindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa Lungsod ng Maynila dahil ‘One -Strike Policy’ agad sa mga mahuhuling nangongotong.

Agad aniyang tatanggalin sa puwesto ang mahuhuli na gumagawa ng katiwalian at hindi pagbibigyan ang anumang palusot o pakiusap at idinagdag na magsasampa ng kaso kapag may reklamo.

‘We’ll file charges if there is a complaint’, sabi ng incoming mayor.

Ibis sabihin ay hindi kukunsintihin ng incoming mayor ang korapsyon sa ilalim ng kanyang pamumuno at handa siyang magsampa ng kaso laban sa mga mapatunayang may sala.

‘Yung kotongan talaga nung araw “One-Strike Policy” kami. They got fires instantly [at] ganon din ‘yung mangyayari ngayon under our watch”, (Gene Adsuara)

Nanalong Congressman sa Manila, sinipa ng Comelec

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAWALANG -BISA ng Commission n Election (Comelec) second division ang proklamasyon ng isang nanalong kongresista ng ika-anim na distrito ng Maynila.

Sa desisyon ni Comelec Commissioner Rey Bulay kasama ang dalawa pang komisyuner, pinaboran ang petisyon ni Bienvenido Abante Jr na nagsabing hindi kwalipikado ang kanyang naging katunggali sa nasabing posisyon na si Luis ‘Joey’ Chua Uy.

Binawi ang pagkapanalo ni Uy dahil saklaw ng 1935 Constitution kung saan itinuturing siyang naturalized citizen bunag ng pagkakaroon ng dayuhang ama na kalaunan ay naging naturalized din na Pilipino.

Bunsod nito, idineklara ng Comelec 2nd division si Abante bilang nagwaging kongresista ng nasabing distrito ng Maynila para sa halalang 2025.

Ang desisyon ng Comelec en banc ay maaari pang iapela ni Uy sa nasabing tanggapan. (Gene Adsuara)

PBBM, umaasa na mapananatili ang P20/kg. rice initiative nang walang kontribusyon mula sa LGU

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapananatili nito ang P20 per kilogram rice program sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” nang walang kontribusyon mula sa local government units (LGUs).

“Let’s go further. Ang nangyari kasi ngayon we are in partnership with the LGUs. Eventually, I’m looking at a proposal na next year wala ng contribution ang LGU. Ang contribution lahat sa will go to the national government,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabagong podcast na in-ere araw ng Miyerkules.

HIndi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na sanib-puwersa ang gobyerno at LGUs para panatilihin at palawakin ang BBM Na Program.

Sa ngayon, nagkakaloob ang gobyerno ng rice supply na sapat para sa 51% ng populasyon ng bansa.

Kumpiyansa ang Pangulo na mapapataas o madaragdagan pa ang bilang ng mga Filipino na maaaring bumili ng murang bigas.

“That’s for now and hopefully we will bring it up, up to the point that bigas for all. It will all be PHP20,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“So, our production is slowly going up. Since our production is already going up, bababa ang cost of production … That’s why I’m so confident masabi na it’s sustainable,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Marcos na magkakaloob ng makinarya para sa mga magsasaka at paghuhusayin ang irigasyon, sa pagsisikap na palakasin ang rice production.

“‘Pag ka gumanda na ang production side natin, maibababa natin. Wala ng subsidy,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

DepEd, tinitingnan na baligtarin ang ‘learning crisis’ sa loob ng termino ni PBBM

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

COMMITTED ang Department of Education (DepEd) na paigtingin ang pagsisikap nito na baligtarin ang “learning crisis” sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang pahayag na ito ng DepEd ay matapos na magbabala ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ng paglaganap ng “learning crisis” sa Pilipinas matapos ang Covid-19 pandemic.

“We can manage it pero kailangan ng kilos. And we have the leadership of the President. He has promised to devote resources to it,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara.

Inilarawan ni Angara ang learning crisis bilang kawalan ng kakayahan ng mga estudyante na matuto sa tamang grade level.

Muli namang inulit nito ang naunang panawagan ni Pangulong Marcos na “focus on the basics,” kabilang na rito ang pagbabasa at pagbibilang, para matulungan ang mga mag-aaral na maka-recover mula sa epekto ng pandemya.

Gayundin, binanggit ni Angara ang implementasyon ng summer programs para matulungan ang mga mag-aaral na makahabol.

Samantala, inilunsad naman ng DepEd ang healthcare services para sa kapakinabangan ng mga guro at mag-aaral sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City, sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Tinatayang may 500 benepisaryo ang binigyan ng ‘free check-ups, consultations, health advice, at diagnostics services, at medisina, bukod sa iba pa.’

Maliban dito, inalok din ang mga mag-aaral ng free registration sa PhilHealth upang magawa ng mga ito na magkaroon ng access sa Konsulta at iba pang PhilHealth packages.

Sa ilalim ng Konsulta program, ang mga mag-aaral at guro ay magpapatala sa PhilHealth’s National Health Insurance program, kung saan pagkakalooban ang mga ito ng access para sa check-ups, laboratories, at panlaban na health services.” (Daris Jose)

Ika-164 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Jose Rizal, Panunumpa at Paninindigan para sa Bayan ng Calamba

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HUNYO 19, Rizal Day 2025, sabay ng ating paggunita sa kapanganakan ni Gat. Jose Rizal, muling nanumpa bilang Punong Lungsod ng Calamba si Hon Reseller H. Rizal, Vice Mayor Totie Lazaro at Congresswoman Cha Hernandez- Alcantara at ang iba pang kasamahan na pinagkatiwalaan ng taumbayan sa nagdaang halalan.

Pahayag pa ni Mayor Ross Rizal, “Ito ay hindi lamang isang seremonya, kundi isang matibay na pangako—na ituloy ang tapat, makatao, at makabayang paglilingkod para sa bawat Calambeño. Bilang inyong Mayor, patuloy kong dadalhin sa puso ang diwa ni Rizal—ang pagmamahal sa bayan, sa katotohanan, at sa kapwa.

Maraming salamat, Calamba. Ang inyong tiwala ay inspirasyon ko upang mas lalo pang pagbutihin ang ating paglilingkod.”

(Text and Photos By Boy Morales Sr.)

Handog ng Philhealth… PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng bagong benepisyo para sa post-kidney transplant

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes ang paglulunsad ng bagong benepisyo ng PhilHealth para sa post-kidney transplantation services.

Sa katunayan, binisita ni Pangulong Marcos ang mga pasyente sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Diliman, Quezon City, kung saan ay binati niya ang mga pasyente sa Hemodialysis Center at Hemodialysis Center Extension.

Muli namang pinagtibay ng PhilHealth ang suporta nito para sa NKTI patients sa pamamagitan ng pagpapahusay sa benepisyo para sa mga miyembro na na-diagnosed na may chronic kidney disease (CKD) stage 5.

Ang Chronic kidney disease ay itinuturing na isang ‘pressing global health issue’ na may 9.1% hanggang 13.4% na umiiral sa populasyon sa buong mundo.

Sinabi ng NKTI na ang isang Pinoy na naka-develop ng chronic kidney failure kada oras, ay may katumbas na 120 bagong kaso kada milyong populasyon taun-taon. (Daris Jose)

Pacquiao may malaking tsansa na manalo laban kay Barrios – Mosley

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG tigil pa rin ang ginagawang pag-eensayo ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao para sa kaniyang nalalapit na laban kay Mario Barrios.

Maging ang dating nakasagupa ni Pacquiao na si Shane Mosley ay naniniwalang kayang-kaya ng Pinoy boxer na patumbahin si Barrios.

Dagdag pa nito na nakikita niya ang pagpupursige ni Pacquiao at kahit na may edad na ay nandoon pa rin ang pagpupursige para manalo.

Magugunitang noong 2011 ng magkaharap ang dalawa kung saan nagwagi si Pacquiao sa pamamagitan ng 12 round unanimous decision.

Taong 2017 ng tuluyan na ring magretiro ang US boxer nas Mosley.

Gaganapin ang laban ni Pacquiao at Barrios sa darating na Hulyo 19, sa Las Vegas.