• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2025

Hindi totoong pinabayaan ng Kongreso ang San Juanico Bridge.

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang binigyang paglilinaw ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara sa patutsada ni Senadora Imee Marcos ukol sa pagmementina sa San Juanico Bridge.

“Gusto lang po naming ituwid ang mga maling akala. Hindi totoo na pinabayaan ng Kongreso ang San Juanico Bridge. Simula pa po noong 2018, taon-taon nang may pondo na inilaan para sa rehabilitasyon ng tulay,” ani Abante.

Ilan sa mga ito ay ang

₱27M noong 2018; ₱22M noong 2019;

₱105M noong 2021; ₱90M noong 2022;

₱150M noong 2023; at may proposal na ₱400M para sa 2026.

Nangangahulugan aniya na ginawa na ng Kongreso, lalo na ni Speaker Martin Romualdez, ang trabaho niya kabilang na ang pagtulak ng pondo, nag-follow up, at personal na tumutok sa usapin ng tulay.

Sinabi pa ni Abante na noong Hunyo 5, nakipagpulong pa si Rep. Jude Acidre, sa atas ni Speaker, kay DPWH Secretary Bonoan para bilisan ang assessment at pagkumpuni.

Plano rin niyang itulak ang ikalawang San Juanico Bridge para hindi na maulit ang ganitong problema.

Ipinagtataka at ikinatatawa rin ni Abante kung bakit nagtatanong si Senadora Imee  kung bakit may aberya at puro panisi.

Tanong ni Abante, “ano na po ba ang aktwal ninyong ambag sa San Juanico Bridge? Kahit karatulang may nakalagay na “This Way to San Juanico Bridge” man lang, meron ba?

Kung tunay aniyang nagmamalasakit sa mga taga-Leyte at Samar ay dapat itigil na ang pasaring, trabaho muna bago pulitika.

” Hindi ‘to panahon ng paandar—panahon ‘to ng pagtutulungan'” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)

Education budget, pinadodoble

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DALA na rin higit 165,000 classroom shortage crisis, nanawagan sina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at  ACT Teachers Rep.elect Antonio Tinio, sa pamahalaan na doblehin ang education budget allocation sa 6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ayon sa pag-aaral ng EDCOM II, matindi ang problema sa  classroom congestion sa  National Capital Region, CALABARZON, Region XII, at BARMM, kung saan may mga lugar na nagpapakita na 90% ng elementary students ang naka enrolled sa masikip o overcrowded schools na may student-classroom ratios na 1:50.

“The current budget allocation is clearly insufficient to address our education crisis. We need to double our commitment to education by allocating 6% of GDP to ensure we can build the classrooms our children desperately need,” ani Tinio.

Matatandaan na ibinunyag ng  Commission on Audit (COA) noong nakalipas na taon na ang  Department of Education sa ilalim ng dating  Secretary Sara Duterte ay nakakumpleto lamang ng 192 classrooms mula sa target na 6,379 rooms noong 2023 – o 3.01% completion rate.

“This is absolutely unacceptable. Habang may learning crisis na tayo, pinalala pa ng dating administrasyon ng DepEd ang sitwasyon ng ating mga estudyante. Sa dami ng pera na hawak niya noon kasama pa ang confidential funds, tapos ito lang ang nagawa niya? Saan niya ginastos ang mga pondong ‘yun tapos may gana pang magalit kapag sinita siya?” pahayag ni Castro.

Kawawa aniya ang mga estudyante noong panahon ni VP Duterte.

“Malala na nga ang learning crisis noon, pinalala pa niya. Now we’re seeing the devastating results of that neglect,” dagdag ni Castro.

Sa kanilang pag-iikot sa Balik-Eskwela noong Lunes ay nakita nila ang matinding siksikan, ang kakulangan ng silid-aralan, at ang nakapapagod na shifting schedules. (Vina de Guzman)

Chairman ng board special inquiry ng BI, tinanggal

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INALIS na sa pwesto si Atty. Gilbert Repizo, ang chairman ng Board Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa dami ng mga reklamo sa pamumuno nito.

Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Repizo sa isyu ng umano’y pamimilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3-bilyong e-gates project sa mga paliparan.

Sa kabila ng kautusan, sinabi ni Repizo sa kanyang social media post na magpapatuloy siya sa pagre-report sa BSI.

Sumulat din ito kay Justice Secretary Crispin Remulla kung saan ininvoke naman nito ang kaparehong civil service resolution na 1800692 o ‘yung 2017 omnibus rules of appointment.

Sa liham ni Repizo kay Remulla sinabi nya na hindi nya pwedeng sundin ang kautusan dahil iaakyat nya ang usapin sa Civil Service Commission.

Binigyan din umano niya ng kopya ng nasabing liham si Viado.

Samantala, kinumpirma ni BI Spokesperson Dana Sandoval na natanggap na nila ang Department Order 435 mula DOJ at agad itong ipinatupad.

Nakasaad sa nasabing Department Order na papalitan ni Atty Ruben Casibang si Repizo bilang head ng BSI.

Nakasaad pa umano rito na ipinalilipat sa DOJ si Repizo. (Gene Adsuara)

‘Bumbay’ na tulak, swak sa P700K droga sa Valenzuela

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado, sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation kontra kay alyas “Bumbay”, 29, ng Brgy. Veinte Reales.

Ayon kay Capt. Dorado, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek hanggang sa magawa ng isa niyang tauhan na makipagtransaksiyon kay alyas Bumbay.

Dakong alas-11:59 ng hating gabi nang makipagtagpo umano ang suspek sa isang undercover police na nagpanggap na buyer sa tabi ng construction site sa Rubber Master St., Brgy., Lingunan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Sa ulat ni Capt. Dorado kay Valenzuela police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, nakuha nila sa suspek ang nasa 105 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P714,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1000 boodle money, at 200 cash.

Ayon kay SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa. Sections 5 at 11 under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Obrero, kalaboso sa pagdadala ng baril sa Caloocan

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 24-anyos na obrero matapos inguso ng kanyang mga ka-lugar na may dalang baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Caloocan City Police OIC chief P/Col. Joey Goforth sa Brgy. 175, Camarin nang lapitan ng isang residente sa Sitio Matarik dakong alas-12:30 ng madaling araw at isinumbong ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek habang may bitbit na baril.

Nang magtungo sa naturang lugar ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11, inabutan pa nila ang suspek na palakad-lakad habang may hawak na armas kaya’t maingat nilang nilapitan at tinanong kung may dokumento ang hawak nab aril.

Dahil walang maiprisintang legal na dokumento ang suspek na si alyas “Junior”, inaresto siya ng mga pulis at kinumpiska ang hawak na kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, sasampahan nila ng kasong paglabag sa the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)

Grupong Kongreso ng Bayan pinagre-resign si House Speaker Romualdez

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng multisectoral group na “Kongreso ng Bayan” si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magbitiw na sa kanyang puwesto. Sa isang press conference ay nanawagan ang koalisyon at sinabi na “We are calling the immediate resignation of House Speaker Martin Romualdez resign now na!”

Ayon sa grupong tinawag na KONGRESO NG BAYAN, masyado na umanong pini-personal ni Romualdez ang mga kalaban sa politika kung kaya’t nagkakagulo ang bansa.

Humarap din sa nasabing Press Conference ang mga grupong naghain ng mga kaso kabilang ang Graft case sa Ombudsman laban kay Romualdez. Sinabi ni Atty. Virgil Garcia na nakabinbin ngayon sa Office of the Ombudsman ang kasong falsification of legislative documents na inihain nila laban kay Speaker Romualdez dahil ang constitutional issue na inihain ni Atty. Vic Rodriguez sa Korte Suprema ay dapat munang lutasin. Tiniyak niya ang “impeccable integrity” ni Ombudsman Samuel Martires sa paglutas ng falsification ng mga legislative document na inihain nila laban kay Speaker Romualdez. “Sana ay mapukaw namin ang natutulog nyong damdamin. Nararapat bang manatili si Speaker Romualdez o dapat na siyang palitan. Kami po ay nagsisimula lamang at nasa inyo na po ang susunod na hakbang,” dagdag pa ni Garcia.

Nilinaw ng grupo na panahon na para bumaba or mag resign na si Romualdez dahil kulang na ang pamunuan at panahon na para kay Speaker Romualdez na tumabi na at ibigay na ang pamumuno ng Kongreso sa ibang Kagawad ng Kongreso. At ayon pa sa grupo ay inihaharap nila sa mga tao ang tunay na sitwasyon at binubuksan ang mga mata sa kung ano ang maaaring gawin ng mga tao mismo sa kani-kanilang Congressional District kung kaya’t ang aksyon ay dapat magmula sa mga taong apektado mismo.

May mga pangalang lumutang na maglalaban para sa House Speakership at ito ay sina ALBEE BENITEZ, Bacolod City Lone District., ANGELO BARBA, Ilocos Norte 2nd District., TOBY TIANGCO, Navotas City Lone District, MARTIN ROMUALDEZ, Leyte 1st District.

Si “ALBEE BENITEZ ang napupusuan ng grupo na maaaring mas karapat-dapat na mamuno bilang susunod na Speaker of the House of Representatives of the Philippines.

Ang “Kongreso ng Bayan” ay isang koalisyon ng iba’t ibang grupo, mga pinuno mula sa relihiyon, katutubo, Muslim, abogado, OFW, negosyo, at sektor ng transportasyon, at mga retiradong tauhan ng militar at ordinaryong Pilipino. Nauna na nilang binawi ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. (PAUL JOHN REYES)

“Pamilya Pass”: 1 + 3 fare promo available na sa MRT 3, LRT 1 & 2

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAMAKAILAN  lamang   ay   inilunsad   ni   President   Ferdinand   E.   Marcos, Jr.   ang “Pamilya Pass 1 + 3 Promo” sa mga rail lines sa Metro Manila tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2).

Ang promo ay nagbibigay ng libreng sakay sa 3 pasahero kasama ang 1 pasahero na magbabayad tuwing araw ng Linggo lamang. Sinimulan ang promo noong nakaraang June 1 sa lahat ng mga rail lines sa Metro Manila.

Nagkaroon ng launching kung saan ang President Marcos kasama ang Unang

Ginang Liza Araneta-Marcos at ang kanilang 3 anak na sumakay sa estasyon ng MRT 3 GMA-Kamuning sa Quezon City. Hinihikayat ni Marcos na gamitin ang programa upang mapatibay ang pamilyang Filipino.

“In Filipino culture, Sundays are for family, for loved ones to have a family bonding.

That’s why we created this program called the 1 + 3 program,” wika ni Marcos.

Ang programa ay naglalayon na mabigyan ng mas madaming pagkakataon ang mga pamilyang Filipino na magkaroon ng quality time na sama-sama lalo na ngayon na

maraming pinagdaraan ang mga sumakasay na publiko.

“So that families and friends can have the chance to be together. Hopefully, we can give our fellow Filipinos the chance to feel what Sunday means truly. I also acknowledged the struggles faced by many commuters who often miss family time due to long work hours and exhausting travel,” dagdag ni Marcos.

Samantala, sa sektor naman ng land transportation, kinansela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagpapatupad ng odd-even scheme

sa kahabaan ng EDSA matapos ang pagpapaliban sa gagawing rehabilitasyon ng EDSA.

Ginawa ang pagpapaliban upang ang mga ahensiya ng pamahalaan na mamahala sa   rehabilitasyon   ay   magkaroon   ng   masinsinang   pag-aaral   sa   nasabing   plano   na

mapagaan ang inaasahang pagkakaron ng matinding trapiko habang ginagawa ito.

“Pursuant to the directive of the President, the MMDA will suspend the imposition of the odd-even scheme, which was part of the traffic management plan that was laid

down intended to decongest EDSA before the looming rebuild,” sabi ni MMDA chairman Don Artes.

PNP-ACG at GCash, sanib pwersa sa pagpapatrolya kontra cybercriminals sa social media

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mas pinaigting na operasyon ang isinagawa ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) katuwang ang GCash para bulabugin ang mga cybercriminal na patuloy ang panloloko online. Target ng tambalang ito ang mga sangkot sa child exploitation at ilegal na bentahan ng mga pre-registered SIM cards

Sa isang undercover operation, natimbog ng mga pulis ang isang indibidwal na umano’y sangkot sa child trafficking gamit ang isang kilalang online platform. Ayon sa imbestigasyon, itinakda pa raw ng suspek ang pagkikita ng biktima at ng “kliyente” sa isang hotel—lingid sa kaalaman ng suspek ay mga pulis na pala ang kanyang ka meet-up. Mabilis na nailigtas ang bata habang ang suspek ay agad inaresto ng Anti-TIP/OSAEC team ng PNP-ACG. Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 at RA 10364 na layong supilin ang human trafficking.

Samantala, tuloy din ang pagkalampag sa mga nagbebenta ng pre-registered SIM cards—isang kalakaran na ginagamit ng mga scammer para makapandaya online. Na-monitor ng mga awtoridad ang mga transaksyon sa social media kung saan binebenta ang mga SIM na ito para takasan ang pagkakakilanlan. May mga inaresto sa bisa ng RA 11934 (SIM Registration Act) at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act). May mga nahuling lumabag din sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), sa mga hiwalay na operasyon laban sa cyber fraud.

Patuloy ang paalala ng GCash: Huwag kailanman magbahagi ng MPIN o OTP! Huwag ring mag-click ng mga kahina-hinalang link! Hindi sila nagpapadala ng PM na humihingi ng personal info.

May kahina-hinalang transaksiyon? I-report agad sa PNP-ACG sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116 o sa email na acg@pnp.gov.ph. Sa GCash naman, i-message lang si Gigi sa website, i-type ang “I want to report a scam,” o tumawag sa 2882.

DOTr minungkahi ang Espana-Quezon Avenue link sa EDSA busway network

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY plano ang Department   of Transportation (DOTr) na magtayo ng busway system na magdudugtong sa Espana at Quezon Avenue sa 2026 bilang isa sa pagsisikap na paraan upang magkaroon ng magandang urban mobility sa Metro Manila.

“The most viable and most needed one is Espana to Quezon Avenue. We are

doing the feasibility study and hopefully next year, it’s not difficult to build. That’s the long-term solution to the busway,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.

Ayon sa kanya ang bagong corridor ay makakatulong sa ginagawang upgrading ng EDSA Busway system na isang proyekto bilang flagship mass transit na nilungsad noong 2020 upang mabawasan ang pagsisikip sa mga pangunahing lansangan sa kalakhan

Maynila.

Habang ang ginagawang rehabilatasyon naman ng EDSA Busway ay patuloy pa

rin sa loob ng buong taon.

Nakikipag-usap   naman   ang   DOTr   sa   International   Finance   Corporation   (IFC) upang magkaroon ng  privatization   ang   operasyon at pag-aayos ng   nasabing busway upang magkaroon ng mas epektibong sistema ito.

Ang pamahalaan ay nagkaroon din ng partnership sa mall operator ng SM Prime Holdings Inc. ng pamilyang Sy upang gumawa ng commuter concourses along EDSA.

Inaasahan na matatapos ang bagong pasilidad sa SM Megamall bago matapos ang 2025 matapos ang pagbubukas ng bagong concourse sa SM North EDSA ngayon taon.

Naglalayon ang mga concourses na magbigay ng direct access sa EDSA busway sa pamamagitan ng pagkakaron ng mga ramps at elevators.

Ang EDSA Busway ay isang proyekto na  ginawa kasama ang Department of

Public Works and Highways (DPWH) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglalayon na magkaron ng ligtas na paglalakbay at upang mas gumanda ang transport reliability sa Metro Manila.

Sa   kabilang   dako   naman   ay   sinabi   rin   ng   DOTr   na   puwedeng   magawa   ang rehabilitasyon ng  EDSA sa loob lamang ng anim (6) na buwan sa pamamagitan ng gagamiting modern technology.

Ayon kay Dizon ay may nakita siyang mga mungkahi galing sa mga iba’t ibang

grupo na ayon sa kanya ay kakayanin na gawin ito sa loob ng 6 na buwan. Ang kailangan lang ay gamitan ng makabagong technology at hindi na ang makalumang paraan ang gagamitin.

“This is the time that we could modernize our construction methodology,” saad ni

Dizon.

Sana ay sisimulan ang rehabilitasyon ngayon buwan subalit ang planong odd-even scheme na gagawin sa EDSA na lilimitahan sana ang mga motorista sa pagdaan at paggamit ng EDSA ay nagkaron ng maraming pagtuligsa mula sa publiko. Sinabi rin ng mga tao na walang mga alternatibong daraanan ang binigay ng pamahalaan sa mga

motorista na gumagamit na ng matagal sa EDSA. LASACMAR

San Juan LGU nagtakda ng ‘Basaan Zone’ sa Watta Watta

Posted on: June 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng ‘Basaan Zone’ para sa nalalapit na pagdaraos ng ‘Wattah Wattah Festival’ sa Hunyo 24, Martes, sa pagdiriwang ng araw ng kapistahan ni St. John, The Baptist.

Ayon kay Zamora, alinsunod sa revised City Ordinance No. 14, Series of 2025, ang basaan ay isasagawa lamang sa Pinaglabanan Road, sa pagitan ng P. Guevarra St. at N. Domingo St. sa San Juan, gayundin sa bisinidad ng Pinaglabanan Shrine, mula 7:00AM hanggang 2:00PM lamang.

Aniya, layunin ng naturang hakbang na matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng naturang okasyon at upang hindi na maulit ang kaguluhang nangyari sa okasyon noong nakaraang taon. Magpapakalat sila ng mahigit 300 pulis sa lugar na siyang magpapanatili ng kaayusan at magmo-monitor sa loob at labas ng designated zone.

Nagpaalala rin naman si Zamora na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paggamit ng maruming tubig sa pambabasa, gayundin ang paggamit ng ‘water bombs’ o yaong tubig at yelo na nakalagay sa plastik, bote o anumang lalagyan, na maaaring magresulta sa pananakit o pagkasugat.

Hindi rin aniya pinahihintulutan na buksan ang mga pinto ng sasakyan o pagpasok sa loob ng isang bukas na sasakyan upang mambasa ng tubig, gayundin ang pananakit o pagbabanta, pag-akyat, at pag-uga sa isang sasakyan.

Ipatutupad din ang liquor ban sa buong lungsod, mula 12:01AM hanggang 2:00PM ng Hunyo 24 kung saan ang pagbebenta at pagkonsumo ng alcoholic beverages sa mga pampublikong lugar, kabilang ang groceries, supermarkets, restaurants, at sari-sari stores, ay mahigpit na ipinagbabawal.