
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has approved the public exhibition of four films premiering this week.
Among these is Disney and Pixar’s animated movie “Elio,” which received a PG (Parental Guidance) rating, suitable for viewers age 13 and below provided they are accompanied by a parent or supervising adult.
The film follows the journey of Elio, an 11-year-old boy who accidentally becomes the intergalactic ambassador of planet Earth.
Meanwhile, due to mature themes, the locally produced,
“Flower Girl,” starring Filipino actors Sue Ramirez, Martin Del Rosario and Jameson Blake was rated R-16, meaning it is suitable only for 16 years old and above.
It centers on Ena, a sanitary napkin endorser, who wakes up to find her precious womanhood missing after an unexpected encounter with a mysterious fairy.
Also earning an R-16 rating are the thrille rohnromulo@gmail.coms, “Dangerous Animals” and “28 Years Later.”
Both movies received age-appropriate ratings due to intense horror and frightening scenes that may be unsuitable for young viewers.
MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio encourages Filipino families to enjoy these cinematic offerings while promoting responsible viewing.
“We encourage families to enjoy this week’s cinematic offerings, keeping in mind the value of age-appropriate and responsible viewing,” said Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)
MAGLILIWANAG ang Philippine Arena sa darating na Hulyo 5 para sa Puregold OPM Con 2025, isang pista ng musika na kasalukuyang pinasasabik ang karamihan–at inaabangan ng mga fan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
May mga ulat ng mga concert-goer na lilipad mula Singapore at United Arab Emirates, at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbabalak na umuwi para sa okasyong ito. Ang inaabangang OPM Con ay magiging engrandeng pagtitipon at pagbabalikbayan sa isang malaking pagdiriwang.
Sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nararamdaman na ang kasabikan para sa festival. Sa mga Puregold branches sa Butuan, Bacolod, at Leyte, agaran ang pagkaubos ng tickets, at kasabay nito ang mga pasaherong nagbu-book na ng mga biyahe, mapa-eroplano o malalayong bus, para makisaya sa makasaysayang pangyayari.
Inaasahang magtitipon sa Philippine Arena ang mga tagahanga at lokal na turista upang maranasan ang isang konsiyerto na global ang laki at saya.
“Binuo namin ang Puregold OPM Con 2025 bilang handog sa aming mga suki at tagahanga ng OPM,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Asahan ninyo ang isang bigating linya ng mga pagtatanghal na magpapatibok ng puso ng lahat. Tagahanga ka man ng bagong artista o lumaki sa klasikong OPM, inaanyayahan ka namin sa makasaysayang pista ng musikang ito.”
Saan man dalhin ng alon ng kasikatan ang event na ito, malinaw ang mensahe: patunay ito sa lakas ng retailtainment ng Puregold—at sa pagsasanib ng puso, kultura, at husay sa entablado.
Sa mga tampok na pagtatanghal, mga pinakamalalaking pangalan sa OPM tulad ng BINI, Flow G, G22, KAIA, SB19, Skusta Clee, at SunKissed Lola.
Layunin na gawing abot-kamay ang world-class na pagtatanghal para sa bawat Pilipino, ang OPM Con 2025 ay hindi lamang nakikita bilang konsiyerto ng taon, isa rin itong pagdiriwang ng ating pagkakakilanlan.
Habang papalapit ang Hulyo, siguradong nakatutok ang buong mundo.
Para sa iba pang updates, i-follow at mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)
.
HINDI na “da who?” ang Sparkle artist na si Shuvee Etrata dahil isa siya sa naging paboritong housemate ng maraming netizens sa ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.’
Noong ma-evict sa PBB house si Shuvee kasama ang ka-duo na si Klarisee de Guzman last June 14, ang kanilang duo ang may pinakamalaking fanbase at dinumog nila ang PBB house para salubungin ang paglabas ng SHUKLA.
Ayon sa viewers at netizens, bilib sila sa ipinakitang pagpapakatotoo ni Shuvee at pagiging mahusay nito sa tasks na ibinigay ni Big Brother sa kanila, at isa na rito ang Big Intensity Challenge.
Bago ang PBB, napapanood na si Shuvee bilang segment host sa ‘Unang Hirit’ at lumabas sa 2023 teleserye na ‘Hearts On Ice’ na bida si Ashley Ortega.
Mapapanood ngayon si Shuvee sa Encantadia Chronicles: Sang’gre bilang Veshdita.
***
MARAMING na-reveal sa buhay ng legendary American singer na si Billy Joel sa HBO documentary na Billy Joel: And So It Goes.
Nag-premiere sa Tribeca Film Festival ang naturang documentary kunsaan inamin ng singer that he suffered a downward spiral in his twenties.
Sikretong nakarelasyon niya si Elizabeth Weber, wife ng kanyang best friend at bandmate na si Jon Small. Nauwi iyon sa pagkasira ng friendship nila, pero nagpakasal sila ni Weber in 1973 and divorced in 1982.
“I felt very, very guilty about the affair. They had a child. I felt like a homewrecker. I was just in love with a woman. I got punched in the nose, which I deserved. Jon was very upset. I was very upset,” sey ni Billy na naging homeless at naging drug dependent noong mawala ang banda niya.
Kinasal din si Billy sa ’80s supermodel na si Christie Brinkley in 1985. They divorced in 1994.
At age 76, Billy is suffering from normal pressure hydrocephalus (NPH), a brain disorder that happens when there is too much fluid, cerebral spinal fluid building up. Treatable naman daw ang sakit na ito.
Pinasikat ni Billy Joel ang mga classic songs na “Honesty”, “Uptown Girl”, “Just The Way You Are”, “New York State of Mind”, “You May Be Right”, “The Longest Time”, “She’s Always A Woman” and “My Life”.
(RUEL J. MENDOZA)