• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 12:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2025

Mga maapektuhan sa koleksiyon ng basura sa Maynila, inabisuhan 

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ABISO ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga residente sa Lungsod na maapektuhan sa sitwasyon ng pagkolekta ng basura.

Ayon sa abiso ng DPS, hanggang June 25, 2025 na lamang ang magiging pagkolekta ng basura ng kinuhang kontraktor na MetroWaste ng outgoing mayor at sa mga maapektuhan ay pinayuhan na hintayin muna ang magiging hakbang ng Manila LGU.

Bagama’t magsasagawa ng dry run ang dating kinuhang kontraktor ng basura na Leonel, hindi muna mapapasok ang mga inner streets kung saan ang magiging ruta nila ay mga pangunahing lansangan.

Kapag nagpalit na ang administrasyon, magiging fully operation na ang pagkolekta ng basura sa July 1 .

Paalala naman ng Manila DPS na bawal ang pagtatapon ng basura hangga’t wala ang truck at ang mahuhuli ay maaaring mapatawan ng P500 sa first offense, P1,000 sa second offense at P1,500 o hanggang 6 na buwan ng pagkakulong sa ikatlong pagkakataon. (Gene Adsuara)

MPOX NAITALA SA TARLAC

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYROON nang unang kaso ng Monkey pox o MPOX sa Tarlac.
Sa Facebook page ni Tarlac Governor Susan Yap, kinumpirma ng Tarlac Provincial Health Office ang unang kaso ng MPOX sa kanilang probinsya .

Binanggit din sa nasabing post na nagsasagawa na ng contact tracing ang sektor ng kalusugan at pakikipagtulungan sa mga local na pamahalaan para mapigilan ang lalo pang pagkalat nito.

Ang MPOX ay naisasalin sa pamamagitan ng close intimate physical contact kabilang ang sexual contact.

Kaya naman ang Provincial Health Office ay hinimok ang publiko na sumunod pa rin sa minimum health standard tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing at bumisita sa health center kung may nararamdaman o sintomas.

Samantala, may iniuulat din umanong unang kaso ng MPOX sa Sogod Southern Leyte ngunit hinihintay pa ang kumpirmasyon . (Gene Adsuara)

Mayor Jeannie, pinahusay ang mga panukala sa kaligtasan ng mga estudyante sa baha

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTIBAY ni Mayor Jeannie Sandoval ang matatag na pakikipagtulungan ng kanyang administrasyon sa Schools Division Office (SDO) – Malabon upang pahusayin ang mga hakbang sa pagbawas sa baha para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa panahon ng tag-ulan.

Sa 94,000 mga mag-aaral na naka-enroll sa pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod, binigyaang-dijn ni Mayor Jeannie ang kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa patuloy na pagbaha lalo na sa mga mababang lugar na mabilis tumaas ang tubig kapag bumuhos ang malakas na ulan kaya may high tide.

Ito’y dahil sa patuloy na pagsasaayos ng Malabon-Navotas River Navigational Gate, na nag-malfunction noong Mayo at mula noon ay nagpataas ng panganib sa pagbaha sa lungsod.

“Prayoridad po natin ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong pasukan, kaya po ating tinututukan ang pagsasaayos ng Navigational Gate,” ani Mayor Jeannie. “Lahat din po ng ating mga pasilidad—pumping stations, flood gates—ay gumagana. Ang mga operasyon gaya ng clean-up drives at declogging ay tuloy-tuloy din. Sa pakikipag-ugnayan natin sa SDO-Malabon, mas mapapalakas pa natin ang serbisyo para sa mga kabataan. Mayroon tayong sinusunod na guidelines para sa pagsususpinde ng klase kung kinakailangan.” dagdag niyan.

Ayon sa alkalde, ang class suspensions ay gagabay sa DepEd Order No. 022, s. 2024 na nagpapahintulot sa mga lokal na pagsuspinde ng mga pinuno ng paaralan o ALS coordinators para sa mga kadahilanang malakas na pag-ulan, pagbaha, pagkawala ng kuryente, matinding init, o iba pang mga panganib sa kaligtasan.

Upang suportahan ang mga hakbang na ito, iniulat ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ang Central Command and Communication Center nito ay nanatiling nasa  24/7 alert, na patuloy nakamonitor sa kondisyon ng mga kalsada para sa mabilis na pagtugon sa panahon ng pagbaha.

Noong Lunes, personal na bumisita si Mayor Jeannie sa Malabon Elementary School para salubungin mga mag-aaral sa unang araw ng klase at pangunahan ang flag-raising ceremony, nakiisa sa book reading session, at namahagi ng mainit na pagkain sa mga estudyente. (Richard Mesa)

Binata na sangkot sa pagnanakaw, itinumba sa Malabon

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng 20-anyos na binata na umano’y sangkot sa mga pagnanakaw matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ang biktimang si alyas Christian, ng Arasity St. Brgy. Tinajeros nang malapitan pagbabarilin ng mga salarin na kapuwa naka-face mask at nakasuot ng bull cap, bago mabilis na naglakad patakas patungo sa isang gas station sa Sisa Street.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-3:50 ng Linggo ng hapon nang mangyari ang insidente habang nakaupo ang biktima malapit sa kanilang tirahan nang lapitan ng dalawang armadong lalaki at walang sabi-sabing pinaputukan ng tatlong beses.

Lumabas naman sa imbestigasyon ni P/MSg. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso, kilala umanong tirador sa kanilang barangay ang biktima na kamakailan lang ay inireklamo sa kanilang tanggapan bunga ng pagnanakaw ng bisikleta.

Ayon kay Tindugan, may kaso pang nakabimbin ang biktima na may kaugnayan din sa pagnanakaw kaya isa ito sa sinisilip nilang motibo sa pamamaslang.

Patuloy pa rin ang follow-up imbestigasyon ng pulisya at back tracking sa kuha ng mga nakakabit na CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. (Richard Mesa)

1 istasyon idadagdag sa LRT 1 Cavite Extension

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MADADAGDAGAN ng isang (1) istasyon ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite

Extension na itatayo malapit sa mga commercial na lugar na inaasahang magkakaron ng paglago ng ekonomiya.

Ito ang pinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa isang press conference na ginawa kamakailan lamang.

Ang karagdagang expansion ay ang estasyon ng Talaba sa lumalagong bayan ng Bacoor, Cavite na nagkakahalaga ng P3 bilyon.

“The project would require P3 billion which the DOTr is financing through its own budget instead of  passing   over   the   cost to LRT  1   operator   Light Rail Manila Corp. (LRMC),” wika ni Dizon.

Ang istasyon ng Talaba ay itatayo sa pagitan ng dalawang istasyon, ang Zapote at   Niog.   Kapag   natapos   na   ang   buong   proyekto   ay   magkakaron   ng   turn-over   sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ayon sa pinakabagong timeline, ang ikalawang bahagi ng LRT 1 Cavite Extension ay naitalang matatapos at bubuksan sa 2028. Ang nasabing bahagi ay nasasakop ang 2 istasyon ng Las Pinas at Zapote.

Pagkatapos nito ay ang LRMC na ang siyang mamahala sa ika-tatlong bahagi ng pagtatayo hanggang matapos ang proyekto sa 2030 kung saan magkakaron na ng diretsong paglalakbay simula sa lungsod ng Quezon hanggang Cavite.

“We are asking the Department of Budget and Management to include funding for the Talaba station in its expenditure program for next year,” saad ni Dizon.

Sa kabuuhan ng proyekto ay sinabi ni Dizon na may progreso na ang ginagawang acquisition   ng   right-of-way   (ROW)   para   sa   bahagi   ng   Las   Pinas   at   dahil   dito   ay kumpiyansa si Dizon na mabubuksan na ito sa 2028.

Dagdag pa ni Dizon na nakahanap na rin sila ng solusyon tungkol sa infrastructure

overlap   sa   bahagi   ng   Cavite.   Dapat   sana   ay   sasailalim   ang   extension   sa   isang realignment dahil isang flyover ang nakatayo na dadaanan ng extension.

“This issue was already addressed through an engineering solution that would no longer require LRMC to adjust the alignment. This gives the concessionaire a clear path to

proceeding with the civil works as long as ROW are being transferred to it,” dagdag ni Dizon.

Inaasahang tataas pa sa 800,000 na ridership ng LRT 1 kapag natapos na ang

extension papuntang Bacoor habang ang travel time ay magiging 25 minuto na lamang mula Taft hanggang Bacoor, Cavite.

Sa ngayon ay operasyonal na ang limang (5) istasyon. Ito ay ang Redemptorist

-Aseana, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos. Magkakaroon din ng istasyon sa Las Pinas, Zapote at Niog sa Cavite.

Ang LRT 1 ay isa sa pinaka-busy na mode ng transportasyon sa Metro Manila na

pag-aari ng pamahalaan sa ilalim ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng DOTr. Ang

LRMC naman ang siyang namamahala sa operasyon at nagmimintana ng LRT 1 dahil sa isang concession.  LASACMAR

DSWD, naibigay na ang social pension para sa halos tatlong milyon na indigent senior citizens sa bansa

Posted on: June 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Department of Social Welfare ang Development na aabot na sa mahigit 2.9-milyong indigent senior citizens sa Pilipinas ang naabutan nila ng social pension.

Ito ay para sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay DSWD Protective Services Bureau Director Edmond Monteverde, aabot sa 2.2 milyong senior citizens ang nakakuha ng tig-P3,000 sa unang bahagi ng 2025.

Pumalo naman sa kabuuang 751,022 ang nakatanggap ng tig P6,000 para sa una at ikalawang quarter.

Ang social pension para sa indigent seniors sa bansa ay alinsunod sa Republic Act 11916 kung saan itinaas na ito sa P1,000 kada buwan mula noong unang buwan ng nakalipas na taon.

Patuloy naman na sinisikap ng ahensya na maiayon sa tamang panahon ang social pension para sa mga senior sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Philippines Urged to Adopt Global  Standards Towards Cervical Cancer  Elimination by 203

Posted on: June 18th, 2025 by people's balita No Comments

 

• Wider HPV Vaccination Coverage: 
The Asia and Oceania Federation of Obstetrics and Gynecology (AOFOG) advocatesfor the vaccination of both females and males aged 9 to 26,with potential expansion up to age 45, emphasizing the nonavalent (9vHPV) vaccine for its broader protection against high-risk HPV strains and its favorable safety profile.
• Enhanced Awareness and Inclusivity: The summit highlighted the need for comprehensive public education campaigns to combat myths about HPV and the vaccine, while also advocating for inclusive vaccination strategies that address at-risk populations, including men who have sex with men and immunocompromised individuals.
 
• Innovative Screening Solutions: 
Innovations such as HPV self-testing kits and AI-enhanced cervical cancer screening technologies were presented, supporting the WHO’s cervical cancer elimination targets and reaffirming the Philippines’commitment to eliminating cervical cancer as a public health issue through data-driven reforms and community engagement.

Leading medical experts, public and private sector partners, and civil society organizations called for urgent and united action to bring the Philippines in line with global standards on vaccination, screening, and treatment towards cervical cancer elimination (CCE) by 2030.

The CCE Summit held under the banner “One Community Against HPV: Innovations Enabling Cervical Cancer Elimination in the Philippines,” identified clear, science-driven pathways against the deadly human papillomavirus (HPV) to meet the World Health Organization’s standards.

A key focus of the summit was the recently released regional guidance from the Asia and Oceania Federation of Obstetrics and Gynecology (AOFOG), which outlines a tiered set of recommendations to combat the preventable disease, which kills 12 Filipino women every day.

AOFOG is a federation of national societies of obstetrics and gynecology in the Asia-Pacific region, focused on improving women’s health and well-being. AOFOG aims to promote the practice of obstetrics and gynecology, reduce health disparities, and advance women’s health in the region.

Wider vaccination coverage

These include a preferred standard of vaccinating both females and males aged 9 to 26 years, with the option of expanding coverage up to age 45; from a minimum standard of vaccinating girls aged 9 to 14 years.

Broader protection vs HPV

AOFOG emphasized the use of the nonavalent (9vHPV) vaccine in countries where it is accessible due to its broader protection against high-risk HPV strains and its favorable safety profile.

Incidentally, the multi-omics research project from UP Manila funded by the Department of Science and Technology (DOST) presented during the summit also led to the same recommendation – that use of broader-valent HPV vaccine may be needed to better respond to this evidence on local epidemiology. The study provided local data reinforcing the need for Filipinas to get protected beyond the perceived common HPV types that may lead to cervical cancer.

In the Philippines, nonavalent HPV vaccine is now predominantly used in private vaccination centers and clinics, which protect against other prevalent HPV types solidifying it as the preferred option for primary prevention of cervical cancer in the Philippines.

The evidence aligns closely with AOFOG’s recommendations and serves as a crucial reference to push for a nationwide upgrade in the country’s HPV prevention strategy.

PH on its way to improving CCE interventions

On vaccination, the Philippines’ should be on its way as nonavalent HPV vaccine is also undergoing review by the DOST-Health Technology Assessment (HTA), and with positive recommendation, could also help DOH upgrade its vaccine to the global standards the soonest. HTA has recently released positive recommendation for government financing of HPV DNA test, which is a great jump in improving access of Filipinas to high-performing tests and detect HPV virus early.

Scale up awareness

AOFOG also underscored the need to scale up public education efforts, citing persistent myths and misinformation surrounding HPV and the vaccine. The federation recommends comprehensive education campaigns that span traditional and digital platforms to boost vaccine uptake and reinforce the importance of cervical cancer screening even after vaccination.

Cover other populations at risk

Since HPV has also been linked to other cancers, the AOFOG also emphasized that HPV vaccination should be inclusive and cover other populations at risk who face specific risks that are often overlooked.

Innovations vs HPV

The summit also featured innovations in screening and diagnostics, including the introduction of HPV self-testing kits and AI-enhanced cervical cancer screening technologies. These tools have the potential to significantly improve access and early detection, especially in communities with limited healthcare resources.

Together, these innovations support the achievement of the WHO’s cervical cancer elimination targets: 90% of girls vaccinated by age 15, 70% of women screened by ages 35 and 45, and 90% of women with pre-cancer or invasive cancer receiving appropriate treatment.

Finally, the summit reaffirmed the spirit of the AOFOG Manila Declaration first launched in 2019, calling on the Philippines to renew its commitment to eliminating cervical cancer as a public health problem.

This initiative is consistent with the Philippine Development Plan 2023-2028 and the Magna Carta for Women, both of which emphasize gender-responsive health services, social protection, and equitable access to care throughout the stages of a woman’s life

Through data-driven reforms, community engagement, and bold adoption of new technologies, the summit emphasized that cervical cancer is preventable, and that now is the time to act. ###

 

 

GIGISING TAYONG MAY NGITING TAGUMPAY SA ATING MGA LABI

Posted on: June 18th, 2025 by people's balita No Comments

GIGISING TAYONG MAY NGITING TAGUMPAY SA ATING MGA LABI

SAPAGKAT nailuklok ulit natin ang mga karapat-dapat — Ang Susi ng Inklusibong Pamahalaan, Ang Champion ng Masang Calambeño, at ang Dugong Bayani.

Kasama ng buong Sangguniang Lungsod sa CalamBagong Pamahalaan, Taos-Pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Sambayanang Calambeño sa pagkakaisa upang mas lalo pang ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang Ramdam na Reporma sa Lungsod ng Calamba!

MULI PO, MARAMING SALAMAT PO!

Mayor-Elect Dugong Bayani – Mayor Ross Rizal, Vice-Mayor-Elect Vice Mayor Angelito “Totie” Lazaro Jr.,Congresswoman-Elect Cong. CHA Hernandez

#kulayasulangcalamba (BOY MORALES SR.)

 

Bureau of Fire Protection (BFP) nagsagawa ng pagsasanay sakaling dumating ang ‘The Big One’

Posted on: June 18th, 2025 by people's balita No Comments

NAGSAGAWA ng actual na demo ang Bureau of Fire Protection (BFP) bilang bahagi ng pagsasanay sa mga empleyado ng gobyerno para na rin sa kaalaman at makapagligtas sa mga posibleng mangyari tulad ng Prevention, Preparedness, Response, Recovery, Evaluation, CPR  at iba pa na pwede nilang gawin kung sakali mang dumating ang “The Big One”. ( TEXT & PHOTOS BY SER MORALES SR.)

 

 

   

 

   

Yamsuan nanumpa na sa tungkulin bilang Congressman ng Paranaque

Posted on: June 18th, 2025 by people's balita No Comments

 

Yamsuan nanumpa na sa tungkulin bilang Congressman ng Paranaque

 

NANUMPA na sa kani-kanilang tungkulin ang buong Team Pagasa sa pangunguna ni Paranaque 2nd District Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan sa harap ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan. Kasama ni Cong. Yamsuan ang kanyang pamilya na buong-buo ang suporta.

Nanumpa rin sina Paranaque City Vice Mayor-elect Benjo Bernabe, 2nd District Councilor-elect Tess De Asis, 2nd District Councilor-elect Binky Favis at 1st District Councilor-elect Shannin Mae Olivarez nitong June 18, 2025 sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema sa lungsod ng Maynila. (BOY MORALES SR.)