• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 16th, 2025

PBBM, bukas na magkaroon ng panibagong power provider sa Siquijor  

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad na magkaroon ng panibagong electric provider sa Siquijor.

Ito’y sa gitna ng power crisis sa lalawigan.

Sa isang ambush interview, tinanong si Pangulong Marcos kung posibleng magkaroon ng panibagong electric provider sa Siquijor. Ito’y matapos niyang ipag-utos ang masusing imbestigasyon hinggil sa operasyon ng Siquijor Island Power Cooperative (SIPCOR).

”Everything is on the table. We just have to examine what is the best solution. We have some very good ideas na. The NEA administrator is here and he has put out a framework on what we need to attend to, what would come first, etc. We will give you more detail after the detailed planning for that,” ayon sa Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na may anim na buwan ang gobyerno para ipatupad ang short-term interventions para tugunan ang power crisis, kabilang ang paggamit ng generators.

Sa loob ng anim na buwan, binigyang diin ng Chief Executive ang pangangailangan na ”to repair damage that has been caused by the collapse of the power supply.”

”We have given ourselves a deadline of six months for the short-term solution. By six months from now, we will then impose whatever new arrangements that we have to do, so that six months from now, we do not have to resort to emergency genset,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

Dapat din aniyang tuparin ng SIPCOR ang kanilang pangako na magbibigay ng electric supply sa lalawigan.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang dalawang generator sets ay darating sa lalawigan mula Palawan para magbigay ng power supply sa mga residente.

Ang provincial government ng Siquijor sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan nito ay nagdeklara ng state of calamity dahil sa lumalalang power crisis.

Ang inaprubahang resolusyon ay magbibigay ng kapangyarihan sa provincial government ng Siquijor para magkaroon ng access ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) nito, lalo na ang Quick Response Fund (QRF), upang kagyat na maipatupad ang interventions.

Samantala, in-inspeksyon naman ni Pangulong Marcos ang SIPCOR power plant sa Siquijor para tugunan ang paulit-ulit na power interruptions sa lalawigan at paigtingin ang pagkilos para matugunan ang kakulangan sa power supply. (Daris Jose)

P370K shabu, nasamsam sa HVI tulak sa Valenzuela

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela City Police Station OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si alyas “Bulag”, 52.

Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-11:30 ng gabi sa NPC Road, Lamesa St., Ext., Brgy., Ugong.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P374,000, buy busy money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money at P200 cash.

Ani P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Gen. Ligan ang Valenzuela City Police Station sa kanilang dedikasyon at pare-parehong pagganap sa paglabagin sa ilegal na droga. “This is a clear result of teamwork, persistence, and our commitment to rid our communities of illegal drugs,” aniya. (Richard Mesa)

KPA, sagot sa mabilis at murang bayad sa kuryente

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Navotas City Congressman Toby Tiangco na magiging mabilis at magmumura na ang bayad sa internet sa bansa sa ilalim ng Konektadong Pinoy Act (KPA).

“Hindi uunlad ang ating ekonomiya kung mabagal ang internet sa bansa. This law will not only make connectivity faster, but it will also help level the playing field for businesses across the country,” pahayag ni Cong. Tiangco na siya ring Chairman ng House Information and Communications Technology (ICT).

Ani Tiangco, hindi pagkakaloob ng espesyal na pribilehiyo sa mga bagong kumpanya ang KPA kundi tinitiyak nito na lahat ng Pilipino, lalo na ang mga nasa liblib na lugar, ay magkakaroon din ng mabilis, maaasahan at murang internet, bukod sa malulutas din ng batas ang alalahanin sa cybersecurity.

Magdudulot din aniya ang batas na ito ng malusog na kumpetisyon at makakaakit ng pagbabahagi ng imprastraktura na isa ring hakbang upang bumaba ang babayaran sa internet ng mga consumers.

Tiyak din aniyang madadagdagan ang mga internet service providers (ISPs) at mararating ang geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) na sa kasalukuyan ay umaabot sa 7,063 sa buong bansa.

“Ang reklamo ng marami, mahal pero sobrang bagal ng internet connection lalo na sa mga kanayunan. This law will open the doors to tremendous opportunities, especially as more government services are now being offered online,” pagtiyak ni Tiangco. (Richard Mesa)

Pagbibigay ng ayuda sa mahihirap mas maganda kaysa pagnanakaw ng pera ng bayan

Posted on: June 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANDIGAN ng Kamara ang suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na binabatikos dahil sa pagtulong sa mahihirap.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, ang pagtulong sa mahihirap ay hindi kailanman dapat ikahiya.

“Kung ang pagtulong sa nagugutom at maysakit ay kalokohan para sa ilan, mas gugustuhin pa naming matawag na ‘Tambaloslos’—kaysa matawag na ‘kawatan’ dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan,” pahayag nito.

Nilinaw ni Abante na ang tulong na ipina-aabot sa mga indigent na pinoy ay ipina-aabot ay dumaan sa malinaw na proseso, dokumentasyon at direkta sa mga benepisaryo.

“May resibo, may proseso, may diretsong patutunguhan. Hindi ito isinusubo sa personal na bank account,” sabi pa ni Abante.

Habang ang iba aniya ay abala sa pag-iikot abroad, sa media appearances, at tila maagang kampanya, si Speaker Romualdez ay patuloy na nagtatrabaho — naghahain ng batas, nagbabantay ng pondo, at nagdadala ng tulong sa nangangailangan.

Iginiit pa nito na walang inihayag na plano si Speaker Romualdez para sa 2028, o naghahabol ng media mileage o viral popularity.

Kinuwestiyon din nito ang motibong pulitikal sa pag-atake laban sa Speaker.

“Hindi ba kayo nagtataka kung bakit pinupuntirya si Speaker, gayong wala naman sa survey para sa 2028? Baka ginagamit lang siya para mang-intriga, manira, at makuha ang atensyon ng publiko,” dagdag ni Abante.

Mensahe nito sa mga kritiko, “Habang abala kayo sa pagpapatawa at paninira, kami po ay abala sa trabaho. Tahimik man kami — hindi kami bulag. At hindi kami pipikit sa harap ng katiwalian. Trabaho, hindi drama.” (Vina de Guzman)