Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SAMPU pang gamot ang idinagdag ng Food and Drug Administration (FDA) sa listahan ng essential medicines na exempted sa 12% value-added tax (VAT), upang gawing mas abot-kaya para sa mga Pilipino.INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng agarang imbestigasyon hinggil sa kakapusan ng pirmihang water supply sa mga pampublikong paaralan.
Ang direktiba ay kasunod ng naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa mga pampublikong eskuwelahan sa Malolos at San Miguel, kapuwa sa Bulacan, bilang bahagi ng inilunsad na “Brigada Eskwela” ng Department of Education (DepEd), araw ng Lunes.
Nagpahayag naman ng pag-aalala ang Pangulo sa mahirap na estado ng basic utilities, partikular na ang kakulangan sa water supply at malinis na bathroom o banyo, natawag ang pansin dahil sa epekto sa kapakanan ng mga estudyante at kondisyon ng mga eskuwelahan.
“Ito po ay hindi simpleng aberya. Ito ay usapin ng kalinisan, ng kalusugan at ng dignidad ng ating mga estudyante,” ang sinabi ni Castro.
“Paano sila makakapag-aral nang maayos kung ang mismong eskwelahan ay kulang sa batayang serbisyo?” dagdag na wika nito.
Dahil dito, winika ni Castro na binigyan ng 48 oras ng Pangulo ang LWUA para magsumite ng initial report nito na tutukoy sa dahilan ng pagkabigo ng suplay at responsibilidad ng mga opisyal, binigyang diin ang pagbalangkas ng mga hakbang para maibalik ang serbisyo bago pa magbukas ang klase sa susunod na linggo.
“Kaya’t malinaw ang direktiba ng Pangulo: Inaatasan ang Local Water Utilities Administration na agad magsagawa ng imbestigasyon,” ayon kay Castro.
“Sino ang may pananagutan? At paano ito ma-ibabalik bago magbukas ang klase sa susunod na linggo?” aniya pa rin.
Ang LWUA ay isang government-owned and controlled corporation na may tungkulin na i-promote at pangasiwaan ang water systems sa mga lungsod at munisipalidad sa labas ng Metro Manila.
Sa kabilang dako, binigyang diin ng Malakanyang ang ‘urgency’ ng usaping ito, muling inulit nito na ang access sa water at sanitation ay napakahalaga sa dekalidad na edukasyon.
“Responsibilidad nating tiyakin na may maayos na pasilidad, sapat na suporta para sa mga guro at sistemang gumagana, dahil ‘yan ang pundasyon ng isang ligtas, maayos at epektibong edukasyon,” ang sinabi pa rin ni Castro.
“At sa dulo, ang layunin natin ay kapayapaan ng isip para sa bawat magulang,” anito. (Daris Jose)
TINIYAK ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia na idadaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Dec. 1 ngayong taon.
Sa isang press conference sa Seda Hotel sa Bacolod City, sinabi ni Garcia na manu-manong bibilangin ang mga boto ng BSKE.
Si Garcia at iba pang opisyal ng Comelec ay nasa Bacolod para sa post-midterm elections assessment.
Ang BSKE voting ay magsisimula mula alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Dec.1 ngunit magtatakda muli ang Comelec ng mas maagang voting hours para senior citizens persons with disabilities at mga buntis.
Sinabi ni Garcia na ang BSKE registration ng mga botante ay mula Hulyo 1 hanggang 11 at ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) ay mula Oktubre 1 hanggang 7.
Nagbabala si Garcia na hindi papayagan ang premature campaigning kapag naghain ang mga kandidato ng kanilang COC sa campaign period na itinakda sa Nobyembre.
Nagbabala rin si Garcia na ang mga lokal na opisyal na sumusuporta sa mga kandidato sa barangay ay hindi rin maaaring maagang mangampanya at gumamit ng government resources o gumawa ng proyekto.
Ayon kay Garcia, magsasampa ng kaso ang Comelec laban sa mga sangkot sa premature campaigning. (Gene Adsuara)
KALABOSO ang 46-anyos na mister matapos inguso sa mga pulis na may dalang baril habang gumagala sa lansangan sa Caloocan City.
Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang East Bagong Silang Sub-Station 13 hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Brgy. 176.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng SS13 sa naturang lugar kung saan nakita nila ang isang lalaki na tumutugma sa iniulat ng caller at may hawak bitbit na baril dakong ala-1:00 ng madaling araw.
Maingat nila itong nilapitan bago sinunggaban ang hawak na kalibre 9mm pistol na kargado ng dalawang bala sa magazine.
Nang kapkapan, nakuha pa sa suspek na si alyas “Rudy” ang isang patalim (balisong) na naging dahilan upang bitbitin siya ng mga pulis.
Kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), B.P. 881 (Omnibus Election Code), at B.P. 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed, or Blunt Weapons) ang isinampa ng pulisya sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
INIREKOMENDA ng House of Representatives ang pagsasampa ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte at iba pa dahil umano sa technical malversation, perjury, bribery at plunder.
May kaugnayan ang kaso sa hindi tamang paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at sa Department of Education.
Sa ginanap na plenary session nitong Martes ay pinagtibay ng mababang kapulungan ang committee report ng House Committee on Good Government nd Public Accountability na siyang nagsagawa ng pagdinig ng kaso.
Base sa committee report na kanilang napatunayan sa committee hearings na nagkamal ng nasa P50 milyon na public fund habang ang confidential funds ay hindi nagamit ng tama na nagkakahalaga ng P612.5 milyon.
Dagdag naman ni Committee Chairperson Rep. Joel Chua na si Duterte lamangang unang bise president na humirit ng labis na confidential fund kung saan mahigit na P125 milyon ay nagastos sa loob ng 11 araw.
Magugunitang una ng itinanggi ng Bise Presidente ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya. (Daris Jose)
TINANGGIHAN ng International Criminal Court (ICC) ang hakbang ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-disquialify ang dalwang judges dahil umano sa isyu ng jurisdiction.
Sa desisyon na inilabas ni Judge Tomoko Akane na kanilang natanggap ang aplikasyon na inihain ni Duterte na kung maaari ay matanggal sina Judge Alapini-Gansou at Judge Flores.
Ang nasabing defense challenge ay isinumite rin sa ICC Pre-Trial Chamber I.
Nakasaad sa desisyon na agad na tumugon ang plenary judges kung saan nagkasundo na ibasura ang nasabing aplikasyon.
Magugunitang inaresto ang 80-anyos na dating pangulo dahil sa kasong war against humanity dahil sa giyera nito sa iligal na droga noong termino niya. (Daris Jose)
TINULIGSA ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang desisyon ng Senate impeachment court na ibalik ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
“The motion to return or remand the articles of impeachment is without any factual and constitutional basis. The Constitution states that once the articles of impeachment are transmitted to the Senate the duty of the Senate is to try the case forthwith, not to send it back,” paliwanag ni Colmenares.
Ayon kay Colmenares, ngayon lang siya nakakita ng judge na binalik sa complainant ang kanyang complaint para tanungin kung maayos ba ito at kung handa siyang pursigihin ito.
Wala aniyang basehan sa Saligang Batas ang ginawa ng Senado at hindi umano nila trabaho na ibalik ang articles of impeachment.
Paliwanag nito, ang tungkulin nila ay magsagawa ng paglilitis.
“If they want to clarify something from the House, they should ask it during the start of the impeachment trial. What does this “return” do to facilitate the impeachment trial? Nothing. Even if the House will answer that the impeachment complaint did not violate the Constitution, there will still be questions and debates from pro-Duterte Senators who will claim that it did violate the Constitution. The proposal of Sen. Pimentel was the correct and the most practical idea–for the impeachment court to convene and summon the House prosecutors to answer the questions raised by Sen. dela Rosa in the approved motion rather than remanding the impeachment complaint,” pahayag pa nito.
Nagbabala si Colmenares na ang naturang hakbang ay magpapa-delay lamang sa impeachment process at magkaroon ng procedural deadlock na ang mabebenipisyuhanay yaong umiiwas umano sa pananagutan.
“Malinaw na ito ay para pahabain ang proseso at bigyan ng pagkakataon si Sara Duterte na umiwas sa pananagutan,” paliwanag ni Colmenares.
Nangangamba ito na sasamantalahin ng VP ang pagkakadelay at iwasan na sagutin ang articles of impeachment hanggang nabinbin ang proseso.
“I will be happy if proven wrong, but I predict that Sara Duterte will not answer the summons if the impeachment complaint is remanded or returned. She will say, ‘Hintayin ko muna sagot ng House bago ko sagutin ang complaint nila.’ This is a clear ploy to buy time and avoid public scrutiny,” pahayag ni Colmenares.
Nanawagan naman ito sa senado na tuparin ang kanilang constitutional duty at ituloy ang impeachment trial.
(Vina de Guzman)
SA BOTONG 177-0, inaprubahan ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang maglalagay ng mekanismo at kriteria sa deklarasyon ng state of imminent disaster at pagtugon ng gobyerno kapag may bagyo at iba pang emergency.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, principal author ng House Bill No. 11430, layon ng panukala na maiwasan kundi mman mapigilan ang pagkawala ng buhay, pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng pangkabuhayan tuwing may kalamidad o sakuna, maging ito ay natural o man-made.
Ang Pilipinas aniya ay nasa Pacific typhoon belt, na dinadaan ng nasa 20 bagyo kada taon na nagiging dahilan para maapektuhan ang buhay ng publiko at ekonomiya.
“The proposed Declaration of State of Imminent Disaster Act will enable the national government, local government units, and our communities to better prepare for and respond to disasters or natural calamities. Better preparation and responses will save lives, properties, and livelihoods,” the leader of the 306-strong House of Representatives said.
Sa ilalim ng HB 11430, bibigyan otorisasyon ang presidente na magdeklara ng State of Imminent Disaster sa ilang barangays, municipalities, cities, provinces, at regions gamit ang guidelines na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang local chief executive (LCE), sa pamamagitan ng executive order at rekomendasyon ng local DRRM council, ay maaaring magdeklara ng state of imminent disaster sa kanyang hurisdiksyon.
Iba’t ibang hazards tulad ng natural at human-induced disasters, epidemics, pandemics, iba pang sakit na may public health concern, at iba pang sakuna na nakakaapekto sa normal na pagkilos ng komunidad ay maaaring wing dahilan para sa deklarasyon ng state of imminent disaster.
Papayagan ng deklarasyon ang national at local DRRM councils na gumamit ng national and local resources at mekanismo para sa ipatutupad na to implement anticipatory measures.
Ang mga local government units ay maaaring magsama ng planned interventions sa kanilang regular programs, plans, activities, at budgets. Para sa national government agencies, ang pondo ay kukunin mula sa National DRRM Fund. (Vina de Guzman)
SINIMULAN na ng Land Transportation Office (LTO), ang imbestigasyon laban sa 160 medical clinics sa buong bansa kaugnay ng mga ulat ng iregular na pag-isyu ng medical certificates.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng driver’s license ang medical certificate, subalit batay sa mga ulat na natanggap ng ahensya, sangkot umano ang ilang LTO-accredited medical clinics sa modus na pag-isyu ng medical certificates kahit walang aktuwal na pagsusuri sa aplikante.
“Malinaw na kahit hindi ka magpa-check up sa mga clinics na ito, basta willing kang magbayad, ay maiisyuhan ka ng medical certificates. Hindi ito tama at tinitiyak natin na hahabulin namin ang mga ito,” pahayag ni Asec Mendoza.
Dagdag pa ni Asec Mendoza, agad na ipinag-utos ni Secretary Dizon ang paghahanda ng mga kinakailangang kasong administratibo at kriminal laban sa mga sangkot, kabilang na ang mga doktor na pumirma sa mga pekeng medical certificates na walang personal na pagsusuri.
Una nang nangako si Secretary Dizon na magiging masigasig ang kanyang kampanya para sa kaligtasan sa kalsada, kabilang na ang paghabol sa mga pasaway na motorista at pagpapabuti ng mga imprastraktura sa kalsada.
Para kay Asec Mendoza, malinaw na nalagay sa panganib ang kaligtasan sa kalsada sa ginawang ito ng ilang medical clinics dahil wala umanong aktuwal na pagsusuri sa mga aplikante ng lisensya.
“Inatasan ko na ang mga regional directors na kunin ang lahat ng medical certificates na inisyu ng mga klinikang ito at abisuhan ang mga nabigyan ng lisensya gamit ang kaduda-dudang medical certificate na magpaliwanag,” ayon kay Asec Mendoza.
“Kung may sapat na ebidensya, agad naming babawiin ang akreditasyon ng mga klinikang ito at ipapataw ang habambuhay na pagbabawal sa anumang transaksyon nila sa LTO,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Asec Mendoza, simula ngayong linggo ay matatanggap na ng lahat ng 160 medical clinics sa buong bansa ang kanilang show cause order. (PAUL JOHN REYES)