• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 11th, 2025

Berk is calling! Channel your inner Viking at the “How to Train Your Dragon Viking  Village” display

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
FANS gather at the media launch of the “Viking Village” experiential display at the SM Mall of Asia Central Atrium, in anticipation of the Philippine release of “How to Train Your Dragon” in cinemas today, June 11.
Guests had a morning like a Berk villager as they took a picture with Hiccup’s dragon Toothless, and got to sit on the throne of the Viking chief Stoick. Kids and kids at heart sat at Hiccup’s workshop to work on How to Train Your Dragon themed activity sheets. All these are available as “Viking Village” will be open to the public until June 22.
Check out what’s in store at the Viking Village: https://tinyurl.com/37ta368
Don’t miss the chance to watch the live-action reimagining of “How to Train Your Dragon,” out in Philippine cinemas on June 11. Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.
About How to Train Your Dragon:
Cast: Mason Thames, Gerard Butler, Nico Parker, Nick Frost, Julian Dennison, Gabriel Howell, Bronwyn James, Harry Trevaldwyn, Ruth Codd, Peter Serafinowicz, Murray McArthur
Written and directed by:  Dean DeBlois
Producers:    Marc Platt, Dean DeBlois, Adam Siegel
From three-time Oscar® nominee and Golden Globe winner Dean DeBlois, the creative visionary behind DreamWorks Animation’s acclaimed How to Train Your Dragon trilogy, comes a stunning live-action reimagining of the film that launched the beloved franchise.
On the rugged isle of Berk, where Vikings and dragons have been bitter enemies for generations, Hiccup (Mason Thames; The Black Phone, For All Mankind) stands apart. The inventive yet overlooked son of Chief Stoick the Vast (Gerard Butler, reprising his voice role from the animated franchise), Hiccup defies centuries of tradition when he befriends Toothless, a feared Night Fury dragon. Their unlikely bond reveals the true nature of dragons, challenging the very foundations of Viking society.
Inspired by Cressida Cowell’s New York Times bestselling book series, DreamWorks Animation’s How to Train Your Dragon franchise has captivated global audiences, earning four Academy Award® nominations and grossing more than $1.6 billion at the global box-office. Now, through cutting-edge visual effects, DeBlois transforms his beloved animated saga into a breathtaking live-action spectacle, bringing the epic adventures of Hiccup and Toothless to life with jaw-dropping realism as they discover the true meaning of friendship, courage and destiny. (Credit: “Universal Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Masaya naman ang puso niya ngayon: MARIS, umaming ini-stalk ang naging ex at may regrets sa lovelife

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SUMALANG sa lie detector test via polygraph machine ang mga bida ng seryeng ‘Incognito’ na napapanood sa Kapamilya Exclusive. 
Nauna sa lahat si Maris Racal sa karakter na Gab at unang tanong sa kanya ni Contractor played by Ian Veneracion ay kung madalas siyang magsinungaling na sinagot niya ng, “kung kailangan, last minute.”
Diin ni Ian, ‘yes or no’ at sinagot ng dalaga ng, “sige yes na.”
Nag-thumbs up ang ang operator ng polygraph machine kaya natawa si Maris at sabay sabing, “grabe kayo!”
Sunod na tanong ni contractor, “meron ka bang role in the past na ginampanan mo na pinagsisihan mo?”
Matagal muna bago nakasagot ang aktres, “yes.”  At thumbs up na naman ang senyas ng operator.
Sino kaya sa mga naka-trabaho ni Maris na kapag nakikita niya ay naiinis siya?  Ito kasi ang tanong ni Ian kung may co-actors ang dalaga na kapag nakikita niya ay naiinis siya at thumbs up na naman ang sagot.
Aminado rin ang dalaga na kapag may mga nababasa siyang hindi maganda tungkol sa kanya ay nasasaktan ang damdamin niya at thumbs up ulit ang sagot ng operator.
Hindi rin gumagamit ng ibang social media account si Maris para ipang-stalk pero thumbs down ang sabi ng polygraph kaya’t ang dalaga ang nagsabi ng, ‘you’re a liar.
Pero inamin nitong may Fan account siya.
Masaya ang puso ngayon ni Maris kaya naman tinukso siya ni Ian sabay tanong, “Is someone makes you happy romantically?”
Sinagot ni Maris ng wala pero thumbs down ang sagot kaya’t tinukso siya ni Ian, “uy merong nagpapasaya sa ‘yo.”
Umaming ini-stalk ni Maris ang naging ex niya, sino kaya sa kanila? At umaming may naging regrets siya pagdating sa kanyang lovelife.
Nagkatawanan ulit sina Ian at Maris nu’ng thumbs down ang sagot ng operator base sa polygraph machine sa tanong kung magaling magpaikot o magpa-asa ang aktres na sinagot niya ng, “hindi.”
Samantala, hindi taping friends ang relasyon ni Maris sa mga co-actors niya sa ‘Incognito’ tulad nina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Baron Geisler, Richard Gutierrez, Anthony Jennings at Ian dahil tinanong ng huli kung nag-e-enjoy ang dalaga sa pakikipagtrabaho niya sa lahat at mabilis niyang sinagot ng, ‘yes’ kaya naman nagpasalamat si contractor kay Gab.
 
(REGGEE BONOAN)

Nakuwestiyon pa niya si Lord dahil sa mga pagsubok: ALDEN, naka-recover dahil na rin sa matinding panalangin

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PWEDENG sabihin na Alden Richards’ is in a good place now.

Ibig sabihin, pagkatapos niyang maging open sa pinagdaanan niya noong 2024 na ayon nga sa kanya, though, he was not clinically diagnosed, he suffered depression.
It hits rock bottom, pero ngayon, the mere fact na nagagawa na niya itong ikuwento, pag-usapan, positibo si Alden na napaglabanan at napagtagumpayan na niya ito.
Hindi na lang pinapansin ni Alden ang mga may nasasabi pang negatibo dahil sa pag-open-up niya. Nandiyang kesyo sobrang blessed, successful nga raw niya last year to say na na-depress siya.
Sabi na lang ni Alden nang makausap namin, “Come to think of it, ngayon, kaya ko na siyang pag-usapan. From six months, nga three to four months ang recovery.
“During the recovery stage, hindi ko siya kayang pag-usapan. Ayoko siyang pag-usapan. Parang gano’n talaga. Kapag nando’n ka sa madilim na parte ng buhay mo, magsa-shutdown talaga.
Nangiti si Alden nang sabihin namin na hindi naman siya nag-shutdown. Pero sabi nga niya, siya lang siguro yung tao na magso-show-up pa rin at i-honor ang commitments niya.
Naka-recover raw siya dahil na rin sa panalangin. Pero dumating daw siya sa puntong nakuwestiyon niya si Lord at nasasabi niya na hindi na niya kaya.
“Later on, after everything, na-realize ko bakit hinayaan muna ko ni Lord sa gano’ng situwasyon. To be able to fight for myself and be strong by myself.
“I think that’s the greatest lesson at kung ire-redo, hindi ko ipagpapalit. Thankful ako na nangyari sa akin ‘yon.”
Napakarami pang magagandang sinabi, realization ni Alden na given the chance, willing siyang maibahagi, lalo na sa mga taong posibleng dumaan din sa pinagdaanan niya.
Nagustuhan naman namin yung sinabi niya na walang masamang tumulong. Pero lahat ng sobra, masama. At isa raw ito sa natutunan niya.
Sa ngayon, bukod sa pagiging host ng dance show na “Stars on the Floor” ng GMA-7, mag-a-attend din si Alden ng Da Nang International Film Festival dahil ang unang directorial film niya, kunsaan, isa rin siya sa actor at co-producer ang Myriad Film na “Out of Order” ay for competition dito.
Then eventually, mapapanood na ang pelikula sa Netflix.
***
PUNUNG-PUNO raw ng pasasalamat ang puso ni Bianca Umali dahil sa pagbibigay sa kanya ng role bilang si Sang’gre Terra.
Ni hindi na nga raw niya inakala man lang na makakasama pa siya sa Encantadia.
“Ako po, this is a dream that I never dreamt of. To be honest, I never thought that I would be part of Encantandia because I’m already part of Mulawin.
“Kaya noong inanunsiyo po sa akin ito, I am thankful and I am grateful for the trust. And I am excited for the doors that will open not just for myself but for everyone.”
Hindi rin biro ang pinagdaanan daw nilang training para sa serye. Kasama niya rin sina Faith da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda.
“Ang training po na ginawa namin para sa project na ito ay hindi rin biro. We cannot emphasize more that it’s two years of our lives creating this show and time before that, we ‘ve been training.
“To train about this, means sacrificing not just everything about us but ourselves. We sacrificed things that we wanted to do. We sacrificed the time with our loved ones. We sacrificed dreams that we put on hold dahil gusto naming ibigay lahat ng atensiyon, oras at pagod namin sa proyektong ito dahil ayaw po naming mapahiya sa Encantadiks na nag-aabang sa napakalaking mundo.”
Nararamdaman daw niya na sila na ang mga bagong Sang’gre kapag magkakasama silang apat.
“Ito po yung pinaka-powerful na pakiramdam. Meron kaming tig-isang brilyante at elemento, pero pinakamalakas pa rin kapag kumpleto at buo kami.”
Ngayong June 16, sa GMA Primetime magsisimulang mapanood ang ‘Encantadia Chronicles Sang’gre.’
(ROSE GARCIA)

Pareho rin silang may bagong single: TONI at ALEX, patuloy na kinaaaliwan sa TikTok kasama ang pamilya

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang ang mga netizens, maging ang inyong columnist ay aliw na aliw panoorin ang TikTok ng Gonzaga sisters na sina Alex at Toni along with their beloved parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy Gonzaga.

Kaya naman palaging milyon ang views nito. Yes, kung sayawan lang din ang pag-uusapan aba’y ang original dancer sa Gonzaga family ay itong loves naming si Mommy Pinty.
Ang saya ding panoorin kapag nakiki-join si Daddy Bonoy sa TikTok na sinasayaw rin ang mga viral dance.
Ang cute namang panoorin sina Direk Paul Soriano at elected Vice Mayor ng Lipa City na si Mikee Morada at mga anak nina Toni at Direk Paul na sina Seve at Polly.
Join din sa kanila sa Tiktok ang brother ni Mommy Pinty na si Uncle Jojo.
Hataw ang pamilya Gonzaga at Soriano sa vlogs nina Toni at Alex na gumagawa ng iba’t-ibang challenge na ang latest ay ang “Sino Magaling? Millennials Vs Boomers.” Mapapanood niyo ito sa official Youtube Channel ni Alex Gonzaga. At ang cute kapag nagre-react na si Mommy Pinty na kinaaaliwan ng husto ng kanilang milyon-milyong viewers.
Well born comedianne talaga itong si Mommy Pinty na endorsers ng Chef Ayb’s Paragis PH with Alex and Daddy Bonoy at Eyeberry. At ito namang si Alex ay endorser ng iba’t-ibang produkto na ang latest nito ay ang Snailwhite Whipp Soap.
Si Toni ay ilang years ng Ambassador ng Eureka Appliances. May iba pa itong mga endorsements. At siyempre pa ang mag-sister din ang mukha ng Happy Cup ng kanilang Mommy Pinty na parami nang parami ang branches nationwide.
Pinagpala talaga ng Itaas ang Gonzaga Family kasi marunong silang magpasalamat sa Diyos at hindi nakalilimot na tumulong sa kapwa.
***
SAMANTALA, bukod sa kanilang mga vlog kung saan parehong milyun-milyon ang subscribers sa kanila Youtube Channel, meron new single sina Alex at Toni.
Two months ago ay ni-release ng O/C Records ang revival ni Alex ng “Pasulyap-Sulyap” na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra.
Magre-release naman si Toni ng Acoustic version ng hit song niya noong 2005 na “We Belong.” Mapapa-wow ka talaga kapag narinig mo ang bagong version na ito ng Ultimate Multimedia Star.
(PETER S. LEDESMA)

6 taong termino para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials , aprubado na ng Kamara

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas 11287 na nagsusulong na mabigyan ng 6 taong termino para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa sa pangunahing awtor ng panukala, na kapag naging ganap na batas ang lahat ng incumbent BSK officials na naihalal noong October 30, 2023 ay mananatili hanggang sa susunod na synchronized elections na gaganapin sa ikalawang Lunes ng Mayo 2029 at kada anim na taon.

“This means that the BSK polls scheduled in December this year are reset to May 2029,” pahayag nito.

Lalagyan din ng panukala ng two-term limit ang barangay officials, habang ang SK officers ay magsisilbi lamang ng isang termino.

Una nang nagpahayag ng oposisyon si Rodriguez sa plano ng senado na ituloy ang halalan para sa BSK sa Disyembre, na nagsabing maiksiang dalawang taong panunungkulan para sa mga lider ng barangay.

“The officials will not be given enough time to fully implement their plans, programs and activities which they have promised their constituents. The wounds and divisions created by the recent elections among our people are still fresh. We cannot afford to have more fractiousness,” dagdag ni Rodriguez.

(Vina de Guzman)

Sa harap mismo ni PBBM: Raul Villanueva, nanumpa na sa tungkulin

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si Raul Villanueva bilang Associate Justice ng Korte Suprema, araw ng Martes, Hunyo 10, 2025.

Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nanumpa si Villanueva para sa kanyang bagong tungkulin. Isinagawa ang oath taking ceremony sa Kalayaan PBS Hall, Palasyo ng Malakanyang. Kasama ni Villanueva ang kanyang pamilya.

Sa kabilang dako sa maikling mensahe ng Pangulo, sinabi nito na kumpiyansa siya na sa pagkakatalaga kay Villanueva ay magpapatuloy ang maganda at mas magiging malapit ang relasyon ng Korte Suprema at Ehekutibong Sangay ng pamahalaan.

“We are very happy for this appointment because it is as our new justice was saying, and I was telling him that it is a well deserved appointment. He has a wealth of experience as a as a judge, an RTC judge, until 2002, and then he has from 2002, and since 2010, he has worked in the Supreme Court. and there therefore he is well versed in all that needs to be done for the proper and smooth function of the court,” ayon sa Pangulo.

“And besides that, we have begun a trend between the Supreme Court and the executive of a closer relationship in the past couple of years,” aniya pa rin.

“And I know that the appointment of our new justice will continue that trend and bring the departments of Government even closer than before, and so that the function of government is smoother, better, and that we are unified in our goal to making life better for all Filipinos. We all have our part to play, and justice, you have a new part to play,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Sa kabilang dako,bago ang pagkakatalaga, si Villanueva ay ang Court Administrator ng Supreme Court, na nangangasiwa sa higit 2,600 hukom at 25,000 court personnel sa Pilipinas.

Nagtapos si Villanueva ng AB Economics (1985) at Bachelor of Laws (1990), sa University of the Philippines, Diliman.

Naging Presiding Judge rin si Villanueva sa iba’t ibang Regional Trial Court, Deputy Court Administrator, Chair/Vice-Chairperson ng iba’t ibang komite, kabilang ang tatlong Bids and Awards Committees ng SC, at professorial lecturer sa Philippine Judicial Academy, at Vice‑Chairperson ng Court Management Department nito.

Samantala, ang Associate Justice ay isa sa mga pinakamataas na opisyal sa Korte Suprema, na bahagi ng 15 miyembrong Supreme Court en banc. (Daris Jose)

Impeachment trial ni VP Sara sa Senado, panonoorin ni PBBM

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PANONOORIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging takbo ng impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte sa Senado na magsisimula na bukas, araw ng Miyerkules, Hunyo 11, 2025.

“We are watching, of course, ” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos ang oath taking ceremony ni bagong Associate Justice Raul Villanueva sa Kalayaan PBS, Malakanyang.

“What the Senate President, Chiz Escudero, is doing to try to make it as a peaceful a transition as possible from this Congress to the next,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na bahala na ang Senado sa proseso at magiging takbo ng impeachment trial ng Bise-Presidente.

“Well, this is really a function of the Senate right now. So, we leave it to them. It has moved already from the House. It has now been in the Senate for a few months,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos ang oath taking ceremony ni bagong Associate Justice Raul Villanueva.

Sa kabilang dako, wala namang nakikitang kontrobersiya ang Pangulo na mula 19th Congress ay aandar at magpapatuloy ang impeachment trial sa 20th Congress.

” Why? What is the controversy? It is very clear that it will. Because there is no way that even if they start the trial now, that they will finish it before the new Senators come in. So, well, again, the Senators will decide,” ang pahayag ng Chief Executive.

Samantala, sinabi ng defense team ni VP Sara Duterte na bagama’t pinipili nilang huwag magkomento sa mga usaping panloob ng Senado, iginiit nilang ang mismong pagsisimula ng proseso, lalo na ang ika-apat na reklamo sa impeachment, ay may “malubhang paglabag sa Konstitusyon.”

Anila, ang proseso ng impeachment ay hindi dapat gamitin bilang sandata laban sa mga katunggali sa pulitika. Ito raw ay isang mekanismong konstitusyonal, hindi isang political tool o kasangkapan sa pulitikang paninindak.

Gayunman, binigyang-diin ng kampo ni VP Duterte na handa silang harapin ang mga paratang sakaling ituloy ng Senado ang paglilitis.

Saad ng pahayag na nakahanda silang ipakita na walang batayan ang mga akusasyon laban sa Bise Presidente.

Ang pahayag ay lumabas kasabay ng lumalakas na panawagan mula sa mga unibersidad, civil society groups, at mga mambabatas na igalang ng Senado ang Konstitusyon at simulan na ang paglilitis sa mga kasong isinampa laban kay Duterte, kabilang na ang umano’y pagkakasangkot niya sa Davao Death Squad. (Daris Jose)

PBBM, mahigpit ang ginawang pagsusuri, pagrepaso sa performance ng Cabinet members

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT ang ginawang pagsusuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa performance ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

Sa isang ambush interview matapos ang oath taking ceremony ni bagong Associate Justice Raul Villanueva sa Kalayaan PBS, Malakanyang, sinabi ng Pangulo na nananatili pa rin ang proseso ng pagsusuri at pagrepaso sa performance ng mga ito.

“You know, I have to explain that it’s not a Cabinet revamp. What we really did was we are still in the process of examining. Now, nasa baba na tayo. What happened really here was that I put everyone on notice that you are all on, basically all on probation,” ayon sa Pangulo.

“And, okay, this time, it looks like yung iba maganda naman ang performance,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa ngayon aniya ay nasa level na sila ng Undersecretary at mga ahensiya.

“But we are, what essentially, what you call, what you refer to as a Cabinet revamp, it’s not a one-shot, one-time, big-time thing. It is an ongoing thing. This is something, it is essentially putting all government agencies, departments on notice that we have to do better. And we will be looking very, very closely and we will make that review on a periodic basis,” ang pahayag nito.

“Maybe a quarterly basis. Titignan natin, yung mga target ba natin, nakuha ba natin, on a quarterly basis. And we’ll be much, much more rigorous in looking at the performance, not only at the top level, but all the way. All the way. And that’s why we’ll see, I’m sure you will see more changes in the future,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maraming tatamaan sa patuloy na ginagawang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Marcos.

Tiniyak ni Bersamin na maraming opisyal at appointees ang maaapektuhan habang nagpapatuloy ang ebalwasyon.

Prayoridad ng Office of the President (OP) ang pagrerebisa ng iba’t ibang departamento na may kinalaman sa pangunahing serbisyo at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Inamin ni Bersamin na may ilang pinuno ng ahensya ang hindi madaling tanggalin subalit sumasailalim sa ebalwasyon at masusing pagsusuri.  (Daris Jose)

Pormal nang nagsimula ang oath-taking ng senator-judges… Senate minority kumilos vs VP Sara impeachment

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na pormal nang simulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang privileged speech, iginiit ni Pimentel na pansamantalang suspendihin muna ng kahit ilang oras ang mga legislative business ng Senado at i-convene ang Senado bilang isang impeachment court.

Sinabi rin ni Pimentel na dapat pangunahan na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang panunumpa ng mga senador na present sa plenaryo na uupo bilang mga judge sa trial.

Iginiit din ni Pimentel na dapat simulan na ang presentasyon at pagbabasa ng mga kasong kinakaharap ni Duterte at gumawa na ng calendar trial.

Binasa rin ni Pimentel ang mga nakapaloob sa Articles of Impeachment ni Duterte.

Sa pamamagitan ng manifestation, sinegundahan ni Sen. Risa Hontiveros ang nais mangyari ni Pimentel.

“Forthwith and with no further delay – the Senate President must be placed under oath as Presiding Officer. He must be placed under oath as Presiding Officer. He must then administer the oath to the Machment trial must begin immediately. Agad-agad. Walang pag-iimbot,” ani Hontiveros.

“Hindi naman mahirap at matagal ang panunumpa at pagbabasa ng Articles of Impeachment, diba? Gawa na ang robes, at ready na ang session hall. Hindi iyan aabutin ng isang oras, kaya bakit natin iiwasan ang napakasimpleng opening ng impeachment trial?” pahayag pa ni Hontiveros. Kasunod nito ay nagkasundo rin ang mga senador na manunumpa kagabi si Escudero bilang presi­ding officer ng lilikhaing impeachment court sA Miyerkules, Hulyo 11 habang ang mga senador ay pormal nang nagsimula ang oath-taking ng senator-judges para sa impeachment trial ni VP Sara. (Daris Jose)

Alas Pilipinas bigo sa kamay ng Iran sa AVC Women’s Volleyball National Cup

Posted on: June 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO ang Alas Pilipinas sa Iran sa nagpapatuloy na 2025 AVC Women’s Volleyball National Cup na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Hindi nakaporma ang Alas Pilipinas sa score na 25-16, 21-25, 26-24, 23-25, 13-15 sa Pool B.

Bigo ang national team na makalayo sa Iranians sa ikaapat na set at nakaranas ng mabigat na pagkatalo sa decider.

Ito ang unang pagkatalo ng national teams sa anim na koponan bracket kasunod ng panalo nila sa Mongolia at Indonesia.

Kapwa nangunguna ngayon ang Iran at Kazakhstan na mayroong tatlong panalo at wala pang talo habang ang Alas na Pilipinas ay mayroong dalawang panalo at isang talo.

Ang dalawang top finishers ay abanse na sa playoffs.

Susunod na laban ng Alas Pilipinas ay kontra sa New Zealand sa araw ng Miyerkules ng alas-4 ng hapon.