• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 5th, 2025

Inaming galing sa kanyang opisina ang pinaiikot na letter… Draft Senate reso sa pagbasura ng impeachment case kay VP Sara galing kay Sen. Bato

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na galing sa kanyang opisina ang pinaiikot na kopya ng draft Senate resolution upang ipabasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay dela Rosa, siya ang nag-initiate o nagpasimula ng naturang resolusyon.
Kinumpirma rin ng senador na mayroon nang mga senador ang sumusuporta sa resolusyon ngunit hindi na isiniwalat pa kung ilan na ang bilang.
Sa ngayon hindi pa matukoy ni dela Rosa kung kailan niya ihahain ang naturang resolusyon dahil susuruin pa raw niya ito.
Samantala, nakatanggap naman si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng pisikal na kopya ng draft Senate resolution na layong i-dismiss ang impeachment case laban kay Duterte.
Sa panayam, sinabi ni Estrada, noong Lunes pa kumakalat ang naturang resolusyon.
Paglilinaw naman ng senador na hindi pinapipirmahan sa kanya ang resolusyon kundi pinababasa lamang ngunit pag-iisipan niya raw nang mabuti kung pipirma siya rito. (Daris Jose)

PHA Wellness Advocacy’s new ally

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
VETERAN actress turned health advocate Cherry Pie Picache served as celebrity guest and influencer during the Advocacy Hour. Turning  55 that day, Picache said it is never too late to start embracing lifestyle modification at forty- or 50-something.
She said that she began to be more serious about her health journey during the pandemic when she started losing friends and colleagues in show business, adding that her greatest influencer is her son, Nio Tria, who has been an athlete since he was 6 years old.
Picache said “health is not a luxury. It’s not a reward. It is your birthright, and it is your responsibility,” she said.
“That’s why I get my labs checked regularly, as in every quarter. I keep track of my blood pressure, my sugar levels, my cholesterol. I want to know my numbers before they become a problem. Now they are all normal.” My doctor’s and lab appointments are sacred, so I don’t miss them,” she added.
Sharing her diet, she has been on OMAD (one meal a day). “I limit my caffeine intake by having one coffee a day and that’s it. She starts her day by doing some stretching. I stopped drinking soda three years ago and instead of chips,  I eat dried fruits and nuts.”
She ended her message with: “Don’t wait for pain to remind you to act. Say yes to checkup and build a life of wellness. Remember, prevention is always better than cure.” (Mary Rose Antazo)

₱20/kilo rice program sisikaping gawing permanente ni Speaker Romualdez 

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pagaganahin ang buong legislative power ng Kamara para gawing permanente at magtuluy-tuloy ang ₱20 per kilo rice program ni Pangulong Bongbong Marcos upang maging mas abot kaya ito sa consumers at mabigyan ng mas mahabang suporta ang mga magsasaka.
Sa isinagawang meeting kina Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. at Undersecretary at Chief of Staff Alvin John Balagbag, sinabi ni Speaker Romualdez na personal niyang ii-sponsor at isusulong ang mga priority reform bills ng Department of Agriculture (DA) sa 20th Congress’ legislative agenda.
“These are not just bills — they are blueprints for lasting change. I will personally sponsor these measures to institutionalize President Marcos’ vision of affordable rice for all and stronger support for our farmers,” deklara ni Romualdez.
Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig ay sina House Committee on Agriculture Chairman Mark Enverga (Quezon), House Majority Leader Mannix Dalipe, Deputy Speaker David Suarez (Quezon), Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Deputy Speaker Antonio Albano (Isabela), House Secretary General Reginald Velasco at Isabela Gov. Rodito Albano III.
Sa mga priority measures na iprinisinta ng DA at inadopt ni Speaker ay kinabibilangan ng Amendments to the Rice Tariffication Law (RTL) — restoring key regulatory powers to the National Food Authority (NFA) to stabilize prices and protect local production; Livestock Development and Competitiveness Act; Philippine Corn Industry Development Act; Onion Research Center Act; Amendments to RA No. 7308 o Seed Industry Development Act of 1992; at Amendments to the Local Government Code to strengthen agricultural extension services at the LGU level.
“Sisiguruhin natin na may ₱20 per kilo na bigas sa merkado para sa mga nangangailangan — hindi lang ngayon, kundi sa mga susunod pang taon. We will build a system where affordable rice is not a seasonal miracle, but a daily reality,” anang Speaker.
(Vina de Guzman)

Medical cannabis bill bilang alternative, mas murang treatment para sa cancer at iba pang sakit, pinamamadali

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAPELA si National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte sa senado na agad ipasa ang panukalang gawing legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot sa cancer at iba pang sakit sa natitirang ilang araw ng sesyon ng Kongreso.
“This is an eleventh hour appeal to the Senate under Senate President Chiz (Francis Escudero) to pass the proposed law already approved by the House of Representatives  that seeks to legalize the use of medical cannabis as an alternative, relatively more affordable pain reliever for Filipinos hurting from debilitating medical conditions,”  ani Villafuerte, outgoing congressman at governor-elect ng CamSur.
 Kabilang sa mga medical conditions ay cancer, multiple sclerosis, damage to the nervous system, glaucoma, positive status for human immunodeficiency virus (HIV), acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), post-traumatic stress disorder (PTSD),  rheumatoid arthritis at iba pang sakit na tinukoy ng Department of Health (DOH).
“I am keeping my hopes up that with the commitment of SP Chiz on the eve of the reopening of the Congress for the Senate to give top priority to pending urgent bills in our final legislative session weeks, this outgoing Legislature can cap its record feats in its third and final session by writing this  long-proposed law legalizing the use of CBD or cannabidiol (cannabis oil) only for medical or therapeutic purposes,” anang mambabatas.
 Bago magsimula ang pagbabalik ng 19th Congress, sinabi ni Escudero na ini-urong ng senado ang pagsisimula sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio mula June 3 sa June 11, upang matalakay ng mga senador ang mga priority legislative measures bago ang die adjournment.(Vina de Guzman)

Deadline sa paghahain ng SOCE, hindi palalawigin

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANINDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) na hindi palawigin ang June 11 deadline para sa paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato sa May 12 midterm elections.
Giit ni Comelec Chairman George Garcia na ang deadline ng paghahain ng SOCE ay matagal nang inanunsyo .
Babala ni Garcia, kailangan harapin ang mga kahihinatnan ng hindi pag-file ng SOCE.
Ang pagsusumite ng SOCE ay tinatanggap sa mga karaniwang araw at Sabado, kasama ang mga pista opisyal, mula 8 ng umaga  hanggang 5 ng hapon sa Comelec — Political Finance and Affairs Department sa Intramuros, Manila.
Ang lahat ng SOCE ay dapat ihain  sa itinakdang bilang ng mga hard copy na may kasamang soft/electronic copy (PDF at Excel format).
Hindi pinapayagan at tumatanggap ang paghahain ng SOCE sa pamamagitan ng registered mail, electronic mail, courier, o messenger services .
Nagbabala ang Comelec sa sinumang kandidato na bigong magsumite ng SOCE na hindi papayagan maupo sa pwesto at maaari ring maharap sa kasong administratibo.
Sa kabilang banda, ang mga kandidatong nakasunod ay bibigyan ng Certificate of Formal Compliance, na dapat nilang isumite sa pag-upo sa pwesto.(Gene Adsuara)

DOJ itinanggi na susunod na ipapa- deport si Roque

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na walang pagkasunud-sunod sa mga indibidwal na haharap sa deportasyon kasunod ng pagkakaresto at pagdeport kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr. nitong nakaraang linggo.
Ginawa ang paglilinaw ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano, kasabay ng mga agam-agam na susunod na ipapa-deport si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Binigyang-diin ni Clavano na lahat naman ng may mga kinakaharap na kaso na nasa ibang bansa ay kanilang hinahabol ng sabay-sabay nang walang inuuna sa mga puganteng ipinahahanap ng mga korte sa PIlipinas.
Nilinaw din ni Clavano na hindi paisa-isa ang kanilang paghuli sa mga pugante lalo pa’t nataon na naipabalik na sa bansa si Teves.
Si Roque ay kasalukuyan pa ring nasa bansang The Hague Netherlands para sa kanyang aplikasyon ng asylum dahil sa umanoy political persecution na nararanasan umano nito sa Pilipinas.(Gene Adsuara)

Kelot, kulong sa pagmamalupit sa menor-de-edad sa Valenzuela

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HIMAS-REHAS ang 23-anyos na wanted sa paulit-ulit na pagmamalupit sa menor-de-edad na biktima makaraang matunton ng pulisya sa pinagtagugang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na nakapalag si alyas “Roger” nang masukol ng mga tauhan ni Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Relly Arnedo sa kanyang pinagtaguang lugar sa Brgy. Marulas, dakong alas-6:15 ng gabi.
Maayos na naisilbi ng kapulisan ang warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 270 kay alyas Roger para sa mga kasong tatlong bilang na pagmamalupit sa batang biktima sa ilalim ng R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at isang bilang na paglabag sa R.A, 9262 o ang Anti Violence Against Woman and Their Children Act.
Sa ulat ni Northern Police District Public Information Office (NPD-PIO) Head P/Lt, Marcelina Pino, umaabot sa kabuuang halagang P243,000.00 ang inilaang piyansa ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nagpaabot naman ng pagbati si P/BGen. Josefino Ligan, ang Director ng NPD sa Valenzuela Police sa kanilang mabilis na aksiyon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)

Top 6 most wanted ng NPD sa kasong rape, nabitag sa Malabon

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa selda ang 51-anyos na mister na wanted sa kasong rape matapos makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa nila ang pinaigting na pagtugis sa akusado na residente ng Brgy. Bayan-Bayanan.
Ayon kay Col. Baybayan, ang akuado ay nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa NPD at nasa talaan naman ng Malabon CPS bilang Top 7 MWP.
           Dakong alas-4:30 ng hapon nang tuluyang matiklo ng mga tauhan n Malabon Police Sub-Station 7, at Warrant and Subpoena Section ang akusado sa Don Basilio Bautista Boulevard, Barangay Hulong Duhat.
          Maayos namang naisilbi sa akusado ang arrest warrant na inilabas ng Malabon City Familt Court Branch 4, noong May 19, 2025 para sa kasong Rape in relation to Section 5 (b) ng R.A 7610 na walang inirekomendang piyansa.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodiaql facility unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
          Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Malabon City Police Station para sa kanilang mabilis at maayos na pagpapatupad ng utos ng hukuman. (Richard Mesa)

67-anyos na wanted sa kasong incestuous rape sa Valenzuela, nalambat sa Batangas

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang 67-anyos na lolo na wanted sa kasong incestuous rape sa Lungsod ng Valenzuela nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa report, nakatanggap ang mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si “Lolo Popoy”, sa Batangas.
Ayon kay Col. Arnedo, ang akusado kapwa nakatala bilang No. 5 Top Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at Valenzuela City Police Station.
Dakong alas-3:10 ng hapon nang makorner ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa kanyang tinutuluyang bahay sa Ayala Street, San Pascual, Batangas.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang bitbitin siya ng mga tauhan ni Col. Arnedo sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Incestuous Rape in relation to R.A. 7610 na inisyu ng Valenzuela City Family Court Branch 16, noong March 14, 2025 na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na operasyon.
“The Northern Police District remains committed to pursuing fugitives and bringing justice to victims through relentless and coordinated law enforcement operations,” aniya. (Richard Mesa)

18,934 unregistered motor vehicles ang nahuli para sa buwan ng Mayo 2025

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa 18,934 na hindi rehistradong sasakyan ang nahuli sa nagpapatuloy na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng patnubay ng Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon, Vince Dizon. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang tiyakin ang kaligtasan sa kalsada.
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na karamihan sa mga nahuli sa isang buwang operasyon noong Mayo ay mga motorsiklo at traysikel, na may bilang na 12,206 at 3,105 ayon sa pagkakasunod.
“Magpapatuloy ang aming mahigpit na kampanya hanggang sa mapilitang sumunod ang mga motorista sa kanilang obligasyong iparehistro ang kanilang mga sasakyan. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro, nasusuri ang kanilang kondisyon at road worthiness,” ani Asec. Mendoza.
Mahigit 1,800 van at higit sa 1,000 pribadong sasakyan rin ang hinuli, pati na rin ang ilang pampasaherong jeep, bus, at trak.
Batay sa datos ng LTO, nanguna ang LTO-Region 4A sa pagpapatupad ng kampanya na may 9,906 na nahuli, kasunod ang LTO-Region 4B at LTO-Region 2.
Ang LTO ay nakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pagpapatupad ng batas sa kampanyang ito.
Nanawagan si Asec. Mendoza sa mga may-ari ng sasakyan na iparehistro ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang mabigat na multa. Ang pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan ay may kaukulang multa na P10,000.
“Hindi lamang ito isang obligasyon bilang may-ari ng sasakyan, ito rin ay isang responsibilidad para sa inyong kaligtasan at sa inyong pamilya,” dagdag ni Asec. Mendoza. (PAUL JOHN REYES)