• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 5th, 2025

Ads June 5, 2025

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

5 – 4-merged

Embark on “A Big Bold Beautiful Journey” with Margot Robbie and Colin Farrell, trailer out now!

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

Adventure, emotion, and fantasy await in A Big Bold Beautiful Journey, a film directed by Konogada about strangers bound by a shared adventure to their pasts, for a chance to change their future. The film stars Margot Robbie, Colin Farrell, Kevin Kline, and Phoebe Waller-Bridge.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/gSJAtCTzM_M

 

Get ready as A Big Bold Beautiful Journey is out in Philippine cinemas soon.

 

About A Big Bold Beautiful Journey:

What if you could open a doorway and walk through it to re-live a defining moment from your past? Sarah (Margot Robbie) and David (Colin Farrell) are single strangers who meet at a mutual friend’s wedding and soon, through a surprising twist of fate, find themselves on A Big Bold Beautiful Journey – a funny, fantastical, sweeping adventure together where they get to re-live important moments from their respective pasts, illuminating how they got to where they are in the present…and possibly getting a chance to alter their futures.

 

Directed by: Kogonada                                                                     Written by: Seth Reiss

Produced by:

Bradley Thomas

Ryan Friedkin

Seth Reiss

Youree Henley

Executive Producers:

Kogonada

Ilene Feldman

Gino Falsetto

Ori Eisen

Paul Mezey

Micah Green

Dan Steinman

John Atwood

Credits are not final and subject to change

A Big Bold Beautiful Journey is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Matapos na ma-defend ang kanilang thesis: SOFIA, sigurado nang ga-graduate sa senior high school

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS ma-defend ni Sparkle teen star Sofia Pablo at ng kanyang group mates ang kanilang thesis noong nakaraang buwan, binalita nito na officially ay ga-graduate na siya sa senior high school sa UST Angelicum College.

Pinost last June 2 ng 19-year old Kapuso Next Gen Leading Lady via Instagram ang kanyang kasiyahan na tapos na siya sa senior high school at bilang bonus sa kanyang sipag at tiyaga, tatanggap siya ng award.

“Officially done with SHS. I couldn’t hold back the tears when we received a letter from the principal that I’ll be graduating with honor: Blessed Jordan of Saxony General Excellence Award for Academic Year 2024–2025

“balancing life as an actress and a student was never easy — but every sleepless night, every exam, quiz, and presentation in between work, and every sacrifice along the way… was so worth it

“we made it, self,” caption ni Sofia.

Kahit nga naging busy si Sofia sa taping ng kanyang pinagbibidahan na GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Prinsesa Ng City Jail’, hindi ito nagpabaya sa kanyang pag-aaral. Minsan daw ay dinadala niya sa taping set ang kanyang assignments at kapag break time ay pinagsasabay niya ang pag-aaral sa pag-memorize ng script.

Last May 2, na-defend ng maayos ni Sofia at ng kanyang group mates ang kanilang thesis titled “Consumer Behavior Towards Online Shopping Fraudulent Incidents in Quezon City” na requirement para sa kanilang Accountancy, Business and Management (ABM) Strand.

Noong February naman ay nag-pictorial na ang teen actress para sa kanyang graduation photo.

***

SINABI ni Barbie Forteza na iba ang ipapakita niyang character sa Beauty Empire  as Noreen Alfonso, ang rags-to-riches CEO na maghihiganti sa mga gumawa sa kanya ng mali.

Ayon kay Barbie, makaka-relate pa rin ang mga manonood ng Beauty Empire kahit na executives ang ginagampanan nilang karakter.

“Ang istorya namin ay punong-puno ng puso at pagmamahal sa pamilya. With beauty and fashion at its core, we will tackle murder mystery, love for family, revenge.”

Si Kyline Alcantara naman ay humuhugot sa personal niyang mga karanasan bilang si Shari De Jesus na isa ring CEO ng sarili niyang skincare and beauty brand.

“I approached it with a combination of my personal life and the character’s experiences. ‘Yung heartbreak, ‘yung mga experience ko sa buhay, makakadagdag din naman sa pag-atake sa isang karakter.”

Mentor ni Shari si Velma Imperial, ang orihinal na girl boss ng Philippine beauty industry sa Beauty Empire, na gagampanan naman ni Ruffa Gutierrez.

Bilang dating beauty queen, aminado si Ruffa na naka-relate siya sa karakter niya.

“Because Velma is, you know she’s a very ambitious and powerful woman, and yet, behind that, she’s very soft. Nagmahal, nagkaroon siya ng heartbreak, and I think, me as Ruffa, marami na rin akong heartbreak na pinagdaanan sa buhay ko.”

Si Sam Concepcion naman ang gaganap na Migoy, ang pulis na kababata ni Noreen.

Ayon kay Sam, marami siyang na-experience na firsts sa Beauty Empire: “It’s been a really great experience being here, working with the team, working with such generous and talented actors.”

Kasama rin sa Beauty Empire sina Gloria Diaz, Choi Bo-min, Chai Fonacier, at Sid Lucero.

***

WALANG choice ang Broadway diva na si Patti Lupone kundi mag-apologize dahil sa ginawa niyang pambu-bully at racial micro-aggression sa kapwa niya Broadway Divas na sina Audra McDonald at Kecia Lewis.

Dahil sa  “salty, uncensored opinions” ni Lupone, higit na 500 Broadway professionals ang nag-petition na huwag imbitahan si Lupone ng Tony Awards dahil sa kanyang “degrading and misogynistic” comments on Audra ang Kecia.

Agad nag-post ng kanyang apologetic statement on IG ang 76-year old diva.

“For as long as I have worked in the theatre, I have spoken my mind and never apologized. That is changing today. I am deeply sorry for the words I used during The New Yorker interview, particularly about Kecia Lewis, which were demeaning and disrespectful.

“I regret my flippant and emotional responses during this interview, which were inappropriate, and I am devastated that my behavior has offended others and has run counter to what we hold dear in this community. I hope to have the chance to speak to Audra and Kecia personally to offer my sincere apologies. I made a mistake, I take full responsibility for it, and I am committed to making this right. Our entire theatre community deserves better.”

Sumikat si Lupone dahil sa pagganap niya as Evita Peron sa Broadway musical na Evita in 1980. Tatlong beses siyang nanalo ng Tony Award for Evita, Gypsy (2008) and Company (2022).

(RUEL J. MENDOZA)

Sa Season 10 ng award-winning na ‘I Heart PH’: VALERIE, ihahatid ang kanyang unforgettable Hong Kong adventure  SA Season 10 ng award-winning lifestyle at travel show na “I Heart PH” ay patuloy na nagtutuklas ng mga bagong pakikipagsapalaran. 

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Matapos na manalo sa 38th Star Awards for TV ng Best Lifestyle and Travel Show na mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC), ang “I Heart PH” ay nasa sunod-sunod na panalo nito na nakakuha ng suporta ng Hong Kong Tourism Board (HKTB) bilang bagong partner nito sa pagdadala ng mga pinakabagong trend sa fashion, beauty, lifestyle, food, at travel, na lahat ay may kakaibang pananaw sa Filipino.
Pormal nang sinalubong ng host ng “I Heart PH” na si Valerie Tan ang HKTB sa media launch na ginanap sa Novotel Manila Araneta City, kahapon, June 4.
“The Hong Kong Tourism Board greatly values its partnership with I Heart PH,” say ni HKTB Regional Director Liew Chian Jia.
 “This collaboration presents a unique opportunity to highlight Hong Kong’s rich culinary, cultural, and entertainment offerings to Filipino audiences. Notably, I Heart PH is the first television program in the Philippines to offer a glimpse of Hong Kong Disneyland’s 20th Anniversary celebrations – The Most Magical Party of All.”
Ang multi-awarded events at TV host ay nagsabi sa media tungkol sa kanyang mga pakikipagsapalaran sa Hong Kong.
Naranasan niyang umakyat sa tore na may taas na 14 metro gaya ng ginamit sa taunang Bun Scrambling Competition sa Cheung Chau Island.  Ang nasabing kompetisyon ay taunang ginaganap tuwing buwan ng Mayo sa panahon ng Cheung Chau Bun Festival.
Nagtatampok ang festival ng tradisyonal na Piu Sik parade, kung saan ang mga bata na nakasuot ng costume – kadalasan bilang mga diyos, sikat na Chinese legend, o celebrity – ay dinadala sa paligid ng isla habang nakatayo sa mga steel frame at ang sikat na bun scrambling competition, kung saan umakyat ang mga kalahok sa matataas na bun-covered structures para mangolekta ng “Ping An” (peace) buns.
Natikman pa niya ang mga eksklusibong pagkaing inihain sa orihinal na Tim Ho Wan tulad ngciconic na baked barbecue pork buns, pati na rin ang Roselle-infused crispy red rice rolls at nakakapreskong almond milk tea, na parehong available lang sa Hong Kong.
Ang kanyang pakikipagsapalaran sa pagluluto ay hindi tumigil doon.  Ginalugad din niya ang buhay na buhay na Temple Street Night Market, kung saan nagpakasawa siya sa mga paboritong street treat ng gaya ng buttery egg tarts na fresh from the oven at malutong na Hong Kong-style waffles, isang nostalgic na paborito ng mga lokal.
“I guess, one of the most unforgettable experiences is my encounter with the Giant Panda twin cubs at the Ocean Park, Hong Kong,” kuwento pa ni Valerie.
“I hope I’ll get to celebrate their first birthday this coming August. That will surely be one of the park’s most anticipated fun events this year.”
Bukod pa rito, nilalayon ng HKTB na makahikayat ng mas maraming bisita, partikular na ang mga Pilipino, upang tuklasin ang magkakaibang timpla ng kalikasan, kultura, at lasa ng Hong Kong na ginagawa itong destinasyon.
Sa unang bahagi ng taong ito, ipinagmamalaki ring nakamit ang isang makasaysayang milestone na lumampas sa mga naunang tala na may 1.2 milyong Pinoy na dumating noong 2024.
Samantala, ipinagmamalaki ni Valerie ang pangako na i-promote ang mga nakaka-inspire na kwento at aspirational feature, na nagpapakita ng mga tourist spot dito at sa ibang bansa.
Ngayon sa ika-10 season ng I HEART PH ay naghahanda ng isang serye ng mga kaganapan upang ipagdiwang ang patuloy na tagumpay nito sa “I RUN PH” Fun Run bilang isang kick-off event.  Ang fun run ay magaganap sa UP Diliman sa Hulyo 13, 2025.
Produced ito ng TV8 Media Productions, ang I HEART PH ay mapapanood tuwing Linggo, 10:30 AM sa GTV simula ngayong June 8.

Kulang na lang ang formal na proposal: JULIE, diretsahang sinabi na napag-uusapan na nila ni RAYVER ang kasal 

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBA talaga ang glow na meron ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.  

More than anything, bukod sa genuine happiness, yung confidence. 

Meron si Julie no’n, kumpiyansa. Dahil mukhang ito ang naibibigay sa kanya ng kanyang 3 years boyfriend na si Rayver Cruz. Kaya kapag sinasabi niyang masaya siya, nagmamanifest talaga. 

Kaya nang kumustahin namin siya, career, lovelife-wise, “Super duper happy. Parang nasa point po ako ng buhay ko ngayon na, stability na lang po talaga. And I’m very happy.  Career-wise, growth-wise, lovelife.”

Natawa ito nang tanungin namin kung hindi ba siya natatakot, kasi kapag parang halos perfect na, parang what’s next kaya?

“Ako, parang hindi ko kasi ina-acknowledge yung kaisipan na gano’n. Kasi, ‘pag may na-feel akong gano’n, maybe there’s something wrong.

“But so far, everything is really good at saka, wala akong ina-anticipate na anything. I’m just enjoying my life at mga nari-receive ko na blessings ngayon.”

Diretso rin na sinabi ni Julie na napag-uusapan daw nila ni Rayver ang tungkol sa kasal.  Although wala pang formal na proposal at hindi pa masasabing engaged na siya, pero napag-uusapan daw nilang talaga.

Nakausap namin si Julie Anne sa Market, Market Activity Center kunsaan, nilunsad siya bilang pinakabagong ambassador ng “Simply G” shampoo and conditioner. Meron din itong soap at lotion.

Ayon kay Julie, “Sobrang happy ako kasi, ‘eto, hiyang po talaga ko rito sa Simply G. For me kasi, palagi akong lumalabas, ‘di ba? Exposed sa sun, exposed sa heat, so importante na may SPF yung lotion. At siyempre sa hair, importante rin na laging maayos.”

At naniniwala rin daw si Julie sa good hair day.

“Oo, feeling ko, ‘pag maganda ang hair ko, ang ganda-ganda ko,” natawang sabi niya.

 

***

 

NAGING special guest ng YouTube podcast na Marites University ang kauna-unahang P-Pop Group na Cloud 7 ng Sparkle  at sa totoo lang, last year pa namin sila naririnig, pero it was only that time na nakita namin sila ng malapitan at seryoso, na-impress kami.

Kung may isang stand-out na katangian ang male group na ito, ang guwapo nilang pito. Iba-iba ang looks, pero pang-star ang dating. 

At nagpo-promote sila ngayon ng kanilang ika-5th single, ang “Bara-Bara.”

Kaya nakita rin namin silang mag-perform. Kung siguro, ihahalintulad sila sa P-pop idol nil ana SB-19, masasabi naming marami pa silang kakaining bigas para makasabay man lang sa husay ng mga ito, pero ang catch sa Cloud 7, sila ang youngest P-Pop sa bansa ngayon.

Mga edad 13-18 lang ang mga miyembro na sina Lukas, Johann, Egypt, Kairo, Migz, PJ, and Fian.  Si Migz ay posibleng pamilyar sa karamihan dahil napasabak na siya sa acting.

Promising ang grupo na ito kaya sana nga ay mapush pa lalo ng Sparkle.

 

(ROSE GARCIA) 

Alex Eala, nabigo sa unang laban sa grass court kontra Linda Fruhvirtova

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Naitala ni Filipina tennis star Alex Eala ang isang mabagsik na laban ngunit nabigo sa kamay ng Czech na si Linda Fruhvirtova sa kanilang unang round match sa isang grass-court tournament bilang paghahanda para sa Wimbledon 2025.
Maagang nakuha ni Fruhvirtova ang unang set, 7-5, ngunit nakabawi si Eala sa ikalawang set sa isang dikit na tiebreak win, 7-6(5). Sa ikatlong set, tuluyang umarangkada ang Czech at tinapos ang laban sa iskor na 7-5, 6-7(5), 6-1.
Bagama’t natalo, ipinakita ni Eala ang kanyang determinasyon at laban sa halos tatlong oras na sagupaan.
Samantala patuloy na sasabak sa iba pang grass-court tournaments sa UK ang 19-taong gulang na si Alex Eala bago ang kanyang inaabangang debut sa Wimbledon main draw sa Hunyo 30, 2025.

Filipinas nabigo sa friendly game nila ng Chinese Taipei 1-0

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NABIGO ang Filipinas women’s football team ng bansa sa Chinese Taipei 1-0 sa kanilang friendly Game na ginanap sa Rizal memorial stadium.
Tanging si Saki Matsunaga ang nakagawa ng goal sa loob ng 27 minuto ng laro.
Ito ang unang paglalaro ng Filipinas sa bansa matapos ang tatlong taon.
Ang nasabing laro ay bilang paghahanda ng koponan para sa pagsabak nila sa AFC Women’s Asian Cup qualifiers sa susunod na mga linggo na gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia.

PBBM, naghirang ng bagong envoys sa Commission on Appointments

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGHIRANG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pitong bagong Philippine envoys, ayon kay Surigao Del Sur Rep. at Commission on Appointments Assistant Minority Leader Johnny Pimentel.
Sinabi ni Pimentel na nagpalabas si Pangulong Marcos ng nominasyon noong Hunyo 2 , at ”all were formally received by the Commission on the same day.”
Sinabi ni Pimentel na ang mga nominado ay sina:
Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq – Philippine Permanent Representative to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) in Jakarta, Indonesia;
Bernadette Therese Fernandez – Ambassador to South Korea;
Maria Teresa Almojuela – Ambassador to Germany;
Alan Deniega – Ambassador to Poland, with concurrent jurisdiction over Lithuania and Ukraine;
Gines Jaime Ricardo Gallaga – Ambassador to Bahrain;
Marlowe Miranda – Ambassador to Lebanon; and
Arvin De Leon – Ambassador to Mexico, with concurrent jurisdiction over the Caribbean nations of Cuba and the Dominican Republic, as well as the Central American countries of Belize, Costa Rica, El Salvador, Guatemala, Honduras, Nicaragua, and Panama
Tinukoy ni Pimentel na hindi katulad ng ad interim appointments – na kaagad na nagiging epektibo kahit pa nakabinbin ang kumpirmasyon, ang mga nominado ay hindi maaaring mag-assume ng kanilang tungkulin hangga’t hindi nila nakukuha ang pahintulot ng Komisyon.
Idinagdag pa ng mambabatas na kapwa ang assignment ng ambassadors at promosyon sa ranggo ng senior foreign service officers ay nangangailangan ng CA approval.
Nakasaad sa 1987 Constitution na “25-member CA is mandated to assess the competence, integrity, and fitness of key presidential appointees, with the authority to either confirm or reject them.”
“Confirmation hearings serve as an important safeguard, ensuring proper oversight of the President’s power to appoint officials to critical diplomatic posts,” ayon kay Pimentel.
Ang CA ay binubuo ng 12 miyembro mula sa Senado at mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang Senate President ang magsisilbi bilang ex-officio presiding officer nito. ( Daris Jose)

Navotas, pinabasbasan ang bagong ambulansya, at 5 garbage trucks

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbabasbas sa isang bagong Type 1 ambulance para sa City Health Office at limang bagong garbage trucks para sa City Environment and Natural Resources Office.
Ani Mayor Tiangco, malaking tulong ang ambulansya mula sa DOH–Metro Manila Center for Health Development para sa mas mabilis na emergency response at mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan.
Samantala, ang mga garbage truck naman ay magpapabilis sa pangongolekta ng mga basura sa lungsod—isang hakbang tungo sa mas malinis, ligtas, at malusog na Navotas.
Paalala ni Tiangco na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura, mag-segregate, sundin ang tamang schedule ng koleksyon at sama-samang pangalagaan ang kalikasan at kalusugan. (Richard Mesa)

Makikipagsabayan sa modernong paliparan sa Asya at sa buong mundo… ‘Facial Recognition Technology’ sa NAIA ikakasa

Posted on: June 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KAABANG-ABANG ang ikakasang ‘facial recognition technology’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mas episyenteng proseso para sa mga international at domestic passengers.
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bagong teknolohiya na kabilang sa pagpapabuti sa serbisyo sa paliparan.
Sinabi ng Pangulo na ang nasabing teknolohiya ay sagot sa mahabang pila na nararanasan ng mga pasahero.
Inaasahan na maipatutupad ito sa loob ng anim na buwan.
“We’re trying to make life easier for them na mabilis nga… Hindi sila hinahanapan ng kung anu-anong ID. Mukha na lang nila, ayun na ID. Hindi na kailangang bumunot ng passport… Soon, magkakaroon na tayo niyan,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos bisitahin at magsagawa ng pag-inspeksyon sa NAIA Terminal 3.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga bagong pasilidad ng Terminal 3 matapos ilipat ang pamamahala sa NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) kabilang ang bagong OFW Immigration Annex, OFW Lounge and Rest Area, Transport at Network Vehicle Service Area, at arrival service area.
“We are trying to canvass the best technology that we can find para to make para maging madali ang pagpasok labas ng ating mga OFW at ating lahat ng mga bisita at ang mga domestic passengers pati,” ang sinabi pa ng Pangulo.
Mahalaga aniya na makasabay ang NAIA sa mga modernong paliparan sa Asya at sa buong mundo. Hindi lamang para makapagbigay ng maayos na serbisyo kundi para sa imahe ng Pilipinas bilang gateway ng mga turista at mga Filipino na papasok at palabas ng bansa.
Samantala, sinabi ni NNIC Chairman Ramon Ang na mas lalawak pa ang kapasidad ng mga terminal sa 2026.
Sinabi pa nito na itatayo na rin ang terminal 5 na kapag isinama sa kapasidad ng Terminal 2 ay kayang tumanggap ng 35 milyong pasahero taun- taon. (Daris Jose)