• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 3rd, 2025

VP Sara, nanawagan para sa ‘community action’ laban sa dengue NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte, araw ng Lunes sa publiko na sumunod sa tamang pamamaraan para labanan ang paglaganap ng dengue sa bansa.

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Sa pagdiriwang ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo, binigyang diin ni VP Sara ang kahalagahan ng pagsuporta sa kampanya ng Department of Health’s (DOH) laban sa dengue—isang mosquito-borne viral infection na karaniwan sa mga bansang may ‘tropical climates’ gaya ng Pilipinas.
“Nakakamatay po ang sakit na dala ng lamok na may dengue na maaaring namumugad sa ating mga pamamahay at mga komunidad. Lahat tayo ay nanganganib na maging biktima ng sakit na ito,” ang sinabi ni VP Sara sa isang video message.
“Magkaisa po tayo sa adhikain na makontrol ang pagdami o paglaganap ng mga lamok na may dalang dengue,” aniya pa rin.
Bilang bahagi ng hakbang sa pag-iwas laban sa nasabing sakit, hinikayat ni VP Sara ang publiko na tiyakin na ang mga mosquito breeding grounds gaya ng mga drum at paso ay malinis at walang nakaimbak na tubig.
Hinikayat din niya ang mga ito na magpartisipa sa clean-up drives sa mga komunidad.
Sinabi pa niya na mapipigilan ng mga tao na makakuha ng dengue sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘window at door screens’ at mosquito nets (kulambo) at magsuot ng pantalon at t-shirt na may mahabang manggas.
Nito lamang Abril, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang Pilipinas ay nahaharap sa dengue outbreak ngayong taon.
Ang pinaka-karaniwan na sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, muscle at joint pains, pagduduwal at rashes.
May ilang tao naman ang makararanas ng pananakit sa gilid ng mata, pagsusuka at pamamaga ng glandula (glands).
Ang mga sintomas, sinabi ng DOH na magsisimula sa apat hanggang 10 araw matapos ang exposure mula sa kagat ng lamaok at tatagal ito ng hanggang dalawa hanggang pitong araw.
( Daris Jose)

Indiana Pacers makakaharap ang OKC Thunder sa NBA Finals

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAGHAHARAP na sa 78th edition ng NBA Finals ang Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers sa darating na Hunyo 6.
Unang nakapasok sa finals ang Thunder ng talunin nila ang Minnesota Timberwolves sa Game 5 ng Western Conference Finals.
Habang ang Pacers ay inilampaso sa Game 6 ang New York Knicks.
Mayroong kabuuang 80 panalo at 18 talo ngayong season ang OKC kung saan na-sweep nila sa Round 1 playoffs ang Memphis Grizzles, habang nalusutan nila sa Game 7 ang Denver Nuggets sa Round 2.
Habang ang Pacers ay tinalo nila sa round 1 ang Milwaukee Bucks sa limang laro, pagdating sa round 2 ay nilampaso nila ang Cleveland Cavaliers.
Noong 1979 habang nasa Seattle Supersonics pa ang OKC ay nagkampeon sila laban sa Washington Bullets at ito na ang pang-limang beses na umabot ang koponan sa Finals.
Habang ang Indiana Pacers ay hindi nagkaroon ng Championship trophies sa kanilang prankisa kung saan ito ang pangalawang pagkakataon na nakapasok sila sa Finals na ang una ay noong 2000 ng talunin sila ng Los Angeles Lakers.

PBBM INILUNSAD ANG PAMILYA PASS 1+3 PROMO PARA SA MGA LINYA NG TREN SA METRO MANILA

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pamilya Pass 1+3 Promo para sa mga linya ng tren sa Metro Manila, kung saan tuwing Linggo, ang isang nagbabayad na pasahero ay maaaring magdala ng hanggang tatlong miyembro ng pamilya nang libre.
Saklaw ng programa ang MRT-3 at LRT Lines 1 at 2, na magsisimula sa Hunyo 1, 2025, at tatagal hanggang sa huling Linggo ng 2028.
Layunin ng inisyatibong ito na mapagaan ang gastusin sa transportasyon at hikayatin ang mas madalas na pagsasama-sama ng pamilya. Binanggit ni Pangulong Marcos na ang Linggo ay tradisyunal na araw ng pagtutok sa pamilya, kaya’t nais nilang bigyang pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makapag-bonding nang hindi iniisip ang pamasahe.
Sa ilalim ng promo, ang isang nagbabayad na pasahero ay maaaring magdala ng tatlong miyembro ng pamilya o kasamahan nang libre. Kasama sa mga maaaring makinabang ang magulang at anak, lolo at lola kasama ang apo, magkapatid, tiyuhin at tiyahin, o tagapangalaga na may kasama.
Ipinahayag ni Kalihim ng Transportasyon Vince Dizon na patuloy ang pagsisikap ng gobyerno na gawing mas abot-kaya at madali ang pampublikong transportasyon para sa lahat ng Pilipino.
Pinangunahan ng Unang Pamilya ang paglulunsad ng programa sa GMA-Kamuning Station sa Quezon City.
Ang programang ito ay bahagi ng Bagong Pilipinas campaign, na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng oras ng pamilya habang tinutugunan ang mga hamon sa pampublikong transportasyon. (PAUL JOHN REYES)

Top 2 most wanted sa statutory rape sa Valenzuela, tiklo

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINITBIT sa selda ang 22-anyos na kelot na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinaang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
          Sa ulat, napag-alaman ng mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo na nasa No. 2 Top Most Wanted Person sa lungsod ang akusado na si alyas “Jeric”, dahil sa kasong Statutory rape.
          Nang makatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section hinggil sa kinaroroonanan ng akusado, agad nilang ikinasa ang joint operation, kasama ang Intelligence Section na nagresulta sa pagkakaaaresto kay kay alyas Jeric dakong alas-4:10 ng hapon sa Brgy., Gen T De Leon.
          Si alyas Jeric ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Arnedo sa bisa ng warrant of arrest na inilibas ng Valenzuela City Family Court, Branch 16 noong May 23, 2025 para sa kasong Statutory Rape as amended by R.A. 11648 na walang inirekomendang piyansa.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
          Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police Station sa kanilang mabilis at wastong pagpapatupad ng utos ng korte, na nagbibigay-diin sa kanilang pangako sa katarungan at kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Swiatek at Alcaraz, kapwa dumaan sa matinding hamon sa French Open Quarterfinals

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBALIK mula sa bingit ng pagkatalo ang champion na si Iga Swiatek, at tinalo si Elena Rybakina upang makapasok sa quarterfinals ng French Open.
Sa una, nahirapan si Swiatek at halos matalo, ngunit nakahanap siya ng tamang diskarte upang manalo sa tatlong set, 1-6, 6-3, 7-5.
Sa kabilang banda, si Carlos Alcaraz, kasalukuyang may hawak ng men’s title, ay nagwagi laban kay Ben Shelton upang maabot ang quarterfinals sa ikaapat na sunod na taon.
Ang susunod na hamon para kay Swiatek ay si Elina Svitolina, habang si Alcaraz naman ay makakaharap si Tommy Paul sa quarterfinals.
Si Aryna Sabalenka ay pumasok din sa quarterfinals matapos talunin si Amanda Anisimova, na ginawang sampung sunod na Grand Slam quarterfinal appearances niya.

Umaming gusto nang magpakasal at magkaanak: GERALD, nilinaw na okay sila ni JULIA at hindi naghiwalay

Posted on: June 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALOS isang buwang pahulaan sa netizens kung hiwalay na ba o hindi pa sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil nga walang latest posts na magkasama silang dalawa sa kani-kanilang social media account.
Bukod dito ay wala si Gerald sa nakaraang birthday salu-salo ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto sa resort nila sa Bulacan bagay na ikinataka ng lahat dahil laging present ang aktor sa mga okasyon ng Barretto family.
Mababasa lang sa comment section ng Instagram account ni Marjorie na binati siya ni Gerald ng, “Happy birthday, Tita” at walang sagot naman ang mommy ni Julia kaya mas lalong nagduda ang lahat na baka nga hiwalay na ang Jurald.
Pero nabigyan na ng linaw ang haka-hakang hiwalay na sila ng girlfriend sa kanyang panayam sa ‘Toni Talks’ vlog ng TV host/actress na si Toni Gonzaga-Soriano.
“Five years maraming bumps in the road but sometimes I think blessing din ‘yun kasi parang it made us even stronger when you go something like that.
“We’re okay, kanina lang hinatid ko siya sa airport punta sila Dubai kaya medyo napaaga ako (sa calltime).  No (hindi kami naghiwalay), ganyan sa showbiz, pinangungunahan ka at doon ang basehan kung naka-follow ba o unfollow.
“Nandoon ang pictures, wala ang pictures, nakakalungkot na iyon na ang basehan ‘no?”
Pero base sa kuwento ni Gerald ay mukhang nagkatampuhan ang dalawa dahil bakit niya nabanggit na, “maraming bumps in the road” tapos nakaganda pa dahil na-test na mas lalong naging stronger ang relasyon nil ani Julia.
Pag-amin pa ni Gerald, “when you see something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong, supportive of you and you know na it was worth it (ipaglaban ang kanilang relasyon).”
Na-touch si Toni sa pahayag ng aktor at nasabi na lang niya, “Jules it was worth it.”
Puring-puri ni ‘Ge ang kanyang girlfriend dahil, “she had the poise, the grace na maturity at may mga times na parang mas mature pa sa akin, eh.  Siyempre pag lalaki ka you take control of everything (and) I tried to keep things to myself lalo na kung stress or problems (at) nakalimutan ko na ang partnership, so, dapat tulungan kayo. Isa ‘yan sa mga natutunan ko sa kanya throughout the whole relationship is a partnership.”
Sumang-ayon naman si Toni na ang mga lalaki raw talaga ay hindi open sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay lalo na sa usaping pag-ibig.
Technically, halos nasubaybayan ni Toni ang karera ni Gerald dahil parte pa siya noon ng Unang Season ng Pinoy Big Brother Teen Edition, 2006 at si Kim Chiu ang big winner samantalang ang aktor ay nakamit niya ang ikatlong puwesto  hinirang sa ikatlong puwesto ang aktor.
Naging girlfriend ni Gerald si Kim Chiu na ipinagpalit sa kaibigan ng aktres na si Maja Salvador at pagkalipas nang dalawang taon ay si Bea Alonzo na ang kasunod at nagkahiwalay noong 2019 na sinundan naman ni Julia hanggang ngayon.
Sa tatlong beses na broken-hearted si Gerald ay wala siyang maraming kuwento kung bakit siya nahiwalay kina Kim, Maja at Bea unlike sa mga nabanggit na may mga nabanggit sila kung bakit sila nahiwalay sa aktor.
“Mahirap din sa akin ‘yung sitwasyon na ganu’n kasi it’s also hard na hindi ka masyadong mag-express ng feelings mo, mga kaibigan ko na malapit sa akin na alam nila lahat ang nararamdaman ko bukod sa pamilya ko.
“Ako kasi I don’t really believe na I have to say everything sa media kasi you’re opening up so many doors to negativity and other people na may masabi lang kung baka ‘mema’ lang. If kaya kong ayusin behind closed doors, privately kausapin ko kung sino ang dapat kong kausapin and that will be the best way to do it,” paliwanag mabuti ng aktor.
At nagawa na raw ito ng aktor na ayusin privately ang isa sa mga nakarelasyon niya.
“Siyempre hindi sa lahat obviously.  When you hurt someone like in my case na you hurt someone to the limit na talagang napupuno na, medyo ayaw na akong makita, kaya (tanong daw niya), ‘bakit ayaw mo, ayusin na natin ‘to.  But when you get older and time goes by, you know hindi mo na masisisi,” pahayag pa ni Gerald.
Samantala, inamin ni Gerald na nasa sitwasyon na siya na iniisip nang magpakasal.
Sagot pa ng aktor, “Oo 36 (edad) na ako, kailangan ko na ng anak kasi gusto na ng dad ko, mas more siya kaysa sa mom ko.  Saka gustung-gusto ng dad ko si Julia na parang anak na niya.”
So, abangan na lang nating kung kailan magpo-propose si Gerald kay Julia.
 
(REGGEE BONOAN)