• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2025

DILG most wanted sa kasong rape, nadakma sa Caloocan

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong rape at acts of lasciviousness nang matunton ng tumutugis na mga pulis sa kanyang tinutuluyang bahay sa Caloocan City.
          Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Chief Public Information Office P/Capt. Marcelina Pino, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) hinggil sa kinaroroonan ng 44-anyos na akusado na listed bilang Most Wanted Person sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na may reward na P130,000..
          Nakatala din siya bilang No. 2 TMWP sa NPD at No. 3 TMWP sa Caloocan police dahil sa kasong Rape at Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of R.A 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination
Act.
          Sa koordinasyon sa National Capital Region Intelligence Team – Regional Intelligence Unit NCR (NDIT-RIU NCR) at Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station, ikinasa ng DSOU-NPD ang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. 178 dakong alas-2:00 ng hapon.
          Ang akusado dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Family Court Branch 1, noong June 7, 2022.
Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD ang pagsisikap ng mga tauhan ng DSOU para sa kanilang pagtutulungan sa pagdadala ng isa pang wanted person sa hustisya, na muling pinagtitibay ang dedikasyon ng NPD sa pagprotekta sa publiko. (Richard Mesa)

Pangakong Bakuna, Pero Nasaan ang Suplay?… DOH, Kinukwestyon sa Bagal ng Procurement

Posted on: June 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HABANG ipinagmamalaki ng Department of Health (DOH) ang kanilang pinalalakas na kampanya para sa routine immunization, lumalabas na may malalaking aberya sa likod ng mga pahayag—lalo na sa usapin ng pagkuha ng mga bakuna.
Noong Mayo 28, 2025, naglabas ng pahayag ang DOH tungkolsa mga hakbang para pataasin ang bakunahan sa bansa. Binanggit nila ang matagumpay na mga programa gaya ng Bakuna BayaniJuan at School-Based Immunization Program, kung saan umabot sa 3.8 milyong estudyante ang nabakunahan.
Pero sa kabila nito, maraming mahalagang bakuna ang wala pa ring malinaw na update kung kailan darating. Ayon sa mgadokumentong pampubliko, as of Mayo 2025, hindi pa rinkumpirmado kung kailan maipapadala sa mga health center ang bakuna kontra tigdas-rubella (MR), tuberculosis (BCG), diphtheria-hepatitis B-pertussis (DPT-HepB-Hib), pulmonya(PCV), HPV, at pati na rin ang bakuna laban sa polio.
Marami sa mga procurement posting ay inilabas pa noongEnero 2025, pero wala pa ring update kung na-finalize na ang mga ito. May ilan pa ngang kailangang ulitin ang proseso. Dahil dito, nanganganib ang target ng DOH na 95% Fully Immunized Child (FIC) rate—lalo na’t 64.85% lang ang naabot noong 2024.
Ang pagkaantala ng polio vaccine ay lubhang nakakabahala. Habang patuloy na nananatiling global health emergency ang polio, mahalagang mapanatili ang mataas na coverage para maiwasan ang pagbabalik ng sakit sa Pilipinas.
Apektado rin ang mga school-based vaccination drive. Sa mgapaaralan kasi epektibong naaabot ang mga bata para sa mgabakuna gaya ng HPV, MMR, at booster laban sa polio. Pero kung wala ang mga bakuna, hindi rin magagawa nang buo ang mga kampanyang ito.
Bagama’t positibo ang tono ng mga kampanya ng DOH, kailangan itong tapatan ng mabilis na aksyon. Hindi sapat ang mga anunsyo—kailangan ng siguradong supply ng bakuna, at kailangang makarating ito agad sa mga health center at paaralan.
Sa laban kontra mga sakit na kayang iwasan ng bakuna, bawataraw na lumilipas ay mahalaga. Dapat pabilisin ng DOH ang proseso para masigurong walang batang mapag-iiwanan. ( Mary Rose Antazo)