• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Kadiwa ng Pangulo sa Malabon

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINISITA ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama si Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang bagong bukas na KADIWA ng Pangulo na programa ng pamahalaang nasyonal sa tapat ng Malabon City Police Station Headquarters, Justice Compound, sa Brgy. Catmon. Dito ay maaaring makabili ng abot-kayang mga produkto gaya ng bigas sa halagang P20 kada kilo at iba pang abot-kayang bilihin tulad ng sariwang prutas, gulay, karne, at iba pa. (Richard Mesa)

DOST chief Solidum, ‘highest-paid’ Cabinet members ni PBBM noong 2024 – COA

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANGUNGUNA  si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pinakamataas na sahod noong 2024.
Ito ay base sa 2024 report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit.
Lumabas na nakatanggap ang kalihim ng kabuuang sahod na P6.38 million noong nakalipas na taon. Tumaas ito ng P319,000 mula sa kaniyang sahod noong 2023 na nasa P6.06 million.
Sa inilabas na breakdown ng COA sa net pay ni Sec. Solidum, kabilang dito ang kaniyang basic salary bilang kalihim ng DOST, allowances, bonus, incentives at benefits; discretionary, extraordinary at miscellaneous expenses; dagdag na compensation at honorarium at mga adjustment mula sa mga nakalipas na taon.
Lumabas naman sa audit na walang nakuha si Solidum na compensation bilang board member ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Coconut Authority at National Dairy Authority. Bagama’t nakatanggap si Solidum ng allowance na P13,500 bilang miyembro ng Board of Regents ng Batangas State University.
Pumangalawa naman na may pinakamataas na sahod sa Cabinet member ay si CHED Chairman Prospero de Vera III na may kabuuang income na P5.37 million noong 2024 mula sa P5.19 million noong 2023.
Pumangatlo naman si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na dating nanguna noong 2023 na may pinakamataas na sahod sa gabinete ni PBBM. Noong nakalipas na taon nakakuha ang kalihim ng net pay na P5.28 million mula sa P7.08 million.
Pang-apat si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na may net pay na P5.19 million, pang-lima naman si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na may net pay na P5.19 million.
Pang-anim naman si Health Secretary Teodoro Herbosa na nakakuha ng net pay na P5.11 million, pang-pito si Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy (P5.03 million); pang-walo si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III (P4.99 million); pang-siyam si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel (P4.96 million) at pang-sampu si Public Works Secretary Manuel Bonoan (P4.95 million). ( Daris Jose)

Pinauwi ng Pinas mula Timor-Leste matapos magtago… PBBM, naka-monitor sa kaso ng puganteng si  Arnie Teves mula Timor-Leste

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Malakanyang na nakabantay at nakaantabay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa development sa pagkuha sa puganteng si dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves mula Timor-Leste.
Matatandaang lumipad pa-Timor-Leste si Teves matapos siyang iturong mastermind sa pagpatay kay noo’y Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Asec. Erel Cabatbat, kasama sa extraction team na bago pa sila lumipad patungong Timor-Leste ay ‘namo-monitor at napapaalam’ na kay Pangulong Marcos ang mga nangyayari.
‘Pag iyon po ‘yung pagkuha namin o pag-turnover formally ng Timor-Leste, Bureau of Immigration sa dating mambabatas ay naipagbigay alam kaagad sa kanya ( Pangulong Marcos). Medyo challenging lang po kasi ang connection po sa airport, hindi gaya natin na malakas ang signal, doon po ay medyo challenging po siya. Tapos noong nakarating na kami rito sa Davao palang ay inabisuhan din kaagad ang ating Pangulo, the moment na nag-land po iyong eroplano,” ang sinabi ni Cabatbat.
Sinabi pa ni Cabatbat na bilang tugon aniya sa utos ni Pangulong Marcos ay maayos, mapayapa at matagumpay na nauwi sa Pilipinas si Teves.
“Alas-diyes po ng gabi noong Huwebes ay nagpulong po ang mga miyembro ng extraction team kasama na po rito sina Asec. Eliseo Cruz ng DOJ, NBI Director Jaime Santiago, at mga kinatawan po ng DOJ, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation at ang magigiting po na piloto at crew ng Philippine Air Force, 10:27 po ng gabi nakumpirma po na puwede pong dumaan ang Philippine Airforce 142 na eroplano sa airspace po ng Indonesia at 11:30 po kami po ay tumungo papuntang Cebu para sa daanan ng isa pang K member ng ating extraction team. Dumating po kami ng 2:01 ng umaga sa Cebu at 3:14 po ng umaga ay lumipad naman po kami papuntang Davao para refueling po kasi po medyo malayo po ang Davao papuntang Timor-Leste,” ang kuwento nito.
Sinabi pa niya na may inisyal ng usapan pagdating sa Timor-Leste kung saan ay ibibigay sa extraction team kaagad Representative Teves, pero may kaunti aniyang pagbabago.
Subalit, sa kabila aniya nito ay naging maayos ang turnover, nagpirmahan lang ng ilang dokumento at nang maayos na ang mga dokumento, ay inilabas na si Teves, na naka-posas at naka-shackle pati mga paa niya.
“So, pagka-turnover po sa atin, may guhit kasi po doon sa terminal, so paglagpas ng guhit kinuha po ng ating mga kinatawan at tinanggal po iyong posas at pinosasan pa rin ng mga taga-NBI,” ang sinabi pa rin ni Cabatbat.
“May request po si dating mambabatas Teves, kung puwede daw po ay huwag na sana siyang posasan, kasi nga po masakit na daw ang kanyang mga kamay.  Pero, hindi po ito pinagbigyan kasi nasa protocol parin po. So, pagpasok po niya sa eroplano, pinaupo siya, kinausap po siya ni NBI Director Jaime Santiago, at pagkalipas ng ilang minuto ay binasahan siya ng kanyang Miranda Rights ng kinatawan naman po ng NBI.”
“So, habang binabasa po iyong Miranda rights, nakikinig naman po si former Rep. Teves, pagkatapos siyang basahan ng Miranda rights niya ay binasa naman po ang mga pending na arrest warrants sa dating mambabatas. Sa pagkakaalala ko po, parang sampu po iyong mga kasong binasa [unclear] sa kanya. So, hindi po kami nakalipad din kaagad kasi nagkaroon ng kaunting problema sa eroplano po natin, pero dahil mahusay po at magaling naman po ang staff po, ang crew ng Philippine Airforce ay naayos po iyon.”
May mga arrest warrants aniya na inilabas at kailangan na ipatupad iyon.
“Nanggaling po dito sa Pilipinas ang arrest warrant at kung familiar po kayo sa court proceedings kung saan po galing ang search warrant, doon din po ibabalik,” ang paliwanag ni Cabatbat. ( Daris Jose)

Mojdeh hahataw sa Singapore meet

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AARANGKADA si national pool member Micaela Jasmine Mojdeh sa prestihiyosong 20th Singapore National Swimming Championships na bahagi ng paghahanda nito para sa gaganaping SEA Games national tryouts sa Agosto.
Lalarga ang Singapore meet mula Mayo 31 hanggang Hunyo 3 kung saan sasabak ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ace tanker sa apat na events —women’s 200m butterfly, 100m butterfly, 50m butterfly at 200m Individual Medley.
Lalahukan ang torneo ng matitikas na tankers kabilang na ang mga SEA Games gold medalist mula Singapore, Thailand, Vietnam at iba pa dahil magsisilbi rin itong qualifying para 2025 World Aquatics Swimming Championships.
Isa sa mga tututukan ni Mojdeh ang 200m butterfly kung saan hawak nito ang season best na 2:19 na nakuha nito sa Singapore National Age Group noong Marso.
“She is attempting to lower her time as they lead up to the SEA Games Trials in August. She is targeting the 200m fly and hopefully be able to lower it to at least 2:16,” ani BEST team manager Joan Mojdeh — ang proud mother ni Jasmine.
Bago tumulak sa Singapore, pukpukan ang naging ensayo ni Mojdeh kasama sina veteran coach Sherwyn Santiago at strength and conditioning expert Jerricson Llanos para masigurong handang-handa ito sa laban.
“So they will know what to adjustments to do leading up to SEA Games trials. She has been working hard with her two coaches Sherwyn Santiago and Jerricson Llanos in hopes of qualifying for the SEA Games this year,” dagdag ni Joan.

UNLEASH PAWSCARS SHORT FILM FESTIVAL INILUNSAD

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG Unleash Pawscars Short Film Festival ay opisyal na inilunsad noong Mayo 27, kasama ang mga media, filmmakers, pet lovers, at mga kampeon ng animal-human bond. Ang natatanging pagdiriwang na ito ay nag-aanyaya sa mga storyteller na magpakita ng mga maiikling pelikula sa ilalim ng temang “Unleash the Love,” na tumutuon sa totoong buhay na magic na dinadala ng mga hayop sa ating buhay.
Tungkol man ito sa isang tapat na aso, isang clingy na pusa, o isang pato na tumulong sa iyong gumaling. Gusto ni Pawscars ang iyong kuwento.
Sa isang media launch, ipinakilala ng festival ang all-star jury lineup nito: kinikilalang indie director na si Arvin Belarmino, socially conscious filmmaker na si Joseph Abello, at industry veteran Joey Reyes, na nagsisilbi rin bilang Head of Jury.
Pinakamahusay na buod ito ng Direktor ng Festival na si Mark Sakay: “Ang Pawscars ay higit pa sa isang kumpetisyon sa pelikula. Ito ay isang pagdiriwang ng walang pasubaling pagmamahal at kagalakan na idinudulot ng mga alagang hayop sa ating buhay, mga kuwentong karapat-dapat makita at marinig ng lahat.”
Sabi ni direk Joey, “Hindi lang ito tungkol sa paggawa ng pelikula. Ito ay tungkol sa koneksyon na ang mga alagang hayop lamang ang maaaring mag-spark.
Dagdag ni Direk Arvin “Hindi pa ako nakapag-direk ng hayop dati, kaya na-curious ako at nasasabik akong makakita ng mga bagong kuwento na nagpapakita kung bakit mahal na mahal namin ang aming mga alagang hayop”.
At ipinunto ni Direk Joseph, “Minsan, ‘yong bond with animals lang ang nagbibigay sa atin ng peace of mind. That’s why stories like these matter.”
Bukas ang festival sa lahat ng Filipino nationals sa buong mundo, anuman ang background ng paggawa ng pelikula. Walang malaking budget na crew ang kailangan puso lang, katapatan, at camera. Ang mga entry ay maaaring nasa anumang genre at dapat na 20 minuto o mas maikli (kabilang ang mga kredito), na may mga subtitle sa Ingles kung nasa ibang wika.
Para sa iba pang detalye maaari ninyong bisitahin ang https://unleash.ph.
Ang deadline ng pagsusumite ay sa Agosto 31, 2025 at ang mga finalist ay iaanunsyo sa Setyembre 15. Dapat ay available rin ang mga finalist para sa Pawscars Night sa Disyembre 14, na ipalalabas at ipagdiriwang ang mga piling pelikula. Ang magwawagi ng engrandeng premyo ay mag-uuwi ng ₱150,000. (Mary Rose Antazo)

Appointment ng dalawang Comelec commissioner, hiling ng Duterte Youth Party-List Chairman na i-defer

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Duterte Youth Party-List Chairman Ronald Cardema, sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, sa Commission on Appointments (CA) na i-defer ang appointment nina Ad Interim Comelec Commissioners Pipo & Casingal.

“In behalf of the 2.3 Million Filipinos who voted for the Duterte Youth Party-List, which is the most voted party-list by our OFWs abroad and also the most voted party-list by our Government Troops through the Local Absentee Voting (LAV), we seek the Senators & Congressmen of the Honorable Commission on Appointments (CA) to review the pending confirmation of Comelec Commissioners Noli Pipo and Norina Casingal, who both signed to suspend the May 19 Proclamation of the Duterte Youth Party-List.

Hindi tulad nina Comelec Chairman George Garcia at apat na Comelec Commissioners, na maaaring tangggalin sa pamamagitan ng Impeachment, ang natutirang dalawang bagong Commissioners Pipo at Casingal, ay nakabinbin CA at maaaring ma- revoked.

Sa statement, sinabi ni Cardema na ang ginawang paglagda para mabinbin ang proklamasyon ng partylist ay nagpapakita sa CA kung ano ang maaaring gawin ng dalawa kapag nakumpirma sila.

Halimbawa umano ang Kabataan Party-List at Gabriela Party-List na kapwa may naka-pending na Cancellation of Registration Case na inihain ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at nilagdaan ng lahat ng State Solicitors mula OSG subalit hindi suspendido tulad nila.

Kung madiskuwalipika ang Duterte Youth Party-List, makakakuha ng upuan ang natalong Gabriela PL mula sa kanila.

“Also noteworthy to mention are the other party-lists and senatorial candidates, like Cong. Erwin Tulfo whose appointment as DSWD Secretary was revoked by the CA itself due to citizenship issues, but was proclaimed by the Comelec, together with Pipo & Casingal, even though the serious case was still pending. We hope the CA can ask these questions to our two new COMELEC Commissioners who have pending appointments,” nakasaad pa sa statement. (Vina de Guzman)

Mister na wanted sa sexual assault sa Manila, nadakma ng NPD sa QC

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKALIPAS ang mahigit apat na taong pagtatago, lumagapak na sa loob ng selda ang isang puganteng nahaharap sa kaso ng kalaswaan nang matiklo ng mgatauhan ng Northern Police District (NPD) sa Quezon City.
Sa ulat, nagawang matunton ng Tracker Team ni NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan ang 43-anyos na si alyas “Ipe” na kabilang sa talaan ng Most Wanted Person ng Manila Police District (MPD) matapos inguso ng isang impormante.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang tuluyang matimbog ng mga tauhan ni District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) head P/Col. Allan Umipig ang akusado sa kanyang pinagtataguan sa Quezon City.
Si alyas Ipe ay nagtago na nang malaman niyang naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 55 noong Agosto 1, 2021 para sa kasong sexual assault na may inilaang piyansang _120,000 para sa pansamantala niyang paglaya.
Kasalukuyan nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng DIDMD sa Langaray St. Brgy. 14, Caloocan City habang hinihintay pa ang paglalabas ng kautusan ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Manila City Jail. (Richard Mesa)

Senglot na sekyu, shoot sa huyo

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPULASAN sa takot ang mga tao sa harap ng isang sikat na coffee house nang magwasiwas ng hawak na baril ang isang senglot na sekyu sa Caloocan City.
          Sa ulat, nagpapatrulya ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan sa kahabaan ng EDSA, Brgy. 86, nang isang rider ang lumapit sa kanila para isumbong ang isang lalaki na nagwawasiwas ng hawak niyang baril.
          Inabutan ng rumespondeng mga tauhan ng District Tourist Police Unit (DTPU) sa harap ng Starbucks ang lalaki subalit, nang mapansin nito ang presensya ng mga pulis ay kaagad isinilid sa dala niyang sling bag ang hawak na baril.
          Gayunman, hindi na nakapalag ang 27-anyos na si alyas “Tikboy” nang arestuhin siya ng mga tauhan ni Gen. Ligan at nakumpiska sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng mga bala, holster, brown na sling bag, at security guard ID.
Ayon kay NPD Public Information Office (PIO) head Lt. Marcelina Pino, kasong Alarm and Scandal, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at B.P. 881 o Election Gun Ban laban ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocn City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

DA, PINAG-AARALAN NA ANG PAG-ANGKAT NG BIGAS SA MGA ASIAN COUNTRIES PARA MAIPAGPATULOY ANG BENTAHAN NG P20.00 KADA KILO NG BIGAS

Posted on: May 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAG-AARALAN na ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng bigas sa mga asian countries matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas hanggang sa 2028.
Ayon kay DA Spokesman Assistant Secretary Arnel De Mesa, posibleng idaan sa Food Terminal Inc. na pagaari at kontroladong korporasyon ng pamahalaan ang planong pagi-import ng bigas.
Hindi aniya sapat ang supply ng National Food Authority (NFA) kung palalawigin ang pagbebenta ng murang bigas kung kayat pinag-aaralan ang pagi-import ng bigas.
Bukod kasi sa vulnerable sector gaya ng senior citizen, person with disability, solo parent at 4ps beneficiaries, sa susunod na buwan ay sisimulan na rin ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga minimum wage earner.
Gayunman, hindi pa masabi ng DA kung saang mga bansa kukuha ng bigas lalot patuloy ang ginagawang pagaaral upang maipagpatuloy ang programa.
Maliban sa asian countries, posibleng kumuha rin ng bigas ang Pilipinas sa mga rice producing countries gaya ng Pakistan at India.
Posibleng sa susunod na taon isagawa ang importasyon ng bigas para sa ibebentang P20 kada kilo ng bigas. (PAUL JOHN REYES)

Got a story starring your furry best friend? Whether you’re a filmmaker, content creator, or a fur-parent with a phone—this festival is for YOU!… UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025

Posted on: May 31st, 2025 by people's balita No Comments

 

UNLEASH celebrates the powerful bond between pets and their humans through the magic of film. Recently at the headquarters of Unleash at Royal Plaza Building in Mandaluyong, UNLEASH Pawscars Short Film Festival Media Con & Jury Signing was held.
   The jury members were presented and they are Direk Joseph Abello, Direk Arvin Belarmino and Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman, Direk Jose Javier “Joey” Reyes — the iconic multi-awarded filmmaker, screenwriter, and mentor — as the HEAD OF JURY for the UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025!
   This unique festival invites storytellers to showcase short films under the theme “Unleash the Love,” focusing on the real-life magic that animals bring into our lives.
   According to Festival Director Mark Sakay, “Pawscars is more than just a film competition. It’s a celebration of the unconditional love and joy that pets bring to our lives — stories that deserve to be seen and heard by everyone.”
     Direk Joey, a pet parent himself, shared, “This isn’t just about filmmaking. This is about connection — the kind only pets can spark.”
     “I’ve never directed an animal before, so I’m curious and excited to see new stories that show why we love our pets so much, ” says Direk Arvin.
      “Sometimes, that bond with animals is the only thing giving us peace of mind. That’s why stories like these matter,” Direk Joseph pointed out.
For all interested here’s the mechanics and requirements:
🎬🐾 Calling all film buffs and fur parents — something exciting is coming your way this 2025! 👀
Get ready for the “Unleash PAWScars Short Film Festival 2025” (Year 1) — a celebration of storytelling, creativity, and our beloved pets! 🎥✨
Whether you’re behind the camera or just love a good heartwarming pet film, this film festival project is for YOU. Get ready for a film festival that will bark, purr, and move you to your core! 🎞️🐾
MECHANICS HOW TO SUBMIT and REQUIREMENTS:
🎬🐾 Lights, Camera… Paws! Join the UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025! 🐶🐱
Got a story starring your furry best friend? Whether you’re a filmmaker, content creator, or a fur-parent with a phone—this festival is for YOU!
With the theme “Unleash the Love,” we’re calling for short films (10–20 mins) that highlight the heart, chaos, and joy pets bring into our lives.
📌 Key Details:
✅ Open to all Filipinos worldwide
✅ Any genre, any language (just include English subtitles!)
✅ Submission period: May 16 – August 31, 2025
✅ Awards Night: December 14, 2025
🏆 Over P300,000 worth of prizes and a chance to be featured on the UNLEASH app and socials!
🎥 HOW TO JOIN:
1. Download and fill out the Registration Form [available on unleash.ph]
2. Email it to pawscars@unleash.ph
3. Once confirmed, start filming and submit your final film via Google Drive + Film Submission Report [available on unleash.ph]
🐶 Got a pet story to tell on screen?
🎥 Submit your short film. Celebrate the magic of fur-midable storytelling.
📲 Don’t forget to download the UNLEASH app at unleash.ph
It has been announced that the Head of Jury is FDCP Chair and multi-awarded scriptwriter and director Joey Javier Reyes, and among the jury members are young, award-winning filmmakers Arvin Belarmino and Joseph Abello.
Let your pet be the star they were born to be! 🌟
Full mechanics and forms, they are available on www.unleash.ph
#UNLEASHPawscars
#ShortFilmFestival2025
#PeoplesBalita

Head of Jury is FDCP Chair and multi-awarded scriptwriter and director Joey Javier Reyes, and among the jury members are young, award-winning filmmakers Arvin Belarmino and Joseph Abello.