• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:17 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 30th, 2025

Pinili ni PBBM at papalitan niya si PNP chief Gen. Rommel Marbil… Nicolas Torre III ang bagong PNP chief – Malakanyang

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINILI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Nicolas Torre III upang maging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Huwebes.

“The turnover of command will take place on June 2,” ayon kay Bersamin.

Papalitan ni Torre si PNP chief Gen. Rommel Marbil na nakatakdang magretiro sa June 7.

Isang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad class of 1993, si Torre ay nagsilbi bilang director ng Quezon City Police District (QCPD) at Davao Regional Police Office kung saan pinangunahan niya ang matagumpay na pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16-day extensive police operation.

Pinangunahan din ni Torre ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang pag-turnover sa International Criminal Court (ICC) sa Hague, Netherlands sa gitna ng imbestigasyon sa di umano’y crime against humanity sa bansa sa panahon ng kanyang pagpapatupad ng drug war.

Si Torre ay aabot na mandatory retirement age na 56 sa darating na March 11, 2027.

Siya ang pang-31st PNP chief at pang-4 sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Samantala, nauna nang sinabi ng Pangulo na ang una niyang direktiba sa incoming chief ng 228,000-strong national police force ay panatilihin ang nagpapatuloy na pagsisikap na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, tinukoy ang kamakailan lamang na pagbaba ng crime rates bilang ebidensiya ng progreso. (Daris Jose)

Yap at Maycong may ibubuga sa Batang Gilas

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG din ng kumpiyansiya ang 13-anyos na si Maycong sa kanyang kakayahan upang makamit ang tagumpay sa karera.

“Malaking tulong po sa akin nag mapabilang ako sa club team na nakapaglalaro sa ibang bansa tulad ng Singapore, Thailand at Malaysia. Marami pa akong dapat matutunan at handa naman akong magsakripisyo para punuan ang mga pagkukulang ko. Determinado po akong ma-develop ito,” ani naman ni Maycong na Grade 9 estudyante ng Adamson Universty.

Sa ngayon, itinuring ng dalawang manlalaro ang pagkapili nila bilang brand ambassador ng Doctor Odsman Wellness Revolution na isang food supplement na pag-aari nina dating collegiate player Norman Afable at negosyanteng si Bong Maycong, ang Pilipino company na nagdevelop at nagproduce ng iba’t ibang food supplement at bitamina.

“Ito ay envisioned ko, wellness revolution. Dapat tamang gamot at ang totoong malakas para sa Natural Immunity and Health,” pahayag ni Afable, isa sa matibay na basketball organizers sa grassroots level.

“Healing in Every Capsules. Ibalik ang Natural Immunity Holistic Wellness Revolution. Mayroon itong Immuncell-C na parang Ascorbic acid + Zinc na mabisang pamalit sa mga mamahaling vitamin-C. Ang NeuronerBcell Forte is a Vitamims B Complex for Pulikat, Ngimay, Stroke at Neuro & Nerve Cell vitamins. Siya po ay tamang pamalit sa branded na gamot dahil sa ganda ng presyo at kalidad. Muli, ibalik ang Natural Immunity ng katawan,” sabi pa  ng dating Jose Rizal College Heavy Bomber star.

Iginiit ni Maycong na layunin ng kumpanya na makatulong sa masang Pinoy kung kaya’t inilunsad nila ang pagbebenta ng murang mga bitamina at food supplement. Kasabay nito, suportado nila ang mga batang players na mapanatiling malusog ang kanilang katawan para matupad ang mga pangarap na umasenyo sa sports.

“Naglilibot kami sa mga proibinsiya para ituro ang tamang edukasyon sa health. Suportado namin yung mga batang players para mapanatili nilangmalusog ang kanilang mga katawan. Ang malusog na komunidad at sandigan ng isang mayamang bansa,” pagtatapos ni Maycong.

Eala at Mexican partner nakausad na sa 2nd round ng French Open Womens’ doubles

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAUSAD na sa ikalawang round ng French Open women’s doubles tournament si Pinay tennis star Alex Eala at Mexican partner nito na si Renata Zarazua.

Tinalo nila sa first round sina Emily Appleton ng United Kingdom at Yvonne Cavalle-Reimers ng Sapin sa score na 7-5, 6-4.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang magkapares sa unang set hanggang bahagya silang nahirapan na maitawid ang second set at tuluyang nakuha ang panalo.

Si Eala ay ranked 69 sa Women’s Tennis Association (WTA) habang ang 27-anyos na si Zarazua ayy world ranked 74.

Susunod na makakaharap ng dalawa ay sina Olga Danilovic ng Serbia at Anastasia Potapova ng Russia para sa second round ng laro.

Matapos ang 3 taon, Filipinas muling magbabalik sa paglalaro sa bansa  

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SASABAK sa isang friendly game ang Philippine Women’s National Football Team na Filipinas.

Makakaharap nila sa Taiwan sa darating Hunyo 3 sa Rizal Memorial Stadium.

Ito ang unang pagkakataon maglalaro ang Filipinas sa Rizal Memorial Stadium matapos ang 3 taon.

Huling naglaro sa bansa ang Filipinas ay noong 2022 AFF Women’s Championship ng talunin ang Thailand sa score na 3-0.

Publiko binalaan laban sa pekeng RTVM account na nagso-solicit ng online investments  

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko laban sa mga scammers na gumagamit ng pekeng Facebook account na nagpapanggap na attached agency nito, ang Radio Television Malacañang (RTVM), para makapag-solicit ng online investments.

“A fake Facebook page posing as the official account of Radio Television Malacañang (RTVM) has been found circulating scam content that falsely links the agency to an online investment scheme,” ayon sa kalatas ng PCO.

“The fraudulent page copied RTVM’s official name and profile picture, mimicking the look of a legitimate government page to deceive users. The posts on the fake page encouraged the public to participate in supposed investment opportunities, which is a common tactic in online fraud,” dagdag na pahayag ng PCO.

Sinabi pa ng PCO na ang lehitimong Facebook page ng RTVM ay mayroong ‘verified blue badge’ na matatagpuan sa lehitimong government pages, habang ang ‘impostor account’ ay hindi verified, mayroong mababang follower at engagement metrics, at naglalaman ng content sa labas ng official scope ng state-run agency.

Sa kabilang dako, pinasinungalingan na ng RTVM ang unverified Facebook account na may misleading contents, nanawagan sa publiko na maging bigilante laban sa ‘fraudulent pages o indibiduwal’ na nagpapanggap na taga-ahensiya.

Tiniyak ng RTVM na “it does not, and will never engage in such malicious acts,” sabay binigyang diin na hindi ito kailanman masasangkot sa “solicit or accept any form of monetary contribution or financial participation from the public.”

“We apologize for any confusion or inconvenience that this may have caused,” ang sinabi ng RTVM sa isang Facebook post. “RTVM urges everyone to be vigilant and critical when consuming online contents, particulary from unverified and unofficial social media accounts.”

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng PCO ang publiko na sumunod lamang sa mga verified government pages upang makakuha ng tamang impormasyon.

Hinikayat din ng PCO ang publiko na palaging tingnan ang blue check mark na tanda ng ‘verified page; i-check ang official links, post history, at ang consistent branding; at kagyat at direktang i-report ang kahina-hinalang accounts sa pamamagitan ng Facebook’s platform.

“The PCO is also calling on social media platforms to strengthen their systems for detecting and removing impostor pages, especially those exploiting the names of public institutions,” ayon sa PCO.

“The public is advised to report any misleading or potentially harmful content and remain cautious of unsolicited messages that promise returns or ask for financial contributions,” ang sinabi pa rin nito. (Daris Jose)

Street level drug pusher, laglag sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TIKLO ang isang lalaki na sangkot umano sa illegal drug trade matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

          Sa ulat ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police kay P/Col. Relly Arnedo, OIC Chief ng VCPS, nakatanggap sila ng impormasyon hingil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “To”, 36, residente sa lungsod.

          Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga tauhan ni Capt. Dorado, agad siyang bumuo ng team bago pinangunahan ang ikinasang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.

          Matapos matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na  positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek dakong alas-11:35 ng gabi sa Brgy. Karuhatan.

          Nasamsam sa suspek ang nasa 20 grams ng suspected shabu na may estimated street value na P136,000, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 14 pirasong P500 boodle money.

          Ayon kay SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station para sa kanilang dedikasyon at matagumpay na drug operation. (Richard Mesa)

Biktima pumalag, 2 holdaper ng bumbay sa Malabon, timbog

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagtagumpay sa kanilang masamang balak ang dalawang holdaper nang manlaban ang bibiktimahin nilang isang Indian national na kahit may tama na ng bala ang biktima sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.

Kitang-kita sa kuha ng CCTV ang pagkaripas ng takbo ng dalawang holdaper nang matumba ang kanilang motorsiklo matapos silang paghahampasin ng helmet ng 35-anyos na negosyanteng Bumbay na kanilang binaril at tinangkong holdapin sa loob mismo ng bahay nito sa Brgy. Tugatog, dakong ala-1:19 ng hapon.

Hindi ininda ng biktima ang tama ng bala sa kaliwang braso at mag-isang nagtungo sa Manila Central University (MCU) Hospital upang magpagamot.

Nakita pa sa CCTV nang balikan ng mga suspek ang gamit na motorsiklo subalit, hindi na nila ito mapaandar kaya itinulak na lang hanggang magpasiyang sumakay ng e-trike at iwanan sa hindi kalayuan ang motorsiklo na pag-aari ng asawa ng isa sa dalawang suspek.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip kaagad nina Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang mga suspek na sina alyas “Aries”, 25, at alyas “Taurus” 32, sa Yanga St. Brgy. Maysilo nang ituro ng driver ng e-trike na sinakyan kung saan nagpahatid ang dalawa.

Sa ginanap na press conference na pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Anthony Aberin sa headquarters ng Northern Police District (NPD), sinabi niya na hindi nila hahayaan ang mga banyaga o sinumang tao na mabalot ng takot sa sariling tahanan.

Ayon naman kay NPD Director P/BGen. Josefino Ligan, may dati ng kaso ng panghoholdap sa isa ring Bumbay si alyas Aries sa Valenzuela City noong 2022, bukod pa sa mga kinasangkutang pagnanakaw, attempted robbery, serious physical injury, at ilegal gambling.

Nakilala ni alyas Aries ang kasabuwa na si alyas Taurus sa loob ng selda matapos makulong din ang huli sa kaso ring panghoholdap at ilegal gambling. Bigo naman ang pulisya na mabawi ang baril na ginamit ng dalawa.

May hinala rin si BGen. Ligan na may financer sa paggawa ng krimen ang mga suspek dahil mabilis na nakakapaglagak ng piyansa ang mga ito para muling gumawa ng panghoholdap. (Richard Mesa)

Mambabatas, bakeshop kasama sa mga fake names sa OVP confidential funds list  

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HABANG papalapit ang makasaysayang impeachment trial sa susunod na linggo laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado, may naglabasan na namang mga panibagong mga rebelasyon sa Kamara.

Ibinunyag ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang panibagong mga bogus at kahina-hinalang pangalan na nakalista na benipesaryo sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) kabilang na ang apelyido na kahalintulad sa mga nakaupong Senador, mambabatas at sikat na bakeshop brand.

“These irregularities are too glaring to ignore — these names from supposed ‘Budol Gang’ call for a deeper look,” ani Ortega.

Ayon sa mambabatas, nasilip nila ang pangalan ng ilang indibidwal na may apelyido na kapareho ng mga senador tulad ng “Beth Revilla,” “Janice Marie Revilla,” “Diane Maple Lapid,” “John A”Clarisse Hontiveros,” “Kristine Applegate Estrada,” at “Denise Tanya Escudero” ay umano’y beneficiaries ng confidential funds.

Bukod sa “Mary Grace Piattos,” sinabi ni Ortega na may nakasaad ding “Cannor Adrian Contis,” at mga indibidwal na may apelyidong “Solon” tulad ng Kris Solon at Paul M. Solon, na kapareho sa apelyido ni Sarangani Rep. Steve Chiongbian Solon.

“Hindi lang pala si Mary Grace Piattos ang may kapangalan na café-restaurant, pati pala Contis. Kapag ba may confidential funds ang opisina mo, may sweet tooth ka din? Tapos may ‘Solon’ pa na ka-apelyido ng ating kasamahan na si congressman Steve Solon,” dagdag ni Ortega.

Sinabi pa ni Ortega na hanggang senado ay hindi rin pinalampas ng Budol Gang dala na rin sa pagkakadamay sa pangalan ng isang senador.

“Hindi nakakatawa ang paulit-ulit na paggamit ng mga pekeng pangalan na parang hinugot mula sa sine at showbiz,” pahayag ni Ortega.

Tulad sa mga lumitaw na mga pangalan, wala rin sa talaan ng birth, marriage, o death records ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa ang pangalan ng mga nabanggit. (Vina de Guzman)

27 sa 28 panukalang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA), inihayag ni Speaker Romualdez

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagkaka-apruba ng 27 sa 28 panukalang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA) sa isinagawang 8th meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“As of today (Thursday), we have acted on 27 out of the 28 LEDAC priority bills—a near-100% accomplishment rate,” ulat ni Speaker Romualdez kay Presidente Bongbong Marcos.

Dumalo rin sa Ledac meeting sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, miyembro ng gabinete at pangunahing lider ng Kongreso sa pangunguna ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

“This milestone reflects the House’s unwavering commitment to President Marcos’ call for legislative action that makes a difference in the lives of ordinary Filipinos. These are not just bills—they are real solutions to real problems,” ani Speaker Romualdez.

Sa status report, ipinapakita na sa 12 bills na nilagdaan ni Presidente Marcos ay mula sa 27 LEDAC na panukala. Kabilang na dito ang New Government Procurement Reform Act, Anti-Financial Account Scamming Act, Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, VAT on Digital Transactions, Academic Recovery and Accessible Learning Program Act, Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, Philippine Maritime Zones Act, Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, CREATE More, Enterprise-Based Education and Training Framework Act, at amendments sa Agricultural Tariffication Act.

Ang panukalang mag-aamyenda sa EPIRA ay naging batas noong Abril 18 habang ang panukalang Capital Markets Promotion Act ay ipinadala nasa Office of the President noong Abril 29.

Sa 28 LEDAC bills, tanging ang panukalang amendments sa Agrarian Reform Law ang nananatiling nakabinbin sa Kamara. (Vina de Guzman)

Elected Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil, diniskwalipika ng COMELEC

Posted on: May 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DINISKWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) si re-elected Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil dahil sa pagkakatanggal sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Sa walong pahinang resolusyon, kinatigan ng Comelec Second Division ang petisyon na inihain ni dating mayor Michael Tapang laban kay Capil noong Abril 15.

“Wherefore, premises considered, the Commission (Second Division) resolves to grant the instant Petition, and declare Respondent disqualified from running for the position of Mayor in the Municipality of Porac, Province of Pampanga, in the May 12, 2025 National and Local Elections,” sabi sa desisyon na inilabas noong Miyerkules.

Nadiskuwalipika si Capil sa pagtakbo noong nakaraang halalan matapos ipag-utos ng Ombudsman na tanggalin siya sa serbisyo dahil sa matinding pagpapabaya sa tungkulin sa mga iligal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub na Lucky South 99 sa munisipyo.

Si Capil ay idineklara bilang alkalde ng bayan ng Porac noong May 12 elections dahil sa pagkakamit ng 39,939 boto, na tinalo si Tapang, na nakakuha lamang ng 23,063 boto.

Gayundin, ipinasiya ng Comelec Second Division na ideklarang “stray” ang mga boto na nakuha ni Capil.

Kasabay nito, iniutos ng Komisyon ang muling pagpupulong ng Municipal Board of Canvassers (MBOC) ng Porac, upang gawin ang mga kinakailangang pagwawasto sa Certificate of Canvass of Votes, at iproklama ang kandidatong may pinakamataas na bilang ng mga balidong boto. (Gene Adsuara)