• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:20 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 26th, 2025

Sometimes the most dangerous place for a dad is a family vacation. Trailer for “Nobody 2” starring Bob Odenkirk out now

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nobody ruins his vacation. Bob Odenkirk (Breaking Bad, Better Call Saul) returns as family man and assassin Hutch Mansell in Nobody 2, the new chapter to the 2021 hit action thriller. Nobody 2 also stars Connie Nielsen, RZA, Christopher Lloyd, and Sharon Stone.

Watch the trailer: https://youtu.be/WpbNrOaH1zM

One memorable vacation awaits as Nobody 2 arrives in Philippine cinemas on August 13

About Nobody 2:

Bob Odenkirk returns as suburban husband, father and workaholic assassin Hutch Mansell in the new chapter to Nobody, the hit 2021 bare-knuckle action-thriller that opened at number one at the U.S. box office.

Four years after he inadvertently took on the Russian mob, Hutch remains $30 million in debt to the criminal organization and is working it off with an unending string of hits on international thugs.

Nobody 2 is an 87North/Eighty Two Films/Odenkirk Provissiero Entertainment production, directed by Timo Tjahjanto (The Night Comes for Us, The Big 4). The screenplay is by returning writer Derek Kolstad (John Wick, Die Hart) and by Aaron Rabin (Tom Clancy’s Jack Ryan), from a story by Derek Kolstad, based on characters created by Derek Kolstad.

This film’s returning producers are 87North founders Kelly McCormick (Bullet Train, The Fall Guy) and David Leitch (Bullet Train, The Fall Guy); Odenkirk Provissiero Entertainment founder Marc Provissiero (No Hard Feelings, PEN15), Eighty Two Films founder Braden Aftergood (Hell or High Water, Samaritan); and Bob Odenkirk (Better Call Saul, Breaking Bad). The executive producer is David Hyman.

(ROHN ROMULO)

Masaya naman sa buhay kahit walang karelasyon: ALDEN, dumaan sa matinding pagsubok pero ‘di lang halata

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DUMANAS din pala sa matinding depression ang sikat na Kapuso aktor na si Alden Richards.
For the first time ay naibahagi ni Alden ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok.
Nakaranas daw siya ng depresyon na mas pinatindi pa ng pagkamatay ng kanyang lolo noong Enero lamang.
“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there. I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that. Hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression.
“Ang galing nga, hindi lang halata eh. Before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan kasi hirap ako eh. Ayokong magpakita ng weakness,” salaysay pa ni Alden sa GMA Integrated News Interviews.
Dagdag pa ng aktor na kapag walang trabaho ay sinisikap niyang gumawa ng mga bagay-bagay na hindi niya napagtuunan ng panahon sa mga nakalipas na taon.
Madalas ngayong makikita so social media ang ginagawang pagpapapawis ng aktor katulad ng biking at running.
“I owe it to myself. Yun yung hindi mo maproseso nang tama ‘yung pag-iisip mo. it’s very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito,” makabuluhang banggit pa niya.
Kahit kasalukuyang walang karelasyon ay masaya pa rin naman si Alden sa kanyang personal na buhay.
“I don’t understand. ‘Di ko alam, ‘di ko gets. Bakit gano’n ang mindset natin palagi? Na ang basis ng kasiyahan ng isang tao eh love life.
“This is my story. And this is how I want my story to be told. Not based on presumption of other people. I’m so done with that. I’ve been here long enough.
“I know I’ve done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now,” mahabang paliwanag pa rin ni Alden.
***
NANATILING most watched gabi-gabi ang numero unong sinusubaybayan ng mga Batang Tondo na ‘FPJ’s Batang Quiapo.’
Aliw na aliw ang mga kabarangay namin sa mga maaksiyong eksena ng seryeng ito na pinagbibidahan ni Coco Martin.
24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 ang naitala ng ‘Batang Quiapo; kung kaya ito ang manatiling most-watched teleserye sa bansa.
Ang naturang Kapamilya teleserye pa rin  ang nangungunang programa sa primetime matapos nitong magrehistro ng halos dobleng national TV rating kumpara sa 12.64% fused TV rating ng katapat na serye, mula sa parehong urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media.
Patuloy ang pamamayagpag ng serye sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa datus naman lumabas para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views.
Sa totoo lang, pagkatapos manood ng sebye ay nag uumpukan  ang mga batang Tondo at walang pinag-uusapan kundi ang kapapanood pa lamang nilang mga eksena ni Coco.
Sabi pa nga ni Basilia Lucresio na kasama sa umpukan na kung si Coco pa raw ang kumandidatong senador ay siguradong mananalo raw ang aktor kumpara kina Willie Revillame, Philip Salvador at iba pa.
Kaya naman sabi pa sa amin ni Sir Biboy Aboleda, manager ni Coco at isa sa head ng palabas ay ganun na lang ang taos-pusong pasasalamat ng aktor at  ang lahat ng bumubuo sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ para sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi-gabing sinusubaybayan ang buhay ni Tanggol.
Samantala, marami nang naging guest na artista ang Batang Quiapo, at pati nga yung gustong magbabalik showbiz ay ang BQ ang pasaporte ng mga ito.
At kabilang diyan ang dating sexy star na si Klaudia Koronel na matagal na ring nagtatrabaho sa Amerika, nagka-asawa na at na-divorce pero kung mabibigyan ng chance sa programa ni Coco gustong mag-comeback.
Hindi lang naman mga “has been” ang nagparamdam kundi may mga sikat na showbiz personalities ang gustong maging guest ng show.
Ayon sa source ay sikat na female star na hindi pa nakatrabaho ni Coco ang patuloy na kinakausap ng produksiyon para maging bahagi sa pang anibersaryong handog ng serye.
Kung matutuloy tiyak na madagdagan lalo ang viewership ng show dahil milyon-milyon pa rin ang mga fans ng aktres.
(JIMI C. ESCALA)

Ngayong magtatapos na ang termino bilang konsehal: JOMARI, excited na sa gustong ma-achieve sa Philippine motorsport

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUKOD sa pag-aartista at pangangarera ng kotse ay pinasok din ni Jomari Yllana ang mundo ng pulitika; ilang beses siyang nagsilbi bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque.
Nitong nakaraang eleksyon ay hindi siya tumakbo, bagkus ay ang karelasyon niyang si Abby Viduya ang sumubok nguni’t hindi pinalad na maging konsehala sa Parañaque.
Magtatapos naman ang termino ni Jomari ngayong Hunyo bilang konsehal.
Tinanong namin si Jomari, kung papipiliin siya sa motorsport at politics, ano ang pipiliin niya?
“I pick motorsport,” bulalas niya.
“You know why? Because my end term will be in June,” at tumawa ang aktor/politician.
“Tapos na po yung term ko. But…pero ano to ah, it’s totally different, so public service and motorsport, totally different, I don’t know.
“So ako, I’ve been in the sport for quite some time, being a public servant, nine years, I’ll be ending my term in public service.
“Pero looking forward, excited ako dun sa na-achieve ko as a city councilor and I’m very, very excited sa gusto kong ma-achieve with Philippine motorsport.
So sa akin, it gives me balance, kapag nawala yung isa, hindi ako balansyado, but with events also in production, it’s the same, hinahanap siya ng system ko. 
“It’s been a while, I started with production also, I still remember ‘Palibhasa Lalake’ during that time, I think I was 17 or 18. 
“So we were there to support a production, the biggest concert in history and it’s actually situated in this part of the lot, the property where we are right now, it was the Michael Jackson concert, wala pa ‘tong building na ‘to,” pagtukoy ni Jomari sa Okada Manila Resort and Casino.
Dagdag pa niya, “So I find peace and balance with production, legislation, and entertainment, so iyan yung bumubuo ng pagkatao ko.”
Samantala, sa May 31 ay launch ng Jom’s Cup ng Okada Motorsport Carnivale, ang 1/8-mile drag racing event ni Jomari at ng Yllana Racing team na magaganap sa Okada Manila’s Boardwalk and Gardens sa Paranaque City.
May mga kategorya itong vintage car, muscle car, at super car.
Katuwang ni Jomari sa naturang event ang FIA (Fédération Internationale de l’Automobile) international race official na si Rikki Dy-Liacco.
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Business venture nila ni Rhea, malaking tulong sa mental health:  MAJA, naluha nang tanungin tungkol sa mag-iinang nasunog

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI napigilan maluha ang aktres, TV host at businesswoman na si Maja Salvador nang matanong tungkol sa viral news na nasunog na mag-iina sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa balita, inatake raw diumano ng depresyon ang ina na siya raw sumunog sa tatlong anak bago silaban ang kanyang sarili.
Aminado si Maja na tulad ng karamihan lalo na yung mga bagong ina pa lang, nakaranas din siya ng postpartum depression nang ipanganak si Maria, ang panganay nila ni Rambo Nuñez.
“Hindi ko po pinanood. Actually, it’s my hormones, hindi ko po kaya,” na unti-unti nang naiyak.
“Ang sakit kasi talaga no’n, never ko…well, narinig ko pa lang, binasa ko pa lang, naisip ko, parang ‘wag kuhanin ang anak ko.
“Lalo na ngayon, Maria is turning one, ang prayer ko talaga, sana, sana, 100 years or many, many years. Hindi ko kayang manood about babies. Lalo na ‘yung isa, nagpanggap na doctor, my gosh, oh my gosh talaga.”
Naikuwento rin ni Maja, na hindi niya makontrol ang emosyon sa ilang okasyon at pagkakataon.
Hindi pala biro ang pinagdaanang ni Maja sa panganganak kay Maria sa Canada na kung saan 30 hours siyang nag-labor dahil sa laki raw ng anak.
“Mahaba ang pasensiya ko before, tapos biglang parang maliit na bagay, parang pumipitik ka. Parang, ‘sino ‘yon?’ Hindi ako ‘yon.’
“And then, buti na lang yung husband mo (Rambo), pamilya mo, nandu’n. Relax, take a deep breath. Kung ano yung napi-feel mo, it’s fine. Ang daming nangyari sa ‘yo, hindi biro,” kuwento niya.
Nagka-problema rin siya sa pagbi-breastfeed kay Maria dahil after eight months ay wala nang gatas na lumalabas sa kanya. Lahat naman ay ginawa niya, para dumami pero wala talaga kaya na-depress din siya.
Kaya nag-decide siya siyang bumalik sa pagdyi-gym at pagda-diet.
At heto nga at kitang-kita na kanyang pinaghirapan, dahil labas-labas na ang kanyang kaseksihan sa photos para sa newest business venture, ang Majeskin calming body scrub, body lotion at body wash may dalawang scent, milk and chamomile.
Under ito REIgning MAJAsty Corporation. Ito ang bagong negosyong itinayo nila ng CEO at presidente ng Beautéderm Corporation na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Wala naman itong conflict sa kontrata ni Maja sa Beautederm na kare-renew lang last March, 2025.
Say pa ni Ms. Rei, “noong kinuha si Maja noong 2021, sinabi niya sa akin na gusto niya ng body care, kaya pang-face siya sa Beautederm.
“Kaya four to five years ang aming hinintay, bago pa siya ikasal. Sabi ko nga, para talaga ito kay Maja ang araw na ito.
“Hindi lang kami mag-ninang, siya ay ang aking ading (younger sister).  Kaya ang trust ko sa kanya, hindi ako nagdalawang isip.  Ngayon ay isa na siyang nanay at isa na ring momprenuer.  
“Kaya I’m so proud of my baby.”
Ayon pa kay Maja, malaki rin ang naitulong sa kanyang mental health ng latest business venture nila ng kanyang kaibigan at ninang sa kasal na si Ms. Rei.
“Itong Majeskin, isa lang itong pangarap. So, dream come true talaga. Ang dami kong idea, pero hindi ko nagagawa. Natatakot ako, but with the help nga of my husband, mga kaibigan ko and my Manang Rei, ito na nga siya,” masaya nang pahayag ni Maja.
Available na Majeskin this week sa lahat ng Beautederm branches nationwide.
(ROHN ROMULO)

Ex-OWWA Admin. Arnell Ignacio, nanindigan na malinis ang kontrata ng pagbili nila ng lupain para sa mga OFW

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IkINAGULAT ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) adminstrator Arnell Ignacio ang pagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa pagbili ng ahensiya ng P1.4 bilyon na halaga ng lupain.
Sinabi nito na noon pang 2018 habang siya ay deputy adminstrator lamang ng lumabas ang nasabing planong pagbili ng lupa.
Kasama niya ang ilang opisyal ng OWWA sa pagdinig sa senado ukol sa nasabing usapin.
Giit nito walang anumang iregularidad ang nasabing kontrata dahil isinannguni pa nila ito sa Department of Budget and Management habang ang bibilhin na lupain sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA)terminal 1 ay mismo ang LandBank ang nagsagawa ng valuation kung saan nakakuha sila nga permit din sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ang nasabing lupain ay pagtatayuan sana ng mga panandaliang pagpapahingaan ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW). (Daris Jose)

Sky Garden sa Pangasinan, gagawing tourist attraction 

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINUTURING na yaman ng turismo ng Pilipinas ang Pangasinan, hindi lang dahil sa Hundred Islands National Park, kundi dahil sa masasarap nitong pagkain at makulay na kultura.
Sa pagtatayo ng Sky Garden na dinaluhan ng ating Pangulo na si Bong Bong Marcos Jr noong Mayo 23 sa Alaminos, Pangasinan at mga bagong kalsadang magpapadali at magpapaligtas ng biyahe, mas maraming turista ang maaakit at mas maraming oportunidad ang maihahatid sa ating mga kababayang Pangasinense.

P130 milyong danyos hingi ng SCTEX road crash victims sa Solid North

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HUMIHINGI ng P130 milyong danyos ang mga pamilya ng mga nasawi sa karambola sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) matapos na maghain ng civil cases laban sa Solid North bus company.
Personal na sinamahan ni Transport Secretary Vince Dizon ang pamilya nina Jonjon at Daina Janica Alinas sa pagsasampa ng kasong sibil sa Quezon City Hall of Justice.
“P50 milyong danyos ang hinihingi ng pamilya para sa pagkamatay ng mga biktima, pati na para sa loss of income at moral and exemplary damages, ayon sa pahayag ng DOTr.
Ang iba pang kaanak ng ibang namatay sa nasabing road crash ay naghain na rin ng kasong sibil sa Antipolo City court.
Matatandaang 10 ang namatay, kabilang ang apat na bata at mahigit 37 ang nasaktan at nasugatan sa naganap sa SCTEX na karambola noong Mayo 1, 2025.
Negatibo naman sa alcohol at iligal na droga ang driver ng bus na sinasabing responsable sa pangyayari.
Suspendido naman sa operasyon ang Solid North Transit Inc. sa utos ng DOTr.
( Daris Jose)

62 counts money laundering vs Guo isinampa ng DOJ

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINULONG na ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang 62 counts ng money laundering laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Biyernes, ayon sa PAOCC ang kaso ni Guo ay isinampa sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC).
Kinabibilangan ito ng paglabag sa Section 4 (a), o pag-transact sa paggamit ng pera sa iligal na aktibidad; 5 counts sa section (b) o sa “converts, transfers, disposes of, acquires posseses or uses such monetary instrument at properties” at 31 counts sa section 4 (d) kaugnay sa pagtatangka o pagsasabwatan na gawin ang money laundering, na pawang sa ilalim ng Anti-Money Laundering Law.
Nitong linggo lang nang maghain si Guo ng magkakahiwalay na counter-affidavit sa tax evasion, falsification, at graft complaints na inihain laban sa kanya sa DOJ. ( Daris Jose)

Escudero vs Sotto sa Senate Prexy, umiinit

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBINUNYAG ni Senator-elect Erwin Tulfo na kapwa naghahangad na maging Senate President sa papasok na 20th Congress sina Senators Francis “Chiz” Escudero at dating Senate president Tito Sotto.
Sinabi ni Tulfo na nagkaroon sila ng masinsinan at mahabang pag-uusap ng kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa magiging liderato ng Senado.
Sa kabila nito, wala pa aniya siyang pinapanigan kina Sotto at Escudero na ­kasalukuyang nakaupo pa bilang ­Senate President.
“Tingnan ko pa. Pareho sila iniimbitahan ako. They want to sit down with me,” ayon pa kay Tulfo.
Sinabi naman aniya ng senador na kakausapin muna niya ang kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo tungkol dito.
Ang Senate President ang pangalawa sa nakalinya ng paghalili sa pagka-pangulo pagkatapos ng Bise Presidente at siya rin namumuno sa Senado at may pangkalahatang kontrol sa mga gawain nito.
Bukod dito, siya rin ang tumatayong taga-pangulo ng Commission on Appointments (CA).
Nauna nang sinabi ni Sen. Bong Go na kinausap na nila Escudero at Sotto ang “Duterte bloc” para sa kanilang suporta sa pagnanais nilang maging Senate President. (Daris Jose)

Mayroong P150,000 na tulong para sa ‘treatment at diagnostic tests’… PBBM sa DOH, gawing mas available ang ‘DOH Cancer Fund’ sa mga pasyente

Posted on: May 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health (DoH) na gawing mas accessible ang cancer assistance fund ng gobyerno sa mga pasyente.

Binigyang diin ang pangangailangan na tiyakin na ang mga nakikipaglaban sa sakit ay kaagad na makatanggap ng napapanahon at sapat na suporta.

Inatasan din ng Pangulo ang departamento na maglunsad ng pinaigting na information campaign sa Cancer Assistance Fund (CAF) ng gobyerno upang masiguro na mas maraming cancer patients ang may kamalayan at may kakayahan na maka-
access sa programa, kung saan nagbibigay ng P150,000 na tulong para sa ‘treatment at diagnostic tests.’

“Layunin din natin na mas maraming kababayan pa ang mabigyan ng tulong [na] hatid ng Cancer Assistance Fund,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos sa isinagawang inagurasyon ng Region 1 Medical Center Cancer Institute sa Dagupan City.

Nauna rito, sa unang episode ng BBM Podcast, sinabi ng Pangulo na labis siyang nalulungkot sa survey kung saan ang mga respondent ay nagpahayag na umaasa sila para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sakupin ang top 10 most common diseases sa bansa.

Tinuran ni Pangulong Marcos na maraming pasyente ang hindi nakakaalam at walang ideya sa CAF, dahilan para hindi sila makapag-avail ng tulong.

At upang masiguro na makakapag-avail ang mgma pasyente ng CAF, sinabi ng Pangulo na “Si Secretary Ted Herbosa ng DOH po ay maglalabas ng impormasyon ng kumpletong listahan ng mga ospital na ito para mas maraming kababayan natin ang makinabang.”

“Inaasahan ko na palalawigin ng DOH pa ang impormasyon ukol dito,” aniya pa rin.

Sinabi pa rin ni Pangulong Marcos na ipinag-utos na niya sa mga kinauukulang ospital na bilisan ang pagpo-proseso sa request ng pasyente para sa CAF.

Maaaring gamitin ng Cancer patients ang CAF sa 34 DOH-accredited hospitals sa buong bansa, kabilang na ang R1MC, sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang ‘medical abstract, doctor’s prescription, o treatment plan.’

Tinuran pa ng Chief Executive na ang isang social worker o personnel ay nakatalaga sa bawat 34 DOH hospitals para i-assess ang situwasyon ng isang cancer patient.

Sa oras na maaprubahan na ang request, maaari nang gamitin ng pasyente sa ospital ang financial aid mula sa CAF.

Hinikayat din ng Pangulo ang DOH na gawing available ang CAF sa mas maraming ospital.

“Madagdagan pa sana ang mga ospital na maaaring matakbuhan ng ating kababayan para sa programang ito,” ang winika pa rin ng Pangulo.

Samantala, ang mga accredited DOH hospitals kung saan ang CAF ay available ay kinabibilangan ng Philippine General Hospital at Tondo Medical Center sa Kalakhang Maynila; Baguio General Hospital; Bicol Medical Center; Vicente Sotto Medical Center sa Cebu; Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City; Zamboanga City Medical Center; at Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City. ( Daris Jose)