MAGKAIBA ang version ng mga taong malalapit kay Kobe Paras, ang kanyang ina na si Jackie Forster at kay Kyline Alcantara naman na kaibigan o diumano’y girlfriend ng kuya niya.
In fairness kay Kyline, marami itong mga tagahanga. Marami ang talagang nagtatanggol sa kanya. Habang si Kobe naman, dahil na rin sa image nito, sa kabila ng pagpapa-interview ni Jackie, siya pa rin talaga ang tinitingnan ng karamihan na ‘cheater’ at tila nang-api kay Kyline.
Kanya-kanya ng paniniwalaan na lang talaga.
Pero personally, tingin namin, nagkaroon din ng kahit paano, epekto kay Kyline ang pagsasalita ni Jackie. Nagkaroon kasi ng follow-up from her past relationship with Mavy Legaspi.
Parang na-vindicate bigla si Carmina Villarroel nang atakihin ng mga bashers dahil sa diumano’y pagpaparinig kay Kyline. Now na si Jackie naman, naging history repeat itself. Kaya ang payo tuloy ng mga netizen kay Kyline, next time na magbo-boyfriend ito, humanap daw ng ulila na o wala ng nanay. Ha ha!
Ang siste, may nakausap kami, masasabi naming reliable source, naku, mas lalo naming naunawaan ang mga nangyari at nangyayari. Na gets din namin ano ang motibo at kung sino ang mas authentic at hindi.
Anyway, bilang isang babae at nakakatulong din na hindi sumasagot si Kyline, tahimik lang siya, kuha niya ang simpatiya ng karamihan. Yun lang, ito pa lang si Jackie, may CCTV sa bahay kaya tuwing may kausap, nare-record sa cctv.
And that’s includes, yung mga namagitang pag-uusap nila ni Kyline.
***
LUMABAN na bilang Mayor ng Olongapo City ang manager na si Arnold Vegafria, natalo ito noong nakaraang election.
Pero mukhang naging magandang daan din yun kay ALV dahil nakilala siya na isang anak Olongapo.
Kaya ngayong darating na election, isa rin si Arnold sa tumatakbo bilang Alkalde ng Olongapo. At mukhang mas positibo ang ranking at survey, mas pabor na sa kanya.
Kilala siya sa monicker niya na “Manager ng Bayan” running under the Anak ng Gapo banner, kung papalarin na mananalo, hindi na lamang ang mga talents niyang artista at beauty queens sa ALV ang ima-manage niya, pati na rin ang Gapo.
Totoo rin naman, dati ang Gapo ang mayaman sa economic at tourism, lalo na no’ng nandon pa ang U.S. military bases. At kung mae-elect, marami na siyang plano para sa kanilang bayan.
“This is my fervent wish, to bring back the glory days of Olongapo City the way I remember it best,” sey niya.
Pagdating naman sa mga talents niya, okay raw sa mga ito at suportado siya sa kanyang public service career. In fact, ang alagang si David Licauco ay nakasama na niyang mag-ikot at pinagkaguluhan.
So, how much more pa sa mismong miting-de-avance niya?
(ROSE GARCIA)