Kasama rin cast sina Valerie Concepcion, Glenda Garcia, at Mel Kimura.
Next month pa siya pinagre-report sa set, pero nagsimula na ang taping ang serye.
Mukhang challenging ang kanyang role na may connect sa character ni Carmina.
Nakatutulong sa pagiging slim niya ang daily routine na kanyang ginagawa, lalo na pag wala siyang work o taping…
“Paggising sa umaga, shower. ‘Tapos lakad ako sa bundok. Actually, bundok namin dito, nalalakaran talaga,” kuwento niya.
“Kasi sementado yan. Lakad kami, siguro mga isang oras na walking pataas, tapos pababa.
“Dati kinukuha namin, mga isang oras at kalahati, dalawang oras. Ngayon, isang oras na lang.
“Routine ko na yan. Gising ako nang mga 5:00, 5:30, umaakyat na kami. ‘Tapos pag si Venus (sawa niya), walang pasok [sa hospital], kasama ko siya. Pag may pasok naman, hindi ko na siya isinasama.”
Sobra ngang nae-enjoy ito ng mag-asawang Leandro at Venus, kaya minsan daw ay nakukuha nila nang 45 minutes yung pag-akyat sa bundok.
“Kasi, tinatakbo na. Lakad-takbo. Kasi minsan mabibitin ka na dun. Pag makikita mo naman, ansarap ng hangin, e!.
“Kasi paligid mo, walang init. Paligid mo, yung simoy ng dahon. ‘Tapos yung mga huni ng ibon.
“Dun ka pa makakarinig ng mga huni ng magagandang ibon. After nun, baba ka dito, punta ka sa hanapbuhay mo. Andiyan lang naman ang negosyo ko.”
Seryoso sina Leandro sa pangangalaga ang kanilang kalusugan.
“Yung routine ng pag-e-exercise namin ni Ve, saka yung pagda-diet namin. E, hindi na rin siguro titingnan yung para mag-showbiz-showbiz o ano,” sagot niya.
“Kasama na rin! Pero ang gusto namin, mabuhay kami nang matagal! Ha-ha-ha-ha!
“Kasi may pinag-aaral pa kami. Ayaw naming magkasakit. May bata pa akong 15 years old. So mahaba-habang labanan pa. May college pa tayo.
“Iisa pa yung napapa-graduate ko. Yung isa naman, bago pa lang sasampa ng college. So, dapat paghandaan ko yung ganung mga panahon.
“Actually ang pera, kikitain naman yan. Pero pag yung health mo ang nagkaroon ng diperensya, e, maraming mawawala na.
“Hindi ka na makakapaghanap-buhay nang maayos. Hindi ka na makakadiskarte na kailangan mong gawin.
“Alam mo naman tayo, punung-puno tayo ng diskarte sa buhay, e. Para huwag tayong magutom.”
Istrikto din si Leandro sa mga kinakain niya, kaya naman tuloy-tuloy ang pagiging lean niya…
“Sa food naman, hindi na ako nag-aasukal. Hindi na ako nagkakanin. ‘Tapos isang beses lang ako kumakain sa isang araw talaga.
“Pag nagutom, ang kinakain ko ay nilagang itlog, o yung tuna na galing sa Japan.
“’Tapos nagtitimpla ako ng basil, yung pesto. Kasi masarap yun, pampatanggal ng umay, gutom,” sambit pa ni Leandro.
Mas magaan ang pakiramdam niya pag nabawasan ang kanyang timbang. Mas mabilis siyang kumilos.
“Hindi katulad dati, nitong holiday, ahh, lagi akong nakahiga. Nood ako ng Netflix,” saad ni Leandro.
“Kasi tumitingin din ako ng mga pelikula, e. Inuubo ako! So yung baga ko, hindi maganda ang galaw. Laging nakahiga, laging nakaupo.
“So nangyari, sabi nga ni Venus, ‘Maglakad ka na uli. ‘Tapos mag-diet ka na.’ Sabi ko, ‘O, sige. Tulungan mo uli ako.’
“E di yun, istrikto. ‘Tapos pala, kumakain sa hospital! Ha-ha-ha!” natatawa pang pahayag ni Leandro.
Samantala, nag-cameo siya sa movie na bida ang content creator na si Joel Malupiton. Sa naturang comedy movie na intended for Netflix PH, mag-asawa sila ni Aleck Bovick.
Tinanggap daw niya ang offer dahil nagustuhan niya ang bida.
“Kasi si Joel Malupiton, yang nagba-vlog, magaling siya. Kasi pinapanood ko. Gusto ko kung attitude niya. Actually follower niya ako at ng grupo niya,” pahayag pa ni Leandro na bonggang-bongga pa rin negosyo niyang Obras de Paete.
Dahil tuloy-tuloy lang ang pinagagawang imahe ng mga santo (wood or resin) at vintage lamp post na nakarating na sa iba’t-ibang lugar.
Sa mga interesadong maypa-customize, puwede ninyong kontakin si Leandro sa 09164440883.
(ROHN ROMULO)