• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:48 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2025

P20/kilong bigas mabibili na sa Kadiwa Center mula Mayo 2

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MABIBILI na rin sa mga Kadiwa Center ang P20 kada kilo na bigas simula sa Biyernes, Mayo 2.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, magbebenta ang DA ng de-kalidad na NFA rice sa halagang P20 kada kilo sa mga Kadiwa stores.

Bukas lamang ito para sa vulnerable ­sector tulad ng indigents, senior citizens, solo ­parents, at persons with disabilities kung saan ang bawat benepisyaryo ay maaaring makabili ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan.

Maaari naming ­buksan ang bentahan sa lahat ng residente sa 10 lokal na pamahalaan na nakibahagi rin sa inis­yatiba ng Visayas governors tulad ng San Juan sa Metro Manila, San Jose del Monte, Bulacan, Camarines Sur, at Mati City sa Davao Oriental.

“The new rice option aligns with the ‘Bente Bigas Mo’ pilot program in the Visayas and in the 10 local government units (LGUs) that have joined the initiative, where NFA (National Food Authority) rice is sold at P33 per kilo due to the national food security emergency,” pahayag ni Laurel.

“With world market prices now averaging just USD 300 per metric ton—down from a high of over USD 700—and with NFA buffer stocks at their strongest in years, we felt the conditions were finally right to launch,” dagdag ng kalihim.

Base sa monitoring ng DA, nasa P39.99 hanggang P58.17 ang bentahan ng kada kilo ng bigas sa Metro Manila. (Daris Jose)

PBBM, hangad ang agarang tulong para sa mga Pinoy na apektado ng Vancouver attack

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matiyak ang lahat ng tulong na ipagkakaloob sa mga filipinong apektado ng festival attack sa Vancouver, Canada.

”Opo. Dahil ito po ay kapwa Filipino, minadali po kaagad na matulungan, ibigay po ang lahat ng maaaring maitulong, lahat ng koneksiyon sa mga Filipino na nadamay po dito sa trahedya po sa Vancouver,” ang sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Umabot na kasi sa 11 katao ang namatay, habang marami rin ang nasugatan matapos araruhin ng isang sasakyan ang isang street party na nagdiriwang ng Lapu-Lapu Day.

Sinabi naman ng Department of Migrant Workers na nakahanda ito na magbigay ng tulong at suporta sa mga biktima sa insidente alinsunod sa mandato nito na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers.

Sa kabilang dako, nagpahayag ng simpatiya si Pangulong Marcos sa pamilya ng mga biktima, sabay sabing ang Philippine Consulate General sa Vancouver ay nakikipagtulungan sa Canadian authorities upang matiyak ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Philippine Consulate General ukol sa insidente, sabay sabing ipinagdarasal nito ang komunidad na manatiling matatag at resilient. (Daris Jose)

ISKO MORENO, lamang pa rin sa pagka-Mayor ayon sa  survey sa Maynila    

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATATAG  pa rin ang lamang ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa karera sa pagka-alkalde ng Maynila, base sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Sa survey na isinagawa noong Abril 20 hanggang 23, nakakuha si Domagoso ng 63% voter preference, malayo sa 18% ni Mayor Honey Lacuna at 16% ni Rep. Sam Versoza.

Ayon sa OCTA, kahit pagsamahin ang boto nina Lacuna at Versoza, hindi pa rin nito matatalo ang suportang tinatamasa ni Isko sa lahat ng anim na distrito ng lungsod.

Bilang bahagi ng kanyang kampanya, nangako si Domagoso na ibabalik ang kalinisan, kaayusan, at disiplina sa Maynila.  (Gene Adsuara)

P155K tobats, nasabat sa Malabon, Navotas drug bust  

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P155K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

          Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Nico”, 20, ng Pampano St., Brgy. Tonsuya, nang magpositibo ang tanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng droga ng suspek.

          Nang tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad sinunggaban ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong ala-1:50 ng madaling araw sa Dulong Roque, Brgy. Tonsuya.

          Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa suspek ang nasa 12.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P85,000 at buy bust money.

          Sa Navotas, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang notoryus drug personality na si alyas “Andeng”, 37, ng Brgy. Tangos South, nang kumagat sa ikinasang buy bust sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque dakong alas-7:45 ng gabi.

          Nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P70,040 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong P1,000 boodle money.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa paglaban sa illegal na droga. (Richard Mesa)

Navotas, Green Antz, lumagda sa MOA para sa plastic waste recovery program

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANIB-puwersa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Green Antz Builders, Inc. upang palakasin ang mga hakbangin ng lungsod sa pagpapanatili ng plastic waste recovery program.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Green Antz Builders General Manager Elinor Quilas ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA), nitong Lunes.

Sa ilalim ng kasunduan, ang Green Antz ay magbibigay ng kinakailangang makina at teknolohiya, magsasagawa ng mga programa sa pagsasanay para sa wastong paghihiwalay ng basura, epektibong pamamahala sa paggamit ng Material Recovery Facility (MRF) ng Lungsod, at maghakot ng malinis at tuyong basurang plastik mula sa MRF. Magbibigay din ang kumpanya ng insentibo na plano para sa mga kalahok ng programa.

Nagpahayag naman si Mayor Tiangco ng optimismo tungkol sa pakikipagtulungan at sinabi na ito ay nakaayon sa pangako ng lungsod sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili.

“This partnership with Green Antz strengthens our efforts towards a cleaner, greener, and more sustainable Navotas. Through proper waste management and active community participation, we can make a significant impact for future generations,” ani Tiangco.

Nanawagan din siya sa mga Navoteño na aktibong suportahan ang inisyatiba sa pamamagitan ng tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura.

“We urge everyone to cooperate by segregating their waste correctly and, most importantly, refraining from throwing plastic garbage into waterways and other bodies of water. Our small everyday actions can have a huge impact in protecting our environment and our future,” dagdag niya.

Dumalo rin para saksihan ang seremonya ng paglagda si City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Chief Ms. Yzabela Bernardina Nazal-Habunal. (Richard Mesa)

DOTr: 25 kumpanya ng buses na walang magandang pasilidad sa terminals, binigyan ng show cause orders

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ng show cause orders ang 25 kumpanya ng mga buses na mga walang magandang pasilidad sa kanilang mga terminals

     Ito ang pinagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon matapos syang magkaron ng inspeksyon sa mga terminal ng buses noong nakaraang Semana Santa.

     Ayon sa kanya nakita niya na may mga maruming washrooms, makeshift sheds na gawa lamang sa tarpaulin para sa mga naghihintay na mga pasahero, at kakulangan sa mga cooling fans sa mga terminals ng mga buses. Ayon sa kanya nakita niya na ang ibang pasahero ay walang maupuan at wala man lang na mga electric fans ang nakalagay kung saan napakainit pa naman ng panahon. Habang ang mga comfort rooms ay hindi maayos at parang garahe lamang.

     “For me, this is unacceptable that is why the LTFRB and the LTO have issued a show cause order against these 26 bus companies. I summoned all of these 25 companies this week and they really have to comply with the standards of a passenger terminal,” wika ni Dizon.

     Dagdag niya na binigyan ang 25 kumpanya ng kaukulangan panahon upang sila ay mag comply at kung hindi sila susunod ay talagang magpapatupad ang LTO at LTFRB ng mabibigat na penalty laban sa mga kumpanya ng mga nasabing kumpanya.

     “We will give them a certain period of time. If they fail to comply within the given deadline, then I am sorry, we will really impose heavy penalties against these bus companies,” saad ni Dizon.

     Inulit din ni Dizon na dapat ay ang mga nasabing kumpanya ay nagbibigay sa mga pasahero ng maganda at tamang pasilidad sa mga terminals dahil sila ay nagbabayad naman ng tama.

      Binigyan diin ni Dizon na kung hindi gagawa ang mga kumpanya nag pagbabago ay mapipilitan siyang ipagutos na ipasara ang mga terminals ng mga nasabing kumpanya ng buses na ayon sa kanya ay masasabing mga illegal na terminals.

     Samantala, isang impostor na nangpapangap na siya ay LTO chief ang nahuli sa isang entrapment na ginawa ng LTO at Anti-Cybercrime Group (ACG) na nanghihingi ng pera kapalit ng mga nahuling colorum na buses.

     Ang impostor ay nagngangalang Jeffrey Morong Mendoza ng San Mateo, Rizal. Ang suspek ay sinasabing sya ay ang LTO chief at sya rin ang kumakausap sa mga operators ng mga impounded na buses kung saan siya ay nanghihingi ng P250,000 para malabas ang mga impounded na units.

     Inaresto ang suspek matapos na siya ay tumanggap ng P1k na marked money sa mga ahente ng LTO at ACG sa Cubao Terminal Complex sa Quezon City.

     Kakasuhan ang suspek ng usurpation of authority at estafa sa ilalim ng Revised Penal Code kaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

     Pinag-utos ni LTO chief Vigor Mendoza na gumawa ng isang imbestigasyon ang LTO intelligence and investigation division sa pangunguna ni chief Renante Melitante.

     “I will personally monitor this case to make sure that this man will be punished to the full extent of the law. This should serve as a stern warning against scammers that they will suffer the consequences of their actions,” saad ni Mendoza.

     Pinaalalahanan din ni Mendoza ang mga transport operators at ang publiko na huwag makipagusap sa mga scammers at ipagbigay alam agad sa LTO ang mga insidente ng mga ganitong extortion, name dropping at iba pang illegal na money-making schemes sa mga awtoridad.

     Ang LTO ay nagpapataw ng multang P1 million sa mga nahuhuling mga buses na may colorum na operasyon. LASACMAR 

33K pulis boboto sa local absentee voting – PNP

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa 33,000 pulis ang boboto sa ilalim ng Local Absentee Voting para sa National and Local Elections 2025 ng Commission on  Elections (Comelec) na isasagawa hanggang  bukas Abril 30.

“We are not just enforcers of democracy — we are part of it. Voting is not only our right; it is our duty, and one way we show our love for our country,” ani Marbil.

Binigyan diin ni Marbil sa PNP ang kanilang karapatang bumoto sa kabila ng kanilang tungkulin.

Tiniyak din ni Marbil sa publiko na handa na sila sa pagbibigay ng seguridad at responde sa mga voting precints. Aniya, mas pinaigting na nila ang checkpoints, chokepoints, at pagpapatrol upang maiwasan ang anumang karahasan.

Sa katunayan, ilang pulis din ang nagsanay ng election duties bilang paghahanda sa mga hindi inaasahang insidente.

Ang Local Absentee Voting na tatagal hanggang bukas ay para sa mga police officers, soldiers, media workers, at iba pang frontline go­vernment workers  na may trabaho sa araw ng halalan.

Suportado rin ng PNP ang “Kampanya Kontra Bigay” ng Commision on Election (COMELEC) Committee on Kontra Bigay (CKB) kasabay ng panawagan sa botante na maging alerto laban sa vote-buying at vote-selling.

People’s Balita, Media Partner of Premier Lifestyle Club Business Expo 2025

Posted on: April 30th, 2025 by people's balita No Comments

BIG thanks to Premiere Lifestyle Club for collaborating with People’s Balita tabloid and website as their Media Partner.

PLC’s Business Expo is a one-of-a-kind event that’s making waves across the industry—the very first collaboration of its kind, built not on competition, but on support, unity, and shared success.
This event is all about empowering business owners, professionals, and creatives, giving them a platform to showcase their work, connect with others, and expand their reach.
 It’s a celebration of community, innovation, and the power of coming together—and yes, it’s truly history in the making!
Happened last Saturday, April 26, 2025, 12 noon at VS Hotel, 8th floor, Victoria Sports Tower 2, Quezon City.
A day full of inspiration, energy, exclusive promos, and exciting raffle draws.
Let’s show the world what collaboration can do—let’s win this together!
#PeoplesBalita
#PartnersConnect
#BusinessExpo2025 #PremierLifestyleClub
#CollabWins
     

 

oppo_32

oppo_32

Ads April 30, 2025

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Health conscious dahil gusto nilang mabuhay ng matagal: LEANDRO, suportado ng asawa sa strict diet a paglalakad sa bundok

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG laki na nga ng binawas sa timbang ni Leandro Baldemor, kumpara ng huli namin siyang makita sa awards night ng The 7th EDDYS noong July 7, 2024.
Pag-amin niya, sinabihan daw siya ng GMA na magbawas ng timbang para sa Kapuso drama series na ‘Hating Kapatid’ na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, and Zoren Legaspi.
Kasama rin cast sina Valerie Concepcion, Glenda Garcia, at Mel Kimura.
Next month pa siya pinagre-report sa set, pero nagsimula na ang taping ang serye.
Mukhang challenging ang kanyang role na may connect sa character ni Carmina.
“Nung sinabihan ako ng GMA na magbawas, kasi nung nakaraan naka-10 pounds na ako,” pahayag ni Leandro nang makatsikahan namin sa kanyang bahay sa Paete, Laguna, kasama ang ilang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) members.
“Ngayon nung nag-holiday, bumalik uli, nag-gain na naman ako ng six. ‘Tapos ngayon, nakalima na naman ako na bawas.”
Nakatutulong sa pagiging slim niya ang daily routine na kanyang ginagawa, lalo na pag wala siyang work o taping…
“Paggising sa umaga, shower. ‘Tapos lakad ako sa bundok. Actually, bundok namin dito, nalalakaran talaga,” kuwento niya.
“Kasi sementado yan. Lakad kami, siguro mga isang oras na walking pataas, tapos pababa.
“Dati kinukuha namin, mga isang oras at kalahati, dalawang oras. Ngayon, isang oras na lang.
“Routine ko na yan. Gising ako nang mga 5:00, 5:30, umaakyat na kami. ‘Tapos pag si Venus (sawa niya), walang pasok [sa hospital], kasama ko siya. Pag may pasok naman, hindi ko na siya isinasama.”
Sobra ngang nae-enjoy ito ng mag-asawang Leandro at Venus, kaya minsan daw ay nakukuha nila nang 45 minutes yung pag-akyat sa bundok.
“Kasi, tinatakbo na. Lakad-takbo. Kasi minsan mabibitin ka na dun. Pag makikita mo naman, ansarap ng hangin, e!.
“Kasi paligid mo, walang init. Paligid mo, yung simoy ng dahon. ‘Tapos yung mga huni ng ibon.
“Dun ka pa makakarinig ng mga huni ng magagandang ibon. After nun, baba ka dito, punta ka sa hanapbuhay mo. Andiyan lang naman ang negosyo ko.”
Seryoso sina Leandro sa pangangalaga ang kanilang kalusugan.
“Yung routine ng pag-e-exercise namin ni Ve, saka yung pagda-diet namin. E, hindi na rin siguro titingnan yung para mag-showbiz-showbiz o ano,” sagot niya.
“Kasama na rin! Pero ang gusto namin, mabuhay kami nang matagal! Ha-ha-ha-ha!
“Kasi may pinag-aaral pa kami. Ayaw naming magkasakit. May bata pa akong 15 years old. So mahaba-habang labanan pa. May college pa tayo.
“Iisa pa yung napapa-graduate ko. Yung isa naman, bago pa lang sasampa ng college. So, dapat paghandaan ko yung ganung mga panahon.
“Actually ang pera, kikitain naman yan. Pero pag yung health mo ang nagkaroon ng diperensya, e, maraming mawawala na.
“Hindi ka na makakapaghanap-buhay nang maayos. Hindi ka na makakadiskarte na kailangan mong gawin.
“Alam mo naman tayo, punung-puno tayo ng diskarte sa buhay, e. Para huwag tayong magutom.”
Istrikto din si Leandro sa mga kinakain niya, kaya naman tuloy-tuloy ang pagiging lean niya…
“Sa food naman, hindi na ako nag-aasukal. Hindi na ako nagkakanin. ‘Tapos isang beses lang ako kumakain sa isang araw talaga.
“Pag nagutom, ang kinakain ko ay nilagang itlog, o yung tuna na galing sa Japan.
“’Tapos nagtitimpla ako ng basil, yung pesto. Kasi masarap yun, pampatanggal ng umay, gutom,” sambit pa ni Leandro.
Mas magaan ang pakiramdam niya pag nabawasan ang kanyang timbang. Mas mabilis siyang kumilos.
“Hindi katulad dati, nitong holiday, ahh, lagi akong nakahiga. Nood ako ng Netflix,” saad ni Leandro.
“Kasi tumitingin din ako ng mga pelikula, e. Inuubo ako! So yung baga ko, hindi maganda ang galaw. Laging nakahiga, laging nakaupo.
“So nangyari, sabi nga ni Venus, ‘Maglakad ka na uli. ‘Tapos mag-diet ka na.’ Sabi ko, ‘O, sige. Tulungan mo uli ako.’
“E di yun, istrikto. ‘Tapos pala, kumakain sa hospital! Ha-ha-ha!” natatawa pang pahayag ni Leandro.
Samantala, nag-cameo siya sa movie na bida ang content creator na si Joel Malupiton.  Sa naturang comedy movie na intended for Netflix PH, mag-asawa sila ni Aleck Bovick.
Tinanggap daw niya ang offer dahil nagustuhan niya ang bida.
“Kasi si Joel Malupiton, yang nagba-vlog, magaling siya.  Kasi pinapanood ko.  Gusto ko kung attitude niya.  Actually follower niya ako at ng grupo niya,” pahayag pa ni Leandro na bonggang-bongga pa rin negosyo niyang Obras de Paete.
Dahil tuloy-tuloy lang ang pinagagawang imahe ng mga santo (wood or resin) at vintage lamp post na nakarating na sa iba’t-ibang lugar.
Sa mga interesadong maypa-customize, puwede ninyong kontakin si Leandro sa 09164440883.
(ROHN ROMULO)