• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 29th, 2025

Kamara nakidalamhati sa trahedyang dinanas ng mga Pilipino sa Lapu-Lapu Day Festival sa Canada

Posted on: April 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaabot ng pakikiramay si Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipinong nasalanta ng trahedya sa Lapu-Lapu Day Festival sa Vancouver. Hinimok niya ang mga consular officials na tiyaking makakatanggap ng suporta ang mga biktima. Ayon kay Rep. Paolo Ortega, ang insidente ay hindi dapat sirain ang diwa ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

 

 

Local Absentee Voting Papalawakin

Posted on: April 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Target ng Comelec na palawakin ang sakop ng Local Absentee Voting (LAV) upang maisama ang mga manggagawa sa pribadong sektor tulad ng linemen at abugado. Ayon kay Comelec Chair George Garcia, tanging ang makakaboto sa itinakdang araw mula Abril 28 hanggang Abril 30 lamang ang makakaboto. Magsisimula ang botohan mula 8 AM hanggang 5 PM.

 

 

DOTr, ikakalat K9 units sa MRT-3 at LRT stations

Posted on: April 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Mas maraming K9 units ang ikakalat ng DOTr sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT matapos alisin ang mga Xray scanners para mapabilis ang daloy ng mga pasahero. Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, sinuri na ang mga bomb-sniffing dogs ng Philippine Coast Guard sa Clark, Pampanga. Kasabay nito, magkakaroon din ng AI-enabled CCTV cameras sa mga istasyon bilang bahagi ng seguridad.