INATASAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang National Food Authority (NFA) na simulan nang ilipat ang rice stocks sa Visayas bilang paghahanda para sa paglulunsad ng P20-per-kilo rice program. Kasunod ito ng pag-apruba ng Commission on Elections (Comelec) sa pag-roll out ng inisyatiba. Ang bigas ay manggagaling sa buffer stocks ng NFA, na umabot sa five-year high na 7.17 million 50-kilogram bags. Sa pinakabagong data, tumaas ito sa 7.56 million bags—sapat para sa 10 araw. Inaasahan ang paglipat mula Mindoro patungong Visayas, kabilang ang Cebu, Negros Island, Samar, at Leyte. Tiniyak ng DA ang kalidad ng bigas sa kabila ng kritisismong natanggap ng programa.