• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 28th, 2025

Sa first episode ng Summer Collab ng ‘Unang Hirit’: BOSS TOYO, ipinagmalaki ang bago at unique na private resort sa Bulacan

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIDA ang binansagang Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa kauna-unahang episode ng Summer Collab sa GMA morning show na Unang Hirit.
Masayang isinama ni Boss Toyo ang Unang Hirit hosts na sina Lyn Ching at Chef JR Royol sa Sta. Maria, Bulacan nitong Biyernes, April 25.
Dito ay ipinasilip ng vlogger-entrepreneur sa UH Barkada ang kaniyang bago at unique na private resort na kilala sa tawag na Casa Geng Geng.
Ilan sa makikita sa loob nito ay ang overlapping 5 feet swimming pool na para sa adults at isang pool na para naman sa mga bata.
Ayon kay Boss Toyo, swak na swak ngayong summer ang ipinadisenyo niyang overlapping pool para sa pagsu-swimming ng indoor at outdoor.
Mayroon din ditong mini videoke, basketball court, at pool table na pwedeng gamitin ng mga maga-outing kung sila ay mahilig sa billiards.
Bukod sa mga ito, may tatlong rooms din sa loob ng Casa Geng Geng na perfect sa pagtulog at pag re-relax ng guests.
Sa ilang parte ng live na pagpapasilip ng resort, mapapanood na masayang nakipagkwentuhan at nakipagkulitan si Boss Toyo kina Lyn at Chef JR.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 7.8 million followers si Boss Toyo sa Facebook.
(RUEL J. MENDOZA)

Ads April 28, 2025

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Thunder, ramdam na ang Western Conference semifinals sweep matapos talunin ang Grizzlies

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City Thunder sa isang 117-115 na panalo laban sa Memphis Grizzlies noong Sabado, Abril 26 kung saan ramdam na ng koponan ang 4-0 bentahe sa kanilang Western Conference first-round playoffs series. Nagdagdag si Jalen Williams ng 23 points para sa Thunder. Ang Oklahoma City ang kauna-unahang koponan na nakarating sa ikalawang round ng playoffs. Hindi nakapaglaro ang star guard ng Memphis na si Ja Morant dahil sa hip injury, ngunit nagpakita pa rin sila ng matinding pwersa, kabilang ang 30 points at 11 rebounds ni Scotty Pippen Jr. Gayunpaman, hindi pa rin nakapagtala ng panalo ang Memphis. “Their fight tonight was impressive,” ayon kay Thunder coach Mark Daigneault.

 

 

Kauna-unahang NBA jersey ni Bryant nabili ng $7-M

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIBENTA sa halagang $7-milyon o katumbas ng halos P400-M ang basketball jersey ng namayapang si Kobe Bryant. Ayon sa Sotheby’s Auction sa New York City, ang Los Angeles Lakers jersey ay kaniyang kauna-unahang isinuot sa pre-season at regular season. Nagamit niya ito sa pitong laro mula 1996-97 rookie season kabilang ang October 16 pre-season debut at noong Nobyembre 3 regular season debut noong 1996, gayundin sa kaniyang NBA media day. Ito na ang pang-apat na pinakamahal na gamit na naisuot ng isang atleta. Nangunguna rito ang jersey ng baseball star Babe Ruth na nabili sa halagang $24-M, jersey ni Michael Jordan noong 1998 NBA Finals na nabili sa $10.1 milyon, at ang damit ni soccer star Diego Maradona noong 1986 World Cup na nabili sa $9.3-M. Sa Bryant collectible, nalagpasan nito ang $5.85-M na halaga ng suot niya noong 2007-08 MVP season. Magugunitang pumanaw si Bryant, five-time NBA champion, sa edad na 41 noong Enero 2020 sa pagbagsak ng sinakyang helicopter kasama ang anak niyang si Gianna at pitong iba pa.

 

 

Pinas, pinapanatili ang One-China Policy sa gitna ng Taiwan travel shift

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng DFA na nananatiling nakatali ang Pilipinas sa One-China Policy kahit pinagaan ang travel ban ng ilang opisyal papuntang Taiwan. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, layunin ng bagong panuntunan ang pagtataguyod ng trade at investment habang sumusunod sa umiiral na patakaran. Ang bagong circular ay nagtatakda ng limitasyon sa mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga biyahe, maliban na lamang kung may pahintulot mula sa DFA.

 

 

Roque, pinag-aaralan na magbitbit ng kaso sa European Court of Human Rights para kay Duterte

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Plano ni dating presidential spokesperson Harry Roque na magsampa ng kaso sa European Court of Human Rights laban sa umano’y diskriminasyon sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ni Roque, may tradisyon sa Netherlands na hindi ikinukulong ang mga 80 taong gulang pataas. Naniniwala siyang dapat palayain si Duterte dahil sa age-based discrimination at lalabag ito sa European Convention on Human Rights.

 

 

56-anyos na dealer ng droga sa Valenzuela, huli sa buy bust

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nasamsam ang P231,200.00 halaga ng shabu mula sa isang 56-anyos na lalaki na nakilalang si alyas ‘Ron’ sa buy bust operation sa Valenzuela City. Ayon sa ulat, nahuli siya ng Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Coloong. Nakumpiska rin ang buy bust money, cellphone, at iba pang gamit. Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa R.A. 9165.

 

 

Pagdalo ni PBBM sa libing ni Pope Francis hakbang ng malalim na paggalang mula sa mga Pilipino

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican ay isang kilos ng malalim na paggalang sa ngalan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nirepresenta niya ang bawat Pilipino na nais maipaabot ang kanilang pagdadalamhati. Kasama ng Pangulo ang 170 world leaders sa libing na dinaluhan ng tinatayang 400,000 katao. Pagkatapos ng libing, nakita si Marcos na nakipag-usap kay US President Donald Trump at dating US President Joe Biden.

 

 

Call center agent na courier sa bentahan ng baril sa social media, laglag sa selda

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Isang call center agent na nagsisilbing courier ng baril sa social media ang inaresto sa Caloocan sa entrapment operation ng pulisya. Nakuha sa kanya ang M1 Garand rifle, anim na magazine, at buy bust money. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at Cybercrime Law.

 

 

4, arestado sa sinalakay na kompanyang nagbebenta ng mga imitasyong piyesa ng motor sa Caloocan

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Apat na kawani ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang kompanyang nagbebenta ng pekeng piyesa ng motorsiklo sa Caloocan. Nakumpiska ang 120 kahon ng imitasyong bearing na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5M. Sasampahan ng kasong paglabag sa Intellectual Property Code ang mga nadakip.