
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Patuloy ang pamamayagpag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa survey kontra sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Caloocan na si dating Senador Antonio Trillanes. Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations, 85% ng mga Batang Kankaloo na tinanong kung sino ang kanilang iboboto kung ngayon gaganapin ang halalan ang sumagot na suportado nila ang muling pagtakbo bilang alkalde ni Malapitan. Samantala, sadsad naman sa 10% ang nakuhang suporta ni Trillanes. Nito lamang Pebrero 2025, naglabas din ang SWS ng survey kung saan lagpak din ang trust ratings na nakuha ng dating Senador na negative 22 habang umalagwa naman si Malapitan na nakakuha ng positive 75 net trust rating.
NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon.
Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo ng luto ng noodles hanggang sa maayos na pagpupwesto ng mga ito sa mesa upang masigurong magtatagpo ang magkabilang dulo ng linya na sinimulan pasado alas-11 ng tanghali na ginanap sa Malabon Sports Complex, noong Marso 21, 2025.
Ang kaganapan ay nilahukan ng 12-bantog na mga panciteria sa lungsod na may kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon na dinarayo ng kanilang mga parokyano.
Ayon kay Mayor Jeannie, nilagpasan nila ang hawak na rekord ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na mayroon lamang 3,988 na linya ng mga mangkok ng noodles.
Sinabi pa niya na hindi lamang ang pagsungkit sa bagong rekord ang kanilang ipinagdiriwang kundi higit ang kanilang mayamang kultura, bantog na mga pagkain, at ang walang hangganang pagtutulungan at bayanihan na sumisimbulo at tumutukoy kung ano ang Malabon.
“Nais din po nating maitala ang Malabon sa mapa ng buong mundo bilang isang lungsod na mayaman sa sining ng pagluluto at nagawa po natin yan ngayong araw,” ani Mayora Sandoval.
Noon pa man ay bantog na, hindi lang sa mga karating lungsod at lalawigan ang Pancit Malabon kundi sa buong kapuluan, na dahilan ng pagdami ng mga panciteriang nagbebenta ng ganitong uri ng pagkaing na may mga sangkap na malalaki o maliliit na noodles, hinimay na tinapa, chicharon, red palm oil, kropek, paminta, fish sauce pusit, hipon, at kalamansi.
Pinangasiwaan ni Guiness adjudicator Sonia Ushirogochi ang naturang kaganapan na kanyang masusing sinuri ang mga pamamaraan at paghahanda bago kumpirmahin ang tamang bilang ng linya ng mga mangkok. (Richard Mesa)
HINIKAYAT ng mga mambabatas ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mental fitness check sa mga personnel nito kasunod na rin sa ipinakitang galit ng isang pulis nito kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Umapela rin sina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, chairman ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims’
Compensation, at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa PNP na palakasin ang recruitment process nitio.
Ang suhestiyon ay ginawa ng mga mambabatas kasunod na rin sa ulat ng lumabas na vlogs ni Pat. Steve Francis Fontillas ng Quezon City Police District (QCPD).
“Kasi kailangan talaga ‘yung I think the PNP has to make a very strong measure in determining the psychological capacity of all the recruits. Kasi of course bibigyan mo ‘yan ng baril, bibigyan mo siya ng responsibility,” ani Adiong.
Kaisa sa pahayag ng kasamahang Kaisa sa pahayag ng kasamahang mambabatasm sinabi naman ni Ortega na ang PNP, National Police Commission, at maging ang Armed Forces of the Philippines at iba pang kahalintuald na ahensiya na ikunsidera, bukod sa physical fitness ng mga recruits ang kanilang mental fitness.
“Nandyan naman na yung Napolcom eh… siguro it’s in within their best interest na sila naman po ‘yung nakatutok na rin po diyan, and sabi nga po natin yung may recruitment po dyan, Sabi ko nga, usually kasi po dyan ‘yung matibay po saka nakaka-last sa physical exam, nakaka-endure po dun sa physical side ng pagiging parte po ng kapulisan o ano man, Armed Forces,” ani Ortega.
Kinasuhan na ng QCPD ng administratibo si Fontillas. (Vina de Guzman)
MALAMANG na hindi na ituloy ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) ang
kanilang intensyon na muling magbigay ng unsolicited proposal para sa operasyon at pagmimintina ng Metro Rail Transit Line 3.
Ito ang naging pahayag ni MPIC chairman Manuel V. Pangilinan kung saan sinabi rin niya na ang kanilang proposal ay nag expired na.
“For me, we are unlikely to refile our submission to Secretary Vivencio Dizon. It is difficult to consider submitting again because no tariffs are being approved. Our company has submitted an unsolicited proposal for the MRT 3 O&M during the tenure of former Transportation Secretary Jaime Bautista,” wika ni Pangilinan.
Ang MPIC ay isa sa pangunahing sangay ng Philippine- unit ng Hong Kong based na First Pacific Co. Ltd kasama ang Philex Mining Corp. at PLDT Inc.
Noong nakaraang January ay sinabi ni Public-Private Partnership (PPP) Center
Executive Director Jeffrey Manalo na ang Department of Transportation (DOTr) ay tinanggihan ang mungkahi ng MPIC na isang unsolicited para sa MRT 3.
Dagdag ni Manalo na sinabihan na ng DOTr ang MPIC sa kanilang desisyon na
hindi nila binigyan ng konsiderasyon ang nasabing mungkahi at ito naman ay naaayon sa procedures na binigay ng PPP Code kasama ang mga implementing rules and regulations.
Taong 2024 ng inihayag ng DOTr ang kanilang plano na magkaron ng bidding
para sa O&M ng MRT 3 concession na dapat ay naganap noong unang quarter ng taon kasalukuyan.
Ang grupo ng Sobrepena na siyang pangunahing investor ng Metro Rail Transit Corp. (MRTC) na siyang namamahala sa O&M ng MRT 3 ay ibabalik na sa pamahalaan
ang operasyon ng MRT 3 ngayon darating na July upon expiration ng build-operate-transfer agreement sa pagitan ng MRTC at ng pamahalaan na pinangugunahan ng DOTr.
Dahil dito, ang pamahalaan ay nagbalak na isailalim ang pamamahala ng MRT 3
sa pribadong sektor bago pa man matapos ang kontrata ngayon tao.
Ayon naman sa DOTr ay kanilang masusing pinag-aaralan at nirerepaso pa ang mga privatization options para sa MRT 3 kung saan ang Asian Development Bank
(ADB) ay tumutulong sa kanilang pag assess kung kanilang itutuloy ang solicited o di kaya ay unsolicited approach para sa nasabing proyekto.“To date, PPP Center has not yet received any new/re-submission of the proposal that was returned by DOTr. We do know that DOTr is preparing for a solicited bid for the MRT 3 with the development studies being funded by the Project Development and Monitoring Facility managed by the
PPP Center, saad ni Manalo. (LASACMAR)
IDINEKLARA ng Malakanyang ang Abril 1, 2025 bilang regular holiday sa buong bansa.
Sa nilagdaang Proclamation No. 839 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idineklara ang Abril 1 bilang paggunita sa o Feast of Ramadan.
Ang proklamasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na idineklarang national holiday ang nasabing petsa.
Ayon kay Marcos, kailangang ideklara ang Abril 1 bilang isang regular holiday sa pagsasabing “to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness”.
Ang pagdiriwang aniya ay magbibigay daan din sa mga Pilipino na makiisa sa mga kapatid na muslim sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.