• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Caloocan LGU, nagbigay ng libreng medical at legal services sa mga PDL

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng mga libreng medical at legal services para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Caloocan City Jail.

Umabot sa 150 PDL ang nakinabang ng libreng dental at dermatological health services na isinagawa ng City Health Department (CHD) at ng Caloocan City Medical Center (CCMC), kabilang ang mga konsultasyon at libreng gamut na layuning protektahan at ihanda ang pisikal na kagalingan ng mga bilanggo, lalo na laban sa mga komplikasyon ngayong tag-init.

Nagpasalamat sa mga tauhan ng kulungan at city health workers para sa matagumpay na inisyatiba si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at muling iginiit na ang kanyang administrasyon ay nananatiling matatag sa pagtiyak na ang hustisya at karapatang pantao ay lubos na napoprotektahan.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa lahat ng mga tumutulong sa ating pamahalaang lungsod na bigyan ng kalinga ang ating mga PDL. Batid po natin na kasalukuyan man po silang naka-detain ngayon dahil sa kanilang mga kinakaharap, pinahahalagahan pa rin po natin ang kanilang mga karapatan at kalusugan bilang mga mamamayan,” ani Mayor Along.

“Pantay-pantay na pangangalaga po para sa ating mga mamamayan ang lagi nating tinitignan, ngunit tinitiyak din natin ang kapakanan at kalusugan ng mga nasa vulnerable sectors ang mas nabibigyan natin ng prayoridad matugunan ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag niya.

Samantala, nagbigay din ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Legal Department (CLD) ng libreng serbisyong legal sa mga babaeng PDL bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan.

Bukod dito, nakatanggap din sila ng food packs at hygiene kits.

“Pinasasalamatan ko po ang mga abogado natin mula sa CLD sa pangunguna sa isang makabuluhang aktibidad na nagbibigay ng pag-asa para sa ating mga kababayan lalo na ngayon na ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kababaihan,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Direct flights sa POGO related crimes, ipapatupad ng BI

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN ng ipagbabawal  ng Bureau of Immigration (BI) sa mga deportation flights na may kaugnayan sa POGO related crimes na mag – layovers ang  mga puganteng dayuhan.

Nakasaad sa BI Board of Commissioners Resolution No. 2025-002 na may petsang March 21, 2025, na lahat ng mga dayuhan na ipapa-deport na may kaugnayan sa POGO ay ilalagay sa direct flights sa kanilang bansa maliban kung walang direktang ruta mula sa PIliinas.

“This is unchartered territory since we started mass deportations  and arrests this year in compliance with President Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos’ declaration of a POGO ban,” ayon kay BI Commissioner Joel  Viado.

 “The discussions during senate hearings allowed us to hear other perspective that we have included in our discussions.  This is a firm step in strengthening our deportation procedures.  Removing direct flights for POGO-related foreign nationals would lower opportunities of them expanding their operations in other countries in the Asian region,” dagdag pa nito.

Ang hakbang na ito ay bunsod sa pagsusulong nina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian nang mas mahigit na panuntunan sa mga high-profile criminals para manitpulahin ang deportation protocols.

Pinasalamatan naman ni Viado ang mga mambabatas na tumulong sa  pagsulong ng repormang ito kaya nakipag-koordinasyon na rin sila sa Department of Justice (DOJ) at sa mga airlines at dayuhang embahada na ipatupad ang nabanggit na direktiba.

“Pinapakita ng polisiyang ito na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng transnational crimes at pagpapalakas ng seguridad ng ating bansa. Hindi natin papayagan ang mga dayuhang kriminal na samantalahin ang ating sistema. Ang ating mensahe ay malinaw—kung ikaw ay lumabag sa batas, sisiguraduhin namin na tuluyan kang mapapalabas ng Pilipinas nang walang pagkakataong mapalawak ang inyong sindikato,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)

Pilot test ng unified PWD ID system, ikakasa sa Hulyo-DSWD

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ikasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buwan ng Hulyo ang pilot test para sa unified persons with disability identification system.

Matatapat ito sa pagsisimula ng National Disability Rights Week.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for International Affairs and Attached Supervised Agencies Elaine Fallarcuna na ang pilot testing ay tatakbo mula July hanggang December 2025, kabilang ang 32 local government units sa buong bansa at saklaw ang 200,000 PWDs.

Inaasahan naman ang ganap na implementasyon sa 2026.

“For the last week of June, since there will be a 90-day period to develop the system, we will present it to the Secretary. And then hopefully, by the time that we will celebrate the National Disability Rights Week, the unified ID system will be launched,” ang sinabi ni Fallarcuna.

Layon ng inisyatiba ang masugpo ang paglaganap ng fake PWD IDs, P88.2 billion ang nawala sa buwis. Inanunsyo ito ng mga opisyal mula sa DSWD, National Council on Disability Affairs, at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang Philippine Information Agency press conference.

Binigyang diin ni Fallarcuna na ang inisyatiba ay naka-ayon sa commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang kapakanan ng mga PWD.

Sa bagong ID system, pagsasama-samahin ang mga advanced security feature gaya ng QR codes at pagkakaugnay sa Philippine Identification System para mapigilan ang unauthorized access sa mga benepisyo.

Ipakikilala rin nito ang self-registration feature at digital ID generation para sa streamlined processing.

Nagtatag naman ang NCDA ng isang Data Management Unit para pangasiwaan ang ID issuance.

Sa kabilang dako, binigyang diin naman ni BIR Commissioner Atty. Romeo Lumagi Jr. ang financial impact ng mapanlinlang na PWD IDs, binigyang-diin ang maling paggamit na hindi lamang mauuwi sa tax evasion kundi maging kawalang galang sa lehitimong PWDs.

Hinikayat naman nito ang mga establisimyento na iberipikang mabuti ang authenticity ng ID bago pa magkaloob ng discounts.

Sa ilalim ng batas, ang PWDs ay “entitled to a 20% discount on essential goods and services, including medical fees, transportation, and lodging.”

Ang maling paggamit ng mga nasabing benepisyo ay makaaapekto sa kita ng pamahalaan.

Upang suportahan ang implementasyon ng sistema, binuo ang isang technical working group para magplano o magbanghay ng Joint Memorandum Circular sa pagitan ng Department of the Interior and Local Government, DSWD, at Department of Health.

“The NCDA board approved the creation of the technical working group on the development of the policies in relation to the implementation of the unified ID system,” ang winika ni Fallarcuna.

Pangangasiwaan din ng grupo ang pag-amiyenda sa administrative order na magsisilbing gabay sa pagpapalabas ng PWD ID.

Layon ng mga hakbang na ito na ibalik ang integridad ng PWD ID system, tiyakin na hindi lamang eligible individuals ang makatatanggap ng benepisyo habang pino-protektahan ang government funds.  (Daris Jose)

Patuloy na pamumuhunan sa digital na teknolohiya, cybercops kailangan laban sa fake news at iba pang cybercrimes

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT maglaan ng mas malaking pondo ang pambansang gobyerno upang mapabuti ang kakayahan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas laban sa cybercrime, lalo na sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng cybercrimes tulad ng paggawa at pagpapalaganap ng fake news, ayon kay senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang mamuhunan sa teknolohiya at pagsasanay ng mga cybercops sa Pilipinas, dahil hindi na lamang sa mga tahanan at lansangan nagaganap ang krimen, kundi pati na rin sa cyberspace.

Ibinahagi rin niya ang datos mula sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG): “There was a time na ang biggest crime natin was theft. Historically it was theft, but it was overtaken by cybercrimes.”

Sa kaso ng pagpapalaganap ng fake news, inalala rin ni Abalos ang pagkakataon kung saan kanyang ipinatawag ang Philippine National Police (PNP) upang beripikahin ang isang social media post tungkol sa diumano’y naganap na pagnanakaw sa Quezon City, na nagbigay ng masamang impresyon sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Lumabas sa imbestigasyon na ang nasabing pagnanakaw ay nangyari pito (7) taon na ang nakalilipas, ngunit pinalabas ng nag-upload na ito ay bagong insidente.

Dahil dito, binigyang-diin ni Abalos na dapat pagtuunan ng pansin ng pambansang gobyerno hindi lamang ang pagpapabuti ng teknolohiyang magbibigay ng kalamangan sa mga tagapagpatupad ng batas laban sa mga cybercriminal, kundi pati na rin ang pagsasanay ng mga eksperto sa digital na teknolohiya.

“Right now what is important, ibaba hanggang sa level ng bawat city, bawat munisipyo yung technological expertise nito. Ang problema natin ngayon is that yung unit na ito, mga pulis. So, dapat magkaroon ng non-uniformed personnel na i-train ng husto at i-update sa technology. So, if ever talagang dapat pondohan ito para yung response hindi lamang sa Crame, hanggang doon sa pinakababa,” saad ni Abalos sa isang press briefing matapos ang campaign sortie ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas campaign rally sa Cavite.

Bagama’t may mga kasalukuyang hakbang na ginagawa para rito, sinabi ni Abalos na kinakailangan ng isang maaasahang sistema ng suporta sa badyet upang maisakatuparan ito. Ipinangako niyang ito ay magiging isang priyoridad sa Senado, dahil hawak ng Kongreso ang kapangyarihan sa paglalaan ng pondo.

“Actually ginagawa na nila ‘yan inuunti-unti pero ang hirap biglain lahat ito. It should be a continued development program na pwedeng pondohan ng husto,” saad ni Abalos.

“And definitely it is right na ngayon nangyayari that the laws are catching up with technology. ‘Yun ang nangyayari. Sa bilis ng teknolohiya our laws but must catch up with them,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)

Creative economy ng Pinas, lumago ng P1.94T noong 2024, tumaas ng 8.7%

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKALIKHA ang creative industries ng Pilipinas ng P1.94 trillion na halaga ng kontribusyon sa ekonomiya ng bansa noong 2024.

Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa katunayan, sa preliminary data mula sa PSA, makikita na ang domestic creative economy ay lumago ng 8.7% noong nakaraang taon mula sa P1.78 trillion noong 2023.

Bilang porsiyento ng gross domestic product (GDP), ang local creative economy ay nakapag-ambag ng 7.3%.

Sinabi ng PSA na ang creative economy ay binubuo ng sumusnod na industriya:

Audio at audiovisual media activities

Digital interactive goods at service activities

Advertising, research and development, at iba pang artistic service activities

Symbols and images at iba pang kaugnay na aktibidad

Media publishing at printing activities

Music, arts at entertainment activities

Visual arts activities

Traditional cultural expression activities

Art galleries, museums, ballrooms, conventions and trade shows, at kaugnay na aktibidad

“Among these creative industries, symbols and images and other related activities accounted for the largest share at 33%, or P640.29 billion, of the total creative economy in 2024,” ang sinabi ng PSA.

Sinundan ito ng Advertising, research and development, at iba pang artistic service activities na may 21.4% share.

Nakapag-ambag naman ang digital interactive goods at service activities ng 20.6%.

Samantala, sinabi ng PSA na ang employment sa creative industries ay tumaas ng 7.51 million noong 2024 mula 7.23 million noong 2023, tumaas ng 3.9% year-on-year.

“The share of employment in creative industries to the total employment in the country was 15.4% in 2024,” ang sinabi ng PSA.

Idinagdag pa ng PSA na ang tradisyonal na cultural expression activities ay nakapagrehistro ng pinakamataas na share ng kabuuang employment sa creative industries na 36.6% noong 2024.

Sinundan ito ng mga ‘symbols and images at iba pang kaugnay na aktibidad na accounted para sa 29.5%; habang ang advertising, research and development, at iba pang artistic service activities ay naghati sa 17.9%.

Winika ng PSA na ang data sa creative economy ay base sa resulta ng pilot study na ginawa ng technical staff.

“Since the methodology is still being refined, the results are considered preliminary. The PSA intends to institutionalize the compilation of the Philippine Creative Economy Satellite Account subject to the approval of the PSA Board and provision of budgetary support from the national government,” ang sinabi ng PSA.

May payo sa controversial director na si Darryl: Sen. IMEE, inamin na matagal na silang ‘di nag-uusap ni PBBM

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA presscon ng ‘Pandesal Forum’ na ginanap sa Kamuning Bakery Cafe na hino-host ni Wilson Lee Flores, inamin ni Senator Imee Marcos na matagal na silang hindi nagkakausap ng kapatid na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Hindi na kami nag-uusap, matagal na… Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap,” pahayag ni Sen. Imee na muling tumatakbo bilang senador.
Ayon pa kay Sen. Imee, wala siyang hinanakit kay PBBM sa hindi pagbanggit ng kanyang pangalan sa Alyansa rally sa Cavite noong Biyernes.
“Ayos lang sa akin.  Wala namang problema doon.  Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague.  Unahin natin ang pagtanggol sa ating soberanya, kaysa sa pulitika’t kampanya,” tugon ng butihing senadora.
Ang senador ay isang matibay na tagapagtanggol ng dating pangulo, na ang pag-aresto sa isang warrant ng International Criminal Court para sa umano’y labag sa batas na pagpatay na ginawa noong kanyang giyera sa droga ay ipinatupad ng administrasyong Marcos.
Sa Alyansa rally sa Laguna noong Sabado, ay tinanggal din ng Pres. Bongbong si Sen. Imee sa kanyang panawagan para sa suporta ng publiko para sa Senate slate ng administrasyon.
Samantala, natanong din siya tungkol sa hinaharap na two counts of cyberlibel ni Direk Darryl Yap na nag-ugat sa teaser trailer ng ’The Rapist of Pepsi Paloma’ na kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Ang payo naman lang niya sa kontrobersyal na direktor, “well, ito si Darryl, ‘di maawat eh! Kaya eto, mag-ingat na lamang.
“Mautak naman ‘yun dahil alam kong kaya niyang labanan ‘yun sa korte.  At ipakita kung ano talaga ang nararapat.”
Hindi na nga natuloy ang part three ng ‘Maid in Malacañg’ na may title na ‘Mabuhay, Aloha, Mabuhay’, na sa pagtatapos ng part two ay pinakita na si Aga Muhlach ang gaganap na PBBM at si Eula Valdes naman si Sen. Imee.
Update naman niya tungkol dito, “hindi nga malaman kung ano ang ending eh!”
Oh well, abangan na lang natin kung matutuloy pa ito dahil sa ngayon ay malabo na talaga itong mangyari.
(ROHN ROMULO)

‘Salum’ at ‘Champ Green’ waging-wagi  sa Puregold CinePanalo 2025: KHALIL, panalong Best Actor ka-tie si JP at si RUBY ang Best Actress

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG Hiligaynon full-length film na ‘Salum’ sa direksyon ni TM Malones at Mindanaoan short film na ‘Champ Green’ ay waging-wagi sa ikalawang edisyon ng wildly successful na Puregold CinePanalo Film Festival.
 Sa awarding ceremony, na ginanap noong Marso 19 sa The Elements, Eton Centris sa Quezon City, nag-uwi ang ‘Salum’ ng apat na Puregold CinePanalo trophies sa full-length category na: Panalong Pelikula, Panalo sa Production Design, Panalo sa Sound Design, at Panalo sa Musical Scoring pati na rin ang cash prize na PhP 250,000.  Samantala, nakatanggap naman ng PhP 100,000 cash prize at limang tropeo ang ‘Champ Green’ sa student shorts category kabilang ang Panalong Maikling Pelikula, Panalong Pangalawang Aktor para sa Sol Eugenio, Panalo sa Kwento, Panalo sa Brand Intrusion, at Mowelfund Special Citation.
Sa full-length category, another Hiligaynon film ‘Tigkiliwi’ nabbed seven trophies including Panalong Karangalan Mula sa Hurado and Panalo sa Kwento for its writer-director Tara Illenberger.
Wagi tin sa acting awards categories ang movie, nakuha nito ang Panalong Aktres para, kayRuby Ruiz, at Panalong Pangalawang Aktor naman si Jeffrey Jiruma.
Sa isang kawili-wiling turn of events, dalawang ties ang idineklara sa awards night.  Ang Panalong Aktor trophy ay ibinahagi sa pagitan ni JP Larroder bilang Tata ni Tigkiliwi, at Khalil Ramos bilang titular na Olsen sa Olsen’s Day habang parehong idineklara ang Journeyman at Olsen’s Day bilang mga nanalo sa kategoryang Panalo sa Cinematography.
Samantala, nakuha naman ni JP Habac ng Olsen’s Day ang Panalong Direktor award.
Narito ang complete list of winners:
FULL LIST OF WINNERS:

Pinakapanalong Pelikula
Full-Length: Salum (TM Malones)
Student Shorts: Champ Green (Clyde Cuizon Gamale)

Puregold Always Panalo Film
Full-Length: Journeyman (Christian Paolo Lat & Dominic Lat), Fleeting (Catsi Catalan)
Student Shorts: Sampie, (Ira Corinne Esquerra Malit)

Panalong Direktor
Full-Length: JP Habac, Olsen’s Day
Student Shorts: Vhan Marco B. Molacruz, Uwian

Panalong Aktres
Full-Length: Ruby Ruiz as Nay Pansay, Tigkiliwi
Student Shorts: Geraldine Villamil as Remy, Uwian

Panalong Aktor
Full-Length:
Khalil Ramos as Olsen, Olsen’s Day
JP Larroder as Tata, Tigkiliwi
Student Shorts:
Lucas Martin as Sam, SamPie
Jasper John as Juan Dela Cruz, Dela Cruz, Juan P.

Panalong Karangalan Mula sa Mga Hurado
Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger)
Student Shorts: Dela Cruz, Juan P. (Sean Rafael A. Verdejo)

Panalo Sa Mga Manonood
Full-Length: Co-Love (Jill Singson Urdaneta)
Student Shorts: Sisenta! (Mae Malaya)

Panalong Pangalawang Aktres
Full-Length: Gabby Padilla as Marlin, Tigkiliwi
Student Shorts: Uzziel Delamide as Imang, Uwian

Panalong Pangalawang Aktor
Full-Length: Jeffrey Jiruma as Pol, Tigkiliwi
Student Shorts: Sol Eugenio as Tekbong, Champ Green

Panalong Ensemble
Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger)
Student Shorts: Sine-Sine (Roniño Dolim)

Panalong Kwento
Full-Length: Tara Illenberger, Tigkiliwi
Student Shorts: Clyde Cuizon Gamale, Champ Green

Panalo sa Cinematography
Full-Length:
Dominic Lat, Journeyman
Kara Moreno, Olsen’s Day
Student Shorts: Lance Lascano, Dan, En Pointe

Panalo sa Production Design
Full-Length: Kyle Fermindoza, Salum
Student Shorts: Andrea Jayne Perang, Uwian

Panalo sa Musical Scoring
Full-Length: Armor Rapista, Salum
Student Shorts: Len Calvo, Uwian

Panalo sa Editing
Full-Length: Vanessa Ubas de Leon, Co-Love
Student Shorts: Jose Andy Sales, G!

Panalo sa Sound Design
Full-Length: Fatima Nerikka Salim and Immanuel Verona, Salum
Student Shorts: Elian Idioma, Dela Cruz, Juan P.

Panalong Awitin
Full-Length: “DI KO PINILI” by Kiko Salazar, performed by Chie, Co-Love
Student Shorts: “Suga, Camera, Saad” by Jonathan Rey Sartorio and Lloyd Martin Villacortes Arce, performed by Jonathan Rey “ROTT” Sartorio, Sine-Sine

Panalo sa Brand Intrusion
Full-Length: Journeyman (555 Sardines and Lucky Me!)
Student Shorts: Champ Green (Bear Brand), G! (Chuckie)

Panalo sa Film Poster
Full-Length: Journeyman by Christian Paolo Lat and Dominic Lat
Student Shorts: Checkmate by Alexie Nicole Pardo

Pinakapanalong Promosyon ng Pelikula
Student Shorts:
Checkmate by Alexie Nicole Pardo
Taympers by Naiah Nicole Mendoza

Responsableng Paglikha
Full-Length: Journeyman
Student Shorts:
1. Dan, En Pointe by Adelbert Abrigonda
2. Sine-Sine by Roniño Dolim
3. 1… 2… Strike!!! by Kenneth Flores

Mowelfund Special Citation
Full-Length: Olsen’s Day
Student Shorts: Champ Green

Panalo sa International Jury
Journeyman by Christian Paolo Lat and Dominic Lat

(ROHN ROMULO)

Nawala na ang gana kahit may nag-iimbita pa rin: GABBY, minsan nang nangarap na maging mayor pero ‘di pinalad

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY mga taga-showbiz na nagkandarapa sa pulitika at yung ilan sa kanila ay ginamit ang pagiging artista para lang sa ambisyon na maging pulitiko.
Never say die pa ang drama ng ilang taga-showbiz. Kumbaga kahit makailang beses na natalo ay hindi mapigilan ang mga ito sa pagtakbo tuwing eleksiyon.
Pero iba naman ang isang Gabby Concepcion na minsan nang pinangarap ng aktor na pasukin ang mundo ng pulitika. Matatandaang noong 1988 ay kumandidato sa pagka-mayor ng San Juan si Gabby pero hindi pinalad ang aktor.
“Politics was actually a dream once upon a time. Pero hindi ko tinuloy because I didn’t find the urge. Many are still inviting me to run.
“But politics is very sensitive. Mas gusto ko ang tahimik na buhay,” lahad pa ng aktor.
Animnapung taong gulang na ngayon ang aktor.
Dagdag pa ng ama ni KC Concepcion na hindi niya kailan man naranasan ang tinatawag na mid-life crisis, “I want to experience that because I don’t know what that feels. Somebody needs to explain to me what mid-life crisis is in a nutshell. I take things lightly.
“I always remember what my father told me, ‘Nandiyan ka na lang din, galingan mo na.’ I am not always successful but I try.”
Ayon pa rin kay Gabby ay  ginagawa raw niya at talagang sinisikap niya ang anumang kaya niyang gawin para kayanin ang lahat ng mga hamon sa buhay.
“Anything can happen to me. I can talk about all the good things about health but there is always something that can happen, life is short. We need to do the best while we have the time. We don’t have to regret one day and tell ourselves, ‘I should have done this.’
“And if you will love somebody, loving is a part of life. We need to feel that. If something happens, that’s all part of the cycle. You have to enjoy the moment. Be happy, always be happy,” seryosong pagkukuwento pa ni Gabby.
***
SPEAKING of politics, puring-puri naman kami sa 3rd nominee ng A-Teachers partylist na soon to be congresswoman na si Virginia (Virgie) Rodriguez.
Maam Virgie started out as a news reporter until becoming a philantropist who has several advocacies.
Isa sa adbokasiya niya ay para sa batang kulang sa timbang .. Nais niyang magkaroon ng tuloy tuloy na “feeding program nang sa ganun ay walang kabataang pinoy ang magugutom.
Ang A-Teacher na kung saan ang first nominee ay si Cong. Juliet na nagsulong nG K-12 para maiangat ang antas ng kaalaman ng mga kabataang mag-aaral.
Ang second nominee naman ay si Cong. Ed na bihasa naman sa fishery.
Si Cong. Virgie naman ay para sa agriculture na nag-aral pa sa abroad para sa sinasabi niyang organic feltizer na kung saan malaki raw ang maitulong para maipababa ang presyo ng pagkain.
Samantala dahil sa mga advocacy ni Cong. Virgie, kaya isa sa binigyan ng parangal si sa 38th Star Awards for TV.
(JIMI C. ESCALA)

Eraserheads’ Concert and New Song, announces at the end credits of ‘Combo on the Run’ 

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

The world-renowned Filipino rock band, Eraserheads are together again, this time on big screen with the long-awaited documentary film, titled Eraserheads: Combo On The Run, that chronicles the staging of their 2022 Huling El Bimbo reunion concert in Manila.

Directed by acclaimed filmmaker Maria Diane Ventura, Eraserheads: Combo On The Runis premiered in Philippine cinemas for one weekend only, (last March 21 to March 23, 2025 with over 150 screenings nationwide).

The film offered an accurate and deepest look at the relationship between members Ely Buendia, Raymund Marasigan, Marcus Adoro, and Buddy Zabala, as they come together to provide reprieve to an entire nation during a time of political divisions and uncertainties while, perhaps unknowingly, embarking on a journey of healing themselves.

According to Ventura in her interview, the film is “much more than a portrayal of a band’s breakup and the proverbial clash of egos,” but an important piece of work that captures the band’s unflinching honesty and untold story behind the curtains.

“This is a comprehensive deconstruction of the band’s mythology, humanity, complex relationship, and the lasting mark they left on Filipino culture — one that transcends generations and differences.

“Each interview revealed new layers and complexities, which found us constantly reframing to deepen the narrative. This would probably be my first and last documentary. An exception only for the Eraserheads, who I owe my career trajectory to and who, objectively, I think is the greatest Philippine artist, with Ely as the best songwriter of all time. This was my way of thanking them by upholding their legacy.”

Eraserheads: Combo On The Run is slated as the first Philippine documentary to be screened in Dolby Atmos, a cutting-edge audio technology known for its most immersive sound experience.

Fans who have stayed until the end credits of the docu-film were treated to an electrifying surprise, the announcement of an upcoming concert aptly titled ERASERHEADS: ELECTRIC FUN MUSIC FESTIVAL, the outdoor event will take place at SMDC Festival Grounds in Pasay City on May 31, 2025.

In a talkback panel after a special advanced screening of the documentary ‘Eraserheads: Combo on the Run,’ the 54-year-old musician and frontman of the band revealed, “By this time I think, tama na yung reunion-reunion na yan, wala nang huling-huling el bimbo, we’re here to stay…Until we decide to break up again, that is.” ⁣

Details will soon be release, but early bird tickets will go on sale exclusively via PalawanPay starting March 29, 2025.

The band also teased a brand-new song in the end credits. If confirmed, this would mark the Eraserheads’ first new material in over a decade, following 2014’s “Sabado” and “1995,” which were later reissued on limited-edition vinyl with exclusive remixes in 2021.

Eraserheads: Combo On The Run is brought to you by Dvent Pictures and WEU and distributed by Warner Bros, and we hope that there will be another weekend for those who missed this amazing and much watch docu-film.

(ROHN ROMULO)

Worry na ‘di maibigay ang 100% tulad kina Zia at Sixto: MARIAN, inamin na gusto ni DINGDONG ng isa pang anak 

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na pagdating sa pagkakaroon ng baby number 3, ang mister niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay gusto pa raw talaga nito.
“Gusto niya eh,” natatawang sabi niya sa interview sa kanya ni Karen Davila.
“Gusto pa niya eh, sabi niya, Please one more, one more. So, nando’n ako sa 50-50 ko ngayon dahil gusto ko na marami talagang anak.”
Ever since naman, dahil solong anak ng mga magulang, sinasabi na ni Marian na gusto niya ng maraming anak. Pero ang worry niya lang daw, baka hindi na niya maibigay ang 100% niya gaya sa mga anak na sina Zia at Sixto.
“Sabi ko nga kay Dong, gusto ko ng maraming anak but iniisip ko kaya ko bang ibigay ‘yung 100 percent ko sa inyong lahat? Kasi dalawa ‘yung anak ko, si Dong, ako. Ngayon, kung mag-be-baby pa uli ako, kaya ko bang hatiin ‘yung katawan ko na lahat kayo ay magagampanan ko nang 100 percent?”
Wala raw sa plano nila ang third baby, kahit humihirit pa si Dingdong, naiintindihan naman daw nito kung ano lang ang kaya niya.
“Sabi ni Dong, kung ano ‘yung nasa puso mo, hindi kita pipilitin but if you will ask me, I want one more. Kala mo naman ang dali magbuntis,” sey niya.
Napakagandang lahi ng dalawa kaya kung magkaka-baby number 3, ang bongga. Pero yun lang, this year ay may naka-plan na bagong serye na gagawin si Marian kaya paano nga ba?
***

VERY proud si Attorney Annette Gozon-Abrogar sa bagong GMA original series with VIU, ang suspense drama na “Slay” at pinagbibidahan ng apat na Kapuso Young actresses na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega at Julie Anne San Jose.

Kasama rin si Derrick Monasterio na hindi na rin naman secret, pero ang iikot sa kanya ang kuwento dahil sa mystery kung sino ang posibleng pumatay sa kanya sa apat.
Proud si Ms. Annette sa bagong original series na ito ng network na ayon din dito, merong dalawang ending. Kaya kahit na mapanood na ito sa VIU, sa GMA ay ibang ending daw ang ipapakita nila.
Bukod sa apat na Kapuso girls, special mention ni Ms. Annette si Derrick na isa raw rebelasyon.
Naaliw naman kami kay Derrick nang hingan ng reaksyon sa papuri sa kanya ni Ms. Annette.
Ayon kay Derrick, “Well, dati, nung tinatawag akong hindi ako marunong umarte, ganun, parang di pa rin talaga nagsi-sink in. ‘Di pa rin talaga maayos. Parang sabi ko, ‘Ganun lang.’
Parang hindi ko siya sinasapuso.
“Ang sarap sa feeling nun kasi, 15 years dito sa business, first time kong makarinig ng ganun na talaga sa acting.
“Kasi dati sa singing, sa rampa-rampa, sa acting, sarap sa feeling.”
Binigyan din ng credits ni Derrick ang girlfriend na si Elle Villanueva sa mga positibo raw na nangyayari sa buhay niya. Talagang naiga-guide raw siya nito sa tamang values.
Napapanood na ang “Slay” sa GMA.
(ROSE GARCIA)