• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Single parent, PWD prayoridad ng Mayoralty bet sa Pasig

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pasig City Mayoralty bet Cezarah Rowena “Ate Sarah” Discaya na bibigyang-prayoridad niya ang karagdagang tulong para sa mga single parents at sa mga pamilyang may anak na may mental health conditions.

Ang paniniyak ay ginawa ni Discaya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo publiko sa mga persons with disability (PWD).

“Mahirap ang buhay ngayon. Kung ang mga regular na pamilya ay hirap sa taas ng bilihin, mas lalo na ang mga single parents na solong nagpapalaki ng anak, at ang mga magulang na may anak na may kondisyon tulad ng ADHD at autism,” ani Discaya.

Personal aniyang ramdam ang pangangailangan ng mga ADHD dahil mismong ang kanyang apat na anak may mental health conditions.

Sakaling mahalal, isusulong ni Discaya ang mas malaking medical assistance at serbisyo para sa mga batang may mental health challenges gayundin  din ang karagdagang benepisyo para sa mga single parent, kabilang ang mas mataas na diskwento sa mga pangunahing bilihin.

Barko ng PCG, hindi naharang ng Chinese Coast Guard

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naharang ng Chinese Coast Guard (PCG) ang dalawang barko Pilipnas sa Bajo de Masinloc na sumasalungat sa pahayag ng isang maritime expert, paglilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG).

Paliwanag ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources vessels ay naka-station dahil naghahatid sila ng fuel subsidies sa 26 Filipino fishing boats sa lugar.

Sa kanyang X, sinabi ni dating US Air Force official at defence attache Ray Powell na hinarang ng dalawang Chinese Coast Guard ang BRP Bagacay at BRP Datu Pagbuaya habang karagdang Chinese maritime militia ships ang bumuo ng blosking positions.

Gayunman, iginiit ni Tarriela na ang mga Filipino vessels na nanatili sa kanilang posisyon upang tulungan ang mga local na mangingisda.

Bagama’t walang nangyaring harassment, sinabi ng PCG na ang Chinese maritime militia ay muling naglagay ng floating barriers upang harangin ang mga Pilipinong mangingisda sa pagpasok sa Bajo de Masinloc. (Gene Adsuara)

Navotas Convention Center, bukas na

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN at pinabasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco at iba pang mga opisyal ang apat na palapag na Navotas Convention Center, noong Lunes, Marso 24. Ang kaganapan ay sinaksihan ng mga basketball superstars mula PBA na sina Paul Lee at Mark Barroca ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots; Marcio Lassiter at Chris Ross ng San Miguel Beermen; at Edgar Charcos, Jake Pascual, at legendary center Asi Taulava ng NLEX Road Warriors. (Richard Mesa)

Clippers, bumagsak sa 7th place matapos patumbahin ng top NBA team

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Los Angeles Clippers forward Paul George, center, shoots as San Antonio Spurs forward Keldon Johnson, right, defends during the first half of an NBA basketball game Sunday, Oct. 29, 2023, in Los Angeles. (AP Photo/Mark J. Terrill)

BIGO ang Los Angeles Clippers na umusad sa No. 6 sa Western Conference matapos itong patumbahin ng top NBA team – Oklahoma City Thunder.

Pinilit ng Clippers na bumangon sa 2nd half ng naturang match mula sa malamiyang 2nd quarter ngunit mahigpit na pinigilan ng OKC ang comeback effort ng koponan.

Tuluyang tinapos ng OKC ang laban sa score na 103 – 101, tangan ang dalawang puntos na kalamangan sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na kumamada ng 26 points.

Hindi naman umubra ang 25 points at sampung rebounds ng NBA champion na si Kawhi Leonard na ibinabad ng 40 mins sa hardcourt.

Dating nasa pang-pitong pwesto ang LAC bago ang naturang laban ngunit tuluyan itong pinalitan ng Minnesota Timberwolves, hawak ang win-loss record na 41 – 31.

Kung naipanalo sana ng Clippers ang naturang laban, mapapahanay na ito sa Golden State Warriors sa No. 6 (41 – 30).

Sa kasalukuyan, hawak ng OKC ang pinakamagandang record (59-12) at No. 1 sa West.

Sinusundan ito ng Houston Rockets, Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Memphis Grizzlies, at GS.

Ads March 26, 2025

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Santo Papa, nagpasalamat sa kanyang paggaling

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT  ang Kanyang Kabanalan Francisco sa lahat ng nagdasal at nagpaabot ng mensahe sa kanyang dagliang paggaling.

Sa Angelus ng Santo Papa,  binigyang diin nito  ang mahigit isang buwang pananatili sa Gemelli Hospital sa Roma ay oportunidad na maranasan ang mapagkalingang pag-ibig ng Diyos lalo na sa mga may karamdaman.

Ayon kay Pope Francis sa pamamagitan ng mga doctor at healthcare workers na walang kapagurang tumutugon sa pangangailangang medical ng mga maysakit ay naipapamalas sa lipunan ang habag at awa ng Diyos na dapat maipadama sa mga may karamdaman.

“In this long period of my hospitalization, I have had the opportunity to experience the Lord’s patience, which I also see reflected in the tireless care of the doctors and healthcare workers, as well as in the care and hopes of the relatives of the sick. This trusting patience, anchored in God’s unfailing love, is indeed necessary in our lives, especially when facing the most difficult and painful situations,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Aniya bukod sa pagbibigay pag-asa sa mga maysakit na gumaling sa karamdaman ang pagsisikap ng mga medical professionals ay nagdudulot ng pag-asa sa kaanak at kasamang nangangalaga sa mga may karamdaman.

Iginiit ni Pope Francis na ang kanyang karanasan sa dakilang pag-ibig ng Diyos habang nagpapagaling sa pagamutan ay dapat maranasan at matuklasan ng tao lalo na sa mga panahong nahaharap sa matinding pagsubok ng buhay.

Kahapon ay nagpakita sa publiko ang santo papa sa balcony ng Gemelli sa kauna-unahang pagkakataon matapos maospital noong February 14 at nagbigay ng kanyang pagbabasbas bago tumungo sa Basilica of Saint Mary Major at nag-alay ng bulaklak at panalangin sa Mary Salus Populi Romani. (Gene Adsuara)

NIA, LMP nakatakdang magsanib-puwersa para sa BBM rice sale expansion sa Abril

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magsanib-puwersa ang National Irrigation Administration (NIA) at League of Municipalities of the Philippines (LMP) para sa pagpapalawak ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) rice sale sa bansa.

Layon ng pagsasama ay gawing accessible ang BBM rice sa mas maraming filipino alinsunod sa food security at affordability targets ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang BBM rice, nagmula sa lokal na pag-aani ng mga magsasaka sa ilalim ng contract farming ng NIA, ay ibinebenta sa halagang P29 per kilogram sa vulnerable sector kabilng na sa mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.

Sa ulat, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na target ng NIA na makakuha ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang LMP sa second quarter.

“End of April po ang target namin. Ayusin po namin [ang] mechanics,” ayon kay Guillen.

Base sa inisyal na MOA draft na ibinahagi sa PNA, kapwa inaasahan ng magkabilang partido na tiyakin ang “sustainable mechanism” para sa food security sa pamamagitan ng pagbili, paggiling at distribusyon ng bigas.

Ang NIA ang ‘in charge’ sa pagbili ng fresh palay mula sa accredited irrigators’ associations (IAs); paggiling ng bigas; at tiyakin na matatag ang suplay para sa municipal local government units (MLGUs).

Para naman sa LMP, tutulungan nito ang MLGUs na maghanda at magpartisipa sa pagbili at pagbebenta ng BBM rice, at maging ang makipag-ugnayan sa kanilang accredited cooperatives para sa mas malawak na retail sales at abnot-kayang price levels, bukod sa iba pa.

“Kung tutulong po ang LMP, isipin po natin sana lahat ng palengke sa ating bansa pwede mong i-access iyan [BBM rice],” ang sinabi ni Guillen.

Sa ngayon, may 25 million kilograms (25,000 metric tons) ng palay na naani sa ilalim ng contract farming ang nagiling na.

Tinatayang, may 4 million consumers mula 217 munisipalidad sa bansa ang nakinabang mula sa BBM rice sale, ayon sa NIA. (Daris Jose)

Kadiwa ng Pangulo, malapit ng itayo sa ilang NHA housing projects

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT nang itayo ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores sa ilang housing projects ng National Housing Authority bilang bahagi na gawing mas accessible ang mga murang pagkain.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang KNP program ay hindi lamang isang inisyatiba kundi isang konkretong aksyon bilang tugon sa kasalukuyang ‘agricultural at economic challenges.’

“I am pleased to witness another milestone in the Kadiwa ng Pangulo program, expanding its reach to more Filipinos and reinforcing our commitment to food security, affordability, and accessibility,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

Sa ulat, lumagda ang NHA at DA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.

Pinangunahan mismo nina NHA Gen. Manager Joeben Tai at Agri Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. ang isinagawang paglagda ng kasunduan na layong palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.

“This memorandum of understanding between the Department of Agriculture and the NHA represents a crucial step in integrating food security into housing communities,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

“Providing homes is essential, but true community development goes beyond shelter. It must also include sustainable food systems, livelihood opportunities, and economic stability,” dagdag na wika ni Tiu Laurel.

Binigyang-diin naman ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.

“This is our way of helping residents in NHA housing projects improve their daily lives. The MOU also aims to enhance the livelihoods of our farmers,” ang sinabi ni Tai.

Sa ilalim ng MOU, tutulungan ng DA ang NHA na tukuyin ang mga lugar para sa KNP site establishment at bigyan ang housing body ng technical at logistic support. (Daris Jose)

Malabon LGU, naghandog ng ‘Libreng Sakay’ para sa 3-araw na transport strike

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHANDOG ang Lokal na Pamahalaan ng Malabon ng walong sasakyan para sa deployment ng libreng sakay upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga commuter sa tatlong araw na transport strike na idinaos ng isang transport group sa bansa mula Marso 24-26.

“Sa mga panahong tulad nito na may transport strike at inaasahang mababawasan ang mga bumabiyaheng sasakyan ay atin pong inihanda ang  Libreng Sakay, upang masiguro na walang maaapektuhan na mga Malabueñong manlalakabay at masiguro ang kanilang kapakanan. Atin pong inaanyayahan ang lahat na agad na makipag-ugnayan sa amin kung may emergency o ibang pang tulong na kailangan,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

Kabilang sa mga sasakyang ipinakalat ay 1 bus, 1 APV, 2 L300 Van, 1 truck, at 1 sports utility vehicle (SUV) mula sa General Services Department, 1 Troop Carrier mula sa MDRRMO at 1 tow truck mula sa Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO).

Sinabi ng PSTMO na ang mga sasakyan ay ipapakalat sa mga lugar na higit na maaapektuhan at kung saan iuulat ang mga insidente ng mga stranded na pasahero.

Magtatalaga din umano ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police-Malabon ng mga tauhan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para sa pagmomonitor at pagbibigay ng seguridad sa mga residente.

Samantala, magsasagawa rin ng monitoring ang mga barangay officials sa kanilang mga lugar at magpapakalat ng mga available na sasakyan kung kinakailangan.

Sinabi ng PSTMO na titiyakin din ng mga miyembro ng Malabon Jeepney Transport Services (MAJETSCO) na 60 modernong jeepney ang iikot sa lungsod habang ang mga driver at operator ng mga tricycle at minibus ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

Ibinahagi rin nito na ang lungsod ay hindi naapektuhan ng huling apat na transport strike na ginanap ng magkakaibang transport groups noong nakaraang taon.

“Sikisikap po nating hindi mahirapan ang mga manlalakabay sa kanilang pagpunta sa kanilang paroroonan sa loob ng ating lungsod. Paalala po sa lahat na tayo, ang pamahalaang lungsod, ay naririto upang umalalay sa inyo,” pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Si Adolf Hitler daw ang katulad ng dating Pangulo… Paghahambing kay ex-PRRD kay Ninoy Aquino, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ang Malakanyang ang ginawang paghahambing ni Vice-President Sara Duterte sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kay dating Senador Benigno ” Ninoy” Aquino.

Napaulat kasi na bahagi ng naging talumpati ni Vice-President Sara Duterte sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands ay ang naging tugon nito sa kanyang ama nang tanungin siya kung maiuuwi pa siya ng Pilipinas.

“Magiging Ninoy Aquino Jr. ka…” ang babala ni VP Sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sabay sabing maaaring magaya ito kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas

Para sa Malakanyang, si Adolf Hitler ang katulad ng dating Pangulo.

Ani Castro, mismong ang dating Pangulo ang nagkumpara sa kanyang sarili kay Hitler noong kasagsagan ng kanyang kampanya sa illegal na droga.

Ipinagmalaki pa aniya ni dating Pangulong Duterte noon na kung mayroong tatlong milyon an na-massacre si Hitler, mayroon din tatlong milyong drug addicts sa Pilipinas, at masaya aniya siyang katayin ang mga ito.

Sinabi ni Castro na napakalayong ikumpara si Duterte kay dating Pangulong Beninno Aquino dahil walang record ito ng mass murder taliwas sa dating Pangulong Duterte na maraming naitalang extra judicial killings sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nauna rito inihayag ni VP Sara sa kanyang talumpati sa mga nagtipon-tipong supporters ng dating Pangulo sa The Hague ang kagustuhan ng kanyang ama na umuwi sa Pilipinas subalit nangangamba aniya ito na baka maging katapusan niya ito tulad ng nangyari kay Ninoy Aquino na pinatay pagdating sa paliparan.

Napaulat na sinabi ni dating Pangulong Duterte na handa siyang mag-ala Hitler kaugnay sa laban ng pamahalaan kontra illegal na droga.

Ani Digong Duterte kung si Adolf Hitler ay nag-massacre ng tatlong milyong Jews, masaya siyang patayin ang tatlong milyong adik sa Pilipinas.

Ani Digong Duterte , kung merong Hitler noon ang Germany, mayroon namang kagaya niya ang Pilipinas.

Sinabi ni Digong Duterte na ito ang nakikita niyang solusyon para matuldukan na ang problema sa ilegal na droga at maisalba ang susunod na henerasyon.

“Hitler massacred three million Jews. Now there is three million, there’s a three million drug addict. There are. I’d be happy to slaughter them. At least if Germany had Hitler, the Philippines would have you know, my victims, I would like to be all criminals to finish the problem of my country and save the next generation from perdition,” ayon sa dating Pangulo.

Ang nasabing pahayag ni Digong Duterte ay muling nag-headline sa international media.

Sa artikulo ng Reuters, nakasaad na inihalintulad ni Duterte ang kaniyang sarili kay Hitler at nais pumatay ng milyun-milyong adik.

Ganoon din ang balita ng Reuters, Telegraph, CNBC at Washington Post.

(Daris Jose)