• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:32 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Malabon LGU, ipinagdiwang ang 426th Tambobong Festival

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments

NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang 42 lovely candidates ng Ginoo at Binibining Malabon 2025 sa Tambobong Festival Float Parade nitong Huwebes bilang bahagi ng pagsisimulan ng pagdiriwang ng lungsod ng ika-426 na Pagkatatag at Ika-24 Anibersaryo ng Lungsod.

“Ating sinimulan ang pagdiriwang ng Tambobong Festival bilang paalala sa ating mga Malabueno sa ating mayamang kasaysayn, tradisyon, at kultura. Nakasama natin ang mga kandidato ng Ginoo at Binibining Malabon mula sa 21 na barangay sa lungsod. Sila ay mga modelo o ehemplo para sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang galing, talino, at talento. Ating ipagmalaki ang ating lungsod at ang ating pagiging Malabueno na may pagkakaisa, kagandahang loob tungo sa tunay na pag-unlad,” ani Mayor Sandoval.

Ang float parade ay bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 426th Founding Anniversary ng Malabon (Mayo 21) at 24th Charter Day (Abril 21).

Itinampok nito ang 20 detalyadong dinisenyo na mga float na nagdiriwang ng mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Malabon kung saan ipinakikita dito ang pagkamalikhain at pagmamalaki ng komunidad, sabi ng CTCAO.

Sina First Gentleman Ricky Sandoval, City Councilors, Ginoong Malabon 2024 Elishua Balinton at Binibining Malabon 2024 Prima Joy Alamban, ang mga nagwagi sa Tambobong Indakan, habang lumahok naman sa parade ang city government department heads and employees, cultural groups at marching bands.

Ang aktor at basketball player na si Kobe Paras, kasama ang aktres na si Angeli Khang, ay nakiisa rin sa parada upang magsilbing escort at muse nina Mayor Jeannie at First Gentleman Ricky Sandoval.

Nagsimula ang parada sa Malabon National High School, dumaan sa Gen. Luna Avenue, at nagtapos sa Malabon Sports Center.

Pagkatapos ng parada, ang mga kalahok ay binigyan ng masiglang pagtatanghal ng kultura mula sa iba’t ibang grupo sa Hulong Duhat Oval.

“Ngayon pa lang ay atin nang sinumulan ang mga aktibidad na bahagi ng ating pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Malabon. Ito ay mahalaga para sa atin bilang Malabueno dahil dito tayo nagsimula bilang isang bayan, isang komunidad nasi may makulay at mayabong na kultura, tradisyon, at paniniwala. Gayundin ay ating itinatampok ang kakaiba at kamangha-manghang talento ng mga Malabueno. Nawa ay magsilbing inspirasyon ang mga programang ito para sa atin sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga serbisyo para sa kapwa Malabueno,” pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

MAIN CAMPUS AT MGA SATELLITE  CAMPUSES NG CAVITE STATE UNIVERSITY AATAKEHIN NG ISANG NAKA-CORPORATE ATTIRE 

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments

 

MULI na namang nakatanggap ng babala  ang Cavite State University (CAVSU), Main Campus  na papasukin ng dalawang katao ang mga campuses nito at aatakehin.

Sa natanggap na email bandang alas-6:00 kamakalawa ng umga, mula sa isang “anonyyymoussszzz2gmail.com” ng kanilang Central Student  Government (CSG) CAVSU na nagsasaad  ang isang planong pag-atake sa kanilang main campus sa Indang, Cavite at kanilang mga sattelite campuses.

Nakasaad din sa email na dalawang di nakilalang kalalakihan na nakasuot ng isang kulay itim na caps  at naka-corporate attire ang papasok sa nasabing campus gamit ang isang CAVSU Identification Cards na siyang gagawa ng pag-atake.

Hindi naman binanggit kung kailan at anong oras gagawin ang pag-atake sa mga campuses ng CAVSU.

Dahil dito, agad namang  ipinag-utos naman ang pamunuan na makipag-coordinate sa pulisya.

Matatandaan na una nang naatanggap ng tawag ang halos sabay-sabay ang limang campuses ng CAVSU kabilang ang kanilang main sa Indang, Bacoor, Carmona, Silang at Cavite City   na umano’y pasasabugin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa kasong ito. (Gene Adsuara)

Navotas seniors, unang nakinabang sa Expanded Centenarians Act

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments
ANG mga senior ng Navotas City na edad 80, 85, 90, at 95 ang unang nakatanggap ng tig-P10,000 cash incentive sa ilalim ng ipinasang R.A 11982 o ang Expanded Centenarians Act.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, maliban sa insentibo ay nakinabang din ang unang batch na 53 senior citizens ng libreng medical check-up, mga gamot, at basic laboratory tests.
Ayon sa National Commission of Senior Citizens, ang Navotas ang unang local government unit (LGU) sa Metro Manila na namahagi ng insentibo.
Binigyang-diin ni Rep. Toby Tiangco, co-author ng Expanded Centenarian Acts, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa mga senior citizen na higit pa aniya sa tulong pinansyal.
“Ang ating mga nakatatanda ay nag-alay ng maraming taon ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at komunidad. Nararapat lang na kilalanin at suportahan sila habang sila ay kapiling natin,” ani Cong.Tiangco.
“Hindi lang ito tungkol sa pera kundi pagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa ating mga lolo at lola. Ang bawat benepisyo ay isang pasasalamat sa kanilang naging papel sa ating lipunan,” dagdag niya.
Muling pinagtibay ni Tiangco ang pangako ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga senior citizen.
Patuloy pa raw sila ni Mayor Tiangco sa npaghahanap ng paraan upang mapabuti ang nalalabi pang buhay ng mga lola at lolo at matiyak na sila ay maalagaan sa kanilang katandaan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga nakatatanda na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na insentibo para sa mga centenarian. (Richard Mesa)

Malabon LGU, ipinagdiwang ang 426th Tambobong Festival

Posted on: March 27th, 2025 by people's balita No Comments

NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang 42 lovely candidates ng Ginoo at Binibining Malabon 2025 sa Tambobong Festival Float Parade nitong Huwebes bilang bahagi ng pagsisimulan ng pagdiriwang ng lungsod ng ika-426 na Pagkatatag at Ika-24 Anibersaryo ng Lungsod.

“Ating sinimulan ang pagdiriwang ng Tambobong Festival bilang paalala sa ating mga Malabueno sa ating mayamang kasaysayn, tradisyon, at kultura. Nakasama natin ang mga kandidato ng Ginoo at Binibining Malabon mula sa 21 na barangay sa lungsod. Sila ay mga modelo o ehemplo para sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang galing, talino, at talento. Ating ipagmalaki ang ating lungsod at ang ating pagiging Malabueno na may pagkakaisa, kagandahang loob tungo sa tunay na pag-unlad,” ani Mayor Sandoval.

Ang float parade ay bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 426th Founding Anniversary ng Malabon (Mayo 21) at 24th Charter Day (Abril 21).

Itinampok nito ang 20 detalyadong dinisenyo na mga float na nagdiriwang ng mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Malabon kung saan ipinakikita dito ang pagkamalikhain at pagmamalaki ng komunidad, sabi ng CTCAO.

Sina First Gentleman Ricky Sandoval, City Councilors, Ginoong Malabon 2024 Elishua Balinton at Binibining Malabon 2024 Prima Joy Alamban, ang mga nagwagi sa Tambobong Indakan, habang lumahok naman sa parade ang city government department heads and employees, cultural groups at marching bands.

Ang aktor at basketball player na si Kobe Paras, kasama ang aktres na si Angeli Khang, ay nakiisa rin sa parada upang magsilbing escort at muse nina Mayor Jeannie at First Gentleman Ricky Sandoval.

Nagsimula ang parada sa Malabon National High School, dumaan sa Gen. Luna Avenue, at nagtapos sa Malabon Sports Center.

Pagkatapos ng parada, ang mga kalahok ay binigyan ng masiglang pagtatanghal ng kultura mula sa iba’t ibang grupo sa Hulong Duhat Oval.

“Ngayon pa lang ay atin nang sinumulan ang mga aktibidad na bahagi ng ating pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Malabon. Ito ay mahalaga para sa atin bilang Malabueno dahil dito tayo nagsimula bilang isang bayan, isang komunidad nasi may makulay at mayabong na kultura, tradisyon, at paniniwala. Gayundin ay ating itinatampok ang kakaiba at kamangha-manghang talento ng mga Malabueno. Nawa ay magsilbing inspirasyon ang mga programang ito para sa atin sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga serbisyo para sa kapwa Malabueno,” pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Hiling ng House Prosecution panel kay Sen Pres Chiz na maglabas ng Writ of Summons para kay VP Sara

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na hiniling ng House Prosecution panel kay Senate President Chiz Escudero na maglabas ng Writ of Summons para kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos maghain ang House prosecutors ng mosyon sa senado na magsisilbing Impeachment Court na pasagutin si Vice President Sara Zimmerman Duterte sa Articles of Impeachment na inihain laban sa kanya.

Nakapaloob sa “Entry with Motion to Issue Summons” na may petsang March 14 at naka-address kay Senate President at Presiding Officer Francis Joseph Escudero, hiniling ng prosecution panel sa senado na mag- “ISSUE the WRIT OF SUMMONS to respondent Vice President Sara Zimmerman Duterte DIRECTING her to file an Answer to the Articles of Impeachment within a non-extendible period of ten (10) days from receipt of the Writ of Summons.”

Ang mosyon ay tinanggap ng Senado ngayong Martes (Marso 25) ng umaga, na nilagdaan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, miyembro ng House prosecution panel.

Sinamahan siya nina 1Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, miyembro ng prosecution panel, at House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union at House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales.

Si VP Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands dala na rin sa pagkakakulong doon ng kanyang amang si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, sa International Criminal Court dahil sa kasong crimes against humanity. (Vina de Guzman)

Hindi na kasi binabanggit ang pangalan sa mga campaign rally… PCO Usec.Castro, clueless kung ano ang magiging plano ni PBBM sa kanyang kapatid na si Imee Marcos  

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

CLUELESS si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung ano ang magiging plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na orihinal na kasama sa 12 senatorial bet sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Sinabi ni Castro sa press briefing sa Malakanyang na mas magandang malaman ang detalye nito mula kay Alyansa campaign manager at Navotas Congressman Toby Tiangco.

At nang tanungin kung may pagkakataon na nag-usap na ang magkapatid na Marcos, sinabi ni Castro na “Ayon din po kay Senator Imee ay hindi pa po siya nakikipag-usap kay Pangulo. So, as of the moment, as of this time, as we speak, wala pa po tayong alam na nakapag-usap na po sila.”

Sa ulat, inamin ni Senador Imee Marcos na matagal na silang walang komunikasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

“Hindi na kami nag-uusap, matagal na,” sabi ng senadora.

Aniya, tanging sa mga pampublikong pagtitipon na lamang sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap.

“Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap,” paglilinaw pa ni Senador Imee.

Nilinaw din niyang wala siyang sama ng loob sa hindi pagbabanggit ni PBBM sa kanyang pangalan sa Alyansa rally sa Cavite kamakailan.

“Ayos lang sa akin. Wala namang problema doon. Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague,” dagdag niya.

Sa kanyang talumpati kamakalawa, 11 na lamang ang binanggit ng Pangulo sa halip na 12 na bilang ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-senador ng Alyansa. (Daris Jose)

Assassination plot laban kay Digong Duterte, walang basehan – Malakanyang

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG basehan ang tila pinangangambahan ni Vice-President Sara Duterte na security threats laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t mapabalik ang huli sa bansa.

Si Digong Duterte ay kasalukuyang nakaditine sa International Criominal Court (ICC) detention center dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang tila ginawang pagkukumpara ni VP sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte kay kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas

Napaulat kasi na bahagi ng naging talumpati ni Vice-President Sara Duterte sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands ay ang naging tugon nito sa kanyang ama nang tanungin siya kung maiuuwi pa siya ng Pilipinas.

“Magiging Ninoy Aquino Jr. ka…” ang babala ni VP Sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sabay sabing maaaring magaya ito kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas

Nagpahayag ng pag-aalinlangan at pagdududa si Castro sa pangamba na inihahayag ngayon ng pamilya Duterte, hayagang kinuwestiyon ni Castro ang pinagmulan ng kuwento.

Tinukoy din ni Castro ang naging pahayag ni VP Sara na may banta sa kanyang buhay noong kasagsagan ng girian nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Castro na wala ngang naipakitang ebidensiya si VP Sara sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa security risks sa kanya at sa kanyang ama.

“So, saan lamang po ito nakukuha, kailangan po natin kasi na mga materyales na mga ebidensiya bago po magsagawa ng ganitong mga klaseng statements, wala pong katotohanan iyan,” diing pahayag ni Castro. (Daris Jose)

NBI, hihingi ng tulong sa interpol kontra mga nagpapakalat ng fake news

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIHINGI ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization o INTERPOL para sa pagtugis sa mga Filipino Citizen na nagpapakalat ng fake news kahit na nasa ibang bansa.

Aminado si NBI Director Jaime Santiago, na isa sa problema nila ay kung paano mahahabol ang mga Pilipinong nasa abroad na nagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Inihalimbawa ni Santiago ang mga citizen sa Amerika na hindi naman krimen ang libel dahil itinuturing lamang ito na isang civil case.

Tiniyak naman ng NBI na nirerespeto nila ang freedom of speech at expression ng sinuman pero binabalanse umano nila ito nang maayos.

Sa ngayon anya ay higit na sa dalawampung bloggers ang kanilang iniimbestigahan na umano’y source ng fake news na hinihinalang ginagastusan o may nagpopondo sa kanila.

(Gene Adsuara) 

MRT 3 pinahaba ang oras ng operasyon

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinahaba na ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) simula noong Lunes.

     Ayon sa DOTr ay kanilang dinagdagan ng madaming trains ang tumatakbo sa peak hours ng operasyon nito upang magkaroon nang mas mabilis na karanasan sa pagsakay ang publiko.

     Sa isang advisory ay sinabi ng DOTr na ang Southbound sa istasyon ng North Avenue ay magsasara ng 10:25 ng gabi habang ang Northbound sa istasyon ng Taft Avenue ay magsasara ng 11:04 ng gabi.

     Ang unang train ng MRT 3 ay aalis ng estasyon ng 4:30 ng umaga at 5:05 ng umaga sa Southbound at Northbound, respectively.

     Ginawa ang sinabing pinahabang oras ng operasyon ng MRT 3 matapos na magkaron ng inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa mga estasyon ng Taft, Ayala at Shaw na ginawa noong nakaraang March 17.

     Ang MRT 3 ay isang 16.9 kilometrong rail line na may 13 istasyon na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula sa North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang sa istasyon nito sa Taft Avenue sa lungsod ng Pasay.

     Samantala, sa isang pahayag ni Dizon ay kanyang sinabi na optimistic siya na magiging maganda ang sektor ng rail matapos niyang ilatag ang mga pangunahing proyekto sa transportasyon lalo na ang high-capacity mass transit system. Naniniwala siya na ang pag sasapribado ng mga kritikal na mga infrastructure sa transportasyon ay isa sa mga estrahiya na dapat ay tutukan ng pamahalaan.

     “A high-capacity mass transport system is a public transportation network designed to carry a large number of people as quickly and efficiently as possible. It could be trains, subways and buses, the transport modes that help reduce traffic and make travel faster and more reliable,” wika ni Dizon.

     Ayon kay Dizon na kapag nagawa ang mga plano sa mga modernisasyon ng mga nasabing proyekto sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs), ito ay isang magandang development para sa mga motorista.

     Subalit ayon sa kanya na kahit na may mga developments sa mga nakaraang taon, sa tingin niya ay may kulang pa rin ito upang maging maunlad ang mga mass transit systems sa bansa dahil mabagal pa rin  tayo  sa pag-usad at  nahuhuli pa rin kumpara sa mga karating nating bansa sa Southeast Asia. Naniniwala siya na ang problema ay dahil sa right-of-way, red tape at mga financial constraints na siyang nakakasagabal at nakakapag-pabagal sa pagkakaron ng isang progresibong ekonomiya.

     Dagdag niya na ang isang efficient na transportation network ay malaki ang matutulong upang magkaroon ng pag-usad sa ating ekonomiya na siyang magsisilbing tulay upang pagdugtungin ang mga lugar na rural at urban areas na siyang makakatulong upang magkaroon ng madaming trabaho, mabilis na kalakalan at makapagbigay ng komportableng karanasan sa paglalakbay ang mga tao.

     “This is a stark contrast with the case in Metro Manila, as it remains heavily reliant on road transport, a situation highly susceptible to congestion and delays. The most glaring example of this is what happening daily on its main thoroughfare – EDSA. The impact of this on our economy has been substantial, with billions of pesos lost daily due to traffic gridlocks. Various solutions have been attempted, but the core issue remains which is congestion,” saad ni Dizon.

     Dahil dito, si Dizon ay naniwala na ang kailangan ng bansa ay mga high-capacity mass transit projects na siyang magsisilbing susi upang magkaron ng matagumpay na reporma sa trapiko lalo na sa mga pangunahing lungsod ng bansa.

     Ganon pa may ay kanyang sinabi na ang Pilipinas ay may sistema ng transportasyon na malayo pa sa mga bansang mauunlad tulad ng Japan at Singapore subalit umaasa pa rin siya na ang mga proyekto sa sektor ng rail ay uusad sa panahon ni Presiden Ferdinand Marcos, Jr. LASACMAR

Mga accomplishment ni Cong. Arjo Atayde, inilatag sa kanyang State of the District Address

Posted on: March 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGDAOS ng kanyang State of the District Address si Quezon City 1st. District Representative Juan Carlos “Arjo” C. Atayde nitong lunes Marso 24, 2025 sa SM North Edsa Sky Dome sa Quezon City.

Makailang beses napaluha ang mambabatas ng dahil sa mataas na emosyon na dala naman ng labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang mga nasasakupan.

Sa kanyang ulat, inilahad ni Atayde ang mga accomplishment ng kanyang tanggapan sa usapin ng kalusugan, kaunlaran, palakasan at edukasyon.

Maging ang mga proyektong pang imprastraktura upang mabawasan, kung di man mawala ang pagbaha sa distrito uno lalo pa sa panahon ng tag-ulan. Inilatag na rin ni Atayde ang mga proyektong gumugulong na ngayong 2025.

Dumalo sa nasabing ulat sa distrito bilang panauhing pandangal si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo upang ipakita ang suporta kay Atayde.

Pinasalamatan din ni Atayde ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sampu ng mga konsehal sa distrito uno.

Sa pagwawakas ng kanyang talumpati, hinikayat ni Atayde ang kanyang mga constituents na samahan syang muli sa paglilingkod sa distrito uno upang maipagpatuloy pa ang mga magagandang proyekto sa kanyang mga nasasakupan. Sabi pa nya, “samahan nyo po ako sa round 2!” (PAUL JOHN REYES)