NAGSALITA na ang transgender actress na si Hunter Schafer tungkol sa pagpalit ng gender niyang “female” to “male” sa kanyang passport dahil sa executive order ni US President Donald Trump.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGSALITA na ang transgender actress na si Hunter Schafer tungkol sa pagpalit ng gender niyang “female” to “male” sa kanyang passport dahil sa executive order ni US President Donald Trump.
INAMIN ni Rep. Sam Verzosa na kinonsider nila ang girlfriend at Kapuso actress na si Rhian Ramos na maging host ng “Dear SV” na magpapaalam na sa ere ngayong Sabado, March 1 dahil sa kanyang pagtakbo bilang Mayor ng Maynila.
Ayon kay SV, “pinag-isipan ko sana baka puwede siyang pumalit pero alam ko naman kung ano ang forte ni Rhian eh.
“Kasi she’s been hosting a lot of lifestyle and travel shows sa GMA. So, sabi ko why not featured Manila.
“Kasi lagi kong kinukuwento sa kanya, tuwing umiikot ako, ‘alam mo Boo, maraming magagandang lugar sa Maynila, hindi lang napo-promote, hindi napupuntahan.
“Kahit kami mismo, taga doon na, hindi namin alam na they exist. Actually, kulang talaga ng promotion sa turismo ng Maynila.
“Napakaraming magagandang lugar, na kulang ang isang linggo para maikot mo at mapuntahan. At yun ang layunin ng show na maipakita ang kagandahan ng Maynila, para hindi na lumayo ang mga kababayan natin at ipagmalaki ang lugar natin.”
Ang tinutukoy na bagong show na papalit sa timeslot ng “Dear SV” sa GMA ang “Where In Manila” na si Rhian nga ang host, na nagkaroon ng media launch sa Winford Hotel sa Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes.
Pagkukuwento ng actress/host tungkol sa Maynila, “Siguro iniisip lang nila na it’s just a regular city, but actually, a very deserving tourist spot. Ako, I would gladly take friends or visitors around Manila, to really experience the city.
“I believe that Manila in itself is an experience. It’s not just a place but also an experience. It has its own personality na dapat nating ipagmalaki.
“Ipi-feature namin sa show ang masasarap na pagkain, a bit of adventure, at magagandang tanawin. Pupuntahan talaga namin lahat ‘yan. Marami na akong nakita at nakilala na small business owners na dapat talagang bigyan ng pansin.
“Yung pino-promote nilang parts ng Manila. I believe that the people is really what makes the city so colorful. ‘Yung mga original nilang ideas sa ginagawa nilang negosyo at produkto na puwede talagang ipagmalaki sa buong Pilipinas.”
At sa pagsisimula ng “Where In Manila” sa March 8 (11:30 p.m.), natanong si Sam kung ano ang mangyayari na sa “Dear SV” na sa dalawang taon sa ere, ay marami na talagang natulungan.
“Magpapatuloy pa rin naman ang ‘Dear SV’, pero sa online dahil hindi lang talaga ako puwede sa telebisyon dahil sa aking pagtakbo.
“Kaya si Rhian muna ang magpapatuloy. At titingnan natin sa mga susunod na buwan at kung ano man ang kalalabasan, kasi malapit po na ang eleksyon. Pag tayo ay pinalapad po na manalo bilang mayor ng Manila ay doon natin mapag-iiisipan kung puwede naming maging partner ang ‘Where In Manila’ sa pagpo-promote po ng aming lungsod.
“Para mas lalong matulungan ang turismo at ang mga maliliit na negosyante para ma-promote ang kanilang negosyo.”
Samantala, natanong din si Sam kung magpapakasal na sila ni Rhian, saang simbahan kaya ito sa Manila magaganap?
“‘Pag nangyari ‘yun, sa Maynila po kami ikakasal,” tugon ni SV.
“Minsan pinag-uusapan namin, may pinupuntahan kaming mga lugar, na baka puwede dito.
“Pero dahil deboto ako ng Mahal na Nazareno, kaya lagi kong binabanggit kay Rhian na, okey ba sa ‘yo na if ever, dito tayo (Quiapo Church)?’”
Na sinagot naman ni Rhian ng, “bahala ka, kung saan mo gusto?”
Ang lifestyle and travel show na “Where In Manila” ay hatid ng TV8 Media at base sa napanood naming teaser sa pilot episode ngayong March 8 at 11:30 p.m. sa GMA, punum-puno masasarap na pagkain, magagandang tanawin at higit sa lahat ang nakakakilig na lambingan nina Sam at Rhian.
Kaya ‘wag palagpasin lalo na ang mga kapwa Manilenyo!
(ROHN ROMULO)