Kinilala na ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang pansamantalang mamamahala sa mga susunod na international boxing event.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Kinilala na ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang pansamantalang mamamahala sa mga susunod na international boxing event.
INANUNSIYO ng Philippine men’s football team na sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac na gaganapin ang AFC Asian Cup 2027 Qualifiers sa Marso 25.
HIMAS-REHAS ang 20-anyos na senior high school student na wanted sa kaso ng pagpatay matapos madakip ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, isinilbi ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU), sa koordinasyon sa District Intelligence Division (DID) ng Northern Police District (NPD) ang isang Order to Take Custody sa akusado na kabilang sa talaan ng mga ‘Most Wanted Person’ sa lungsod.
Ikinasa ng mga operatiba ng DSOU-NPD ang manhunt operation laban sa akusado, kasunod ng inilabas na order ng korte noong February 11, 2025 na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya sa M.H. Del Pilar Street, Grace Park.
Ang order ay inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Fernandez Briones, ng Family Court, Branch 1, National Capital Judicial Region, Caloocan City, na walang inirekomendang piyansa.
Matapos kumpirmahin ng City Social Welfare Department na hindi na menor de edad ang akusado, ay mananatili siya sa kustodiya ng DSOU habang hinihintay pa ang commitment order mula sa korte.
Pinapurihan ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang mga operatiba sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas at kaligtasan ng publiko, na nagpapatibay sa pangako ng puwersa ng pulisya na gawing mas ligtas ang mga komunidad. (Richard Mesa)
PINAIGTING ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay 176, Bagong Silang.
Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jellou,” 24, tattoo artist, at alyas “Kulot”.
Sa ulat, ala-1:30 ng hapon, noong February 21, 2025, nang madiskubre ang karumal-dumal na insidente ng pagpatay sa 37-anyos na lalaki sa loob ng isang bahay nang pumasok si alyas “Ailyn,”, 45, barangay utility worker, sa inuupahang apartment kaya agad niya itong ipinaalam sa SS12, CCPS.
Lumabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng forensic examiners ng Northern Police District Forensic Unit (NPDFU) na nagtamo ng isang saksak sa likod ang biktima, malalalim na sugat sa kanyang leeg, at pinutol ang magkabilang paa, na inilagay sa loob ng asul na cooler.
Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang mga suspek kung saan ayon sa saksi, huling nakitang buhay ang biktima noong Pebrero 18, 2025, na umalis upang makipagkita sa isang tao ngunit hindi na nakabalik.
Sinabi pa ng saksi na matapos madiskubre ang bangkay, nakipag-ugnayan siya kay alyas “Otching” na umaming nakasaksi sa insidente at itinuro nito si alyas Jellou na responsable sa pagpatay at ipinagtapat pa niya sa kanyang ina na nakita niyang pinuputol ni ‘Jellou’ ang mga binti ng biktima ngunit hindi ito nakialam dahil sa takot.
Dahil dito, pormal ng sinampahan ng pulisya ng kasong Murder sina ‘Jellou’ at ‘Kulot’ sa Caloocan City Prosecutor’s Office habang sumuko si ‘Otching’ at nakikipagtulungan sa mga awtoridad.
Tiniyak ni Col. Ligan sa publiko na ang NPD ay ganap na nakatuon sa pagbibigay ng hustisya sa karumal-dumal na krimen na ito.
Nananawagan naman ang Caloocan police sa sinumang may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek na makipag-ugnayan lang sa CCPS o sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. (Richard Mesa)
NAGSAGAWA ng kilos protesta sa harap ng Korte Suprema ang PANGISDA Pilipinas upang tutuluan ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagdedelarang unconstitutional ang probisyon ng Philippine Fisheries Code na nagbabawal ng komersyal na pangingisda sa mga municipal water.
Hinaing ng grupo, inaalis ng desisyon ang pagsisikap sa pagpapaunlad ng lokal na industriya ng pangisdaan.
Noong Agosto 19, 2024, kinatigan ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang desisyon ng Malabon Regional Trial Court hinggil sa petisyon ng Mercidar Fishing Corp. na nagdeklarang unconstitutional ang preferential access ng mga mangingisdang munisipal sa 15-kilometrong munisipal na tubig.
Giit ng PANGISDA Pilipinas, pareho ang itinataguyod ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries at Korte Suprema: ang interes ng mga kapitalista at korporasyon.
Hinaing pa ng grupo ng maliliit na mangingisda , na hinahayaan ang mga kapitalista at korporasyon ang patuloy na pagkamal ng dambuhalang tubo kahit mawasak ang kalikasan at malunod sa dagat ng kahiraoan at gutom ang mga pamilyang umaasa sa likas na yaman ng pangisdaan.
Nais ng grupo na papanagutin ang mga ahensya ng gobyerno na may sabwatan sa mga korporasyon na sanhi ng pagkawasak ng pangisdaan at kalikasan. (Gene Adsuara)
PINAPURIHAN ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang matagumpay na pagkakaligtas sa isang 14-anyos na Chinese national ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) matapos dukutin noong nakalipas na linggo.
“The dedication and expertise shown by our law enforcement authorities in tracking down the victim and ensuring his safe return—despite the horrific circumstances—deserve the gratitude and full support of the public”, ani Barbers.
Ayon sa mambabatas, ang nakakakilabot na detalye sa kaso, kabilang na ang pagputol sa daliri ng biktima para mapilitang magbayad ng ransom ang pamilya nito, ay isang pagpapakita kung gaano ka-brutal at hindi makatao ang taktikang ginagamit ng mga sindikato na nag-ooperate sa bansa.
Nakakaalarma aniya ang ginawang pag-ugnay ng otoridad ang krimen sa grupong may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na ipinagbawal na mag-operate sa bansa ngunit nananatiling naghahasik ng lagim ang natitirang latak nito sa komunidad.
Sinabi pa ng mambabatas na ang POGOs ang siyang pangunahing dahilan ng iba’t ibang krimen sa bansa, mula sa money laundering, espionage, cyber hacking, wiretapping, murder, kidnapping for ransom, rape, prostitution, at torture.
“This latest incident, involving the abduction of a minor, is further proof that these criminal networks, will continue to threaten public safety. The government must not stop at rescuing the victim. I urge our law enforcement agencies to pursue all those responsible for this barbaric act and bring the full force of the law upon them. Every individual involved—whether they are directly responsible or part of a larger criminal network—must be held accountable. We cannot afford to wait for another child, another innocent life, to be put in danger”, dagdag niya.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi pa napapadeport ang karamihan sa mga naarestong personalidad at empleyado na may kaugnayan sa POGO at ang matindi pa ay pinalaya pa umano ang mga ito.
“One does not have to be a rocket scientist to conclude that these freed personalities continue to engage in illegal activities including these criminal acts. As long as they are free and remain in our country, these crimes will continue. All law enforcement agencies must work for the apprehensions and immediate deportations of all arrested foreigners involved in POGO operations,” sabi ni Barbers. (Vina de Guzman)
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa pag-abuso sa EDSA Busway kasunod ng kontrobersiyal na isyu na ikinabit kay Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil na may kinalaman sa paggamit ng EDSA busway dahil sa katuwiran ng emergency meeting.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nila kukunsintihin ang mapang-abusong pag-uugali ng gagamit ng EDSA Busway.
Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal na gagamitin ang busway sa mga pagkakataon ng mga beripikadong emergencies.
Nilinaw naman ni Castro na hindi kasama sa sinasabing emergency ang “emergency meetings”.
“Hindi po kasama doon iyong emergency meeting. Kung may emergency meeting, mas maganda po umalis sila nang maaga sa kanilang bahay,” ang pahayag ni Castro.
Sa ulat, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil na nagkaroon ng emergency closed-door meeting ang mga senior police officials sa Camp Crame noong Martes ng gabi, dahilan kung bakit ginamit ng kanilang convoy ang EDSA busway.
Sa isang panayam, sinabi ni Marbil na si Interior Secretary Jonvic Remulla ang mag-aanunsyo ng detalye ng operasyon ng pulisya noong gabing iyon.
Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng presensiya ng mga matataas na opisyal ng pulisya sa nasabing pulong.
Ang EDSA busway ay isang dedicated lane para sa mga awtorisadong bus at emergency vehicles at limitado lamang sa mga pangunahing opisyal ng gobyerno tulad ng Pangulo, Bise Presidente, at mga pinuno ng lehislatura at hudikatura.
Muling inulit naman ni Castro na hindi kukunsinihin ang pang-aabuso at mayroon aniyang kaparusahan para sa mga lalabag dito lalo na ang mga public servants.
“Kung may pang-aabuso, dapat managot,” ayon kay Castro.
INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mahigit sa 100 permanent job ang bakante sa kanila ngayon.
Ang mga posisyong bukas ayon sa PAGASA ay sa Central Office sa Quezon City, Aeronautical Meteorological Services Section sa Pasay City, at regional at field offices sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang bagong tatag na istasyon sa Aklan, Antique, Bataan, Camiguin, Isabela, La Union, Northern Samar, Quezon, Quirino, at Siquijor.
Ang job vacancies mula entry-level hanggang specialized roles, may katumbas na salary grades, ay ang:
• Salary Grade 17 ( P47,247) 6 Weather Specialist II 3 Weather Facilities Specialist II
• Salary Grade 15 (P40,208) 23 Weather Specialist I 2 Weather Observer IV
Salary Grade 13 ( P34,421) 2 Weather Facilities Technician III 10 Weather Observer III
• Salary Grade 11 (P30,024) 2 Weather Facilities Technician II 26 Weather Observer II
• Salary Grade 9 (P23,226) 4 Weather Facilities Technician I 17 Weather Observer I
Salary Grade 4 (P16,833) 3 Weather Observer Aide
• Salary Grade 12 (P32,245) 1 Accountant I
• Salary Grade 6 (P18,957) 2 Administrative Aide IV
Sa kabilang dako, para naman sa posisyon ng Weather Specialist I at II, required ang isang degree sa Engineering o Natural Sciences o kahit na anumang degree na may Math hanggang Integral Calculus at 6 units ng Physics.
Gradweyt ng anumang Engineering o Information Technology degree ang maaaring mag-apply para sa Weather Facilities Specialist II position.
Ang aplikante para sa posisyon ay dapat na nakompleto ang Meteorologists o Hydrologist Training Course (MTC/HTC) o isang master’s o doctorate degree sa meteorology o anumang may kaugnayan sa disiplina.
Isang karagdagang 3-month practicum sa Weather Forecasting Section ang required para sa BS Meteorology graduates at para sa mga master’s o doctorate degrees subalit walang MTC/HTC.
Ang mga aplikante para sa Weather Observer and Facilities Technician posts ay dapat na nakompleto na ang Meteorological Technicians Training Course (MTTC). Para sa Observer I at Facilities Technician I, 2 years ng pag-aaral katumbas ng 72 units gaya ng minimum educational requirement habang ang mas mataas na Observer and Facilities Technician positions, isang bachelor’s degree ay kailangan.
Ang Elementary school graduates ay maaaring mag-apply para sa Weather Observer Aide position habang ang high school graduates o iyong nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo ay kuwalipikado para sa Administrative Aide post.
Ang kompletong listahan ng kuwalipikasyon, requirements, at instructions ay maaaring matagpuan sa PAGASA website (https://www.pagasa.dost.gov.
Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Marso 2, 2025. (Daris Jose)
PARA matiyak ang de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mga pinahusay na pasilidad, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang blessing at ribbon-cutting sa bagong renovate na Arkong Bato Child Development Center (CDC), sa Barangay Arkong Bato.
May kabuuang badyet na 2.3 milyon ang inilaan para sa rehabilitasyon ng CD na opisyal na binuksan sa publiko sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama si CSWDO Chief on Social Welfare Operations, Ms. Dorothy Evangelista, at mga barangay officials ng Arkong Bato.
Sa lot area na 144 sq.m at floor area na 70 sq.m., ang CDC ay binago upang maging mas learning-conducive para sa mga batang Valenzuelano learners na edad na 3 hanggang 5 taong gulang.
Ang pasilidad, ay nilagyan ng maliwanag na mga silid at naka-aircon, play area, palikuran at fixtures para sa mga bata, at iba pang nakalaang espasyo sa silid-aralan para sa sining at sining, pagkukuwento, pagbabasa, at musika at tula.
Ang sentro ay pinalamutian din ng makukulay na likhang sining at iba pang mga pang-edukasyon na tsart na nagbibigay inspirasyon sa pagkamalikhain at nagpapalakas ng pag-aaral sa mga batang mag-aaral. Ang pangkalahatang rehabilitasyon ng mga pasilidad ay idinisenyo alinsunod sa mga pamantayan ng Early Childhood Care and Development (ECCD).
Ani Mayor Wes, ang Arkong Bato Child Development ay kabilang sa 28 fully-renovated Child Development Centers sa Valenzuela City, kasunod ng pagbubukas kamakailan ng mga bagong CDC sa Barangay Gen. T. de Leon at Barangay Malinta (Balubaran I & II).
Sinabi pa ng aklade na kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ang kahalagahan ng mga daycare center sa maagang pag-unlad ng mga bata. Sa pananaw na pagyamanin ang mga kabataan sa pagpaunlad ng pag-iisip, ang Lungsod ng Valenzuela ay nakatuon sa mga pagsusumikap nito na higit pang mapabuti ang mga pasilidad sa pag-aaral para maibigay ang bawat pangangailangan ng mag-aaral na mga Valenzuelano. (Richard Mesa)
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’, isang eksibit na pansining na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng sining na ginanap sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito noong Pebrero 17, 2025.
Tampok sa nasabing eksibit ang kolesyon ng 42 na magkakamag-anak na Bulakenyong alagad ng sining na nagpapakita ng matibay na koneksyon ng pamilya gamit ang iba’t ibang anyo ng sining mula tradisyunal na pagpipinta, paggawa ng iskultura, at paggamit ng makabagong mixed media. Ipinakita nito ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng pagkakaisa, pagmamahal, at pamana na binibigyang buhay ang emosyon at alaala na nag-uugnay sa bawat henerasyon habang inilalarawan kung paano naipapamana ang kultura, values, at pagkakakilanlan sa paglipas ng panahon.
Binigyang-diin ni Gob. Daniel R. Fernando na ang Bulacan ay hindi lamang duyan ng mga dakilang bayani kundi tahanan din ng mahuhusay na alagad ng sining.
“Palaging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kanila. Lagi tayong nakaantabay at nakahanda sa pagbibigay ng tulong upang lalo pang mapagtibay at mabigyan sila ng mataas na pagkilala, sapagkat sila ay tunay na kayamanan ng ating lalawigan na dapat ipagmalaki at pagtuunan ng pansin,” anang gobernador.
Ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’ ay isang oportunidad para sa mga lokal na alagad ng sining na ipakita ang kanilang mga likhang sining at tradisyong Bulakenyo habang nabibigyan sila ng mas malawak na pagkilala upang matiyak na kanilang mga obra ay makikilala at mapapahalagahan ng publiko.
Bukod dito, magsisilbi rin itong isang makabuluhang edukasyonal na karanasan para sa mga mag-aaral, iba pang alagad ng sinin, at sa mga nais bumisita upang mapalawak ang kanilang pananaw sa kultura, kasaysayan, at makabagong anyo ng sining.
Bukas ang eksibitpara sa publiko hanggang Marso 7, 2025.