MAAGA pa para pag-usapan kung sino ipapalit kay Vice President Sara Duterte kung sakaling tuluyan siyang matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list at miyembro ng House prosecution panel, hindi napag-usapan ng mga mambabatas na sumuporta sa impeachment ang usapin ukol sa succession.
Iginiit nito na mas pinagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang impeachment trial sa halip na anumang potensiyal na political gains.
“I guess for me that is a premature issue that has to be tackled kasi wala pa nga tayo dun sa impeachment trial. So siguro we’ll cross the bridge when we get there once we are able to prosecute and secure a conviction of the Vice President,” ani Bongalon.
Aniya, wala sa naging talakayan nila na nasambit ang isyu kung sino ang ipapalit sa vp kung sakaling ma-convict ito sa impeachment case.
“And then sa pag-iikot din namin sa pakikipagkwentuhan sa mga kasamahan, wala nag-signify. No one is volunteering himself or herself to be the successor or to become the Vice President,” dagdag niya.
Ang pahayag na ito ni Bongalon ay bilang reaksyon sa sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatanggihan niya ang posisyon ng vp kung sakaling ialok sa kanya ang posisyon kapag napatalsik si Duterte.
Inamon din ni Escudero ang mga miyembro ng House of Representatives na sumuporta sa na gawin din ang ganitong commitment.
Iginiit naman ng Kongresista na sa ilalim ng konstitusyon, nasa pangulo ang prerogative na mag-nominate ng bagong Vice President, na aaprubahan naman ng dalawang kapulungan ng kongreso, a magkahiwalay na botohan.
Una nang ini-impeach ng kamara si Duterte dahil sa iba’t ibang akusasyon kabilang na ang umano’y misuse of confidential funds at pagbabanta sa ilang mataas na opisyal kabilang na kay Presidente Bongbong Marcos.
(Vina de Guzman)
DALAWANG Russian national ang narekober ng Coast Guard Batangas na namatay sa kanilang diving session malapit sa Verde Island, Batangas City noong Huwebes.
HALOS 5,000 residente ang nakinabang mula sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng mga aktibidad ng pagdiriwang ng ika-63 Cityhood Anniversary..
INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nitong Sabado March 1, sa regional director ng LTO Region 7 na maglabas ng preventive suspension order laban sa mga enforcer na sangkot sa viral video sa Bohol.
PATULOY na pinalalakas ng SM Foundation ang adbokasiya nitong ilapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa iba’t ibang komunidad ng bansa.
Tickets are on sale NOW for “A Minecraft Movie,” starring Jason Momoa and Jack Black, only in cinemas April 2.
SINAGOT na ni Heaven Peralejo ang mga balita sa kanya noon na naging third party sa relasyon ng aktor at dati niyang boyfriend na si Kiko Estrada.
PROUD na proud ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Ria Atayde na hands-on mother sa first baby nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino.
MATAGAL na rin napag-uusapan na kapag hindi na pwedeng lumabas si Sam Versoza dahil tumatakbo ito bilang Vice Mayor ng Manila, ang girlfriend niya, ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ang siyang hahalili sa kanya.
NAKIKIISA ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa buong buwan ng Marso. May temang ” Pag -iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” “ PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS !!!” ang ABP party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa bansa. ”