TINATAYANG 90% ng mga Filipino ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa mga kandidatong magiging tagapagtaguyod o may adbokasiya para sa food security at makapagpapalakas sa health care system.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Makikita rin sa SWS survey, isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at kinomisyon ng Stratbase Group, na 89% ang boboto para sa mga taong itutulak na itaas ang job opportunities at patas na access sa edukasyon.
May 88% ng mga respondent ang boboto para sa kanilang mga ‘manok’ na paninindigan ang karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kabilang dako, ang iba pang adbokasiya at kani-kanilang porsiyento sa SWS survey results ay:
*bawasan ang kahirapan at kagutuman ng mga Filipino-— 83%
*kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo — 81%
tugunan ang epekto ng climate change at palakasin ang disaster preparedness — 79%
*ipagtanggol ang national security at soberanya sa West Philippine Sea — 77%
*labanan ang ilegal na droga — 77%
*mapagtagumpayan ang energy security at paggamit ng renewable energy — 75%
*paglaban sa krimen na bumibiktima sa ordinaryong mamamayan gaya ng pagpatay, holdup, mga pagnanakaw, pisikal na karahasan at iba pa— 72%
*pagpuksa sa graft and corruption sa gobyerno — 70%
pagsasabatas ng batas laban sa political dynasties — 63%
*patas na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado — 53%
Samantala, gumamit ang SWS survey ng face-to-face interviews na may 1,800 registered voters sa buong bansa na may edad na 18 taong gulang at pataas.
Sa nasabing bilang, 300 ang sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.
Ang sampling error margins ay ±2.31% para sa national percentages, ±3.27% para sa Balance Luzon, at ±5.66% each para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Nakatakda ang 2025 midterm polls sa May 12. (Daris Jose)
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga botante na pumili ng kandidato na ipagpapatuloy ang trabaho at serbisyo para sa bansa.
GUMAWA ng mahalagang hakbang ang National Housing Authority (NHA) upang matiyak ang pagmamay-ari ng lupa para sa mga miyembro ng Lakatan Bayanihan Dolor Estate Homeowners Association sa pamamagitan ng paggawad ng 85 Certificate of Lot Allocation.
NANANATILING committed si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas.
NAKATULONG ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang total ban sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa para maalis ang Pilipinas mula sa Financial Action Task Force (FATF) grey list.
HINIKAYAT ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaisa sa gitna ng nagpapatuloy na pagbabanta sa West Philippine Sea.
KALABOSO ang apat drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.7 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.
NAKIPAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Philippine Red Cross (PRC) upang ipatupad ang Membership Accident Assistance Benefits (MAAB) Program para sa mga empleyado at miyembro ng iba pang sektor sa lungsod.
PORMAL nang binuo ng Kamara ang Impeachment Secretariat upang siyang maglalaan ng technical at administrative support sa public prosecutors na siyang hahawak sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na nakapaloob sa Memorandum Order No. 19-1006 (SG) na inisyu ni House Secretary General Reginald Velasco.