• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Kelot, kulong sa pananaksak, panghoholdap at pagtangay sa motorsiklo ng estudyante sa Valenzuela

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang 27-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ang isang binatilyong estudyante bago tinangay pa ang motorsiklo at iba pang gamit ng biktima sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nagtungo ang 15-anyos na biktima sa bahay ng ka-klase sa Brgy. Parada upang humiram ng isusuot sa kanilang school activity bago mag-alas 2 ng Sabado ng madaling araw nang ma-ispatan siya ng suspek na si alyas “Rico” na kailan lang niya nakilala.

Nakiusap umano si alyas Rico sa biktima na samahan muna siya sa Santiago St. Brgy. Gen. T. De Leon na pinagbigyan ng binatilyo.

Pagdating sa eskinita ng Santiago St., dito na siya hinoldap at pinagsasaksak sa leeg ng suspek bago tumakas patungo sa direksiyon ng Sta Quiteria sa Caloocan City, tangay ang motorsiklo, helmet, cellular phone, at kasuotan ng biktima.

Sa ginawang pagsisiyasat, nakilala ni P/Capt. Ronald Bautista, Commander ng Valenzuela Police Sub-Station 2 ang suspek na dati ng may mga kasong pagnanakaw, panghoholdap, pananakot, ilegal na sugal, at alarm and scandal kaya nalaman nila kung saan ito nakatira.

Inabangan ng grupo ni Capt. Bautista ang suspek hanggang sa maispatan nila ito pasado alas-2 ng hapon malapit sa kanyang bahay sa Salazar St., Brgy. Parada habang minamaneho ang tinangay na motorsiklo sa biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Narekober sa suspek ang cellphone ng biktima, motorsiklo, helmet, coin purse at isang isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Ani Col. Cayaban, nahaharap ang suspek sa mga kasong Robbery with Serious Physical Injuries, paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, Omnibus ElectionCode, Illegal Possession of Bladed Weapon at  Carnapping. (Richard Mesa)

Lolo na wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa QC

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TIMBOG ang 69-anyos na lolo na akusado sa karumal-dumal na krimen kasabwat ang tatlo niyang kaanak na nangyari sa Valenzuela City, nang matunton ng pulisya sa tinutuluyan niyang bahay sa Quezon City.

Sa kanyang ula kay Northern Poice District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa tinutuluyang bahay ng akusado na si alya “Badok” na nasa talaan ng lungsod bilang No. 2 Most Wanted Person.

Sa pakikipag-koordinasyon sa Quezon City Police District (QCPD) at opisyal ng barangay, dinakip ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena  Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarientos si alyas Badok dakong alas-7:30 ng gabi sa kanyang tirahan sa Pook Pagasa, Batasan, Quezon City.

Ayon kay Col. Cayaban, kasama ni alyas Badok ang kanyang mga kaanak na sina alyas “Albino”, alyas “Roderick”, at alyas “Joeven”, nang isagawa ang pa-traidor umanong pagpatay sa kanilang biktima sa Valenzuela City.

Naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Branch 172 noong Nobyembre 26, 2024 laban sa apat nang hindi na sila mahagilap ng pulisya makaraan ang pagpatay.

Sinabi ni Cayaban na walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Badok habang patuloy nilang tinutugis ang tatlo pa niyang kaanak na pawang kabilang sdin sa No. 2 MWP sa lungsod. (Richard Mesa)

LTO CHIEF, nag-utos ng muling pagsasanay sa mga LTO enforcers dahil sa nag-viral na insidente sa Bohol

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

AGAD inatasan ni Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagsasagawa ng refresher courses para sa lahat ng enforcers ng ahensya sa buong bansa matapos ang viral na insidente sa Panglao, Bohol.

 

“Ang insidenteng naganap sa Bohol ay nangangailangan ng mas malalim at sistematikong hakbang upang matiyak na hindi na ito mauulit sa hinaharap. Kaya naman magkakaroon tayo ng retraining para sa lahat ng LTO enforcers sa buong bansa, at ito ay magiging mandatory,” ani Asec Mendoza.

 

Sinabi rin ni Asec Mendoza na inatasan na niya ang pinuno at mga tauhan ng LTO-Law Enforcement Service (LES) sa Central Office na bumuo ng updated version ng protocol na dapat sundin sa pagpapatupad ng batas-trapiko.

 

Ayon kay Asec Mendoza, ang retraining program ay magtutuon ng pansin sa paggalang sa karapatang pantao at tamang proseso sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada.

 

Ang kautusan ni Asec Mendoza ay bunsod ng isang viral video na nagpapakita umano ng marahas na pagtrato ng limang LTO enforcers sa isang motorcycle rider na di-umano’y may dalang patalim habang isinasagawa ang enforcement sa Panglao.

 

Samantala, iniutos na ni DOTr Secretary Vince Dizon ang agarang preventive suspension sa lahat ng LTO personnel na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol.

 

“Mananatili itong epektibo habang isinasagawa ang masusi at patas na imbestigasyon sa mga pangyayari sa likod ng insidente,” ayon sa pahayag ng DOTr.

 

Nauna nang ipinag-utos ni Asec Mendoza ang pansamantalang suspensyon ng deployment ng LTO enforcers sa Bohol habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon na kanyang iniutos matapos matanggap ang ulat tungkol sa insidente.

 

Aniya, kasalukuyang ipinatutupad ngayon ang corrective measures, at bahagi nito ang pagsasagawa ng retraining program para sa lahat ng LTO enforcers.

 

Dagdag pa ni Asec Mendoza, hihingi rin sila ng tulong mula sa Philippine National Police (PNP) sa pagbubuo ng mga panuntunan sa LTO enforcement at sa mismong pagsasagawa ng retraining. (PAUL JOHN REYES)

Abalos, itinalagang ambassador ng safety ng riders

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINALAGA ng dalawang grupo  ng motorcycle riders si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr., sa layuning isulong ang mas ligtas na kalsada para sa mga nagmomotorsiklo at mga guma­gamit ng tatlong-gulong na sasakyan.

Sa ginanap na forum kinilala ng Motorcycle Philippines Federation at Motorcycle Road Safety Warriors si Abalos sa kanyang malawak na karanasan sa serbisyo publiko at dedikasyon sa pamamahala ng trapiko.

“As a leader who has long advocated for road safety, we believe that Benhur Abalos is the right person to champion the welfare of motorcycle and three-wheeled ­riders,” sinabi ng grupo sa isang joint statement. “We trust that he will work towards policies that protect and benefit riders across the country,” anang  motorcycle groups.

Binigyang-diin nina Abalos at ng mga grupo ang agarang pangangai­langan para sa mas mahigpit na mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga aksidenteng may kinalaman sa mga motorsiklo.

Samantala, batay sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, may 31,258 aksidente sa kalsada na naitala sa buong bansa noong 2024. Sa bilang na ito, 15,690 ay may kinalaman sa motorsiklo, habang 4,224 ang sangkot ang mga traysikel.

PALAWAN, BAHAGI NG PILIPINAS- DR. GOITIA

Posted on: March 4th, 2025 by people's balita No Comments

NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan  sa soberanya  ng Pilipinas ang  pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea.

“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa” ayon kay  Dr. Jose Antonio  Goitia,  Chairman Emeritus ng PADER, Alyansa ng Bayan  para sa  KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI) at tumatakbo ring first nominee ng  “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Numero 134 na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers  kasama ang mga kasapi  ng Peoples Alliance for Reform and Democracy (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Indepencia sa Pilipinas( LIPI) ay tahasang  kinokondena  ang pagyurak sa dangal ng mga Pilipino .

“Isang malaking insulto sa ating mga Pilipino ang ginagawa ng Tsina dahil sa kanilang hindi makatuwirang pagsalungat sa mga pinaiiral na batas sa ilalim ng  International  Maritime Law (Law of the Sea) katulad paglalagay ng  hindi wastong siyam na dash line assertion” ayon pa kay Goitia.

Binatikos din ni Goitia ang  pagpapakalat ng Tsina ng maling impormasyon na maaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan  na maaaring pagsimulan ng kaguluhan sa aspetong  soberanya, kalayaan sa nabigasyon at maging sa maayos na  pangangalakal ng iba’t ibang bansa.

Sinang -ayunan din ni Goitia ang  naging desisyon sa ilalim ng United Nations  Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na  ang Palawan ay  bahagi ng Pilipinas base na rin sa geographical na location nito ay sapat  na ebidensya na nagpapatunay na ang  Palawan ay isang hindi maihihiwalay  na  bahagi ng arkipelago ng Pilipinas at nasa loob ng  loob ng Exclusive  Economic Zone at continental shelf ng Pilipinas.

Idagdag pa ang  historical  at legal na kasunduang pandaigdigan katulad ng Kasunduan ng Paris 1898, Kasunduan ng. Washinton  noong 1900, Kongbensyon ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 at ang  Kalayaan ng Pilipinas noong 1946 kung saan nakuha ng Pilipinas  ang soberanya sa Palawan sa pagkuha ng kalayaan.

“Napakaganda  ng Palawan dahil  sa taglay nitong likas na yamang dagat, mga  reserbang langis at gas  na gustong pakinabangan ng Tsina kaya gusto nila itong angkinin,” ayon kay Goitia.

Ang Palawan ay isang archipelago na binubuo ng  1,780 na malalaki at maliliit na isla, bahagi ito ng MIMAROPA (Mindoro Marinduque. Romblon Palawan) (Gene Adsuara)

 

Ads March 4, 2025

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ads March 3, 2025

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ads March 1, 2025

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Stephen Curry, muling gumawa ng record matapos magbuhos 56 pts at 12 3-pointers sa panalo ng GSW kontra Magic

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING  gumawa ng record si NBA Superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Orlando Magic, 121 – 115.

Nagawa ni Steph na magbuhos ng 56 points sa panalo ng GS at naipasok ang 12 3-pointers mula sa labingsiyam (19) na kaniyang pinakawalan sa kabuuan ng laban. Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagawa ito ni Curry sa kaniyang karera.

Maliban sa impresibong tres, naipasok din ni Curry ang lahat ng 12 free throws na iginawad sa kaniya.

Batay sa record ng NBA, ito na ang ika-45 laro sa karera ni Curry na nakagawa siya ng siyam na 3-pointers o higit pa. Ang naturang record ang pinakamataas sa buong liga. Sumunod sa kaniya ang shooter na si Damian Lillard na mayroon lamang 14 games.

Ayon kay Curry, nagawa niya ang naturang performance dahil na rin sa tiwala sa kaniya ng mga teammate. Marami sa kanila aniya ang kampanteng ibigay sa kaniya ang bola upang siya ang magbuslo nito. Sumabay lamang umano siya sa kaniyang mga kapwa-Warriors hanggang sa tuluyang kumamada ng 56 points

Samantala, sa naging laban ng dalawang team ay nagawa ni Curry na buhatin ang GS sa halos kabuuan ng laban. Sa 3rd quarter, pinangunahan niya ang comeback effort ng koponan mula sa 15-deficit at na-outscore ang lahat ng Magic players.

Nagbuhos kasi si Curry ng 22 points sa naturang quarter habang 21 points lamang ang naisagot ng lahat na ng players ng Orlando. Sa kabuuan ng 3rd quarter, nagbuhos ang GS ng 40 points at ibinulsa pa ang 4-point lead.

Kinalaunan, napanatili na ng Warriors ang lead at tuluyang naipanalo, 121 – 115.

Sa panalo ng GS, nag-ambag si Draymond Green ng 12 points at sampung rebound habang 18 points naman ang ipinoste ng sentrong si Quinten Post.

Nasayang naman ang 40 points ni Magic star Paolo Banchero sa pagkatalo ng Orlando.

Alex Eala bigong makausad sa torneo sa Slovakia

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay  tennis star Alex Eala sa ITF 1st Empire Women’s Indoor 2025 na ginanap sa Trnava, Slovakia.

Tinalo siya sa ikalawang round ni Celine Naef ng Switzerland sa score na 4-6, 6-2, 6-3.

Naging pamilyar na sa isa’t-isa ang dalawa dahil nagkaharap na sila sa 2023 WTA Canberra Challenger qualifying round.

Sa unang set ay nakuha ni Eala ang panalo subalit pagpasok ng ikalawang round at ikatlong round ay mas pinalakas ng Swiss tennis player ang kanilang serve at hindi na nakabawi pa si Eala.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na pagkatalo ng 19-anyos na Pinay tennis star ngayon 2025.