KAGYAT na kikilos ang gobyerno sa matinding epekto ng paparating na dry season o panahon ng tagtuyot.
Tinanong kasi si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kung paano poprotektahan ng pamahalaan ang agricultural sector laban sa pinsala na dala ng inaasahang panahon ng tagtuyot partikular pa’t ang “danger” level heat index ay nararanasan na sa ilang parte ng bansa.
“As of now, talaga po ay hindi pa po kami nakakapag-usap patungkol diyan, pero kung ito po talaga ay nakikita po, nababanaag po ang matinding epekto, kikilos po talaga agad ang mga ahensiya para po matugunan kung anuman ang magiging problema sa mga susunod na araw itong napakatinding init na nararamdaman natin,” ang sinabi ni Castro.
Nauna rito, pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong nagsisimula ng maramdaman ang mainit na temperatura sa ating bansa.
Ito ay kasunod ng forecast mula sa state weather bureau na ang heat index sa Metro Manila ngayong araw, Marso 3 hanggang bukas, Marso 4 ay aabot sa 46 degrees Celsius.
Gayundin inaasahan ang “danger” heat index sa lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, at Olongapo City.
Ayon kay Health spokesperson ASec. Albert Domingo, ang temperaturang mula 33-41 degrees Celsius ay inuri ng weather bureau bilang “extreme caution” habang 42-51 degrees celsius bilang “danger.”
Ang ganitong mga temperatura aniya ay maaaring humantong sa heat cramps o pamumulikat at heat exhaustion o pagkahapo, na may mga sintomas tulad ng pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at pagkahilo.
Nagbabala rin ang opisyal na ang matagal na pagkakalantad sa init ay nagpapataas ng posibilidad ng heat stroke na isang seryosong kondisyon na may kaakibat na pagkawala ng malay, pagkalito, o kaya ay seizure/kombulsyon, na maaaring nakamamatay kung hindi ito ginagamot.
Kung sakali mang maramdaman ang nabanggit na mga sintomas, narito ang payo ng DOH para sa paunang lunas.
Samantala, sa isang statement, inihayag ni DOH Secretary Ted Herbosa na maituturing ng mapanganib kapag umabot na sa 42 degree celsius ang healt index kayat nagpaalala ito sa publiko na dalasan ang pag-inom ng malinis na tubig, at umiwas na mabilad sa araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. (Daris Jose)
NAKATAKDANG ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang Philippines’ Advance Passenger Information System (APIS), isang hakbang tungo sa modernisasyon ng border security at a major step in modernizing border security and streamlining immigration processes, kasunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ayusin ang national security sa pamagitan ng digital transformation.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Ad Interim Secretary Jay Ruiz hinggil sa memorandum na nag-uutos sa lahat ng presidential appointees sa mga ahensya, tanggapan at burukrasya sa ilalim ng PCO na magsumite ng kanilang ‘unqualified courtesy resignations.’
PAG-AARALANG mabuti ng Presidential Communications Office (PCO) ang posibilidad na magtatag ng isang regulatory body para i- monitor at suriin ang social media content sa layuning tugunan ang lumalagong problema ng fake news.
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang mga kidnapper ng Chinese student ay di umano’y nabibilang sa “muscle group” ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
IIMBITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang isang beauty contestanat sa isang noontime show na umaming walang halos kamalayan sa Comelec.
UMABOT na sa mahigit 53 milyon ang naimprentang balota para sa May 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
NAGPAHAYAG nang pagkabahala si House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales sa kakulangan o kawalan ng tugon mula sa ilang mga senatorial candidates kaugnay sa lumalaking banta ng Chinese espionage sa Pilipinas.
PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa Milflores Bombastik Station sa Brgy. Tanza 2, at Taganahan Bombastik Station sa Brgy. Bagumbayan South, bilang karagdagang pasilidad na panlaban sa baha. (Richard Mesa)