• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

PALAWAN, BAHAGI NG PILIPINAS- DR. GOITIA

Posted on: March 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan  sa soberanya  ng Pilipinas ang  pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea.

“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa” ayon kay  Dr. Jose Antonio  Goitia,  Chairman Emeritus ng PADER, Alyansa ng Bayan  para sa  KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI) at tumatakbo ring first nominee ng  “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Numero 134 na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers  kasama ang mga kasapi  ng Peoples Alliance for Reform and Democracy (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Indepencia sa Pilipinas( LIPI) ay tahasang  kinokondena  ang pagyurak sa dangal ng mga Pilipino .

“Isang malaking insulto sa ating mga Pilipino ang ginagawa ng Tsina dahil sa kanilang hindi makatuwirang pagsalungat sa mga pinaiiral na batas sa ilalim ng  International  Maritime Law (Law of the Sea) katulad paglalagay ng  hindi wastong siyam na dash line assertion” ayon pa kay Goitia.

Binatikos din ni Goitia ang  pagpapakalat ng Tsina ng maling impormasyon na maaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan  na maaaring pagsimulan ng kaguluhan sa aspetong  soberanya, kalayaan sa nabigasyon at maging sa maayos na  pangangalakal ng ibat-ibang bansa.

Sinang -ayunan din ni Goitia ang  naging desisyon sa ilalim ng United Nations  Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na  ang Palawan ay  bahagi ng Pilipinas base na rin sa geographical na location nito ay sapat  na ebidensya na nagpapatunay na ang  Palawan ay isang hindi maihihiwalay  na  bahagi ng arkipelago ng Pilipinas at nasa loob ng  loob ng Exclusive  Economic Zone at continental shelf ng Pilipinas.

Idagdag pa ang  historical  at legal na kasunduang pandaigdigan katulad ng Kasunduan ng Paris 1898, Kasunduan ng. Washinton  noong 1900, Kongbensyon ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 at ang  Kalayaan ng Pilipinas noong 1946 kung saan nakuha ng Pilipinas  ang soberanya sa Palawan sa pagkuha ng kalayaan.

“Napakaganda  ng Palawan dahil  sa taglay nitong likas na yamang dagat, mga  reserbang langis at gas  na gustong pakinabangan ng Tsina kaya gusto nila itong angkinin” ayon kay Goitia.

Ang Palawan ay isang archipelago na binubuo ng  1,780 na malalaki at maliliit na isla, bahagi ito ng MIMAROPA (Mindoro Marinduque. Romblon Palawan)

(Gene Adsuara)

Ads March 5, 2025

Posted on: March 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Khalil Ramos and Romnick Sarmenta, together with Xander Nuda are teaming up for ‘Olsen’s Day’, directed by JP Habac

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
It is one thing to die. It is another to be forgotten.
Khalil Ramos and Romnick Sarmenta, together with child actor Xander Nuda, are teaming up for Olsen’s Day, directed by JP Habac.
Also starring in the coming-of-age comedy-drama are Sherry Lara, Nour Hooshmand, Che Ramos, and Bodjie Pascua.
 
Logline:
On the day of his birthday, a 30-year-old radio broadcast assistant embarks on a trip with a strange old man and his son who put his job at risk, but eventually lead him to discovering an important truth about his life.
 
Synopsis: 
Olsen meets an old man, Tony, and his son, Tonton, who hitch a ride with him to a hospital in Manila. They spend the day and go on a weird “family” adventure together – with lots of stopovers, conversations, music, food trips, and arguments – until a misfortune about Olsen’s job happened that pisses him off. Tony feels that they are taking too much of Olsen’s time already so he asks Olsen to drop them off at the nearby hospital. When Olsen reaches the station unit in Manila, the package that he’s supposed to deliver have gone missing. He decides to go back to the hospital where he dropped off Tony and Tonton, hoping that the two might have brought the papers with them, until he discovers a truth about his life and the man to blame for it.
 
Statement:
My father and I were not very close but we both knew in our hearts that a special bond existed between us. I lost him in January 2012. It was my first major heartache. I needed something to turn to. This was how Olsen’s Day happened. I needed to escape. I had to move on.
 
Olsen’s Day explores the magic of familial ties and the bond that never dies in this father and son story that takes us on a ride to the end and back to the start. It aims to share with us the importance of family, of spending time and enjoying moments, and remembering what is important in the clutter of everyday life.
This is a story about moving on and reaching for what others could no longer reach. This is about remembering your first encounter with love and loss. This is about discovering a new purpose to live.
 
Olsen’s Day, one of the official entry in a full-length film category of this year’s Puregold CinePanalo Film Festival with a theme, “Mga Kwentong Panalo ng Buhay,” will take place from March 14 to 25 at the Gateway Cineplex 18.

 

 
FB_IMG_1740816645928.jpg

Mapapanood sa musical play na ‘Liwanag Sa Dilim’: ANTHONY, naba-batubalani sa kagandahan nina HEART at MARIAN

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAY bagong kanta ang Sparkle artist na si Anthony Rosaldo ang “Batubalani” sa ilalim ng GMA Playlist.

Kuwento niya sa inspiraayon sa naturang kanta, “‘Batubalani’ is a song that I wrote, 2022 pa, so matagal na siyang nakabangko.
“And my inspiration actually is from the title itself, “Batubalani”, so parang if I’m not mistaken, na-encounter ko yung word somewhere in an article yata or a video, tapos I got curious kung anong meaning nung Batubalani.
So yung meaning po ng Batubalani is magnet, magnet siya, so “Batubalani” is a love song, so if you guys listen to the lyrics, tungkol siya sa pag-ibig ng isang taong hindi kayang mahiwalay sa kanyang mahal.
“So lagi siyang naghahanap ng chance na mapalapit sa kanya and hindi sila magpahihiwalay. So it revolves around that and I, as a big fan of mga K-drama, ganun sila, di ba?
“Pag napapanood yung bida, parang grabe naman sila, hindi sila mapaghiwalay, yung love nila against all odds, sila lang forever.
“So parang ganoon, dun po tumakbo siya.”
Kanino sa showbiz siya naba-batubalani?
“Naba-batubalani ako ‘pag nakikita ko si Miss Heart,” pagtukoy niya sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
“Sino pa ba? Si Miss Marian,” pagbanggit naman niya sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
“Yung mga beauty nila nakaka-batubalani po, so sila po yung mga nakaka-magnetize sa akin.”
Ang huling single na kinanta at sinulat ni Anthony ay ang “Tama Na” noong 2022; bakit matagal nasundan ang last single niya?
“Ano po kasi, yung 2022 po kasi was my transition to theater, so nag-start po ako mag-rehearse ng “Ang Huling El Bimbo: The Musical”, 2022 na po.
“So parang as you all know, pag nasa theater ka, you focus solely on that and parang iyon po, nawala na po yung attention ko sa paglabas ng kanta.”
Isa ring stage actor si Anthony at malapit na siyang mapanood sa musical play na, So, ang “Liwanag Sa Dilim” po, sa totoo lang, hindi pa po ako informed kung ano po yung mga details na puwede kong ilabas.
“I will only base yung sasabihin ko po sa mga nabasa ko na. So yung “Liwanag Sa Dilim” po revolves around the story of my character.
“Hindi ko alam kung puwede kong sabihin yung pangalan, but I’m an orphan po, yung character ko and then, tatakbo po siya sa story and sa journey po ng character ko.
Pero ang masasabi ko lang po, dahil nga po ito ay isang Rico Blanco musical… dun pala po sa mga songs na kakantahin namin, we have 23 of Rico Blanco’s songs from when he was in Rivermaya.
“So iyon po yung gagamitin namin na mga kanta sa musical, so dun pa lang ang feeling ko kapit na kapit na agad po yung mga manonood namin.”
Tinanong naman si Anthony kung ano ang fulfillment na nakukuha niya sa theater acting na hindi nakukuha sa singing.
“So, yung fulfillment ko naman po sa theater, iba kasi e,” pakli niya, “I mean, when you’re in theater, it requires a lot of hard work.
Hard work, patience, and also being genuine to your co-characters, and to also being accepting sa lahat ng puwede kong i-feed sa iyo.
“So there’s magic in theater po, na I find very, very fulfilling and I’m very satisfied.”
Pag-amin pa ni Anthony dumaan siya sa anxiety dati.
“I also struggled with anxiety when I first did theater, so parang pag napagdaanan mo na siya lahat… tapos nagpe-perform ka na and you’ve done a two-and-a-half-hour show ng dire-diretso, walang cut, ang sarap sa pakiramdam, lalung-lalo na po sa curtain call.
“So ayun po, those are the feelings na hindi ko makukuha with just singing po.”
(ROMMEL L. GONZALES)

‘Anora’ ni Sean Baker, waging-wagi sa 97th Oscar Awards: MIKEY MADISON, kinabog si DEMI MOORE sa pagka-Best Actress

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PINARANGAL na ang bagong set of winners na nakapag-uwi ng most coveted Oscar statuette sa 97th Academy Awards last Monday, March 3 (Manila time), na ginanap sa Dolby Theatre at Ovation Hollywood sa Los Angeles, USA.
Naglaban-laban sa Best Picture ang ‘Anora’, ‘The Brutalist’, ‘A Complete Unknown’, ‘Conclave’, ‘Dune: Part Two’, ‘Emilia Pérez’, ‘I’m Still Here’, ‘Nickel Boys’, ‘The Substance’, at ‘Wicked.’
Nanguna naman sa 13 nominations ang Netflix movie musical na ‘Emilia Pérez’. Pero kinabog sila ng ‘Anora’ ni Sean Baker na nakakuha ng five awards: Best Original Screenplay, Best Film Editing, Best Directing, Best Actress in a Leading Role (Mikey Madison), and Best Picture.
Tinalo nga ng 25-year-old actress na si Mikey ang 62-year-old na Demi Moore, na nakatatlong Best Actress na para sa ’The Substance’.  Kaya naman maraming na-disappoint na hindi siya ang nagwagi, pero naging kalmado lang si Demi at nagpakita ng suporta sa pagkapanalo ng young actress.
Si Adrien Brody naman ang tinanghal na Best Actor para sa post-war epic na ’The Brutalist’.  Noong 2003, si Brody na 29 years old, ang naging youngest actor na nanalo para sa ’The Pianist’.
Hawak pa rin niya ang record na ito dahil kinabog niya si Timothée Chalamet, 22, na palaban din sa pagganap niya sa Bob Dylan biopic na ‘A Complete Unknown.’
Narito ang complete list winners 97th Oscar Awards:
Best Actor in a Supporting Role: Kieran Culkin, ‘A Real Pain’
Best Animated Feature Film: ‘Flow’, Gints Zilbalodis, Matīss Kaža, Ron Dyens and Gregory Zalcman
Best Animated Short Film: ‘In the Shadow of the Cypress’, Shirin Sohani and Hossein Molayemi
Best Cosume Design: ‘Wicked’, Paul Tazewell
Best Original Screenplay: ‘Anora’, screenplay by Sean Baker
Best Adapted Screenplay: ‘Conclave’, screenplay by Peter Straughan
Best Makeup and Hairstyling: ‘The Substance’, Pierre-Olivier Persin, Stéphanie Guillon and Marilyne Scarselli
Best Film Editing: ‘Anora’, Sean Baker
Best Actress in a Supporting Role: Zoe Saldaña, ‘Emilia Pérez’
Best Production Design: ‘Wicked’, Production Design: Nathan Crowley; Set Decoration: Lee Sandales
Best Original Song: “El Mal” from ‘Emilia Pérez’, Clément Ducol, Camille and Jacques Audiard
Best Documentary Short Film: ‘The Only Girl in the Orchestra’, Molly O’Brien and Lisa Remington
Best Documentary Feature Film: ‘No Other Land’, Basel Adra, Rachel Szor, Hamdan Ballal, Yuval Abraham
Best Sound: ‘Dune: Part Two’, Gareth John, Richard King, Ron Bartlett and Doug Hemphill
Best Visual Effects: ‘Dune: Part Two’, Paul Lambert, Stephen James, Rhys Salcombe and Gerd Nefzer
Best Live Action Short Film: ‘I’m Not a Robot’, Victoria Warmerdam and Trent
Best Cinematography: ‘The Brutalist’, Lol Crawley
Best International Feature Film: ‘I’m Still Here’ (Brazil), Walter Salles
Best Original Score: ‘The Brutalist’, Daniel Blumberg
Best Actor in a Leading Role: Adrien Brody, ‘The Brutalist’
Best Director: Sean Baker, ‘Anora’
Best Actress in a Leading Role: Mikey Madison, ‘Anora’
Best Picture: ‘Anora’, Alex Coco, Samantha Quan and Sean Baker, Producers
(ROHN ROMULO)

Kung dati ay ready sa kahit anong role: MIGS, nagbago ng image kaya wholesome na ngayon

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKILALA si Migs Almendras sa paglabas sa mga gay themed series tulad ng ‘Hello Stranger’, ‘Unlocked’, ‘Lonely Connection’, at ‘Memories of a Love Story.’ 
Sinubukan din niya ang maging daring sa sex-comedy series ng Vivamax na ‘High on Sex.’
Pero simula noong pumirma siya as one of Sparkle’s newest talent, nabago na raw ang priorities niya sa kanyang career.
“Before kasi ready ako for any role given to me. Straight, gay, bisexual, kaya kong gawin. Nasabi ko pa nga na ready akong mag-frontal nudity basta maganda ang project. Ngayon more on being wholesome na tayo. Decision ko na rin iyon para maiba na yung image natin,” sey ni Migs.
Kinukuha si Migs na host sa mga corporate events at tuwing may mediacon sa GMA-7. Lumalabas din siya sa ‘Black Rider’ at ngayon sa ‘Binibining Marikit’ bilang isa sa kontrabida ni Herlene Budol.
“Thankful po ako sa tiwala na binibigay ng Sparkle sa atin. Ito na nga yung bagong image na gusto nating ipakita ngayon. Tuluy-tuloy po sana ang pagdating ng mga magagandang projects sa taong ito.
***
MALINAW ng Drag Race Philippines judge na si Jervi Wrightson o mas kilala sa tawag na Kaladkaren nang sabihin nito na: “Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson.
Tinapos ng showbiz news presenter ang mga tsismis na kumakalat na on the rocks ang relasyon niya sa kanyang British husband na si Luke Wrightson. 
“Lilinawin ko lamang po ‘yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.
“But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa’t isa. So, kami pa rin po. We’re still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa. Katunayan nga, umuwi ng Pilipinas, kakarating lang po kaninang tanghali.
Hiniling din niya sa mga tao na maging maingat sa kumakalat na “fake news” online tungkol sa kanyang relasyon.
“I think ang moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume. ‘Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and of course ‘di ba lets mind our own business.”
Ikinasal sina Jervi at Luke noong September 2024 sa Scarborough, United Kingdom.
(RUEL J. MENDOZA)

Creamline, Petro Gazz sa AVC tilt

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IWAWAGAYWAY ng Creamline at Petro Gazz ang bandila ng Pilipinas sa AVC Women’s Champions League na idaraos sa Abril 20 hanggang 27 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Mismong si Premier Volleyball League (PVL) president at Philippine National Volleyball Federation vice president Ricky Palou ang nagkumpirma ng pagtatalaga sa Cool Smashers at Gazz Angels para sumalang sa AVC event.

Orihinal na plano sana na ang magkakampeon sa ginaganap sa PVL All-Filipino Conference ang sasabak sa AVC tournament.

Subalit dahil kailangan nang isumite ang team sa AVC, nagdesisyon ang PVL na tukuyin na lamang ito base sa standings ng teams matapos ang preliminary round.

Sa pagtatapos ng eliminasyon, nanguna ang Cool Smashers at Gazz Angels kaya’t nakuha ng dalawang teams ang karapatang maging respresentatives ng bansa sa AVC.

Bilang host country, pinahintulutan ang Pilipinas na magpasok ng dalawang teams sa AVC tournament.

Orihinal sanang gaganapin ang AVC event sa South Korea ngunit inilipat ito sa Vietnam bago muling ipasa ang hosting rights sa Pilipinas.

Hawak ng  Creamline at Petro Gazz ang parehong 10-1 rekord sa pagtatapos ng eliminasyon.

Ipaparada ng Creamline si team captain Alyssa Valdez habang  bibida naman sa Petro Gazz sina Filipino-American standouts Brooke Van Sickle at MJ Phillips.

Brownlee tutulong sa Philippines basketball

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATURALIZED player ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee at makailang ulit na itong tumanggap ng iba’t ibang parangal sa PBA bilang import ng Barangay Ginebra.

Hindi na maikakaila na may pusong Pinoy na ito.

Sanay na ito sa kultura ng mga Pilipino, sa sistema ng paglalaro sa Pilipinas, sa lengguwahe ng mga Pinoy at sa masasarap na pagkaing Pinoy.

Kaya naman bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng buong sambayanan, nais ni Brownlee na masuklian ito.

Sumama na si Brownlee sa mga kapwa basketball stars nito na sina Scottie Thompson at Jayson Castro sa pagsuporta kay Milka Romero at 1Pacman Partylist na malalim ang adbokasiya sa sports at youth development.

“I actually want to give back to basketball. Hopefully I can do some things with younger kids and try to help the development of basketball here in the Philippines,” ani Brownlee.

Pormal nang naging Filipino citizen si Brownlee noong 2023 sa tulong ni outgoing 1Pacman representative Mikee Romero na siyang nagsulong ng bill para sa citizenship nito sa House of Representatives.

“I definitely appreciate that. I understand it wasn’t an easy process but I just appreciate all the senators and politicians who were involved. I can name so many but I’m just gonna say everyone that was involved, I just appreciate them,” ani Brownlee.

Nais ni Brownlee na maging kaakibat ni Milka sa programa ng 1Pacman para sa grassroots.

Jay Ruiz, nasa proseso na ng pag-divest ng shares mula sa co-founded firm — Malakanyang

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASA proseso na si Presidential Communications Office Ad Interim Secretary Jay Ruiz na i-divest o alisin ang kanyang interest at shares sa kanyang kumpanya.

 

 

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nang tanungin hinggil sa may isang media company na co-founded ni Ruiz ang di umano’y nakasungkit ng P206.052 milyong halaga ng kontrata mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa last quarter ng 2024, ilang buwan bago pa siya italaga sa PCO.

 

 

Sa ilalim aniya ng batas, si Ruiz ay mayroong 60 days para i- divest o alisin ang kanyang shares o interests.

”Ang batas naman po natin ay allowed po mag-divest ng shares o interest sa anumang kumpanya na pag-aari niya within 60 days from the time na nagassume ng position so ‘yan po ay parating na po at alam naman po niya ang batas at lahat naman po ng gagawin natin dito ay dapat naaayon sa batas,”ayon ay Ruiz.

 

 

”Sa pagkakaalam ko ay in the process na po dahil pineprepare na po niya ang kanyang mga papers regarding [that],” dagdag na wika nito.

Sa ulat, opisyal nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Veteran journalist na si Jay Ruiz bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinalitan ni Ruiz si dating PCO Acting Secretary Cesar Chavez na nagbitiw sa tungkulin matapos aminin na nagkulang siya sa kung ano ang dapat asahan sa kanya.

 

 

Nagsumite si Chavez ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Marcos Jr. noong nakaraang Pebrero 5, 2025.

Samantala, sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag, nangako naman si Ruiz na lalabanan ang disinformation at ipalalaganap sa publiko ang mga proyekto ng administrasyong Marcos.

Samantala, itinalaga at nanumpa naman si Atty. Claire Castro bilang  Undersecretary ng PCO na may karagdagang tungkulin bilang  Palace Press Officer. (Daris Jose)

Malakanyang, pag-aaralan ang napaulat na donasyon ng di umano Çhinese spies

Posted on: March 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PAG-AARALAN ng Malakanyang ang napaulat na donasyon ng di umano’y Chinese spies sa dalawang police forces at isang local government unit (LGU).

”As of now, pag-aaralan po natin ‘yan kung ito po ay naging donasyon in good faith, kailangan po talaga natin malaman dahil hindi naman po masama tumanggap ng donasyon,” ayon kay Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

 

 

Nabanggit din na sa kasagsagan ng pandemiya, nag-donate din ang Tsina ng ambulansiya sa lokal na pamahalaan ng Davao City.

”Wala pong masama kung tatanggap ng donasyon if it’s done in good faith. Kung ito naman po pala ay ibinigay pero mayroong kakaibang dahilan for that, kailangan po natin imbestigahan ‘yan kung sino man po ‘yung mga tumanggap na mga opisyal na LGU dapat siguro malaman natin para di na po maulit kung sila man po ay nagagamit, kung di man nila alam na nagagamit sila,” ang sinabi ni Castro.

 

 

Sa kabilang dako, sa isang ekslusibong report ng Reuters, nakasaad dito na may tatlong Chinese nationals ang inakusahan ng espionage, lider ng socio-civic groups ang nag-donate sa city of Tarlac at sa dalawang police forces.

Sinasabing, may limang Chinese national ang dinitenado ng Philippine investigators nito lamang Enero di umano’y nagtipon ng mga imahe at mapa ng Philippine naval forces malapit sa South China Sea.

 

 

Sinabi naman ng mga awtoridad ng Pilipinas na ang exposé ay maaaring mag-trigger ng “closer scrutiny” ng foreign socio-civic groups’ activities sa bansa.

Samantala, tinitingnan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang bagay na ito.

(Daris Jose)