PATAY ang isang 25-anyos na lalaki nang pagtulungan ng magkakapatid matapos napikon na pinaparatangan na nagkakanlong ng tao sa kanilang bahay sa Tondo, Manila Lunes ng hapon.Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Raymond Castillo y Galang, may live-in parner ng Bldg 26, Temporary Housing, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, Manila subalit namatay din habang ginagamot .
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang magkakapatid na sina Vasser Ocampo y Carlos, 31, binata, Dither Ocampo y Carlos, Ness Ocampo y Carlos at Nasser Ocampo y Carlos, pawang nasa wastong edad at pawang residente ng Bldg. 33, Unit 51, Temporary Housing, Brgy. 105, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-3:30 ng kamakalawa ng hapon noong Lunes kung saan nagtungo ang biktima at isang Joylyn Cobo, 24 sa bahay ng magkakapatid at hinahanap kay Vasser ang isang tao kung nagtatago ito sa kanilang bahay subalit hindi ito nakita kaya umuwi ang dalawa.
Makalipas ang ilang minuto, ay bumalik ang biktima at kasama nito sa bahay ng magkakapatid na ikinainis ni Vasser na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa lumutang ang mga kapatid nito at tinulungan siya habang pinagsasaksak ni Vasser ang biktima..
Sa kabila ng tama ng saksak ng biktima ay nagawa pa umanong tumakbo hanggang sa natumba it pagsapit sa building 27 kung saan tinulungan ito ng kanyang mga kapitbahay at isinugod sa ospital habang ang mga suspek at tumakas.
Makalipas ng dalawang araw na nakikipaglaban sa kamatayan ang biktima ay bumigay din ang katawan nito. (Gene Adsuara)
KAISA si Deputy David “Jay-jay” Suarez ng Quezon sa pagkondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maling ulat na ibinasura ng gobyerno ang dagdag na daily subsistence allowance ng mga sundalo.
TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na kanyang kausap sa Navotas City.
MAHIGIT 500 job seekers mula sa Lungsod ng Caloocan ang hired on the spot sa matagumpay na dalawang mega job fairs sa buwan ng Pebrero na isinagawang ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO).
NAGPATUPAD ang Pamahalaan ng Lungsod ng Malabon ng ordinansa na nagbibigay ng real property tax amnesty para sa delinquent taxpayers, na nagpapahintulot sa kanila na bayaran ang kanilang hindi nababayarang buwis, sa hangarin pagandahin ang revenue collection at palakasin ang ekonomiya ng lungsod.
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magi-institutionalize sa expanded tertiary education equivalency and accreditation program (ETEEAP).
PLANO ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng adjustment sa class schedule ng mga estudyante, bunsod na rin ng nararanasang matinding init ng panahon.
HINDI inakala ng 30-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela na matunton pa siya ng tumutugis na mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Mamburao. Occidental Mindoro.
WITNESS the next chapter in this legendary battle of fire and ice in ‘Ne Zha 2’, the highest-grossing animated film ever.