• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Alegasyon na bininbin ng Kamara ang pagsusumite ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa Senado, ibinasura ng mambabatas

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IBINASURA ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Jude Acidre ng Tingog Party-list ang alegasyon na bininbin ng Kamara ang pagsusumite ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.

 

“From day one, there were already discussions and assessments happening among members. This was not a rushed or politically motivated move – this was a well-thought-out process that consolidated three different complaints into one strong, unified case,” paliwanag ni House Assistant Majority Leader Asidre.

 

Taliwas aniya sa pahayag ni Senador Cynthia Villar na naghinay-hinay ang Kamara bago ito isinumite ang Articles of Impeachment sa Senado.

 

Pahayag nito, dumaan ang impeachment sa mabusising proseso at hindi dapat minamadali.

 

“Impeachment is a constitutional process that requires careful deliberation, legal scrutiny, and political consensus. Alam naman po ng ilang senador na dati ring kinatawan sa Kongreso na hindi ito basta-basta. Kung dumaan ito sa House Justice Committee, mas lalo pang tatagal ang proseso. Pero dahil 215 na miyembro ng Kamara ang pumirma, na-fast-track ang transmittal ng Articles of Impeachment,” ani Acidre.

 

Kung idinaan aniya ng Kamara sa pagdinig ng House Committee on Justice ay tiyak na hahaba ang proseso nito.

 

“Kung talagang gusto naming patagalin ito, sana pinadaan pa namin sa mga committee hearings. Pero dahil seryoso ang mga miyembro ng Kamara sa panawagan ng accountability, nagkaisa kami sa isang matibay at pinag-isipang complaint,” sabi pa nito.

 

Hinikayat nito ang Senado na pagtuunan ang usapin ng merito ng kaso sa halip na political rhetoric ukol sa procedural na isyu.

 

“This is about accountability, public trust and our duty to uphold the Constitution. The Filipino people deserve a fair and expeditious trial. That is where the focus should be now,” pagtatapos ni Acidre. (Vina de Guzman)

Speaker Ferdinand Martin Romualdez, nakiramay sa dalawang piloto ng AFP

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagkikiramay sa pagkamatay ng dalawang piloto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito sa Bukidnon.

 

“Nakikiisa ako sa pagdadalamhati ng ating Sandatahang Lakas at ng mga pamilya ng dalawang piloto ng Philippine Air Force na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. Sila ay hindi lamang mga sundalo; sila ay mga anak, kapatid, at ama na iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay upang gampanan ang isang dakilang misyon. Sa kanilang huling paglipad, dala nila ang pangarap ng bawat Pilipino para sa isang ligtas, payapa, at maunlad na bansa,” anang Speaker.

 

Ayon kay Speaker Romualdez, ang naging sakripisyo ng dalawang piloto ay isang paalala sa ating lahat kung gaano kahalaga ang patuloy nating pagkakaisa bilang isang bansa.

 

Hindi lamang aniya ito laban ng mga sundalo kundi ito ay laban ng bawat Pilipino laban sa takot, karahasan, at pang-aabuso.

 

“Sinisiguro namin sa Kongreso na hindi masasayang ang kanilang dugo at pawis. Patuloy nating palalakasin ang ating Sandatahang Lakas, titiyakin ang sapat na suporta para sa ating mga sundalo, at ipaglalaban ang isang bansa kung saan ang kapayapaan ang mananaig,” dagdag nito.

 

“Sa lahat ng sundalong Pilipino – sa himpapawid, sa lupa, sa dagat – saludo kami sa inyo. Ang inyong tapang at dedikasyon ang dahilan kung bakit patuloy tayong namumuhay nang malaya. Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit,” pagtatapos ni Romualdez. (Vina de Guzman)

Lolo na wanted sa rape sa Masbate, nabitag sa Valenzuela

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAKALIPAS ang mahigit 14-taon, makakamit na ang hustisya ng naging biktima ng 74-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa probinsya ng Masbate, matapos siyang madakma ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng tanghali.

Pansamantalang nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang akusado na si alyas “Bin”, tubong Masbate at residente ng Bagong Silang. Sucat, Muntinlupa City.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng tanghali nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa Valenzuela Gateway Complex, Brgy. Paso de Blas ang akusado na kabilang sa talaan ng mga ‘Most Wanted Person’ sa lalawigan ng Masbate.

Maayos namang isinilbi kay alyas Bin ng mga tauhan ni P/Capt. Ronald Bautista, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section ang alias warrant of arrest para sa paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to R.A. 7610, na inisyu ni Presiding Judge Domingo B. Maristela Jr., ng Regional Trial Court Branch 49, Cataingan, Masbate City, noong December 16, 2011.

Ayon kay Col. Cayaban, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na hinihintay na lamang ang ilalabas na commitment order para sa paglilipat sa kanya sa Provincial Jail ng Masbate.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station sa kanilang walang tigil na pagsisikap sa pagtiyak ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (Richard Mesa)

Most wanted kidnapper sa Quezon, nakorner sa Caloocan

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGWAKAS na ang maligayang araw ng isang lalaki na wanted sa kaso ng kidnapping sa Lalawigan ng Quezon matapos masukol ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.

Nakatanggap ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ng impormasyon na nagtatago sa Bagong Silang ang 40-anyos na lalaking akusado.

Hindi na nakapalag ang akusado nang arestuhin siya ng mga tauhan ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section sa kanyang tinitirhan sa Phase 5Y, Package 5, Barangay 176, Bagong Silang, dakong alas-12:40 ng hating gabi.

Binitbit ng mga tauhan ni Col. Canals ang akusado sa bisa warrant of arrest para sa two counts of Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention na inisyu ni Presiding Judge Aristotle M. Reyes, ng Fourth Judicial Region, Branch 15, Lucena City, Quezon, noong February 26, 2025, na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Caloocan Police Investigation and Detection Management Section-Warrant and Subpoena Section habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitmetn order mula sa hukuman.

Binati ni NPD Acting District Director P/Col. Si Josefino Ligan ang hindi natitinag na pangako ng Caloocan police sa pagtugis sa mga wanted persons na nagpapatibay sa dedikasyon nito sa pagtataguyod ng hustisya at pagpapanatili ng peace and order. (Richard Mesa)

Sa pagkakatakas ng isang puganteng Korean national . . . BI Chief, ipinag-utos ang pagkakatanggal sa mga empleyado

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAG-UTOS ni  Bureau of Immigration (BI), Commissioner Joel Viado ang pagkakasibak sa kanilang tungkulin ang mga empleyado ng BI na may kinalaman sa pagkakatakas ng isang high profile na puganteng Korean naional.

 

“This is a direct and undeniable breach of duty. Walang palusot, walang sisihan—lahat ng sangkot mananagot,” ayon kay Viado. We will not tolerate negligence, corruption, or collusion within our ranks,” dagdag na nito.

 

Sinabi na ni Viado na “heads will roll” sa mga immigration officers kung mapapatunayang sangkot sila.

 

“This is a turning point for the Bureau. Hindi na pwede ’yung nakagawian ng kalokohan. Those who think they can get away with this should think again,” ayon kay Viado.  “We will expose, punish, and remove anyone who betrays the trust of this institution and the Filipino people,” babala pa nito.

 

Ipinag-utos ng BI Chief ang internal audit sa lahat ng mga personnel na nakatalaga sa high-risk deportation and detention cases, at masigurong hindi na ito mauulit pa.

 

“The days illicit deals and under-the-table transactions in the Bureau are numbered. We are cleaning house—and this is just the beginning,” ayon kay Viado.

 

Bukod sa nakaabang na kasong administratibo, nahaharap din ang mga ito ng kasong criminal for infidelity in the custody of a prisoner. (Gene Adsuara)

P5.548M shabu na nakatago sa laruan, nasabat

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

AABOT sa 816 gramo ng shabu o nasa kabuuang halaga na P5,548,800 ang nasabat ng Bureau of Customs  sa pamamagitan ng Port of Clark sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforement Agency (PDEA) .

 

Galing umano ang shipment sa Los Angeles, California at dadalhin sa Cagayan de Oro City.

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon na ibinigay ng PDEA dahilan para suriin ng BOC ang 10 piraso ng laruan — isang egg ty at siyam na kinetic sand toys.

 

Sa loob ng laruan ay napansin ang vacuum-sealed  pouches na naglalaman ng shabu batay na rin sa ginagawang pagsusuri ng PDEA.

 

Binigyang diin ni Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes ang kahalagahan ng matibay na pagtutulungan sa iba pang law enforcement agencies sa pagpagpapahusay ng pambansang seguridad at pagpigil sa pagpupuslit ng iligal na droga at kontrabando.

 

Ang tagumpay ng operasyong ito ay resulta ng coordinated at strategic efforts ng Port of Clark – Customs Anti-Illegal Drug Task Force, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police – Aviation Security Group, National Bureau of Investigation – Pampanga District Office, Department of Justice, at mga lokal na opisyal mula sa Brgy. Dau, Mabalacat City.

 

Isang Warrant of Seizure and Detention ang ibibigay laban sa shipment dahil sa paglabag sa Section 118(g), Section 119(d), at Section 1113 paragraph (f), (i), at (l) ng R.A. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng R.A. Hindi. 9165. (Gene Adsuara)

Oscar Orbos, pangungunahan ang PTV bilang officer-in-charge

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ASAHAN nang pangungunahan ni Oscar Orbos ang state-run television network People’s Television Network (PTV) bilang officer-in-charge nito.

Nangangahulugan lamang ayon kay Presidential Communications Office ad interim Secretary Jay Ruiz na papalitan ni Orbos si Toby Nebrida.

 

 

“Siya ang papalit. Nakausap na namin nung Sabado at pumayag siyang pansamantala munang mag-officer-in-charge doon as (general manager). We are just preparing the papers, titignan namin yung legalities. Pero sa ngayon pumayag na siya,” ang sinabi ni Ruiz sa isang panayam.

 

 

“Ang sabi niya lang ‘I won’t stay there for long’ kasi medyo may edad na si former Secretary Oscar Orbos,” aniya pa rin.

 

 

Pinalitan ni Orbos si Nebrida dahil sa di umano’y reklamo mula sa mga empleyado ng PTV.

 

 

“I don’t have specifics, pero okay na muna ‘yun…pero may mga empleyado, maraming nagpo-protesta doon, so we want to calm them down na asahan niyo na pagbabagong mangyayari,” ang sinabi ni Ruiz nang tanungin ukol sa reklamo.

 

 

Ang 74-year-old na si Orbos ay nagsilbi bilang executive secretary at maging transportation and communications secretary sa ilalim ng namayapa at dating Pangulong Corazon Aquino mula 1990 hanggang 1991.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang kongresista ng unang distrito ng Pangasinan mula 1987 hanggang 1990 at bilang gobernador ng lalawigan mula 1995 hanggang 1998.

(Daris Jose)

Ads March 8, 2025

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

5 wanted na ‘rapist’, nalambat sa manhunt ops Caloocan

Posted on: March 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang limang lalaki na pawang akusado sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa pinaigting na manhunt operations kontra wanted persons sa Caloocan City.

Dakong alas-11:20 ng gabi nang makorner ng tumutugis na mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals sa Jasmin St., Bicol Area, Brgy., 175, ang 20-anyos na construction worker na akusado at nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa lungsod.

Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Sub-Station 11 ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez, ng Caloocan City RTC Branch 131, para sa two counts of rape noong February 17, 2025 na walang inirekomendang piyansa

Alas-12:10 ng tanghali nang bitbitin ng mga operatiba ng NPD-DIDMD sa pangunguna ni PCMS Fernando Cortez Jr ang 24-anyos na akusado sa Brgy., 176, Bagong Silang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Glenda K. Cabello-Marin, ng Branch 124, RTC ng Caloocan City, noong November 7, 2019 para sa kasong Rape na may inirekomendang piyansa na P200,000.

Sa Brgy., 176, Bagong Silang parin, inaresto ng mga tauhan ng SS12 ng CCPS ang 24-anyos na lalaki bandang alas-11:00 ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Presiding Judge Lyn L. Llamanares-Gonzalez, ng RTC Branch 120, San Jose Del Monte, Bulacan, noong January 3, 2024, na walang inirekomendang piyansa.

Dinampot ng pinagsamang mga tauhan ng WSS at SS5 ng CCPS sa Brgy. 146, Bagong Barrio dakong alas-11:10 ng gabi ang 24-anyos na lalaki na nakatala bilang Top 5 MWP sa lungsod sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Caloocan City RTC Branch 124 noong December 27, 2024 para sa two counts of sexual assault in relation to Section 5(B) of RA 7610 at rape.

May inirekomendang piyansa ang korte na P360,000 para sa sexual assault subalit, walang inirekomendang piyansa para sa rape.

Habang nadakip sa joint operation ng mga operatiba ng DSOU-NPD, DID-NPD at RIU-NCR sa Kabatuhan Road, Deparo dakong alas-8:00 ng gabi ang 52-anyos na mister sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Caloocan City RTC Branch 131 noong January 27, 2025 para sa four counts of rape na walang inirekomendang piyansa.

Pinuri ni P/Col. Si Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang hindi natitinag na pangako ng mga operatiba sa pagsubaybay at paghuli sa mga akusado, na nagpapatibay sa dedikasyon ng NPD sa pagtataguyod ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. (Richard Mesa)

‘DEMON’ CHILD SEX TRAFFICKER NA SI TEDDY MEJIA, CONVICTED NA

Posted on: March 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKINAGALAK ni dating kalihim at ngayo’y tumatakbo sa pagka-senador Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang conviction ng tinagurian niyang “demon” child sex trafficker na nanggahasa ng may 111 menor de edad.

 

Ayon kay Brig. Gen. Portia Manalad, direktor ng Women and Children Protection Center (WCPC), na kasama ni Abalos sa United Arab Emirates noong Setyembre ng nakaraang taon para arestuhin si Teddy Jay Mojeca Mejia, na umaming guilty ang child trafficker sa naging paglilitis ng Branch 88 ng Nueva Ecija at Branch 29 ng Nueva Vizcaya.

 

Ikinuwento ni Manalad na sinimulan ng WCPC noong panahon ni dating kalihim Abalos ang imbestigasyon laban kay Mejia noong 2023 matapos matuklasan ang isang Telegram channel na nagbebenta ng child exploitation materials. Kalaunan, natunton si Mejia sa United Arab Emirates (UAE), ngunit naging hamon ang kanyang paghuli dahil sa internasyonal na saklaw ng kaso.

 

Binigyang-diin ni Manalad ang mahalagang papel ni Abalos sa matagumpay na operasyon laban kay Mejia.

 

“Humingi kami ng tulong sa DILG, at sa kabutihang-palad, si Sec. Abalos ay nagbigay ng suporta gamit ang kanyang koneksyon sa Ministry of Interior ng UAE,” ani Manalad.

 

“Malaking bagay ang kanyang direktang pakikipag-ugnayan sa kanila upang maisakatuparan ang operasyon.”

 

Ayon kay Manalad, matagal ng adbokasiya ni Abalos ang proteksyon ng mga bata laban sa online exploitation.

 

“Binigyan ko ng utos ang ating mga ahensya na tutukan ang online exploitation and abuse of children. Naging prayoridad ito ng gobyerno, lalo na sa DILG,” ani Manalad.

 

Nasakote si Mejia sa UAE noong Setyembre at inuwi sa Pilipinas sa tulong ni Abalos at ni Gen. Manalad matapos ang koordinasyon sa UAE at Interpol. Nahaharap siya sa mga kasong qualified trafficking, statutory rape, at paglabag sa Republic Act No. 9802 at Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

 

Natukoy na 111 menor de edad, kabilang ang mga bata mula sa Taguig City na nailigtas noong Setyembre 9, 2024, ang naging biktima ni Mejia. Lumabas din sa imbestigasyon na mayroong 9 na bansa na nagkaroon ng access sa kanyang ilegal na materyales

 

Tinawag ni Abalos si Mejia na isang “demonyo” na sadyang nagta-target ng mga batang matatalino at mahiyain. “Isipin mo, 9 years old, 10, 11 musmos na musmos ang mga batang ito. Kapag ayaw na ng bata, tinatakot niya sila gamit ang mga pekeng hubad na larawan,” ani Abalos.

 

Dahil sa insidenteng ito, muling nanawagan si Abalos sa mga bansa na magpasa ng batas na magpaparusa hindi lamang sa mga gumagawa ng ganitong materyales kundi pati na rin sa mga nanonood at nagda-download ng child exploitation materials.

 

“Ang hindi alam ng marami, ang bawat click sa ganitong materyales ay isang paglapastangan at panggagahasa ng maituturing. Ang bawat bansa ay may responsibilidad na protektahan ang mga bata at dapat tayong makiisa sa pagpasa ng batas na magbabawal sa ganitong gawain,” aniya.

 

Bilang bahagi ng kanyang kampanya laban sa online child exploitation bago umalis sa puwesto upang tumakbo sa pagkasenador, naglabas si Abalos ng Memorandum Circular 2024-140 na nag-aatas sa lahat ng local government units na bumuo ng kanilang sariling ordinansa laban sa online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM), alinsunod sa Republic Act 11930.

 

Sinabi naman ni Manalad na dahil sa ginawang pagkaaresto kay Mejia, nagkaroon na ng malinaw na programa ang mga lokal na pamahalaan kasama ang mga barangay. “Mas naging aktibo sila upang mabigyan ng awareness at magkaroon ng mga referral mechanism kung saan pwedeng mag-report sa mga barangay. Kasi sa barangay, mas komportable at mas kilala ng mga bata kaya mas komportable silang magbigay ng impormasyon,” ayon kay Manalad. (PAUL JOHN REYES)