• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

VP Sara: Legal team naghahanda na vs impeachment trial

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na pinaghahandaan na ng kanyang legal team ang napipintong pagdaraos ng pagdinig laban sa impeachment complaint na kanyang kinakaharap sa Senado.

Ayon kay VP Sara, bago pa man maganap ang pag-aresto sa kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay nabuo na ang legal team na hahawak ng kanyang impeachment.

“So, on that point, okay na sila and they are preparing for trial,” pahayag pa ni VP Sara, sa panayam sa telebisyon.

Kahit naman nalalapit na ang pagdinig sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya, sinabi ng bise presidente na hindi pa niya maaaring iwanang mag-isa ang kanyang ama sa The Netherlands hanggang hindi pa pinal kung sinu-sino ang magtatanggol sa kanya sa kinakaharap na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

“Ang dito lang kasi sa ICC, hindi pa mabuo ‘yung team kasi we are waiting for papers for other lawyers,” aniya.

“So ‘yun yung kailangan kong matapos at kailangan kong ma-introduce ‘yung lawyer in charge for PRRD inside and the outside world doon sa mga kapatid ko and sa kay Cielito, para pwede na akong bumalik sa Pilipinas at bumalik na lang dito kapag kailangan,” aniya pa.  (Daris Jose)

Pulis sa Maguindanao, magsisilbing board sa halalan

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISILBING  miyembro ng board para sa May national and local elections sa buong Maguindanao ang mga pulis.

Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia kasunod ng naging consensus ng en banc para matiyak ang seguridad sa lalawigan.

Sinabi ni Garcia sa “Meet the Press” forum,  na ang mga guro ay hindi na rin itatalaga bilang mga board sa araw ng halalan.

Nauna nang inihayag ng Comelec na may mga miyembro ng Philippine National Police na sinasanay para magsilbi sa eleksyon sa mga lugar na may iniulat na may karahasan.

Nabanggit din ni Garcia may rekomendasyon din sa kanila ang electoral board ng Maguindanao na isailalim sa Comelec control ang buong lalawigan kasama ang del Norte at del Sur pero ito aniya ay pag-aaralan pa.

Sa ngayon, ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ang inirerekomenda ni Garcia na isaialim sa Comelec control kasunod ng mga insidente ng pagpatay kung saan ang huling insidente ay nito lamang Miyerkules ng umaga nang pagbabarilin ang election supervisor at asawa nito sa Datu Odin Sinsuat. (Gene Adsuara)

Main campus at mga satellite campuses ng Cavite State  University aatakehin ng isang naka-corporate attire  

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULI na namang nakatanggap ng babala  ang Cavite State University (CAVSU), Main Campus  na papasukin ng dalawang katao ang mga campuses nito at aatakehin.

Sa natanggap na email bandang alas-6:00 kamakalawa ng umaga, mula sa isang “anonyyymoussszzz2gmail.com” ng kanilang Central Student  Government (CSG) CAVSU na nagsasaad  ang isang planong pag-atake sa kanilang main campus sa Indang, Cavite at kanilang mga sattelite campuses.

Nakasaad din sa email na dalawang di nakilalang kalalakihan na nakasuot ng isang kulay itim na cap at naka-corporate attire ang papasok sa nasabing campus gamit ang isang CAVSU Identification Cards na siyang gagawa ng pag-atake.

Hindi naman binanggit kung kailan at anong oras gagawin ang pag-atake sa mga campuses ng CAVSU.

Dahil dito, agad namang  ipinag-utos naman ang pamunuan na makipag-coordinate sa pulisya.

Matatandaan na una nang naatanggap ng tawag ang halos sabay-sabay ang limang campuses ng CAVSU kabilang ang kanilang main sa Indang, Bacoor, Carmona, Silang at Cavite City   na umano’y pasasabugin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa kasong ito. (Gene Adsuara)

Pekeng mga Pinoy, ginagamit upang makapagtayo ng negosyo sa Mindanao

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang isang sindikato kung saan mga pekeng pangalan ng Filipino ang ginagamit upang makapagtayo ng negosyo at nangunguha ng dayuhang empleyado.

Isa isa mga inaresto ay kinilalang si alyas Didit, 50, isang Chinese national sa Digos City, Davao Del Sur na may negosyong hardware na nakarehistro sa isang Filipino na kasalukuyan ngayon iniibestigahan.

Ayon kay BI intelligence division deputy chief for Administration & Operations – Mindanao, Melody Penelope Gonzales, tumulong sa pagkakaaresto kay Pan ang mga operatiba ng   Philippine Army’s 39th Infantry Battalion, 1002nd Brigade, 10th Infantry Division, Philippine National Police, at ang government intelligence operatives sa Region 11 dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Base sa datos, si Pan ay may work visa na isniyu ng isang kumpanya sa Pasig subalit nalaman siyang nagtratrabaho sa Davao Del Sur.

Nalaman din mula sa mga Pinoy na empleyado sa hardware na peke lamang ang pangalan ng isang Filipino na nagmamay-ari sa nasabing tindahan.

Samantala, apat pang Chinese national ang inaresto na kinilalang sina Zhongyi Tang, 62; Tianpei Wu, 51; Dezhen Liu, 62; at Wang Lianxu, 53 sa tulong ng intelligence agencies sa  Region 12, National Bureau of Investigation Region 12, Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 at mga opisyal ng  Mlang Municipal Police Station (MPS).

Ang apat ay sinasabing nagtatrabaho sa isang chemical manufacturing plant sa North Cotabato.

Nabatid na nagpakilalang Filipino umano si Liu at nakakuha ng pekeng birth certificate habang ang kumpanya ay naka-rehistro sa isang Pinay na ni minsan ay hindi ito nakita sa kumpanya simula noong itnayo at ang sinasabing may-ari ay isang  Chinese

“These documents and new identities may be used by foreigners with mal-intent, and could be exploited by possible spies embedding themselves in society by pretending to be Filipinos,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. (Gene Adsuara)

Nasawing bumbero na sumagip ng asong na-trap, binigyang pugay

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na nagbigay-pugay at tulong si Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, unang nominado ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist sa burol para kay Rodolfo Baniqued, 52, isang boluntaryong hepe ng bumbero na nasawi sa isang sunog sa Tondo, Maynila makaraang sagipin nito ang isang aso na na-trap.

Tiniyak ni Goitia sa pamilya ni Baniqued na hindi masasayang ang kanyang sakripisyo at ang kanyang  kabayanihan ay magsisilbing inspirasyon sa kanilang grupo upang itulak ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng serbisyong pamatay-sunog. Nangako rin siyang magbibigay ng buong suporta sa lahat ng unang rumesponde, tagapagligtas ng sunog, at mga boluntaryo.

Binigyang-diin din ni Goitia ang pangako ng ABP na ipaglaban ang mas mataas na hazard pay, libreng serbisyong medikal, mas maayos na kondisyon sa trabaho, at insurance coverage para sa mga bumbero—lalo na sa mga nasusugatan o nasasawi sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

“Mas determinado kaming ipaglaban ang mga karapatan ng ating mga boluntaryong bumbero at tagapagligtas. Masakit isipin na ang kanilang mga sakripisyo, pati na ang kanilang buhay, ay maaaring balewalain,” ani Goitia.

Ipinagkaloob din ang kahilingan ng boluntaryong bumbero ang pagkakaroon ng breathing apparatus na makakatulong sa kanilang ligtas na pagpasok sa nasusunog na gusali kahit na makapal na ang usok.

Nabatid na mahigit 20 taon nang naglilingkod bilang boluntaryong bumbero si Rodolfo at maging ang kanyang mga anak at apo ay bahagi rin ng komunidad ng bumbero na handang  isugal ang kanilang buhay upang sagipin ang iba, kahit pa wala silang natatanggap na benepisyo mula sa gobyerno.

Ilan sa kanilang pangunahing prayoridad ay ang pagpasa ng Firefighters’ Welfare Act, na naglalayong itaas ang sahod, hazard pay, at mga benepisyong pangkalusugan. Kasama rin sa kanilang isinusulong ang Fire Equipment Modernization Bill, na magbibigay ng pondo para sa mga makabagong kagamitan sa pagsugpo ng sunog. Bukod dito, isinusulong din nila ang Community-Based Fire Prevention Program upang sanayin ang mga komunidad at mapahusay ang paghahanda laban sa sakuna.

(Gene Adsuara)

LTO, ipinatawag ang kumpanya ng bus dahil sa paglabag sa smoke belching

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari ng isang pampasaherong bus na inireklamo sa ahensya dahil sa umano’y paglabag sa regulasyon laban sa smoke belching.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa kumpanyang nagmamay-ari ng bus na may plakang ABG 4240, batay sa reklamo ng isang concerned citizen.

“Hindi po tayo tumitigil sa paghuli ng mga violations ng smoke belching. Kaya nga nagpapasalamat tayo sa mga concerned citizens na tinutulungan ang inyong LTO para ma-identify at mapanagot ang mga violators,” ani Asec Mendoza.

“Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na i-report sa atin ang lahat ng pag-abuso sa kalsada at iba pang paglabag, at tinitiyak namin na aaksyunan namin ito. Kailangan lang ay magbigay ng proof gaya ng photo para mapabilis ang investigation,” dagdag niya.

Batay sa SCO na inisyu ni LTO-Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante, inatasan ang bus company na magbigay ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa.

Inatasan din ang kumpanya na dalhin ang naturang bus sa LTO North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC) sa LTO East Avenue, Quezon City, o sa LTO South Motor Vehicle Inspection Center (SMVIC) sa LTO SMVIC Compound, Brgy. 191, Domestic Road, Pasay City para sa pagsusuri ng sasakyan.

“Ipinaliwanag ni Asec. Mendoza na ang kautusang ito para sa inspeksyon ay alinsunod sa Section 4 (6) ng Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code.”

Nakasaad dito na: “(6) Ang Commissioner ng Land Transportation o ang kanyang mga kinatawan ay maaaring suriin at inspeksyunin ang anumang sasakyan anumang oras upang matukoy kung ito ay rehistrado, hindi kaaya-aya, hindi ligtas, labis ang karga, may maling marka o kagamitan, o kung ito ay hindi akmang gamitin dahil maaari itong magdulot ng labis na pinsala sa mga lansangan, tulay, o culverts.” (PAUL JOHN REYES)

Dry season idineklara na ng PAGASA

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA na ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season o ang mainit na panahon sa bansa.

Ito ay nang kumawala na ang hanging amihan o Northeast Monsoon na nagdadala ng malamig na panahon at napalitan na nang pagpasok ng easterly dahil sa pagkakaroon ng High Pressure Area (HPA) sa may hilagang kanlurang Pasipiko.

Dulot nito, asahan na ang maalinsangang panahon at ihip ng mainit na hangin sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na kung walang gagawin ay iwasan ang paglabas ng bahay mula 10am-4pm para makaiwas sa anumang sakit na maaaring dalhin ng mainit na panahon tulad ng mga sakit sa balat, heat cramps at heat stroke.

Kung lalabas ng tahanan ay magsuot ng maaliwalas na damit at ugaliing magdala ng inuming tubig para iwas dehydration.

Ads March 27, 2025

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Higit 400K na residente ang nakikinabang sa ‘Aksyon Agad’: Cong. ARJO, naging emosyonal sa kanyang unang ‘SODA’

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGING emosyonal at hindi napigilang maluha ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” sa kanyang  State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong Lunes, ika-24 ng Marso.
Ang bilis talaga ng panahon dahil naka-tatlong taon na pala si Arjo sa pagiging kong­resista at ito pa lang ang una niyang pagsabak sa pulitika.
At dahil sa natamo niyang tagumpay ay marami siyang pinasalamatan at isa nga rito si Mayor Joy Belmonte na naging mentor niya, na labis-labis ang papuri sa kanya dahil sa rami ng kanyang nagawa at naitulong sa nasasakupang unang distrito ng Quezon City.
Buhos din ang suporta ng kanyang pamilya lalo na nina Papa Art Atayde at ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, ganun din asawa niyang si Maine Mendoza.
Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.
Binigyang diin din niya sa nasabing privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito, District 1 of Quezon City, na kailangan talaga ng suporta ng national government.
Ang isang standout project ni Cong. Arjo ang ‘Aksyon Agad’ na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.
Kaya sa bandang huli ng kanyang speech ay mas naging emosyonal siya at di talaga napigilang umiyak.
Overwhelmed siya sa mga dumalo sa kanyang SODA na pinangunahan ni Mayor Joy, Senator Erwin Tulfo, Vice Mayor Gian Sotto, SBP Partylist nominee RJ Belmonte at marami pang ibang namumuno at, sektor sa Quezon City.
Kahanga-hanga ang galing na mag-speech ng aktor/pulitiko, dahil with conviction ang kanyang mga salita habang nagtatalumpati.
Sa isang komprehensibong State of the District Address (SODA) iniulat ni Cong. Arjo na mahigit 400,000 indibidwal ang direktang nakinabang sa kanyang mga signature na programang “Aksyon Agad” mula nang maupo noong 2022.
“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” ayon sa lawmaker, as he detailed the impact of his office’s initiatives in employment, education, health, youth development, disaster response, and infrastructure.
Sa kanyang speech, idiniin din niya na, “projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat.”
Kabilang sa mga pangunahing tagumpay na kanyang itinampok ay ang mga sumusunod:
 – 11,498 manggagawa ang tumulong sa pamamagitan ng TUPAD emergency employment program
 – 1,500 aplikante na konektado sa mga trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng Taiwan Job Fair
 – 1,100 residente ang nagsanay sa ilalim ng TESDA at iba pang mga hakbangin sa kabuhayan
 – 245 maliliit na negosyante na suportado ng ₱15,000 na kapital sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program
 – 60 dialysis na pasyente sa isang araw na tumatanggap ng libreng paggamot sa bagong pasilidad ng distrito
 – 75,466 indibidwal na nabigyan ng tulong medikal
 – 4,598 mag-aaral na tumatanggap ng CHED educational aid, at 1,410 scholars na suportado sa ilalim ng Tulong Dunong at SMART
 – 132,567 pamilya ang nakikinabang sa Rice Distribution Program
 – 65,300 residente na tumatanggap ng libreng pagkain sa pamamagitan ng Kusina on Wheels
 – 64,000 pamilya ang nabigyan ng Pamaskong Handog noong kapaskuhan
 – 7,789 pamilya ang tumulong matapos ang sunog at 3,501 pamilya ang nagbigay ng tulong sa burial
 – 40,684 indibidwal ang nagpaabot ng tulong pinansyal para sa iba’t ibang pangangailangan
Ayon kay Arjo, “sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang makakatulong sa inyo.”
“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, mabilis, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao… Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at pamilyang naiangat.”
Sa edukasyon at youth development, binahagi niya na, “sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral” while “a total of ₱2,817,000.00 in cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”
Ipinunto din ng bagitong mambabatas ang mahalagang papel ng pag-unlad ng palakasan nang ihayag niya na ang Aksyon Agad Sports Program ay sumuporta sa 987 kabataang atleta, habang ang Inter-Barangay Youth Program at Council League na inilunsad sa kanyang unang termino ay pinalawak upang mapaunlad ang pagkakaisa at disiplina.
“Sa susunod na taon, lalawak ang programa upang isama ang badminton, chess, darts, at bowling—nagbibigay ng pagkakataon sa mas maraming residente na lumahok at palakasin ang ugnayan ng komunidad,” pahayag pa ni Cong. Atayde.
Isinara ni Arjo ang kanyang ang SODA sa pamamagitan ng pasasalamat sa kanyang asawang si Maine, pati na rin sa kanyang pamilya, sa kanilang suporta.  Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga nasasakupan, at sinabing hinding-hindi niya pababayaan ang kanilang tiwala.
 “Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin… Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down.”
(ROHN ROMULO)

Football team ng bansa tinalo ang Maldives 4-1

Posted on: March 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAHIYA ng Philippine men’s national football team ang Maldives 4-1 sa third round ng AFC Asian Cup 2027 Qualifiers.
Unang nakapagtala ng goal si Jefferson Tabinas na kaniyang naipasok sa loob ng 15 minuto sa laro na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.
Pagkataos ng ilang minuto ay naipasok ni Bjorn Kristensen para makuha ng Pilipinas ang 2-0 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.
Pagpasok ng second half ay naipasok ni Ali Fasir ng Maldives ang goal sa loob ng 62 minuto para makuha ang 2-1.
Sa mga sumunod na minuto ay naipasok ni Randy Schneider sa loob ng 77 minuto para makuha ang 3-1 at sa ika-92 minuto ay naipasok ni Sandro Reyes ang huling goal at maiselyo sa 4-1 ang laro.
Hawak na ng Pilipinas ang 1-0 na kalamangan sa Group A kung saan susunod na makakaharap nila ang Tajikistan, Timor-Leste sa double-round robin.