• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2025

Riding-in-tandem na tumakas sa Oplan Sita sa Valenzuela, buking sa boga

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng dalawang kelot, kabilang ang 19-anyos na estudyante nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis sa Oplan Sita habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nadakip ng kanyang mga tauhan ang 21-anyos na auto mechanic mula sa Bagong Barrio, Caloocan City, at 19-anyos na automotive student mula sa Brgy. Gen. T. De Leon.

Ani Col. Cayaban, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 sa harap ng Gen. T. De Leon National High School nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at muntik pang masagasaan ang isa sa mga pulis kaya hinabol sila ng mga ito hanggang sa makorner sa isang dead-end na lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nang kapkapan, nakuha sa estudyante ang isang caliber .9mm Pistol na kargado ng anim na bala sa magazine nito, habang ang motorsiklong gamit nila ay kinumpiska rin bilang bahagi ng imbestigasyon.

Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceeding sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa isinampang mga kaso laban sa kanila na paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) of the Revised Penal Code at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

LGUs, pinapayagan na ngayon na umutang ng NFA rice -Malakanyang

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAPAYAGAN na ngayon ang Local government units (LGUs) na umutang ng National Food Authority (NFA) rice.

Inihayag ito ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro matapos na makapulong si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., araw ng Miyerkules.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaalam ni Castro kay Tiu Laurel ang sentimyento ng ibang LGUs na hindi kayang bumili ng bultong NFA rice.

 

Ani Castro, ang LGUs na kapos ang pondo ay kailangan na makipag-ugnayan sa Food Terminal Terminal Incorporated (FTI) para sa credit purchase ng NFA rice.

 

“Ang sabi sa atin ni DA Secretary Laurel, puwedeng kumuha ng bigas, utang, kausapin ang FTI,” ang sinabi ni Castro.

 

 

“Puwede silang magbayad after. So ‘yun po ang good news. Hindi po kailangang maglabas ng cash ang LGUs na hindi po kakayanin na bumili kaagad ng NFA rice. So, makipag-ugnayan lang po sa FTI at sila po mabibigyan,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, pinayuhan ni Castro ang LGUs na magbenta ng NFA rice sa presyong P33 per kg. sa halip na P35 para pagaanin ang kalagayan ng mga consumers.

Nagpapatupad ang NFA ng iba’t ibang estratehiya para paluwagin ang espasyo ng bodega nito para sa local palay procurement sa buong bansa, sa gitna ng mabagal na pagbibitiw ng rice stocks sa LGUs.

Matatandaang, hinikayat ng NFA ang LGus na bilisan ang pagkuha ng NFA rice mula sa DA, sa pamamagitan ng FTI, sa ilalim ng food security emergency para sa bigas.

Tinatayang 70 LGUs ang nagpahiwatig ng kanilang interest na makakuha ng NFA rice.

Sa ngayon, tanging ang San Juan at Navotas sa Metro Manila at Camarines Sur sa Bicol Region ang nakakuha ng inisyal na ipinalabas na NFA rice. (Daris Jose)

Gobyerno, gumagawa ng ‘urgent, decisive’ na aksyon para tugunan ang problema sa malnutrisyon – PBBM

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ang goboyerno ng ‘urgent, decisive, at multisectoral action” para tugunan ang problema sa malnutrisyon sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2024 NATIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Lungsod ng Quezon, araw ng Biyernes, Marso 7, sinabi nito na naglunsad ang kanyang administrasyon ng ilang pangunahing government programs para masiguro na ang mga filipino, lalo na ang mga bata ay makatatanggap ng tamang nutrisyon.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng Punong Ehekutibo ang masamang epekto ng malnutrisyon sa ‘cognitive development at kinabukasan ng mga mga batang Filipino.

 

 

“While we have made significant progress, it cannot be denied the Philippines continues to face complex nutritional challenges. Malnutrition exists at alarming levels across different stages of life throughout our country and it has multivarious effects,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Pangulo na binago ng Department of Health (DOH) ang polisiya nito para mapahusay pa ang serbisyo ng departamento pagdating sa ‘preventive at curative phases ng healthcare.’

 

 

“We have, first of all, changed the policy wherein we have moved, shifted – not changed but shifted the policy of the Department of Health where we are trying to improve our services in terms of the preventive phase of healthcare. And the curative phase, of course, I think is very clear. But the preventive phase, and that includes nutrition,” ayon sa Pangulo.

 

 

Aniya, maging ang Department of Agriculture (DA) ay kumikilos para tiyakin na ang mga Filipino ay hindi lamang nakakukuha ng sapat na pagkain kundi nakatatanggap ng tamang nutrisyon.

“Furthermore, even in the Department of Agriculture, we have stopped talking about simply food supply. We have now started talking about nutrition. It is not sufficient that we have this – that we have enough – everything to eat. If the family, especially the child, are not still eating the right things. And that is why we have a program with DSWD that addresses that problem,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

Winika pa ng Chief Executive na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglunsad din ng bagong cash grant sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) binansagan bilang First 1,000 Days of Life para protektahan, ilayo ang mga bata mula sa pagkabansot at malnutrisyon.

“After that, we have feeding programs in school, we have feeding programs that allow – that make sure… Mayroon tayong bagong sistema ngayon pagka ‘yung – binibigyan natin na kasama sa feeding program mayroon silang booklet at parang sinasabi sa bawat linggo ito ‘yung dapat na makuha kayong carbohydrates, pero dapat mayroon din kayong gulay na ganito, dapat mayroon din kayong… So, ‘pag inubos mo na ‘yung isa, kailangan ‘yun na lang ‘yung natitirang kukunin niyo. That way, we somehow balance,” ang sinabi pa rin ni Pangulog Marcos.

“So, nutrition is the key. And that is why this is such an important event because we have seen the initiatives of the local governments,” dagdag na wika nito.

 

 

“In that way, we somehow balance. So, nutrition is the key because we have seen the initiatives of the local government,” ang sinabi p rin ng Pangulo sabay sabing P350,000 ang ilalaankada buwan para sa mahigit na 68,000 4Ps households na may mga buntis at mga batang may edad na 0 hanggang 2.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng DSWD ay naglalayon na bawasan ang insidente ng voluntary hunger sa hanay ng low-income households.

 

 

“These efforts align with the goals of the Philippine Development Plan, which sets the target of achieving zero hunger by 2028, as part of our commitment to sustainable and inclusive growth,” ayon sa Chief Executive.

Subalit, hindi aniya nag-iisa ang National Government sa laban na ito. Sa pamamagitan ng suporta at kaukulang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at kani-kanilang chief executives, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na “we can achieve more and cover more ground in this fight that we have started.”

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DILG na tiyakin na ang ‘healthcare at nutrisyon’ ay kasama bilang priority indicator sa Seal of Good Local Governance.

“We are looking again at the criteria that — as being examined when granting the Seal of Local [Governance] and I insisted that healthcare be part of that: healthcare in terms of nutrition, healthcare in terms of vaccination, in terms of access to health services. These are the things that are very, very important. We really must take to heart the very painful lessons of the pandemic,” ang bahagi pa rin ng talumpati ng Pangulo.

“Huwag natin… Nahirapan tayong lahat sa pandemya. Lahat tayo — we have all suffered losses to our families, of our loved ones. And so, let not that pain that we suffered through go to waste. Let us use that and learn the lessons of the pandemic and build up our healthcare system, build up our nutritional system. It’s the only way to go,” anito.

 

 

Pagtiyak aniya ito na ang whole-of-nation approach ay isinusulong habang sumusulong ang gobyerno sa layunin nito na i-promote ang kalusugan at nutristyon ng ‘future Filipino generations.’

Muli ay hinikayat ni Pangulong Marcos ang lahat ng local chief executives na “commit to providing your counterpart investments in nutrition, especially for nutritionally at-risk pregnant mothers, for the First 1,000 Days of Life of children and beyond.”

 

 

Mahalaga aniya na ang sapat na ‘health at nutrition interventions’ ay pinagsama sa Annual Investment Plan ng bawat isang local government unit.

 

“Investing in human capital is the key to securing our nation’s future. Therefore, let us intensify our commitment to breaking the cycle of intergenerational malnutrition by looking after the welfare of our people—especially pregnant women, mothers, and their children,” ang litaniya ni Pangulong Marcos.

 

 

Lalo pa aniyang paigtingin ang mga magagandang gawain para masugpo ang problema sa malnutrisyon.

“Mga kababayan, ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon ay hindi lamang nakukuha sa pagkain nang tama, kundi pati rin sa pagsigurong mayroon tayong malinis na kapaligiran, ligtas na komunidad, at matiwasay na pamumuhay,” ayon sa Pangulo.

“Patuloy tayong magtulungan at pairalin ang disiplina sa lahat ng oras upang makamit natin ang isang tunay na mapayapa, malusog, at masaganang Bagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

BI personnel, ipinag-utos nang tuluyang sibakin at kasuhan dahil sa pagtakas ng puganteng Korean

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado ang agarang pagsibak sa empleyado na isinasangkot sa pagtakas ng high profile na puganteng Korean, base sa bagong nakuhang footage sa CCTV at testimonya na mga ebidensiya na nakuha ng ahensiya.

 

Ang kasong criminal ay naisampa na sa Department of Justice (DOJ).

“This footage is damning evidence—hindi ito simpleng kapabayaan. The movements and interactions caught on camera strongly indicate collusion,” ayon kay Viado.

 

Adding to this, we have secured additional testimonial evidence that further strengthens our case against those involved,” dagdag pa ni Viado

 

Base sa CCTV footage na kasalukuyang pinapag-aralan ng mga imbestigador ay nagpapakita umano na tinulungan ng BI Officer ang pagtakas ng nasabing pugante, maging ang mga salaysay ng ilang saksi.

 

Sinabi pa ni Viado na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon, gayunman ang nakalap na mga ebidensiya ay matibay na para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable.

 

“This is no longer just an internal disciplinary matter—this is a full-blown criminal case. The DOJ will take over, and we will ensure that those who betrayed public trust are held accountable,” ayon kay Viado.

 

At bilang bahagi ng pagsugpo ng katiwalian, inilagay din sa preventive suspension ang iba pang pinaghihinaaang kasabwat habang isang intenal audit sa lahat ng mga may kasong high-risk deportation and detention ay ipagpapatuloy.

 

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi napaparusahan at nakukulong ang mga may kasalanan para hindi na pamarisan,” ayon kay Viado.

 

“This is just the beginning. The days of corruption, illicit deals, and under-the-table transactions in the Bureau are numbered. Walang sasantuhin—everyone involved will face the consequences,” banta ni Viado.

 

Ang BI ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement at DOJ upang mapabilis ang legal action laban sa mga pinaghihinalaan. (Gene Adsuara)

PBBM sa LGUs: Isama ang health at nutrition initiatives sa kanilang investment plan

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na isama sa kanilang annual investment plan ang ‘health at nutritional initiatives.’

Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa mga LGU’s ang mahalagang papel sa pagtugon sa malnutrisyon sa bansa.

 

 

“It is essential that adequate health and nutrition interventions are integrated into the annual investment plan of each local government unit,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa 2024 National Nutrition Awarding Ceremony at the Crowne Plaza Manila Galleria sa Ortigas Center, Quezon City.

 

“Investing in human capital is the key to securing our nation’s future. Therefore, let us intensify our commitment of breaking the cycle of intergenerational malnutrition by looking after the welfare of our people, especially pregnant women, mothers, and their children,” dagdag na wika nito.

 

Inatasan din ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyakin na kasama ang healthcare at nutrisyon bilang priority indicators sa Seal of Good Local Governance.

Nagpalabas ng direktiba si Pangulong Marcos kasunod ng kanyang “in-depth” discussion kasama ang DILG, araw ng Martes hinggil sa kahalagahan ng pagtugon sa pagkabansot at nutritional issues para palakasin ang foundation ng mga kabataang Filipino at pahintulutan ang mga ito na maging matagumpay sa edukasyon at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

 

Ayon sa Pangulo, ang malnutrisyon at pagkabansot ay nagsisimula sa murang edad at “very difficult to reverse, if actually possible.”

 

“The national government is not alone in this fight. Through the support and corresponding efforts of our local governments and their chief executives, we can achieve more and cover more ground in this fight that we have started,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sa nasabing event, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang high-performing LGUs at local nutrition focal points (LNFP) na may outstanding nutrition program management practices.

 

Pinangunahan ng National Nutrition Council simula pa noong 1978, ang mga LGU awardees ay in- assessed base sa kung paano sila tumupad sa mga polisiya, maglaan ng bufget, magpatupad, at panatilihin ang epektibong nutrition programs.

 

Ang LNFP awardees ay binubuo ng LGU workers na nangangasiwa sa koordinasyon at pamamahala ng nutrition programs, kung saan sinusuri base sa kanilang kakayahan na makipag-ugnayan, mangasiwa at itaguyod ang nutrition initiatives.

 

Samantala, ang LNFP ay naging bahagi ng National Nutrition Awarding Ceremony noong 2021 dahil sa naging pamahalagang papel nito sa pagpapahusay sa nutrisyon sa kani-kanilang lugar. (Daris Jose)

It takes a spy to hunt one, Cate Blanchett and Michael Fassbender star in new spy thriller “The Black Bag”

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
FROM director Steven Soderbergh comes the gripping spy drama, Black Bag, where legendary intelligence agents and married couple George(Michael Fassbender) and Kathryn(Cate Blanchett) Woodhouse balance their dangerous career with their marriage. When Kathryn is suspected of treachery, George must make a choice between his loyalty to his marriage or his country.
Watch the trailer (FB): https://tinyurl.com/bdz5nrfw
Director Soderbergh and screenwriter David Koepp have teamed up before, most recently with the 2024 thriller Presence. This time this unconventional spy drama takes people behind the lives of elite officers who work in the shadows. The idea for Black Bag came to Koepp as he was conducting interviews on intelligence officers for the blockbuster Mission: Impossible franchise. “All the spycraft stuff was very cool, but I learned more than I ever expected about the people,” he says. “One woman told me that her job made it impossible for her to sustain a relationship. A line in the movie was inspired by my conversations with her. ‘When you can lie about everything, how do you tell the truth about anything?’”
The idea of navigating this relationship called to director Soderbergh, and so the collaboration began. “It is an interesting context in which to explore the idea of betrayal,” he says. “The source of most conflict in the world is somebody feeling they have been betrayed or that a trust has been broken. In this situation, both main characters hold a kind of get-out-of-jail-free card because not only are they not obligated to share everything, in some cases they are forbidden to.”
Spy thrillers have always been appealing to writer Koepp, and with Black Bag, he’s made sure that the stakes are as high as it could get.  “People are lying,” he says. “The stakes are astronomical. There’s nothing more fun to write than that. We have all the action, suspense and tension that audiences want from a spy story, plus characters that are compelling and layered. At times, Black Bag becomes more like Who’s Afraid of Virginia Woolf? than Mission: Impossible. That’s a big part of what audiences will respond to. It brought me back to some of the great 1970s films like Klute and All the President’s Men, which were steeped in paranoia and deceit. The feeling of being lied to was very strong in that era and it’s pretty strong in this story as well.”
Black Bag also stars Marisa Abela, Tom Burke, Naomie Harris, Regé-Jean Page, and Pierce Brosnan. The film arrives in Philippine theaters on April 2. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates. (Credit: “Universal Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Ipinagluluksa rin ang pagkamatay ng alagang baboy: SHARON, labis ang pasasalamat sa jewelry at pouch na bigay ni KC

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
LABIS ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang eldest daughter na si KC Concepcion para sa binigay nitong jewelry at pouch mula sa America.
Caption ni Mega, “Baby #1, my eldest @kristinaconcepcion just sent me these! And they are beautiful. More beautiful though, are her words.
“Thank you from the bottom of my heart, Toot! I love you. @avecmoijewelr.”
Na nireplayan naman ni KC ng, “Gahhh I’m super kilig
Makikita sa IG post ni Sharon ang gold ‘bloom’ earrings at necklace na may pendant na letter ’S’ na mula ng signature ni Sharon.
Kasama rin sa pinost niya ang personal messages ni KC tungkol sa dalawang alahas na siya mismo ang nag-design.
Sa kasunod na post ni Sharon ang sosyal na pouch, “@kristinaconcepcion ‘s pasalubong from the States! PINK and pearly just for Mama! Thanks again, baby! I love you!
Marami nga ang natuwa sa post ni Mega, dahil okay na okay na naman silang mag-ina.  Marami rin ang pumansin sa magandang permanship ni KC, na tulad ni Sharon ay maganda rin ang mga strokes and curves.
Anyway, few days ago, isang malungkot naman na balita ang pinost ni Sharon dahil sa pagkamatay ng alaga nilang baboy sa farm na si Bacon, kaya sobra niya itong ikinalungkot.
“Our hearts are crying… Our favorite pig in our farm, our Bacon, suddenly passed away,” pahayag ni Mega.
“She just refused to wake up that morning, having refused food for a couple of days before then.
“We love you, our baby girl…
“Thank you for the love and happiness you gave all of us – even your barkada, our farm dogs (because you forgot you were a pig the moment the piggies ostracized you but the dogs were kind – that you even learned how to ‘bark’ like them!).
“We will always remember you and will always love you. @kiko.pangilinan On March 1, 2025, Bacon our farm mascot breathed her last.
“She was 13 years old. Run free in Pig Heaven, Bacon!” Say pa ni Mega.
Marami namang netizens ang nakiramay sa pagpanaw ni Bacon kasama na ang mga kaibigang celebrities.
(ROHN ROMULO)

Tuwang-tuwa at napahanga siya ni Herlene: CRIS, dedma na lang kung ‘di siya nakikilala ng ibang young stars

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ISA sa madalas maging isyu ngayon ay ang tungkol sa ilang young stars na hindi marunong magbigay-galang o respeto sa mga senior o veteran stars.
Kaya natanong namin si Cris Villanueva kung siya ba ay nakaranas ng sitwasyon kung saan hindi siya pinansin o binati ng katrabaho niyang mas nakababatang artista.
Aniya, “Hindi ko na iniintindi yung ganun.
“Basta ako feeling ko, pagka hindi nila ako nakikilala, okay lang.
“Kasi naaalala ko nung baguhan din ako, talagang pinipilit kong alalahanin yung mga mas beterano, para hindi ako masabihan ng ganun at napaka-stressful din nun, di ba?
Parang kung minsan talagang hindi mo na sila napapanood, nagbalik galing sa ibang bansa tapos biglang sumalang, yun pala beterano pala, so nakaka-stress din.
“So hindi ko na binibigyan ng problema yung mga young stars natin, na parang hindi nila ako nakikilala, okay lang.
“I mean, you know, sa akin kasi marami na rin namang siyempre talagang bagung-bagong or yung mga hindi talaga nanonood, biglang naging artista, hindi inabutan ang That’s Entertainment, hindi naman nanonood ng mga palabas ko, so okay lang.”
Dating miyembro si Cris ng sikat na teen-oriented show na ‘That’s Entertainment’ ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno noong dekada otsenta.
Ngayon namang 2025 ay kasali si Cris sa GMA series na ‘Binibining Marikit’ kung saan siya ang gumanap na ama ni Herlene Budol na bida sa naturang programa kasama ang iba pang new generation stars tulad nina Tony Labrusca, Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras at ang male pageant winner-turned Sparkle artist na si Kevin Dassom.
Kumusta katrabaho ang mga kabataang artista ng Binibining Marikit sa set?
“Dito lahat ng nakatrabaho ko dito, very polite. “Talagang nagpapakilala agad, pagpasok ng tent, ‘Ay ako nga pala si ano’, and I like that.
Nakakatuwa yun para sa akin na ganun sila.
“Siguro tinuruan or napagsabihan, but it feels nice para sa katulad ko, na yun nga, they go out of their way to introduce themselves.
“Dito sa set namin kasi masaya e, na parang from the start naman nandun ako, so parang nag-bond kami agad ng mga bagets, ng mga co-stars ko, so ang sarap.
“Lalo si Herlene, totoo yung sinasabi nila na iba yung energy ni Herlene e, hindi siya… basta binitbit niya lahat, kasi ano siya e, bubbly siya talaga.”
“Life of the party” kumbaga si Herlene kapag nasa taping sila?
“Yes, oo,” pakli ni Cris.
Kumusta gumanap na tatay ni Herlene?
Lahad ni Cris, “Madaling makipag-bond sa kanya kasi ano siya, very open siya e.
Katulad nga nung game na game siya, pag tinanong mo, sagot siya, hindi lang siya showbiz. Wala yung nag-iisip na baka makasira ng image, walang ganun, e. 
“Basta sasabihin niya agad sa ‘yo e, ‘Tay okay lang ba, ganito yung gawin?’ ‘Oo’, sabi kong ganun.
“Ano siya, very open, nakakatuwa kasi seryoso siya sa ginagawa niya, kahit na sabihin nating para siyang luka-luka na dire-diretso magsalita, seryoso siya.
“Meron siyang nag-a-advise sa kanya on how to attack it, pero meron siyang sariling atake na nakakatuwa, pati yung words na ginagamit niya, minsan nagugulat ako,” at natawa si Cris, “nakakatuwa.”
Bago ang ‘Binibining Marikit’ ay nag-cameo si Cris sa ‘Mga Batang Riles’ sa isang episode at sa regular show naman ay sa ‘Makiling’ nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ay umere sa GMA nitong 2024; isa itong heavy suspense/drama series.
Ngayon naman ay very light na romantic/comedy ang ‘Binibining Marikit.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Wala pang nilalabas na detalye ang pamilya: ANGEL, nagluluksa sa pagpanaw ng ama sa edad na 98

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PUMANAW na ang butihing ama ng actress na si Angel Locsin. Si Mr. Angel Colmenares sa edad na 98.
Wala pa halos ibang detalye maliban sa pumanaw ito nitong March 5. Sa ngayon, nagre-request daw ang pamilya na maging pribado ang viewing na kung saan nakaburol na ito sa Heritage Park.
At nagpapasalamat sila sa lahat ng nagpapa-abot ng pakikiramay.
Binisita namin ang Instagram account ni Angel, August 2022 pa ang huling update ni Angel sa kanyang IG.
Kasabay sa balitang pagpanaw ng kanyang ama, ang tanong ng halos karamihan, magiging daan na kaya ito para magpakita si Angel?
***
ERVIC, tikom pa rin ang bibig sa reklamo ng kamyang kapatid
TIKOM pa rin ang bibig ni San Juan Coun. Ervic Vijandre.
Simula nang lumabas sa social media ang reklamo ng kanyang kapatid na si Erwin Vijandre at ng misis nito laban kay Ervic ng physical assault.
Bagong taon pa nang mangyari ang diumano’y pananakit ni Ervic sa kapatid. May mga larawan itong ipinost bilang resibo.
Sinubukan naming i-message si Ervic, pero kumpara dati na mabilis itong sumagot, ngayon ay ni hindi ito nag-seen sa message. At hindi rin nag-reply.
Wala pang nakakakuha ng panig ni Ervic. Pero kung titingnan ang social media niya, tila hindi ito nagpapa-apekto at tuloy-tuloy lang sa kanyang mga charity works sa San Juan.
Ang recent post pa niya ay Baclaran Church. Na tila pinapakitang nagsisimba.
Sa totoo lang, kung totoo man ang isyung ito, siyempre ay hindi namin ito nakita kay Ervic bilang mabait naman siya.
Kaya sana, matinding paninira lang ang lahat bilang muli siyang tumatakbo.
(ROSE GARCIA)

P5.548M shabu na nakatago sa laruan, nasabat

Posted on: March 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

AABOT sa 816 gramo ng shabu o nasa kabuuang halaga na P5,548,800 ang nasabat ng Bureau of Customs  sa pamamagitan ng Port of Clark sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforement Agency (PDEA) .

 

Galing umano ang shipment sa Los Angeles, California at dadalhin sa Cagayan de Oro City.

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon na ibinigay ng PDEA dahilan para suriin ng BOC ang 10 piraso ng laruan — isang egg ty at siyam na kinetic sand toys.

 

Sa loob ng laruan ay napansin ang vacuum-sealed  pouches na naglalaman ng shabu batay na rin sa ginagawang pagsusuri ng PDEA.

 

Binigyang diin ni Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes ang kahalagahan ng matibay na pagtutulungan sa iba pang law enforcement agencies sa pagpagpapahusay ng pambansang seguridad at pagpigil sa pagpupuslit ng iligal na droga at kontrabando.

 

Ang tagumpay ng operasyong ito ay resulta ng coordinated at strategic efforts ng Port of Clark – Customs Anti-Illegal Drug Task Force, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police – Aviation Security Group, National Bureau of Investigation – Pampanga District Office, Department of Justice, at mga lokal na opisyal mula sa Brgy. Dau, Mabalacat City.

 

Isang Warrant of Seizure and Detention ang ibibigay laban sa shipment dahil sa paglabag sa Section 118(g), Section 119(d), at Section 1113 paragraph (f), (i), at (l) ng R.A. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng R.A. Hindi. 9165. (Gene Adsuara)